Chapter 7 - Foundation Day

1153 Words
*Janine* Would you believe how time flies so fast at ngayon foundation day na. I am now putting on my toe shoes and as expected, suot ko na rin ang skimpy laced black dress na costume namin para sa opening number. Hindi naman pangit ang katawan ko, medyo nakaka-conscious lang talaga. Hindi kasi ako comportable sa mga ganun na damit. Mas gusto ko ang mga baggy pants at loose shirts. Buti na lang napagpasyahang gumamit kami ng face paint. Pininturahan ng puti ang buong mukha namin tapos gamit ang black face paint ay ginuhitan ang mukha namin ng cobweb. Ideya ito ni Patricia, para daw ma-complement ang damit at music namin. Dahil sa face paint, hindi ako mahihiyang sumayaw dahil wala namang makakakilala sa akin. Dahil hindi pa dumating ang school officials kasi hindi pa natapos ang motorcade, napagpasyahan kong mag-warm-up muna. Ginagawa ko talaga ito para mabawasan ang kaba na nararamdaman ko. I was trying to balance in arabesque when I heard Marco vocalized at my back. Dahil sa gulat, na-out balance ako. Buti na lang mabilis ang kamay ni Marco at sinalo niya ako sa aktong pagkatumba ko. “Okay ka lang?” narinig ko ang mala-anghel niyang boses habang nakahawak siya sa bewang ko. “Uhm, yeah,” I tried to collect myself. Mahirap na, buti na lang naka-face paint ako. Hindi ko maimagine kung ano pang pangungutya ang masabi niya sa harap ko kung sakaling mamukhaan niya ako. Nagi-guilty pa rin ako at wala pa rin akong mukhang ihaharap sa kanya. So bago pa niya ako mamukhaan, iniwan ko nalang siya at sumali na sa ibang members ng dance troupe. Ilang sandali ang lumipas at nagsimula na rin ang foundation day celebration. On Patricia’s cue, pumwesto na kami sa stage. Nagsimula na ang music habang bumukas na ang stage curtains. Nakakagana ang mga hiyawan at palakpakan ng audience. Feeling ko, nakikita nila kami bilang mga diyosang bumaba galing sa langit. Nagsimula na kaming gumalaw nung marinig namin ang cue sa music. Ini-internalize ko ang bawat mensahe ng lyrics para ma-i-portray kong mabuti ang sayaw pero nang sumilyap ako sa gilid ng stage, nakita ko si Marco at ang ibang Adonis band na nanonood din sa amin. Shet! Galingan mo Janine del Rosario, huwag kang magkakamali! Mas lalo kong ginalingan ang bawat ikot, sipa at balanse para naman maging kanais-nais akong tignan. Alam kong hindi ako makikilala pero kung sakali mang makilala ako, at least kahit nakakahiya, ma-aapreciate naman nila yung galaw ko. Dali-dalli akong lumabas ng stage pagkatapos naming sumayaw dahil kailangan ko pang mag-ayos para sa solo singing contest. Sa field kasi ang venue ‘nun dahil gagamitin ang auditorium para sa event ng mga alumni. Dahil medyo masikip ang isang entrance ng stage, na-traffic kasi dahil nakipagkamayan pa ang mga members ng Adonis band sa mga lumalabas pang dancers, napagpasyahan kong gamitin na lang ang isang entrance. “Congratulations, you did great out there,” nakita kong inabot ni Marco ang kamay niya sa akin. Tumango na lang ako saka ko tinanggap ang kamay niya. Magsasalita pa sana siya pero tinawag na siya ng band members niya kasi sila na ang kasunod na magtatanghal. Hindi na rin ako nagtagal sa harap niya. Kailangan ko na talagang makaalis para makapag-ayos. *Marco* Abala kaming naghanda para sa special performance namin sa foundation day. Napag-alaman ko ring ang dance troupe pala ang mag-oopening number. Paano ko nalaman? Eh nakaaligid nanaman kasi si Patricia kay Stuart dito sa backstage. Nung nagpaalam na si Patricia para mag-ayos ay napag-isipan kong sundan siya. Nagbakasakali lang ako na baka kasama si mystery girl sa mag-peperform ngayon at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko siyang nag-eensayo mag-isa sa backstage kaya agad akong nakaisip ng paraan upang mapansin niya ako. "Mimimimiiiii---- A-a-a-a-a---" nagvocalize ako. Nagulat ata siya sa ginawa ko kaya't natumba siya pero siyempre mabilis ko siyang sinalo. Ano ba naman ang silbi ng aking matipunong katawan kung hindi ko siya masasalo. Para siyang hulog ng langit. Very gentle, very graceful, very delicate. Nahawakan ko agad ang mala-diyosa niyang katawan and this was the first time that I am this close to her. Our eyes met at parang nalunod ako sa titig niya. But it did not lasted long. Mabilis siyang umiwas ng tingin kaya agad akong nag-isip ng pwede naming pag-usapan. "Okay ka lang?" tanong ko. Damn it, Marco! Bakit wala akong maisip na ibang mapag-usapan? "Uhm, yeah," matipid niyang sagot saka inayos ang sarili. Ewan ko ba. Ganun na siguro ako kabaliw sa kanya at sobrang saya ko na nagkalapit kami kahit sa sobrang sandaling panahon na ‘yun. Makikilala rin kita mystery girl at pagnangyari ‘yun, hinding-hindi na talaga makakawala sa akin. Pinanood ko siya habang nagsasayaw sa entablado. Ang pulido ng galaw niya, halatang bihasa siya sa pagsayaw. Kasama ko ring nanood ang ibang miyembro ng Adonis band, maliban nga pala kay Stuart. Ewan ko ba ‘dun, halata namang pasulyap-sulyap niyang pinagmamasdan si Patricia habang sumasayaw pero sadyang mataas lang talaga ang pride niya. Kaibigan ko siya, kahit hindi niya sabihin, alam kong may naiba sa pagtingin niya kay Patricia. Ikaw ba naman ang habolin ng babae sa loob ng apat na taon. Nang matapos na silang magperform ay umandar na naman ang pagkaplayboy ng mg aka-band members ko at talagang inabangan nila ang dancers sa may entrance ng stage. Pero hindi ko pinakawalan sa mata ko si mystery girl. Napagtantya kong hindi siya sasabay sa mga kagrupo niya kaya agad akong lumipat sa kabilang entrance para magkatagbo kami. "Congratulations, you did great out there," inabot ko ang kamay niya para makipag-handshake, pasimpleng da-moves lang, hehehe. Tumango lang siya sa akin saka niya tinanggap ang kamay ko. Bubuwelta pa sana ako kaya lang tinawag na ako ng mga ka-band members ko kasi kami na ang magpeperform. Tatanungin ko pa sana ang pangalan niya pero ang mabilis siyang nakalayo. Hindi ko rin naman siya mahabol kasi kakanta na kami. _________________________ Dinig ko namang nagsi-tilian ang audience, lalong lalo na ang mga babae sa auditorium nung pumasok na kami sa stage. Sinimulan na rin naming tugtugin ang "Next to You" ni Chris Brown at Justin Bieber Nakahawak ako sa micropono habang nakapikit nang simulan kong kantahin ang unang stanza ng kanta. Si Mago pala ang kumanta sa part ni Justin Bieber habang akin ‘yun parte ni Chris Brown. Nang simulan ko nang kantahin ang chorus ay inilibot ko ang mata ko sa manunuod sa pag-asang nandun si mystery girl. Umaasa akong isa siya sa mga babaeng tinitilian ako habang pinapanood ang pagtanghal ko. Agad na natunton ng mga mata ko ang kinaroroonan ng mga dance troupe members pero nalungkot ako nang mapagtantiyang hindi nila kasamang nakaupo si mystery girl. Natakasan na naman ako ni mystery girl. Sino ba talaga siya at bakit ang hirap niyang mahagilap? Haayz, nahawakan ko na siya kanina eh, nakawala pa. Ang saklap naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD