Chapter 6 - To Tell the Truth or Not?

1873 Words
*Janine* “Hi Janine,” bati ni Patricia sa akin, “Oh, hindi mo kasama si Marco? Sabagay, busy rin ‘yun, kasi ‘di ba nga, next month na ang concert nila,” patuloy niyang pagsasalita habang nakayakap ang isa niyang kamay sa isa kong braso. Feeling close? Oo nga pala, andito ako ngayon sa dance practice namin. Si Patricia Sandoval nga pala ang president ng Dance troupe. Senior ko rin siya sa ballet class namin at dahil talagang magaling siyang sumayaw, siya na ang nag-train at gumagawa ng choreography para sa mga performances ng dance troupe namin dito sa university. “I heard na dineny ka raw ng magaling na Marco na ‘yan. Di bale, may gagawin tayo na siguradong hindi siya makapagpigil at siya na rin mismo ang aamin na talagang naging kayo,” pagpapatuloy ni Patricia habang nakadekwatro pa rin ang kamay sa braso ko. Hindi pa pala niya alam na panaginip ko lang ‘yung napapabalitang date namin ni Marco. Kaya pala feeling close siya dahil inakala niyang ako ang magiging daan upang mapalapit siya kay Stuart, ang ultimate crush niya. Isang dakilang stalker ni Stuart si Patricia and she befriends anyone na ma-link sa mga Adonis band members as long as hindi kay Stuart ito nalilink. Ginagawa niya ito para siguro gamiting daan upang maging close kay Stuart. Hindi kasi siya pinapansin ni Stuart kahit gaano pa siya ka-KSP. But she never gave up at talagang binakuran pa niya si Stuart. Nakakaawa nga eh. I heard she’s been following Stuart since her freshmen pero Stuart never reciprocate. Ang masaklap pa, Stuart would rather date other girls than date her. So eto na kami ngayon. Siyempre nag-warm-up at nag-stretching muna kami bago sinimulan ang pag-aaral sa choreography. Medyo strict si Patricia pagdating sa practices, lalong lalo na sa pag-execute ng mga routines and she never tolerate late comers. Wala namang umaangal sa kanya kung mag-iimpose siya ng punishment. Kahit naman kasi nakaka-turn off ang pagiging certified Stuart-Cordoval-stalker niya, hindi naman siya bitin sa body, beauty and brains: Body – hindi ko na siguro kailangang ipaliwanag pa. Isa siyang modelo ng mga intimate apparels. No one can deny how sexy and appealing she is. Isama na rin natin ang fact na dahil siya ang best performer ng dance troupe and ballet class namin, it implies na perfectly fit talaga ang figure niya. Beauty – dahil maganda siya. Sa katunayan, isa siya sa mga sikat na modelo ng Bellas, isang sikat na intimate apparel line dito sa Pilipinas. Brains – dahil kahit marami siyang extracurricular activities, isa pa rin siyang consistent dean’s lister. Narinig ko nga na candidate siya sa pagka-comlaude sa batch niya. Una naming inaral ang choreography para sa opening number ng foundation day. Dahil contemporary ballet ang concept sa choreography ni Patricia para sa kanta ni Iggy Azalea na “Black Widow,” napabilang ako sa mga pangunahing performers. Iilan lang kasi sa amin ang may background sa ballet. Wala sana akong problema sa pagiging parte ko sa main dancers, ang kaso, medyo masikip at skimpy ang costume ipapasuot sa amin sa performance. Ayoko sana ng skimpy kasi feeling ko, magiging mapansin ang pag-aalog-alog ng boobs ko habang sumasayaw ako. Halos lahat naman kasing ballet dancers medyo flat chested. Although hindi flat chested si Patricia, hindi naman agaw pansin ang boobs niya pagnagso-sout siya ng masisikip na damit. Mabait sa akin si Patricia during the whole practice session. Feeling ko nga, binibigyan niya ako ng special treatment. Nate-tempt na nga ako na sakyan ko na