Chapter 10 - Seven Steps to Make Him Want You

1807 Words
*Janine* “Matagal ko na siyang crush, actually first year high school pa lang ata ako. He already had a girlfriend at that time kaya hanggang tingin na lang ako pero nung nalaman kong naghiwalay na sila nung nag-college sila ay nabuhayan ako ng loob. Kaso, nag-iba siya. Naging babaero siya at ang dami na niyang pinaiyak na babae. Ang dami niyang babae puro hanggang one-night stand lang lahat. Sa tingin ko nga parang s*x object lang ang tingin niya sa mga babae. Wala nga siyang girlfriend pero ang dami naman niyang naka-one night stand. Nainis ako sa unang girlfriend niya. I am sure siya ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Mago” nakikinig kami sa heartaches ni Arlene. “I knew Mago for a while kasi matagal-tagal ko na ring sinusundan si Stuart at sa ginawa kong pagsunod-sunod sa kanya ay nakilala ko na rin ang ibang band members. Nakita ko na dati ang girlfriend ni Mago pero bago pa matapus ‘yung first semester nung first year kami ay bigla na lang itong nawala ng walang pasabi. ‘Yun na rin ang time na nagsimulang maging playboy si Mago,” sabi ni Patricia. “Ano ba yan,” napabuntong hininga na lang ako, “Eh puro pala tayo mga hopeless romantic, dapat siguro gumawa na lang tayo ng Hopeless Romantic Club tapos tayo na ang officers. Puro kasi tayo umaasa na magustohan tayo ng mga lalaking nagpatibok ng ating puso.” “Haaay, kung may formula lang sana para sa pagpapatibok ng puso ng mga lalaking, madali sana,” dagdag ni Arlene, “Eh kung gawa na lang tayo ng sarili nating formula? Parang investigatory project, kung baga,” pagpapatuloy ni Arlene kaya nagtinginan kami ni Patricia. “Nagpapatawa ka ba?” saad ni Patricia. “I am serious,” nagpabalik balik ng tingin si Arlene sa amin ni Patricia, “Look, maraming alam tungkol sa pag-ibig si Janine. Kahit hindi pa siya nagkaboyfriend, ang dami niyang alam dahil sa daming romance stories na nabasa niya sa w*****d. Si Patricia naman, we need her knowledge about flirting at kung paano magpapapansin. At ako naman, sa dami kong nabasang articles about tips on how to make a man want you, I am sure na may maiimpart din ako. Gawa lang tayo ng 10 steps tapos sundin natin. Effective man o hindi, at least may ginawa tayo di ba?” “Tama siya,” tumayo si Patricia para kumuha ng papel at ballpen, “matagal-tagal na rin akong nagtitiis sa pagtataboy ni Stuart sa akin. Ga-graduate na rin kami at hindi ko siya pweding hintayin hanggang maubasan ako ng lalaking pwedi kong mapangasawa. I’ll do this as my last shot. So game?” “Game!” excited na sabi ni Arlene saka sila tumingin sa akin na para bang ini-expect nila na sasang-ayun ako. “Okay,” sabi ko sabay buntong hininga. Step 1: Know Everything About Him (Ako ang nagbigay sa first step) “Teka, parang hindi naman talaga ‘yan step one para sa’kin eh,” reklamo ni Patricia, “I know almost everything about Stuart.” “Maybe,” nagkibit balikat ako, “pero sa mga nabasa ko sa w*****d, may dahilan ang bawat kinikilos ng tao. We still don’t know why Staurt would never want to date you. Hindi ka ba nagtaka? Iba ang pakikitungo ni Stuart sa’yo kung ikumpara sa kung paano niya pakikitungohan ang ibang babae.” “Tama siya, Patricia,” sang-ayon ni Arlene, “minsan talaga nakakapagtaka na iniiwasan ka ni Stuart pero hindi naman siya ilag sa ibang babae. Sa’yo lang talaga siya hindi pumapayag mapalapit.” “Ewan ko ba,” malungkot na saad ni Patricia, “dati naman niya akong pinapansin pero mula noong umalis ang pinsan ko na bestfriend niya, iniiwasan na niya ako.” “There could be something that triggered that,” saad ko, “at ‘yan ang dapat nating alamin. Base kasi sa nababasa ko sa w*****d, ang mga playboy ay may common denominator at ‘yun ay ang pagkakaroon ng dark secrets. Most of the time, these dark secrets prevents them from falling in love.” “Dark secrets? Like what?” kunot noong tanong ni Arlene. “Like a painful heartbreak in the past,” nagkibit balikat ako, “o kaya dahil sa mga nakaraang nangyari sa pamilya. Pwedeng nakaapekto din ang relasyon nila sa mga magulang nila. Maraming factors.” “So ano ngayon kung malaman natin ang mga ‘yun? How will it help us?” tanong ni Arlene. “Sometimes their dark secrets are the things that made them incomplete. Kapag malaman natin kung ano ‘yun, then we will know how to mend them,” sagot ko. “Okay, so ano dapat ang step two?” tanong ni Arlene. Step 2: Make him notice you (Bigay ito ni Patricia) “I don’t think I need to explain further dahil kung gusto niyong magkagusto sa inyo ang mga mahal niyo, dapat nilang mapansin muna kayo,” saad ni Patricia. “Parang hindi naman ‘yun applicable sa akin. Sobrang pansin nga niya ako kaya niya ako pinipintas,” malungkot kong saad. “Eh kasi ang napansin niya ay yung bad traits mo. Ang sinasabi kong pagpapansin ay dapat makita niya ang mga magaganda mong katangian,” paliwanag ni Patricia. “Paano ka? I am sure sobrang naipakita mo na ang lahat ng maganda mong katangian kay Stuart. So hindi applicable ang step 2 sa’yo” pansin ni Arlene. “Di bale. Pwedi ko namang i-fastforward sa next step ‘di ba? Ibig sabihin mas mauuna lang ako ng konti sa inyo,” sabi ni Patricia. Tumango naman kami ni Arlene. “So Arlene, anong tingin mong step three natin,” tanong ko. “Hala? Ako talaga ang magbibigay?” gulat na sabi ni Arlene. “Siyempre, dapat meron ka ring idagdag.” “Okay, eto na.” Step 3: Be kind to him and give him your attention (from Arlene) “Ano?!” sabay kami ni Patricia na napatanong sa kanya. “Nabasa ko ‘yan. Ganito daw kasi ‘yun,” umayos muna siya sa kanyang pagkaupo saka nagpaliwanag, “Ang mga lalaki ay matataas daw ang ego. It boosts their ego kapag nalaman nilang may taong binibigyan sila ng importansya.” “Parang naiintindahan na kita,” sabi ko, “ang ibig mong sabihin ay i-ispoil natin sila sa mga atensyon natin hangga’t masanay na sila sa pakikitungo sa natin sa kanila.” “Exactly!” saad ni Arlene. “Eh paano ‘yan? Nagawa ko na rin ‘yan kay Stuart,” saad ni Patricia, “palagi akong nandiyan para sa kanya. Feeling ko nga, naaasiwa na siya sa presensya ko.” “Then do the next step,” pilyo akong ngumiti. “Which is?” sabay silang nagtanong. Step 4: Kiss Him “What?” – Arlene “Really?” – Patricia Sabay nilang reaksyon. “Nababaliw ka ba?” saad ni Arlene, “hindi ba parang sobrang malandi tayo kapag ginawa natin ‘yun.” “Hindi naman natin ipahalatang sinadya natin ang halik,” natatawa kong saad. “Pero bakit natin gagawin ‘yan?” nalilitong tanong ni Arlene. “Dahil madalas sa halik nagsisimula ang pagbabago ng tingin ng lalaki sa babae,” sagot ko. “Saan galing ‘yan? Sa w*****d ba?” tanong ni Patricia. “Oo,” mabilis kong sagot, “pero ‘yan din minsan ang mga napapansin ko sa mga K-drama.” “Mukhang mahirap ‘yan,” saad ni Patricia, “but I like the idea. At least, if all these won’t work, kahit papaano, nasubukan kong halikan si Stuart,” may halong kilig na pagpapatuloy ni Patricia. “I don’t know,” pag-aalangan ni Arlene, “pero bahala na.” “So what’s next?” tanong ni Patricia. Step Five: Ignore Him (bigay ko) “Ignore him,” saad ko. “Hahalikan natin tapos iiwasan?” tanong ni Patricia. “I think I know why she said that,” sabat ni Arlene, “kasi ‘di ba inulan natin sila ng atensyon tapos kunwari biglang nagkahalikan. So staying away from them would make them miss us.” “Tama,” magiliw kong saad, “madalas kasi sa mga nababasa ko sa w*****d, saka pa marerealize ng lalaki na mahal niya ang babae kapag lumalayo na ito sa kanya.” “Eh paano kung hindi niya ‘yun marealize?” sagot ni Patricia, “remember, we are dealing with campus heartthrobs. Saka maypagka-playboy ang mga ‘yun. They won’t be easily affected with just a kiss.” “Tama din si Patricia,” malungkot kong saad. “Then let’s proceed to the next step,” sagot ni Arlene, “and that is to make him jealous.” Step Six: Make him jealous “Interesting,” napangiti ako, “ipapakita natin na gagawin natin sa iba ang dating sa kanila lang natin ginagawa. I’ve read somewhere that men are territorial. Kapag nakikita nilang sa iba na natin binabaling ang atensyon natin, their hunter-nature would want them to get what they think are their.” “Well, I hope that works,” saad ni Patricia, “kasi baka totohanin nila ang pagtalikod natin.” “Then that will be the sign na dapat na tayong tumigil,” saad ko, “one thing I learned from most of the second leading men in w*****d stories is, hindi lahat na ginusto mo ay mapapasa’yo. In the end, malalaman mong iba pala ang nakalaan para sa’yo.” “Ouch naman,” napasimangot si Patricia, “pero tama ka rin naman. I have been very vocal about my feelings for Stuart for four years now. Soon, ga-graduate na kami. Tama na rin siguro ang ilang taong paghahabol ko sa kanya. If these things won’t work, I’ll tell myself to quit.” “So I guess the seventh step should be to celebrate whatever will be the result of our efforts,” suhestiyon ni Arlene. Step Seven:No matter what the result is, we have to meet again and celebrate together. We held hands and gave each other assurance that no matter what, we will be there for each other. Ang sarap sa pakiramdam na may karamay. Alam kong kabaliwan ang ginagawa naming pero sa tingin ko worth it. Ayokong magbaliktanaw at isipin ang mga “what-ifs” dahil hindi ko sinubukan ang ginawa naming seven steps. “Whether the result is good or bad, we will have each other to face the results,” sabi ni Arlene habang bahagyang pinisil an gaming mga kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD