*Janine* Hindi ko alam kung gaano katagal akong niyakap ni Marco. Para kasing ayokong matapos ‘yun, pero siyempre, hindi naman pwedeng tatapusin naming ang gabi na ganun lang ang ginawa. Niyaya ako ni Marco na patuloy na mamasyal. Siyempre, pumayag ako. Sa pagkakataong ito, mas nagiging kampante na kami sa isa’t isa. He held my hand as we walk and to me it was heaven. “I really like the way you dressed now,” saad niya habang naglalakad kami. “Thank you ulit,” nahihiya kong sagot, “ang totoo, pinilit pa ako ni Patricia para suotin ‘to.” “Gusto ko laging ganyan ang ayos mo kaysa ‘yung mga dati mong sinusuot,” saad niya, “bakit ka nga ba mahilig sa panlalaking damit? Napagkakamalan ka tuloy na tomboy.” Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang dahilan ko. Baka kasi hindi ni

