*Janine*
"Janine gising!" natatarantang tawag ni ate Judice sa akin.
"Wala akong pasok ngayon," sagot ko habang nakapikit pa rin ang mga mata.
"Gumising ka nga! May flower delivery para sa'yo, you'll be shock to see kung kanino galing," excited na balita ni ate.
"Flower? Delivery?" nagulat ako. Sino naman ang mag-aaksaya ng pera para padalhan ako ng flowers?
Dahil na-curious ako, agad akong bumangon saka dali-daling bumaba sa may sala. Namangha ako sa nakito ko dahil nagmistulang flower shop ang apartment naming sa dami ng bulaklak na idineliver. Dahan-dahan akong bumaba mula sa ikalawang palapag ng apartment habang nakalagay ang mga kamay sa dibdib ko. Inabot ng isa sa mga delivery boy ang isang card at agad kong tinignan kung sino ang nagbigay ng mga bulaklak para sa akin.
"Lahat ito galing kay Marco Zobel?" nilibot ko ang buong sala.
"Sana naman wala nang iba pang magbibigay sa'yo ng bulaklak," nakita ko siya sa my pintuan - holding a single red, long stemmed rose. Teka, parang nabasa ko na to sa w*****d ah - nung sinorpresa ni Dr. Twain Crawford si Dr. Macy Skye sa istoryang, “First Love... Only Love.”
"Bakit mo ako binibigyan ng bulaklak?" tanong ko.
"Tinatanong pa ba 'yun?" Nakangiti niyang sabi, "Nililigawan kita, at ngayon," he moved closer and then he traced my arms with the rose he was holding, "Gusto sana kitang i-date."
"D-date?"Napatulala ako. Totoo ba to? Si Marco Zobel, nililigawan ako at niyayang makipag-date? Hindi ko maisip kung paano niya ako nakilala at bakit niya ako nagustohan pero hindi na ‘yun mahalaga. Baliw ako kung tatanggihan ko ang alok niyang date. First date ko ‘to at talagang memorable ito dahil isang Marco Zobel pa ang magiging ka-date ko.
_________________________
Kumain muna kami tapos nagtungo sa 4D Max Ride. Teka, eto ba ‘yung sinakyan nina Drake Palma at Alys Perez sa “Seducing Drake Palma” kung saan Wild, Wild West ang pinili ni Alys? Mejo wild ang reaction ni Alys sa napili niya kaya nung tinanong ako ni Marco kung ano ang gusto kong sakyan, I told him siya na lang ang bahala.
“Well then. Miss, sa Jurassic Park nga,” sabi niya.
WTF! Siguro dapat ako na lang ang pumili. So we went inside and wore our shades. Nung simula, I tried to pretend na okay lang ako but then nagsimula nang magsulputan ang mga dinasaurs kaya hindi na ako nakapagpigil. I was so scared but when I am about to scream, he took off my shades and gave me MY FIRST EVER KISS.
Teka nga – may Fairygod-w*****d mother ba ako? Bakit halos lahat ng nangyari sa amin ni Marco ay kahawig sa mga favorite parts ng mga favorite w*****d stories ko? Nakakaloka!
Well anyway, nakuha na ni Marco ang first kiss ko. So ano pa nga ba ang pwede kong ipagkait na pwedeng mangyari sa first date ko? Kaya nung niyaya niya akong mag-star gazing, hindi na ako nagpakipot.
Nakapatong kami ngayon sa hood ng car while enjoying the view of the stars. Ang sarap ng feeling kasi nakapatong ang ulo ko sa braso niya and in a little while, he rolled over me and gave me a nice long, French kiss.
Totooot…. Totooot…. Totooot….
Nagising ako sa katotohanan. Kaya pala mala-w*****d ang love story namin, panaginip lang pala. Haayzzz… in-love na ba talaga ako?
Pinuntahan ko agad si Arlene sa library pagkadating ko sa unibersidad. Doon kasi kami laging nagkikita. Datirati, si Arlene ang madaldal pero ngayon, ako na ang maingay. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa panaginip ko. Pero siyempre, dahil panaginip ko ‘yun, pina-exaggerated ko ang mga kilig moments at dinetalye ko lahat-lahat.
“Buds, nasaktan ako kasi ikaw ang dinate ni Marco,” nagpout si Arlene, “pero okay lang at least ngayon nagkaroon ka na ng totoong love life,” sabi niya sa akin.
“Ewan ko Arlene,” Umupo ako sa harap niya, “Ganito pala pagna-inlove? Hindi mo ba talaga mapipili kung kanino titibok ang puso mo?”
“A basta! Masaya ako sayo. Tara, nagutom ako sa kwento mo. Brunch muna tayo”
Paalis na sana kami nang makita namin ang mga reyna ng tsismis sa campus. Nagmamadali silang tumatakbo palabas ng campus, na ani mo’y hinahabol sila. Ano kaya ang nangyari sa kanila? Siguro may nasagap nanamang tsismis kaya ayon hindi makapaghintay at kailangan pa talagang tumakbo.
Marami kasing tao sa cafeteria kaya napagpasyahan naming doon na lang muna kumain sa Jollibee. Si Arlene ang nag-order at dahil cheat day ko, ‘yung paborito kong “Garlic Pepper Beef” ang pinabili ko.
Nakatanggap ako ng text message habang kumakain kaya agad koi tong binasa.
From: Ate Judice
Bakit ‘di mo sinabi sa akin na nagdate na pala kayo ni Marco? Ang daya mo! Magkasama tayo sa iisang apartment pero nalaman ko pa sa ibang tao.
Nagulat ako sa nabasa ko kaya agad ko itong sinagot.
To: Ate Judice
Ano ang pinagsasabi mo ate? Anong date ang sinasabi mo?
Message Sent.
Hinintay ko ang reply niya.
From: Ate Judice
Kalat na sa buong school ang tungkol sa date niyo ni Marco. Nag-4D Max Ride pa kayo tapos ninakawan ka niya ng halik. You owe me the whole story. Nakakainis ka. Bakit hindi mo man lang ikinuwento sa akin?
Bigla kong nalunok ang kinain ko nang hindi ko nanguya. Date? 4D Max Ride? Nakaw na halik? Panaginip ko ‘yun ah! Agad kong naalala ang mga nagtakbuhang reyna ng mga tsismis sa library.
“Oh no!” Napasigaw ako.
“Buds bakit?” Tanong ni Arlene.
“Buds naalala mo nung kinukwento ko sa’yo ang tungkol sa panaginip ko kagabi?”
“Oo, bakit?”
“Nakita mo bang dumaan ang isa sa reyna ng tsismis habang nagsasalita ako?”
“Hmmn,” napaisip si Arlene, “Nakita ko ‘yung isa sa kanila sa may bookshelves na hindi masyadong kalayuan sa atin. Bakit?”
“Patay!” tinago ko ang mukha ko sa mga kamay ko, “Buds, narinig nila ang kwento ko at inakala nilang totoong nangyari ‘yung mga kinuwento ko. Kalat na sa school na nagdate daw kami ni Marco.”
“I’ll be damn,” napatayo si Arlene, “seryoso?”
Hindi na ako sumagot. Binigay ko na lang ang cellphone ko sa kanya para siya na lang ang bumasa sa convo namin ni Ate. Hindi pa niya natapos basahin ang convo pero may nagbeep na mga anim na messages. Natakot ako sa mababasa ko kaya si Arlene na lang ang pinacheck ko sa inbox.
OMG Janine! Kayo na pala ni Marco! Kaya pala tayo ang napiling front act sa Valentine’s concert nila. Yayain mo naman siyang manood ng practice natin oh.
From: Patricia Sandoval (President of the Dance Troupe)
Are you sure si Marco talaga ang ka-date mo? Kapal naman ng mukha mong managinip ng gising!
From: Donita (ang feeling sikat na kasama ko sa Drama club)
SERIOUSLY! Bakit hindi ko nakitang pinansin ka ni Marco sa campus.
From: Jenna (kaklase ko sa isa sa mga minor subjects ko dati)
YOU MUST BE JOKING! Kahapon lang naging boyfriend ni Nathalie si Marco ah. Hindi ako makapaniwala na tino-two time ni Marco si Nathalie at ikaw pa ang third party. If that is true, bumaba na pala ang taste ni Marco
From: JP (hindi ko maalala kung bakit nakaregister ang number niya sa phone ko, but he is the gay friend of Nathalie)
Miss Del Rosario, this is from the guidance office. We would like to see you at 2PM today
From: 0917*****
WHY WOULD I DATE YOU? I DO NOT EVEN KNOW YOU! I AM BEING CALLED BY THE GUIDANCE OFFICE BECAUSE OF YOUR LIE. AND BECAUSE NATHALIE BELIEVED YOUR STORIES, I GOT BUSTED. YOU ARE GOING TO PAY FOR THIS!
From: 0917***** (Parang si Marco ito)
Now I am definitely dead. Di bale, para lang ‘tong “My Tag Boyfriend” ni Ate MaevelAnne. Ang ganda ng kwento ‘nun, sana magiging ganun din kami ni Marco.
“Asa ka pa!” sabi ng utak ko.