*Janine* Kasama ko ngayon si Arlene at Patricia sa wedding ni kuya Mark at Natasha. Tatlong linggo na rin ang nakalipas mula noong nagkasama-sama kamis a weekend getaway. Iba-iba na rin ang nangyari sa mga buhay namin. Lalong naloka ang kaibigan ko kay Mago dahil pagkatapos nung nangyari sa kanila ni Mago sa resort ay hindi na siya pinapansin nito. Ang totoo, walang sinabi si Arlene tungkol sa nangyari sa kanila. Patricia and I simply assumed dahil sa sinabi niya sa amin. Kung lumipas ang gabi na hindi siya nakabalik sa silid namin, ibig sabihin nun, naisuko na niya ang kanyang p********e kay Mago. I can’t blame her. Tulad ko, hindi pa nagkaka-boyfriend si Arlene kaya alam ko ang sakit na nararamdaman niya dahil isinuko niya ang kanyang p********e sa lalaking hindi naman siya pinapa

