*Janine* Masaya man ako dahil matagumpay na natapos ang operasyon ni Papa, hindi pa rin mawala sa akin ang pag-alala para sa sarili. Ikakasal ako sa isang taong kahit kailan ay hindi ko pa nakilala pero ang mas nakakalungkot, saka pa inamin ni Marco ang nararamdaman niya para sa akin kung kailan na hindi na kami pwede. “Ma, pahinga ka muna,” saad ko sa aking ina. “Ikaw ang dapat magpahinga, Janine,” sagot niya, “hindi ka pa nagpahinga mula noong dumating ka dito kahapon. Alam ko rin na kailangan mo ng oras para sa sarili. Hindi madali ang ginawa mong desisyon. Kailangan mong paghandaan ang magiging kahihinatnan ng ginawa mong desisyon.” Tama si Mama, kailangan ko munang mapag-isa. Nagpaalam ako na pansamantalang umalis muna upang magkaroon ako ng oras na mapag-isipan ang mga kailan

