Chapter 4 – Trapped in a Lie

1360 Words
*Marco* Flirting with girls is as easy as piece of cake. It did not take an hour for Nathalie to agree to be my girlfriend. Girls these days! Fifteen minutes ko lang ata siyang tinitigan saka ningitian at siya na mismo ang lumapit sa akin. I did not even say any sweet words. After a word or two, I simply kissed her and she fell for my charm. “Oi pare, ayos ka rin ano?” pang-aasar ni Stuart, “Ganyan ka ba kadesperadong makilala ang mystery girl mo at talagang pinagsabay mo na ang dalawang babae? Akala ko ba one-at-a-time lang ang pagka-playboy mo?” “Gago! Anong pinagsasabi mo dyan?” saad ko. Alam kong inaasar ako ni Stuart pero hindi ako nagpatinag. Ayokong sayangin ang kagwapohan ko sa simpleng pang-aasar lang ng mga kaibigan ko. “So wala ka pa palang alam?” natatawang tanong ni Kaz. “Ano bang dapat kong malaman?” nagkibit balikat na lang ako. Ayokong sirain ang maganda kong gising. Sisimulan ko pang kikilanin si Nathalie para malaman ko kung siya ba ang mystery girl ko. “Wala pare. Sige, puntahan mo na ‘yung bago mong girlfriend. Kanina ka pa niya hinahanap sa amin eh,” sabat ni Angelo. Napailing na lang ako. Halos lahat na naging girlfriend ko ay ganito rin ka-excited makasama ako. They are all excited to show everyone that they will succees in breaking the trend. Besides, gusto talaga nilang ibandera sa lahat na ako ang boyfriend nila. Sino ba naman ang hindi maging hambog na maging girlfriend ko? Matalino, macho, gwapo, mayaman, lead singer ng Adonis band at sporty pa_ wala na atang hahanapin pa dahil nasa akin na ang lahat_ mwuahahaha! Parang kanta lang ni Daniel Padilla ah. _____________________ It was not hard to look for Nathalie. Isa siyang cheerleader, ibig sabihin, s field lang siya tumatambay. I don’t want to waste my time. Kung walang hint na siya ang mystery girl, I’ll ditch her right away. Tatlong buwan na lang at ga-graduate na ako. I must find my mystery girl before that happens. I can’t lose the chance to meet her, baka siya ang babaeng tutulong sa akin upang makapag-move on mula kay Natasha. “Hi Nath – “ PAK! PAK! – dalawang malulutong na sampal ang isinagot niya sa akin. “F*ck!” napamura ako dahil sa lakas ng sampal niya, “What was that for?!” “Anong what was that for, what was that for mo dyan?!” umuusok ang ilong niyang saad. “Hoy Marco, alam kong playboy ka and I know fling lang ang meron tayo pero nakaka-insulto ka! Kung itu-two time mo ako, sana naman yung babaeng ka-level ko at hindi ‘yung isang nobody na si Janine del Rosario!” bulyaw ni Nathalie. “Jani – sinong Janine?” naguguluhan kong tanong. “Ewan ko sa’yo! Magsama kayo ng Janine mo, break na tayo!” sigaw niya sa akin bago niya ako nilayasan. Shet! Sa apat na taong pamamalagi ko sa university, ito ang unang pagkakataong babae ang nakipag-break sa akin. Kadalasan ako ang nakikipaghiwalay at halos sa lahat na pagkakataon, mga babae pa ang nagmamakaawang hindi ako makipagbreak. You got it right! Simula noong nakita ko si mystery girl ay nagpa-palit-palit ako ng girlfriend. Pagnapatunayan kong hindi siya si mystery girl ay agad akong nakikipag-break. But I am not that all bad. I always make sure that my girls were treated lavishly like a royalty. But that’s not the point here. Ang pinaka-kinainisan ko ay hindi ko pa nga nasubukang kilalanin si Nathalie ay break na kami. What if siya nga ang mystery girl ko? Then that would mean that I lost all the chances to get to know her further. _____________________________ “Bakit parang pasan mo ang mundo?” tanong ni Mago nang lapitan ako. “Hiniwalayan ako ni Nathalie dahil sa kumakalat na kasinungalingan,”inis kong sagot. “Huwag mong sabihing sa wakas may nanalo na?” natatawang saad ni Mago, “Nathalie finally broke your record. Siya ang nakipag-hiwalay and she did it within a day.” “Sige, tumawa ka pa!” inis kong saad, “tignan natin kung ano ang gagawin mo kapag ang record mo naman ang mabuwag.” “Matatag ‘to, pare,” turo ni Mago sa dibdib niya, “girls are just my toys.” Sasagot pa sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko. Mister Zobel, this is from the guidance office. We would like to see you in the office at 11AM today. From: 0917******* Hindi ko na sinagot si Mago dahil agad akong tumungo sa guidance office. Batid kong tungkol sa kumakalat na tsismis ang pag-uusapan ni Miss Dominguez. I decided to visit the office earlier para matuklasan ko kung anong tsismis kumalat at upang malaman ko kung sinong babae ang ichinismis na karelasyon ko. I heard name is Janine and if I am not mistaken, she is the only dance troupe member that I have not dated. Ang lakas ng apog ng babaeng ito para angkining idinate ko siya. Is she really that miserable? She will pay for the damage she had done to me. Hinding-hindi ko ito palalampasin. __________________________ “Mr. Zobel, maupo ka” maigting saad ni Miss Dominguez nang pumasok ako sa opisina niya. “Good morning Miss,” pagbati ko. “Hindi na ako magpapa-ligoy ligoy pa. Ilang babae na ang pinaiyak mo in just a month at ano ‘tong narinig kong may idini-date ka na naman? Masyado pa kayong ginabi, I heard you were together until midnight?” hay naku mukhang masama nanaman ang timpla nitong matandang dalagang ‘to. Simula nung nagpapalit-palit ako nang girlfriend ay pinag-iinitan na niya talaga ako. “Alam mo naman pong ang daming umaangkin sa akin bilang boyfriend. Baka isa lang ‘yan sa mga babaeng pinagpapantasyahan akong maging ka-date,” pagpapaliwanag ko. Ang totoo, talagang hindi ako umaamin na ma’y ka-date ako. Ayokong isipin ng mystery girl ko na hindi na ako available. Ang gusto ko, pagnakilala ko na siya ay popormahan ko na agad para hindi na maagaw. Mahirap ring maunahan. “Naku Marco, huwag mong itanggi ito kasi marami ang nakakita sa inyo ni Janine! At kilala ko si Janine del Rosario, tahimik na bata ‘yun,” sabi niya sabay irap. “Janine del Rosario? Wala akong maalalang Janine del Rosario,” napaisip ako. “I will be talking to her at 2PM today and I want you to be here. Gusto kong magkaharap kayo habang tinatanong ko kayo at nang magkaalaman kaagad,” sabi niya saka niya ako dinismiss. Ano ba ang ipinagkakalat ng Janine del Rosario na ‘yan? Bakit ba naging matunog sa buong campus ang tungkol sa amin? Matanong nga itong Student Assistant. Siguro naman with my charms ay makakakuha ako nang konting impormasyon. “Hi miss,” sabi with matching wink. “Hi Marco,” malandi niyang sagot. “Ahm, pwedi bang matanong anong tsismis ang kumalat tungkol sa amin ni Janine del Rosario?” “Ah yung romantic date niyo na nalaman ni Nathalie kaya ka hiniwalayan?” nakangisi niyang tanong. Ang bilis talaga ng tsismis! Wala pang isang oras akong hiniwalayan ni Nathalie, umabot na kaagad sa guidance office ang balita. I really need to know who this Janine del Rosario is. I need to know how I can make her pay for trouble she caused me. “Ahm, miss?” I gave her a sweet smile, “pwede ko bang makita ang personal files ni Janine?” “Naku sorry Marco, confidential kasi ang mga personal profiles ng mga studyante sa university,” tanggi niya. “Baka pwedi mong magawan ng paraan kapalit ng front row seat sa concert namin?” Nakita kong biglang kumislap ang kanyang mga mata sabay sabing, “Sige ipapa-photocopy ko. Balikan mo dito ng mga lunch time dahil wala si Miss Dominguez at that time.” Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at saka nagpaalam. Ito talaga ang buhay ng isang university heartthrob, nakukuha mo halos lahat ng gusto mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD