Chapter 8 – The Answered Prayers

1309 Words
*Janine* Dumiretso ako sa restroom para maghilamos saka nagbihis. Filipino opm songs ang theme sa mga ipinakanta sa amin sa contest kaya naka-Filipiniana attire ako. Ang HRM society ang humiram ng costume na gagamitin ko pero dahil wala nang panahon para mag-fitting, medyo malaki siya sa bandang bewang pero masikip naman sa bandang dibdib at balakang. Oo na, ako na ang tinatawag nilang blessed dahil sa coca-cola body pero alam niyo bang mahirap din ang may-coca cola body? Ito ang dahilan kung bakit nakasanayan kong gumamait ng baggy pants kasi mahirap maghanap ng skinny jeans na kasya ang balakang at hita pero hindi naman maluwag sa bandang bewang. Kung bakit naman loose shirts ang hilig kong suotin? Dahil siguro na-phobia ako ‘nung third grade. Napagkatuwaan kasi ako ng mga kaklase ko ‘nung nakita nila na sa mura kong edad ay tumubo na ang boobs ko. Simula ‘nun, ikinahiya ko na ang hinaharap ko. Matapos kong mag-ayos ay pumunta na ako sa field. Maaliwalas ang panahon, hindi rin masyadong mainit ang sikat ng araw. January pa kasi kaya malamig pa rin ang simoy ng hangin. “Janine, ikaw ang pang-apat,” sabi sa akin ni ate Judice. Dahil active si ate Janine sa school, siya ngayon ang naatasang stage manager. “Galingan mo ha,” bulong niya sa akin. Nasabi ko na pala kay ate ang totoo. Alam din niya kung bakit ako napilit na magrepresent sa solo singing contest. Katulad ni Arlene, sang-ayun din siya sa payo sa akin ni Patricia. Huwag ko na lang daw ipagsabi na panaginip ko lang ang napapabalitang nangyaring date namin ni Marco. Haaayz, sana Lord umulan na lang ng masyadong malakas, yung tipong kailangan talagang magtakbohan ang mga tao para hindi na matuloy ang kompetisyon. Kinakabahan na talaga ako. Ininsayo ko naman ang kanta ko pero hindi pa rin ako mapakali. “Ladies and gentlemen, our first contestant, from the Tourism department,” tawag ng emcee. Pumasok na ang unang kalahok at nagsimula nang kumanta. Kinanta niya ang “Bagong Umaga.” Sa song choice pa lang, alam kong mas lamang ang napili naming, “Himig ng Pag-ibig” na version ni Yeng Constantino. Pero putcha talaga! Nanginginig na talaga ang kamay ko. Pinaka-mapagbigay loob at mapagmahal na Diyos, dinggin niyo po ang panalangin ko. Sana po bumagyo o kaya masira yung stage para po hindi na matuloy ang contest. Tapos na ang pangalawang kalahok at tinawag na rin ang pangatlo kaya pumasok na rin ito at nagsimulang kumanta. “Diyos ko po, Lord sana masira na lang yung sound system para hindi na ako matuloy sa pagkanta,” hopeless na dasal ko. “Our next contestant is from the HRM department. Let’s give her a round of applause,” tawag ng emcee. Eto na talaga, wala na itong atrasan. Humakbang na ako patungo sa gitna ng stage at kinuha ang mikropono sa stand. Narinig ko ang mga hiyawan ng mga tao. Merong sumisigaw ng supporta, meron ding nangungutya. “Ohemgee! Kalurkey ang look niya. Kung totoong ka-date siya ni Marco, then bumaba na talaga ang standards ni Marco.” “Grabe, bigatin siya ha, as in, BIGATin, hahaha!” Huminga na lang ako ng malalim at naghanda para simulan ang kanta ko. “Sa pagsapit ng dilim ako'y naghihintay pa rin sa iyong maagang pagdating” sinimulan ko na ang pagkanta nang biglang lumakas ang ihip ng hangin tapos nagdilim ang kalangitan na para bang may malakas na bagyong parating. Sabi nga nila, “the show must go on,” kaya hindi ako nagpatinag nang nagsimulang pumatak ang ulan. Ewan ko ba, parang mali ata na ipinagdasal ko na sana umulan ng malakas kasi pinakinggan ng Diyos ang dasal ko. Ang problema nga lang, medyo delayed ang pagsagot niya sa dasal ko. Nagpatuloy parin ako sa pagkanta pero lalong lumakas ang buhos ng ulan at nagsi-takbohan ang mga tao. Dahil may takip naman ang stage at ‘yung lugar na pinag-upuan ng judges, napagpasyahan kong ipagpatuloy pa rin ang kanta ko. Pero nasobrahan siguro ang dasal ko kasi bigla na lang natumba ang isang pader ng stage at para pang ipinamukha sa akin na dapat na akong tumigil sa pagkanta dahil tumirik ang sound system na naging dahilan sa talagang pagpigil ng contest at sinyales na rin na dapat na akong tumigil sa pagkanta. Nabasa na ako sa ulan nang makita kong inaalalayan na ang mga judges para makasilong sa malapit na building. Lahat sila nakatakbo na habang ako, parang napako na sa kinatatayuan ko. Dahil na rin sa malakas na buhos ng ulan, hindi na rin nila napansin ang pagtulo ng mga luha ko. Wala na ring silbi kung tatakbo pa ako kaya naglakad na lang ako paalis ng stage. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang gusto ko lang ay makalayo sa lahat ng tao. Pilit ko mang isipin na magiging okay lang ang lahat, hindi ko pa rin mapigilang umiyak dahil alam ko sa sarili ko na lalo ko lang pinahiya ang sarili ko. *Marco* "Pre, balita ko kasali daw yung assumerang girlfriend mo sa solo singing competition," pag-anunsyo ni Kaz habang nililigpit namin ang aming mga instrumento, "tara, nood tayo." "At ano naman ang mapapala ko ‘dun?" sabi ko. Ayokong mag-aksaya ng panahon para panoorin ang panirang araw na si Janine, mas gusto ko pang hanapin si mystery girl. "Di ba gusto mong gumanti?" sabad ni Angelo, "nood na tayo ‘pre, malay mo pumalpak siya at magkakaroon tayo ng dahilan para pagtawanan siya sa campus." Napaisip ako at napangiti ng nakakaloko. Mayroon pa pala akong misyon na gawing impyerno ang buhay ni Janine dito sa university kaya pumayag na akong manood sa competition. Saktong tinawag na si Janine nang dumating kami sa field, kung saan ginanap ang solo singing contest. Umakyat na siya stage suot ang isang Filipiniana na mukhang galing sa patay. Tsk! Ang weird niya talaga. "Damn-it pare, nakakatawa siya sa suot niya," pansin ni Mago. "Sabi ko sa inyo, weirdo ‘yan tapos mahilig sa loose. Tignan niyo nga ang suot niya, halatang galing sa bangketa ng lola niya sa talampakan," natatawang saad naman ni Kaz. "Seriously pare, maasiwa siyang tignan. Hindi kaya time traveler siya na galing pa sa kapanahunan ni Jose Rizal?" hindi naman maipinta ang hitsura ni Angelo habang nakatingin sa stage. "Ang sakit niya sa mata," bulong ko na lang. Nagsimula na siyang kumanta. Hindi naman pangit ang boses niya pero parang sumangayon ang panahon sa plano kong sirain ang moment niyang ito. Kasisimula pa lang niya pero biglang lumakas ang ihip ng hangin. Pero bilib din ako sa fighting spirit niya dahil kahit nagsimula nang umulan ay sige pa rin siya sa pagkanta. “Wow! Ang taas talaga ng level of confidence niya. Kahit binagyo na siya, patuloy pa rin sa pagkanta!" pansin ni Kaz. "Ang manhid niya pre, nagreklamo na nga ang langit sa boses niya pero hindi pa rin natinag. Grabe, siya na ang reyna ng mga kapal ang mukha," dugtong naman ni Angelo. "Putcha pare! Bumagsak ang pader ng stage, nasira ang sound system at talagang bumagyo talaga. Hindi ko inakalang talagang magkakaroon ng literal na pagsira ng stage at paglakas ng buhos ng ulan dahil sa hindi magandang boses," tawa pa rin ng tawa si Kaz. Hindi ako naka-imik. Gusto ko siyang pagtawanan pero naawa ako sa kanya. Nakatakbo na ang lahat para maghanap ng masisilongan pero nandun pa rin siya sa stage, nakatitig sa kawalan. Galit ako sa kanya, pero sa nakita ko ngayon, parang gusto ko siyang puntahan at hilahin palayo sa kahihiyan. I was mentally telling her to leave the stage at para niyang narinig ang sinabi ko kasi bumaba na siya at tumakbo papalayo. I am sorry Janine pero kahit naaawa ako sayo, sinira mo pa rin ang chance kong makilala si mystery girl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD