Chapter 5 – The Face Off

2671 Words
*Marco* Nakuha ko ang record ni Janine at dinala ko ito sa practice room naming. Nalaman kong isag second year college student si Janine sa Hotel and Restaurant management. Nalaman ko ring ang membership niya sa dance troupe ang dahilan ng kanyang scholarship. Paano siya naging dance troupe scholar? Ang alam ko kasi masi-sexy ang mga members ng dance troupe, eh ‘tong babaeng ‘to, walang korte ang katawan saka masyado pang losyang magdamit. She definitely is not my mystery girl. Dahil nakasulat sa profile niya ang kanyang number, hindi na ako nagdalawang isip na i-text siya. Dapat siyang matakot sa akin. Siya ang sumira sa imahe ko and I just hope this gossip did not reach my mystery girl. “Oh ano pare? Balita ko magkakaharap daw kayo ni Janine mamaya,” pang-aasar ni Mago. “f**k pare, nabalitaan mo ba kung ano ang ipinagkalat ng babaeng ‘yun?” saad ko. “Hahaha, Oo pare at grabe ang detalye. Hindi nga kapani-paniwala, masyadong hindi ikaw” nakatawang saad ni Mago. “Talagang hindi ako yun!” napabusangot ako, “tignan mo nga ‘tong picture niya sa profile niya? Do you think I’ll date someone like her?” “Patingin nga?” lumapit si Kaz saka tinignan ang litrato ni Janine sa f*******:. “Naku, pare. Wait ka na lang kung magkaharap kayo,” saad ni Kaz, “baka daig ka pa sa suntokan niyan.” “Grabe ka naman, Kaz,” saad ni Angelo. “I am just sharing my observation, pare,” saad ni Kaz, “na-curious kasi ako sa sinabi ni Stuart kaya naisipan kong manmanan siya kanina.” “So anong napala mo sa pagmamanman mo sa kanya,” agad kong tanong. “She cannot be your mystery girl,” umiling si Kaz, “she is way too fat to be sexy and she moves way to manly to be graceful.” “Paano mo nasabi?” tanong ni Angelo. “Naku pare, mahilig sa loose t-shirts at baggy pants.” “Malay mo, baka itinago lang niya ang gandang hubog ng katawan,” walang alintangan kumento ni Stuart. “May ganun pa bang babae?” agad kong saad, “she looked so shy in her photos,” puna ko, “she can never be my mystery girl. Magaling magdala ng sarili ang mystery girl ko. She moved with confidence. Nakita niyo naman siya noong huli siyang nagtanghal, ‘di ba? The stares of the people does not affect her.” “Balita ko dance troupe member ‘yan si Janine. Malay mo siya si mystery girl. Baka talagang ayaw niya lang magpakilala kasi gusto niyang magpahanap. Baka rin nalaman na niya na hinahanap mo siya kaya siya na ang lumapit,” si Stuart. “Umiiral na naman yang wild imagination mo. Alam mo, bagay nga talaga kayo ni Patricia,” sabi ko sabay batok sa kanya. “Gago ka pare! Alam niyo namang ayaw na ayaw ko kay Patricia,” napakamot si Stuart sa batok niya. “Pagbigyan mo na siya pare. Apat na taon ‘yung naghahabol sa’yo. Maawa ka naman. Isang date lang naman ang hinihingi niya. Ang sama mo pa, pinamukha mo pa sa kanya na kayang mong i-date lahat ng babae sa campus maliban lang sa kanya,” sabi ko. “Ginawa ko ‘yun para manghina ang loob niya at nang kusa na siyang lumayo. Ewan ko ba kung bakit ang pagtingin ni Patricia sa akin ang ginawang batayan ni Sandra para malaman kung para ba kami sa isa’t isa,” napalugmok naman si Stuart. Kawawang Stuart, ikaw ba namang pagsabihang hangga’t may gusto sa kanya si Patricia ay hindi siya sasagutin ni Sandra. Minsan nga naisip ko na baka wala talagang pagtingin si Sandra kay Stuart. Para kasing mas pinagtutulakan niya si Stuart kay Patricia. Haay, huwag ko na nga silang isipin. Ibang love story naman ‘yung sa kanila eh. “So ano na ang plano mo, pare?” tanong sa akin ni Mago. “Pagbabayarin ko ‘yang Janine na ‘yan. Gagawin kong masalimuot ang buhay niya dito sa university hangga’t nandito pa ako,” gitil kong pagkasabi. “Wohoo! Mukhang masaya ‘yan ah. Ang sarap pa namang mang-asar. Go ako dyan!” saad ni Kaz. Sumang-ayun lahat ng mga kaibigan ko na papahirapan naming si Janine. Maghanda ka Janine and welcome to your hell. *Janine* Lagadab… lagadab… Janine don’t panic! Carry mo ‘to, just do it the Felicity style_ sa likod ng university ka dumaan para safe sa mga bashers… Patalikod akong naglakad habang nililibot ang paningin sa paligid nang bigla akong nabangga. Bogsh! ‘Di ko alam na may pader pala sa gitna ng daan. “Finally, nakita ko na rin ang supposedly girlfriend ko_” Hala! Nagasalita ang pader. Lumingon ako sa likod at whoa! Si Marco Zobel, siya pala ‘yung inakala kong pader. “Marco Zobel?” napanganga ako at umabot ang baba ko sa sahig, hindi ko alam na possible pala ‘yun. “In flesh,” nilapit niya ang kanyang mukha saka sinara ang nakabukas ko pang bibig. Oh shoots! Sa sobrang kaba, tumakbo ako papalayo sa kanya pero nung nakapasok na ako sa university, nakasalubong ko naman ang grupo ni Nathalie. “Girls?” sabi nung isa sa kanila, “Di ba siya si Janine, ‘yung umaangking girlfriend siya ni Marco?” “Yeah right!” kinumpirma ni JP, “and alam n’yo na kung ano ang dapat gawin sa mga feeler na katulad niya” sabi niya sabay turo sa akin. OMG! Anong gagawin nila sa akin? Pinalibotan nila ako at nagsimulang hilahin ang buhok ko. “Hey! Why are you bothering my girlfriend?” ang sabi ng lalaki sa likod ko. Lumingon ako at nakita kong papalapit sa amin si Marco. Did he just call me his girlfriend? “Hoi buds gising! Huwag ka ngang mag-imbento ng istorya para hindi lumaki ang problema mo,” kinalog ako ni Arlene para matapos na ang pag-di-day dreaming ko. “Hindi ko imbento ‘yan. Inisip ko lang kung ano ang mangyayari sa akin if ever katulad ng My Tag Boyfriend ang kahihinatnan sa experience kong ‘to” sabi ko sa kanya. “Naku! Sa halip na mangarap ka na matulad sa w*****d ang kwento ng lovelife mo,” ipinatong niya ang mga siko niya sa mesa at lumapit sa akin, “mas mabuti pang isipin mo kung paano mo maipaliwanag na panaginip mo lang ang lahat na narinig nila tungkol sa date ninyo ni Marco.” “Buds,” tingin ko sa relos, “malapit nang mag-2pm. Anong gagawin ko?” “Simple,” nag-cross arms si Arlene saka sumandal sa upuan niya, “Just tell them the whole truth and nothing but the truth!” Hindi ko tinuloy ang pagdaan ko sa likod ng university kasi kahit saan man ako dadaan, marami pa ring taong makakakita sa akin. Nakatingin ako sa daan habang naglalakad sa corridor pero kahit hindi ako tumingin sa paligid, alam ko na ang lahat ng mga mata ay nasa akin. Good Lord, sana naman it won’t get worst. And please keep Marco away muna, hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya. Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto ng guidance office. Nakita ko ang student assistant sa may reception area pero bago ako magsalita ay may sinabi na siya. “Janine, hinihintay ka na ni Miss Dominguez sa loob,” nakangiti niyang saad sa akin. Ganito na ba talaga ka-kalat ang tungkol sa date namin ni Marco na kahit ngayon lang ako nakabalik sa guidance office simula nung first year ay agad akong nakilala ng naka-assign na SA sa guidance office? Sana Lord hindi talaga ganito kalala ang sitwasyon. “Janine del Rosario, umupo ka” pinapasok ako ni Miss Dominguez. “Do you have an idea why you were called in this office?” tanong niya sa akin nung nakaupo na ako. “I think so po,” mahina kong sagot. “Hindi na ako magpaligoy-ligoy Miss del Rosario,” nilagay niya ang kanyang mga kamay sa mesa. “You know the policy of this school. Because we are a Christian school, we keep track of all boy-girl relationships dahil masyadong uso ngayon ang premarital s*x. Dumarami ang kaso ng mga unwanted pregnancies kaya ginagawa namin ang lahat na alam naming paraan upang maiwasan ito. This is why we wanted to make sure na we are able to monitor your activities.” “Pero hindi naman po ‘yun totoo,” pangatwiran ko. “Yan din ang sagot sa akin ni Mr. Zobel,” mabilis niyang sagot sa katwiran ko, “Alam mo Miss del Rosario, kami dito sa guidance office are in serious business.” Ang sabihin mo, talagang mabilis kayong maniwala sa tsismis! “Before we called you for a closed door meeting,” patuloy niyang sabi, “we made our own investigation and a number of students testified na talagang nakita kayong nagdate and that both of you stayed out very late at night.” What? Saan? Kailan? Shoot! Ang dami talagang tsismosong sumasakay sa panahon. “Hindi ko alam ang tungkol sa mga kwento nila sa date na ‘yan pero I am being honest here,” naiiyak na ako, “wala talagang late-night date na nangyari.” “We’ll see about that,” sabi niya habang narinig kong may pumasok sa office. Waaaaaa! Nakatayo si Marco Zobel sa pintuan ng opisina ni Miss Dominguez. “Mr. Zobel, please sit down and join us,” sabi ni Miss Dominguez. Doon siya umupo sa harap ko and his knees brush on mine when he sat. Geez! Ngayon ko lang napansin na ganito pala kainit ang office ni Miss Dominguez, tumutulo na kasi ang pawis ko_ pero teka, naka full naman ‘yung AC ah. “Okay, since both of you are here,” nagpalipat-lipat ng tingin si Miss Dominguez sa akin at kay Marco, “I want to know the truth. Do you have a relationship?” “Wala po,” sabay naming sagot. “Okay. Hindi lalabas ang tsismis kung walang basihan, so nagkasama ba kayo sa labas minsan?” “Look Miss Dominguez, this is a waste of my time. I do not even know this girl,” sabat ni Marco. Ouch naman. Ganyan ba talaga ako ka-nobody sa kanya? Hindi ko rin naman siya masisisi, napapaligiran siya ng mga magaganda’t masesexing taga-hanga niya, paano niya ako mapapansin? “Just answer my questions and we’ll see about it,” binigyan ni Miss Dominguez ng mala-eagle eye stare si Marco. “We did an investigation and we found out that both of you went home late last Saturday night. So if you are not together then, saan kayo that night?” “I have practice” “Nagpractice po ako” Sabay naming sagot at dahil pareho ang sagot namin, nagkasalubong ang aming tingin. “O-kay?” Miss Dominguez noted, “Para saan ang practice niyo?” “Para sa foundation day,” sabay na naman kami. Naalala ko na, parehong magpeperform ang Adonis band at ang dance troupe sa foundation day. Nagkasabay siguro ang practices namin noong gabing ‘yun. “Hmmn, very scripted ang sagot niyo,” sumandal si Miss Dominguez sa upuan niya, “hindi ko kayo palalabasin sa office na ‘to hangga’t hindi kayo magsasabi ng totoo.” “I’m telling the truth” “Totoo po ‘yung sinabi ko” Napatingin na naman kami sa isa’t isa dahil sabay na naman kaming sumagot. “Miss Dominguez, I will never date somebody I am not interested in. Do I look like I am interested with this nobody?” Marco insisted. Damang-dama ko ang galit niya, para itong isang matalas na kutsilyo na pabalik-balik na sinasaksak sa akin. “How will you explain the rumors about your late night date, Marco?” Miss Dominguez challenged him. “I have nothing to do with it,” binigyan niya ako ng mapangyamot na titig, “hindi ko alam kung saan galing ang kasinungalingang ‘yan. I HAVE NOT DATED HER, I AM NOT DATING HER AND I WILL NEVER DATE HER. Now can I go?” “Not until I know why this rumor seems so true based on the evidences presented,” nagalit na si Miss Dominguez. “Miss Dominguez, I can explain,” mahina kong sabat. “’Yung narinig niyong date namin ni Marco, lahat ‘yun ay panaginip ko lang,” nahihiya akong nagsalita, “ikinuwento ko ang tungkol doon sa bestfriend ko at dahil sobrang excitement, hindi ko namalayang meron na palang ibang taong nakikinig sa amin.” “What?” Marco chuckled, “Ganyan ka desperada at talagang napaginipan mo ako?” Gusto kong mabaon sa lupa nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi madali sa akin ang aminin ang lahat but for him to consider me desperate, parang gusto kong maglaho na lang bigla. “Be a gentleman, Marco!” pinagalitan siya ni Miss Dominguez. “Look Miss,” hindi niya pinansin si Miss Dominguez dahil patuloy niya akong sinungitan, “malaki na ang damage ng ginawa mong kasinungalingan. Nathalie broke up with me and nasira mo na rin ang image ko. Now tell me how you can correct things?” Sasagot pa sana ako but I lost the words_ No, I actually don’t have the words. Talaga namang mahirap bawiin ang gulong ginawa ko sa kanya. Uh-oh, what to do? “See? You cannot even answer,” galit na saad ni Marco. Ano ba ‘to? I’ve never been tongue tied before, but I must admit_ ang gwapo pa rin ni Marco kahit galit siya. “Marco! That is not how you treat a woman,” muli siyang pinagsabihan ni Miss Dominguez. “Huh? Woman ba ang tingin mo sa kanya?” sabat ni Marco. “I still need to talk to Janine; so you are now dismissed,” nakahinga naman ako nang marinig kong pinalabas na siya ni Miss Dominguez. Marco gave me an eagle-eyed stare tapos padabog siyang lumabas sa opisina. “Janine,” kalmado na ngayon ang boses ni Miss Dominguez, “Even if you love a person, it does not mean that you will allow him to step on you.” Ano kamo? Saan galing ‘yun? “You do not have to lie para ma-abswelto si Marco,” bumuntong hininga si Miss Dominguez saka nagpatuloy, “hindi ikaw ang unang deni-deny niya. Marami kayo and most often, Marco left spotless habang kawawa naman ang mga babaeng sinaktan niya. The guidance office has been monitoring him. He had been dating several women in the past two years at pagkatapos niyang makuha ang gusto niya o kaya pagsawaan ang naka-date niya, he simply dump them.” Tama ba ang narinig ko? Naniniwala pa rin si Miss Dominguez sa maling akala ng iba_ Does she still believe na nagdate talaga kami ni Marco? Yaikz! Pano ba to? “Don’t worry Janine, we will help you cope up,” she continued, “Nainis na rin ako dahil ang dami nang pina-iyak na babae ‘yang si Marco. Marami na ring mga babaeng nagdecide mag-transfer ng school dahil sobrang nasaktan after they are being dumped.” Nagulat ako nang inabot niya ang mga kamay ko saka nagpatuloy sa pagsasalita, “Be strong, Janine. Ipangako mong hindi ka magpapadala sa emosyon mo, that no matter what happens, hindi ka bibitaw at hindi ka rin lilipat sa ibang school.” Gusto ko sanang magsalita pero nagulat ako nang mag-ala Gabriela Silang siya saka sinabing, “Panahon na para itaas ang bandera ng mga babae. ” Anong ibig niyang sabihin? Parang mahirap i-connect ‘yung last statement niya sa sitwasyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD