*Janine* Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang pumayag akong gawin ang kabaliwang naisip ni Patricia. Pagkatapos Ipaliwanag ni Patricia ang mga dapat kong gawin sa balak niya, agad kaming naghanda para isagawa ito. Isang red dress na sobrang hapit sa katawan ang napiling ipasuot ni Patricia sa akin. Mabuti na lang at isusuot ko ang maskarang ginamit ko sa sayaw naming “Dark Horse”. Hindi ako maiilang gawing ang mga napagplanuhan naming dahil hindi kami makikilala ni Stuart. Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang doorbell sa condo ni Stuart. Ilang minute lang ang tinagal bago bumukas ang pinto. Bakas sa mukha ni Stuart ang pagkagulat nang makita ako pero agad siyang bumawi saka ako ningitian. “Hi, pwede bang pumasok?” I tried not to sound nervous. Isinandal niya ang u