lang ang maling akala niyang nagka-date talagi kami ni Marco. Minsan lang kasing magkaroon ng ka-close si Patricia sa groupo, siguro dahil she wanted to maintain a gap para may authority pa rin siya pagdating sa trainings at practices. She did join and jam with us, pero pagnangyari ‘yun, she does not get too involve with anyone of us. Past 8PM na nang matapos ang practice namin. Dumiretso ako sa locker room para sana kumuha ng gamit at makapagshower kaya lang napansin ko na natahimik ang lahat pagpasok ko. Napansin ko rin na nagnanakaw sila ng tingin sa akin sabay bulungan. Oo nga pala, marami nga palang galit sa akin dahil inangkin kong ka-date ang man-of-their-dreams nila. Yumuko na lang ako saka dumiretso sa locker. Sa bahay na lang ako maliligo, baka pagtripan pa ako ng haters ko at gawan ng scandal. “YOU ARE ONE DAMN LIAR! b***h!!!” Nabasa ko ang papel na nakapikit sa locker ko. So kaya pala pinagtitinginan nila ako. Nabasa pala nila ang nakapikit na papel doon. “Sinong naglagay nito?” galit na tanong ni Patricia sa lahat, “I think I was clear about being a team? Kung ano man ang problema niyo kay Janine, kausapin niyo siya sa labas. Ayokong may away dito sa team ko at lalo nang ayokong i-tolerate ang mala-childish na pagdikit ng malisyosong mensahe sa mga lockers. If you don’t get what I mean, you might as well leave the group!” Nagsiyukuan ang lahat at natahimik ang buong locker room. See? Sinabi ko na ‘di ba, walang pumapalag kay Patricia. “Okay ka lang?” sinundan ako ni Patricia dahil mabilis akong lumabas sa locker room at tumungo sa field. “Kasalanan ko naman talaga,” sagot ko. “Nagmahal ka lang Janine,” katwiran ni Patricia. “Hindi naman talaga totoo ‘yung tungkol sa date namin ni Marco” sabi ko. “Kung hindi kayo, eh ano ‘to?” pinakita niya ang litratong naka-save sa phone niya. Isa ‘yung litrato kung saan nakayakap si Marco sa akin habang ako naman ay nakatitig sa akin. Hindi ko maalala kung kalian nangyari ‘yun pero sa tingin ko, may mga nagphotoshop na shippers ng pagiging magnobyo naming ni Marco. “S-saan mo ‘yan nakuha?” tanong ko. “Kalat na ito sa social media,” sagot ni Patricia, “kaya huwag kang mag-alala. Kahit dineny ka ni Marco, marami pa ring naniniwala sa’yo. Marami kang supporters na ipinapagtanggol ka.” Kaya pala paniwalang-paniwala si Miss Dominguez na naging kami talaga ni Marco. Siguro nakita rin niya ‘tong picture na ‘to. Grabe talaga ang powers ng photoshop, para talagang totoong kami ni Marco ang nasa picture. “Patricia, panaginip ko lang ‘yung date,” I decided to tell her the truth, “all the stories you hear are not true.” “What?” naguguluhang tanong niya sa akin. Nagbuntong hininga muna ako saka ko pinaliwanag sa kanya ang lahat. Matapos kong sabihin ang lahat, hinintay ko muna ang reaksyon niya. Nakatingin lang siya sa akin pero hindi ko maintindihan kung anong klaseng emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Nadismaya kaya siya kasi akala niyang nakakita na siya ng taong makakatulong sa kanya para mapalapit kay Stuart? Sana ganun lang. Sana hindi siya galit. Nakakatakot kaya siya pagnagalit. “Huwag mong ipagsabi sa iba na panaginip mo lang ang lahat,” mahina niyang sinabi sa akin saka siya matamlay na tumalikod. “Maraming na-idate si Marco na deni-deny niya kaya kahit hindi mo sabihin ang totoo, hindi yan mapapansin,” nagsalita siya ulit habang nakatalikod. Humakbang muna siya bago lumingon uli at sinabing, “Lilipas din ang lahat ng galit ng mga haters mo at makakalimutan ka rin nila kaya mas mabuti kung huwag mo na lang aminin na panaginip mo lang ang lahat.” “Pero di ba sabi nila, the truth will set you free?” lumapit ako sa kanya. “Sa tingin mo ba maiintindahan ka nila? Mas lalo kalang maging katawa-tawa pagnalaman nilang panaginip mo lang ang lahat,” hinarap niya ako. “P-pero…” “Isipin mo nga Janine. Napanaginipan mo si Marco, ibig sabihin ‘nun, pinagpantasyahan mo siya. Ibig ding sabihin ‘nun, sobrang baliw ka sa kanya. Kung aaminin mong panaginip mo lang ang lahat, pagtatawanan ka ng lahat pati ng supposedly supporters mo,” sabi niya bago tuluyang umalis. ____________________ “Hello? Earth to Janine,” dahil nagpapansin si Arlene, natigil ako sa kakaisip sa sinabi ni Patricia kagabi. “Ano ba nanaman ang binasa mo sa w*****d at parang ang lalim naman ng iniisip mo?” tanong niya. “Wala, iniisip ko lang ‘yung sinabi ni Patricia sa akin kagabi,” sabi ko. “Eh ano naman ang dapat mong isipin dun? Tama si Patricia, mas lalo kang katawa-tawa pagnalaman ng lahat na panaginip mo lang pala yung rumored date ninyo ni Marco,” siyempre binulong lang ‘yun ni Arlene. Nag-iingat na kami dahil ang tataas ng radar ng mga tsismoso sa university. “Pero hindi pa rin ako mapakali. Galit si Marco sa akin at talagang na-giguilty ako pagkaharap ko siya,” malungkot kong saad. “Huwag mo muna ‘yang isipin. Attend muna tayo sa meeting ng HRM society, medyo gipit ako sa allowance ngayon kaya ayokong ma-absent o ma-late, wala pa naman akong extrang pambayad sa fines,” hinila na ako ni Arlene. Oo nga pala, may meeting nga pala ang HRM society. Siguro pag-uusapan ang mga events para sa foundation day. Hindi naman kami masyadong active sa org, umaattend lang kami para maka-iwas sa fines. Nagsimula nang mag-assign ng representatives at committee members para sa different events ang mga officers. Nakuha si Arlene para sa float design competition, ipaparada kasi ang mga representatives namin sa Mr. and Miss Campus Icon sa motorcade. Ako naman, hindi ako pwedeng sumali sa pop dance contest kasi bawal sumali ang mga dance troupe members. Hindi rin ako pwedeng sumama kay Arlene kasi magiging busy ako para sa paghahanda sa opening number namin. Isang event na lang at matatapos na rin ang meeting. Tinanong ng president kung sino ang magiging representative namin para sa solo singing contest. Isang groupo ng mga kababaehan ang biglang nag-chorus, “JANINE DEL ROSARIO.” Yeah right, si Janine De – what?! “No, hindi ako pwede!” tumayo ako para tumutol. “O come-on, Janine. Huwag kang KJ” sabi nung isa. “Si Janine na lang kasi di ba girlfriend siya ni Marco, yung lead vocalist ng Adonis band? Siguradong mananalo tayo dahil kung magaling kumanta si Marco siguro naman magaling ding kumanta ang pipiliin niyang girlfriend,” hindi ko alam kung nag-e-encourage siya o nang-aasar sa akin. “Tama! Dapat i-prove ni Janine na bagay talaga sila ni Marco,” eto na nga ba ang sinasabi ko. Dapat pala talaga sanang sinabi ko na lang ang totoo. “I agree. Dineny siya ni Marco kaya dapat niyang bawiin ang pride niya na inapakan ni Marco at nang matauhan ang Marcong ‘yan,” saad ng isa pang babae. Way to go girl! Pero wala namang naapakan si Marco ah, ako pa nga ang sumira sa kabago-bago pa lang niyang relasyon kay Nathalie. Ang hirap naman nito. Body – hindi ko na siguro kailangang ipaliwanag pa. Di ba nga isa siyang modelo ng mga intimate apparels, ibig sabihin sexy siya at sobrang taas ng s*x appeal. Isama na rin nating ang fact na dahil siya ang best performer ng dance troupe and ballet class namin, which implies na perfectly fit talaga ang figure niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD