Chapter 9 - Dance Rehearsal

2387 Words
*Janine* “Oi buds, tama na ‘yan” malungkot na saad ni Arlene sa akin, “huwag ka nang umiyak, lilipas din ‘to.” “Eh nakakainis naman talaga si Darren eh. Hindi niya pinaniwalaan si Angelica, nakunan tuloy,” sabi ko sabay punas ng mga luha ko. “Gaga! Ano na naman ba ‘yang pinagsasabi mo ha? Akala ko umiiyak ka dahil sa nangyari last Friday, ‘yun pala, iniyakan mo na naman pala ang binabasa mo sa w*****d,” binatukan ako ni Arlene. “Huwag mo na ngang mabanggit sa’kin yung nangyari last Friday. Kita mo na ngang pilit kong kinakalimutan eh. Kaya nga binabaling ko na lang ang atensyon ko sa pagbabasa,” napabusangot ako. “So ano? Kinakalimutan mo nga pero malulungkot naman kwento ‘yung binabasa mo,” untag ni Arlene. “Eh pano, hopeless romantic ako eh. Tsaka magaling kaya ang pagkakasulat ni Stoutheart sa ‘Angel’s Cry’, tagos sa damndamin ang bawat salitang ginagamit niya. Huling-huli ang bawat emosyon. Hindi nga ako makapagpigil sa pagbasa eh,” pangatwiran ko. “Ah basta! Tama na muna ‘yang pagbabasa mo. Ang isipin mo ay kung paano mo pakikitonguhan sila Marco bukas. Baka nakalimutan mo, bukas na ang rehearsal niyo para sa opening act sa concert ng Adonis band,” sabi niya sabay patong ng siko niya sa mesa. “Shoots! Bukas na nga pala ‘yun. Hala! Paano na ‘yan?” napaisip ako. “’Yan na nga ang sinasabi ko! Inuubos mo kasi sa w*****d ang oras mo, hindi mo tuloy nabibigyan ng oras ang love life mo. So ano ang balak mo?” tinaasan niya ako ng kilay. “Eh? Nakakahiya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,” walang isip akong napabalik balik ng lakad sa harap ni Arlene. “Eh kung isama mo na lang kaya ako sa practice nyo para hindi mo sila masyadong mapansin?” suhestiyon ni Arlene. Napangiti ako sa suhestiyon ng kaibigan ko. Alam ko kasing hindi lang ako ang dahilan kung bakit gusto niyang sumama sa rehearsal namin. Alam kong gusto din niyang makita si Mago kaya nagpresenta siyang sasamahan ako. Pero kailangan ko rin naman talaga ng kaibigang makakausap tuwing breaks naming. Ayokong magmukmok sa gilid at lalong ayokong bigyan ng pansin ang pagtawa nina Marco na para bang gusto nilang isipin kong pinagtatawanan nila ako. Hindi madaling kalimutan ang nangyari noong foundation day. Biruin niyo? Hindi lang basta umulan, nasira pa ang stage at tumirik pa ang sound system na para bang sinasabing hindi talaga maganda ang boses ko. Kung pwede lang sanang ipagdasal n asana burahin ni Lord ang alaala, gagawin ko na. Kaso alam ko namang sobrang imposible ‘yun para pagbigyan ako ni Lord. Kaya heto ako, sinusobsob ang sarili sa pagbabasa ng mga w*****d stories para hindi ko mapansin ang mga bulongan at mapang-ngungutyang tingin sa aikin. I was able to survive almost a day, kakayanin ko ito hanggang sa huling class ko. “Hindi daw papasok si Pofessor Rosales kaya magchecheck na lang ako ng attendance tapos pwede na kayong umuwi,” pahayag ng class monitor namin. Agad namang naghiyawan ang buong klase dahil ito ang huling class naming at ang ibig sabihin nito, maaga kaming makakauwi. “So ano? Pupunta ka na sa dance room o magmemerienda muna tayo?” tanong sa akin ni Arlene. “Diretso na tayo sa dance room,” walang buhay kong sagot, “ayokong pumunta sa canteen, pagtatawanan lang ako doon.” “Oo nga pala,” saad ni Arlene. Haaayz, para lang akong si Angelica at si Marco naman ay si Darren. Ako si Angelica, ang martyr na babae na hindi napapagod magmahal kay Darren. Si Marco ay si Darren, ang lalaking may galit sa babaeng walang humpas na nagmamahal sa kanya. Sana nga ganoon talaga kasi sa latest update ni Stoutheart, narealize na ni Darren na mahal nga niya si Angelica at handa siyang magsakripisyo para sa kanya. Kaso, malayo atang mangyari ‘yun sa amin. Walang rason si Marco upang bigyan ako ng pansin. I am out of his league tapos dumagdag pa ‘tong eskandalong dulot ng panaginip ko. Haist, ang bitter ko na talaga. Nasa kalagitnaan kami ng aming warm-ups nang dumating ang mga miyembro ng Adonis band. Aaminin ko na na-conscious talaga ako kaya nagsuot ako ng malaking t-shirt at ng loose jazz pants. Ayaw ni Patricia ng ganitong outfit pagpractice pero dahil nakatutok siya sa choreography para sa lead performers, hindi na niya ako napansin kasi back-up dancer lang naman ako. “Stuart, dito kayo,” malanding saad ni Patricia kay Stuart. Hay, kawawang Patricia, inismiran lang siya ni Stuart. Sayang ang ganda pa naman niya ngayon. Ewan ko ba kung bakit ayaw ni Stuart sa kanya, ang alam ko playboy si Stuart at na-idate na niya halos lahat ng sikat na babae sa university maliban kay Patricia. Kung tutuusin nga, mas maganda at sexy pa si Patricia sa ibang pugitang na-idate ni Stuart. Parang gusto niyang ipakitang kahit pangit ay papatulan niya huwag lang si Patricia. Ay ewan! Bakit ko ba pinuproblema ang problema ni Patricia? Siguro feeling ko pang-w*****d din ang story niya. “Dark Horse” ni Katty Perry ang napiling tunog na sasayawin namin. Dahil may limang members ang Adonis band, may itinalaga ring limang lead dancers si Patricia. Hindi ako kasali sa lima, pero siyempre, kasali si Patricia. Naisip kasi ni Patricia na ang limang dancers ang magiging escorts ng band members para sa kanilang entrance na mangyayari sa dulo ng aming sayaw. Maganda ang choreography ni Patricia. May belly dancing concept ito at napaka-sensual lalong lalo na sa bahagi kung saan ay hihilahin na papasok ng stage ang members ng Adonis band tapos sasayawan sila ng mga lead dancers. Sisimulan na sana ang rehearsal kaso biglang nag-inarte si Stuart, “Manonood muna kami para at least alam namin kung paano magreact,” saad nito. Tsk! Kunwari pa, siguro gusto lang niyang ihanda ang sarili kasi natatakot siyang mapagsamantalahan ni Patricia. Kung alam niya lang kung gaano siya kaswerte kay Patricia. Ang dami kayang nagpapantasya kay Patricia lalong lalo na ngayon na may Malaki siyang imahe sa billboard along Edsa. Hindi na lang pumalag si Patricia kaya on her cue ay sinimulan na namin ang rehearsal. Ang masaklap, dahil back-up dancer lang ako, nasa likurang bahagi ako ng stage naka-station, kung saan nakatambay sila Marco. Haayz. Paano ako makakasayaw ng matino nito? “Pare, hindi ko alam na pwedi palang sumayaw ng belly dancing ang isang balyena,” narinig ko sila. Balyena? Ganoon na ako kalaki? s**t! Hindi na talaga ako kakain ng rice, promise! Every weekend na lang, hehehe. “Grabe pare, dapat siguro palitan na lang nila ang music. Kung siya ang sasayaw, siguro dapat ‘All About that Bass’ ni Maegan Trainor,” nilingon ko sila at nakitang sumasakit na ang kanilang tiyan sa kakatawa. Hindi ko na natiis ang pangungutya nila kaya’t pinaningkitan ko sila ng mata pero ang hindi ko namalayan ay dinala na pala ako ng aking mga paa patungo sa kinaroroonan nila. “Oh, bakit?” panghahamon ni Marco. “Pwedi bang maging sensitive naman kayo sa mga sinasabi niyo?” hindi ko na rin napigilang mapaiyak. “Sensitive? Baka ikaw ang dapat maging sensitive,” tumayo si Marco, “Makiramdam ka naman kasi. Masyado kang nahibang sa panaginip mo kaya naging mataas ang bilib mo sa sarili,” dagdag pa niya habang papalapit sa akin. Narinig ng lahat ang sinabi niya dahil akmang pinatay ni Patricia ang musika nang magsalita siya. Halatang natatawa din ang ibang kasamahan ko sa dance troupe habang tila napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin dahil sagad sa buto ang kahihiyang nararamdaman ko. Nilapitan ako ni Arlene para sana hilain papalayo kina Marco pero ayokong magpatala. Tumayo ako ng tuwid at tinaasan ng kilay si Marco. “Nawiwili ka na ba sa’kin, Marco? Para kasing pinupuna mo na ang lahat na tungkol sa akin?” sabi ko. “Hooo, ANG HANGIN!” maangas niyang sambit, “Paano hindi kita mapapansin eh ang taas naman kasi ng kumpyansa mo sa sarili na para bang meron ka talagang maibubuga!” Ayokong magpatalo kaya kahit walang tigil na tumulo ang luha ko ay pinunasan ko ito gamit ang likod ng aking kamay at itinaas ang aking noo. Nakipagtagisan ako ng titig sa kanya at kahit feeling ko nanginging ako dahil patuloy siyang lumalapit sa akin ay hindi pa rin ako umatras. “Hindi ka ba natatawa sa sarili mo? Una, inangkin mo akong ka-date. Tapos nagpantasya ka pa na ninakawan kita ng halik. Pinilit mo pa akong pantayan kaya ka pumayag kang maging kalahok sa solo singing contest. Hahaha, kala mo maganda ang boses mo eh kahit na nga ang kalikasan ay naghuramentado dahil sa pangit ng boses mo!” Napatawa ang lahat sa sinabi niya. Kanina pang umaga naging joke ang paglakas ng ulan sabay sira ng stage at tirik ng sound system dahil daw sa pagkanta ko. Akala ko tapos na ang eksenang pagtatawanan ako ng buong university pero hindi ko akalaing pati sa dance room, ang lugar na inisip ko na teritoryo ko, ay pagtatawanan pa ako. Hindi na ako nakatiis kaya napatakbo ako palabas na luhaan. Alam kong sinundan ako ni Arlene pero gusto ko munang mapag-isa. Kailangan kong umiyak. Kailangan kong ilabas ang inis at sakit na nararamdaman ko, at hindi ito ang lugar kung saan gagawin ko ‘yun. Napunta ako sa field. Wala na masyadong tao dahil wala nang pasok at nakauwi na halos lahat ng estudyante. Nagsisimula pa lang, parang gusto ko nang sumuko. Lilipat na lang kaya ako ng eskwelahan? “Janine,” narinig ko ang malungkot na tinig ni Arlene kaya agad akong lumingon upang yakapin siya. Ngunit nakita ko si Patricia na papalapit sa amin. Hindi ko masabi kung galit siya o hindi, pero inaasahan kong pagsasabihin niya ako. Ayaw ni Patricia na basta-basta lang umaalis sa rehearsal lalo na kung nasa kalagitnaan siya sa paggawa ng choreography. “S-sorry Patricia, aayusin ko lang ang sarili ko tapos babalik na ako sa loob,” saad ko nang makalapit siya. “Huwag na.” “Ha?” nagulantang ako sa sinabi niya. Dalawang salita lang ‘yun pero malaki ang impact ‘nun sa akin. Ayokong mawala sa dance troupe, ito lang nakapagpapasaya sa akin. Dito ko lang naramdaman na hinangaan ako. Hindi ako pwedeng matanggal sa dance troupe. *panic mode on* “Tinapos ko na lang ang practice. Nawalan na kasi ako ng gana. Nainis ako sa Adonis band members dahil sa ginawa nila sa’yo. Pinagsalitaan ko sila kahit nandoon si Stuart at binara niya ako,” paliwanag niya... okay, panic mode off. Kahit nabunutan ako ng tinik ay ramdam ko pa rin ang sakit kaya muling tumulo ang mga luha ko. “Huwag kang umiyak,” sabi niya, “ang pag-iyak ay sinyales ng kahinaan. Ito ang nagpapalakas sa kalaban. Huwag ka nang mag-alala. Naisipan ko na hindi na sasali sa rehearsals ang Adonis band members, wala rin naman silang gagawin sa sayaw kung hindi sumunod lang sa mga escorts nila.” “Thank you pala,” kahit pinigilan ko, tumuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. This time, naiyak ako dahil hindi ko akalaing ipagtatanggol ako ni Patricia. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinagtatanggol pero malaking bagay para sa akin ang ginawa niya, lalo na dahil ipinagtanggol niya ako kahit nandun si Stuart. “Ayst! Diba sabi ko na simbolo ng kahinaan ang pag-iyak. Tara na nga! Sama kayo sa condo ko,” sabi niya saka hinila ang mga kamay naming ni Arlene. May sariling sasakyan si Patricia kaya mabilis naming narating ang condo niya. Ang alam ko nasa iisang building din ang condo ni Stuart. Ganito talaga siya kabaliw sa lalaking ‘yun at talagang kinuha niya ang condong nasa tapat sa condo ni Stuart. “Anong gagawin natin dito?” tanong ni Arlene. “Ituturo ko sa inyo kung paano maging matatag at hindi maging iyakin,” sabi niya habang inilapag niya ang kanyang mga gamit sa may cabinet malapit sa flatscreen TV. “Alam niyo ang nararamdaman ng tao ay binubuo ng isang enerhiya. Kaya tayo umiiyak dahil kailangan nating ilabas ang umaapaw na enerhiya na namumuo sa loob natin,” paliwanag niya. “Pero maliban sa pag-iyak, may iba pang paraan para mailabas natin ang ating mga nararamdaman. Ito ang ginagawa ko sa tuwing nasasaktan ako at naiiyak dahil sa lagi na lang akong ipinagtabuyan ni Stuart,” nagbuntong hininga siya, “nasaktan ako sa sinabi sa akin ni Stuart at dahil nakita kong kailangan niyo ring ilabas ang enerhiyang nagpapasikip sa inyong dibdib kaya naisipan kong pwede akong may makaramay ngayong gabi.” Naawa ako sa kanya. Mukhang kailangan nga niya ng kaibigan ngayon. “Sa maraming beses na pinagtabuyan at pinahiya ako ni Stuart, nakita niyo bang umiyak ako?” tanong niya sa amin. Nagkatinginan kami ni Arlene saka kami sabay na umiling. “Nasasaktan din ako dahil hindi ako manhid pero halip na umiyak ako, ibinuhos ko na lang ang nararamdamag sakit sa ibang paraan,” naglakad siya papunta sa mini bar ng condo niya, “Janine, nang umalis ka, nakita ko ang sarili ko sa’yo kaya pinagsabihan ko si Marco pero pinahiya din ako ni Stuart at ipinamukha na katulad mo ako, na hanggang pantasya lang ang aabutin ko, natin.” Binuksan niya ang bote ng lady’s drink sabay sabi, “sasamahan niyo akong ilabas ang masamang enerhiya na nagpapasikip ng damdamin ko,” ngumiti siya sa amin saka pinatugtog ng malakas ang kanyang stereo. Naintindihan kaagad namin ang ibig niyang sabihin. Nagsasayaw kami at nagtatalon habang umiinon. Para kaming mga baliw dahil wala kaming pakialam kung tumutugma ba sa musika ang bawat galaw namin. Ibinuhos namin ang lahat na lakas hangga’t mapagod. Nakakatawa nga eh dahil nung bumagsak na kami sa sofa na hinihingal ay parang lumuwag ang pakiramdam ko na para bang naiyak ko ng isang lingo ang lahat na sakit na nararamdaman ko. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nakisali si Arlene. Broken hearted din kaya siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD