*Janine
Ngayon naming balak simulant ang aming kabaliwang ‘Seven Steps to Make Him Want You.’ Ang totoo, walang kasigurohang magtatagumpay kami, pero ang mahalaga, we did our best.
“So here’s the regular routine of the Adonis band members,” pagsisiwalat ni Patricia, “Every Monday and Wednesday afternoon ang basketball practices nila, Tuesday and Thursday naman ang volleyball. Fridays at weekends ang band rehearsals nila. Tuwing Friday at Saturday, they rehearsed at the music room but on Sundays, they rehearsed at Marco place. Ay oo nga pala, they always have gigs every Saturday evening sa club na pamamay-ari ng pamilya ni Mago.”
“Wow! Ang busy nila. Paano nila naiisingit ang pambabae nila?” komento ni Arlene.
“Remember that they don’t take women seriously,” sagot ni Patricia, “simula noong nakilala ko sila, I have never heard or seen them having a steady date.”
“Oo nga pala,” may bigla akong naalala, “di ba sabi mo, bestfriend ni Stuart ang pinsan mo? Bakit hindi mo siya tanungin tungkol kay Stuart?”
“I tried that pero wala akong nakukuha sa kanya maliban sa mga ibinibigay niyang tips tungkol sa mga gusto ni Stuart sa babae at iba pa,” may pighating pagkasabi ni Patricia.
“Ah alam ko na!” excited kong saad. “why don’t we start secretly stalking them?”
“Hindi pa ba sapat na itinuturing nila akong Stuart’s Ultimate stalker?” paalala ni Patricia.
“Pero iba kasi ‘yung alam ni Stuart na iniistalk mo siya,” paliwanag ko, “if he and his friends are not aware of your presence, baka pag-usapan nila ang mga bagay na ayaw nilang ipaalam sa’yo, like the reason why he ignores you.”
“Alam mo, may point si Janine,” saad ni Arlene, “palagi ka kasing nakaaligid kay Stuart. Siyempre, he’ll never talk about his secrets when you are around.”
“I think you’re right,” saad ni Patricia, “at tamang-tama, may band practice sila ngayon. I have access to the key in the backstage. We can eavesdrop while they practice.”
“Good idea! Tara,” excited kong saad.
__________________________
Nag-eensayo ang Adonis band para sa Valentine’s concert nila at dahil malapit na itong maganap, sa auditorium sila nag-eensayo. Tamang-tama namang may susi si Patricia sa backstage door. Bilang president ng dance club, binigyan siya ng duplicate sa backstage dahil ang dance troupe ang madalas napapasama sa mga programa ng university.
Upang makasigurong hindi kami makikita, minabuti naming akyatin ang stage lights area upang doon magmanman.
“Wrap up na tayo, magkita na lang tayo sa gig natin bukas,” narinig naming saad ni Marco.
“Hindi ba tayo magpa-practice bukas?” tanong ni Stuart.
“I need to see Nathalie tomorrow,” nagulat ako sa sinagot sa kanila ni Marco. Bakit siya makikipagkita kay Nathalie? Sila na ba ulit?
“Wow! Ano ‘yan, pare? Susuyuin mo ba?” natatawang tanong ni Angelo.
“I have to, pare,” saad ni Marco, “wala na akong ibang maisip na posibleng maging si mystery girl. I’ve flirted and dated all the dance troup members, except for Patricia and Janine, of course; pero wala ni isa sa kanila ang nagpapakita ng senyales bilang si mystery girl ko.”
“Kaya mga cheerdancers na naman ang puntirya mo?” tumatawang sabat ni Kaz, “sabagay, it is about time for you to move on, pare. You really need someone who can help you forget about Natasha.”
Natasha? Siya ba ang unang babaeng minahal ni Marco? Natasha-Nathalie, halos magkatunog lang. Possible kayang nagka-interes siya kay Nathalie dahil sa Natasha na ‘yun? Sino naman si Natasha at nasaan na siya ngayon?
“OMG! This is really a big revelation,” bulong ni Patricia kaya napalingon kami sa kanya.
“Si Ma’am Natasha,” tumingin siya sa amin, “she used to be our economics teacher. Kaya pala kakaiba ang pakikitungo nila sa isa’t isa.”
“So you mean, nagkaroon ng student-teacher relationship si Marco?” gulat kong tanong.
“I am not exactly sure,” saad ni Patricia, “kasi ang naalala ko, Ma’am Natasha left the teaching profession dahil ikakasal siya.”
Tahimik akong napatingin kay Marco. Minahal kaya niya ng sobra si Natasha? Umasa kaya siya ng sobra kaya siya sobrang nasaktan? At sino naman ‘yung tinutukoy niyang mystery girl?
“So bukas ng gabi na tayo magkikita?” narinig naming tanong ni Mago.
“Teka, para yatang excited ka. Meron ba kaming walang alam sa’yo, ha?” natatawang tanong ni Marco.
“Wala, pare. May kakapasok lang na on-the-job trainees sa bar at bukas daw ito magsisimula. Galing daw ito sa ibang school at saka, sa nakita ko sa profile picture, magaganda’t mukhang playful,” sagot ni Mago.
“Kaya pala. May nakita ka nanaman palang gagawin mong bagong flavor of the month,” si Angelo.
“Siyempre, namnamin ko na kasi ako ang napag-atasang mag-orient sa kanila. Hahaha,” pagmamayabang ni Mago.
“Aba, magbigay ka naman ng para sa amin,” saad ni Kaz.
“Ipapakilala ko sila sa inyo bukas pagkatapos ng gig natin, basta tandaan niyo, akin yung magaling kumanta,” sagot naman ni Mago.
“Hahaha, bakit pare? Pinapakanta mo ba ang mga babae mo bago mo sila ikama?” pinagtawanan naman siya ni Stuart.
“Gago! Nakakadagdag lang sa gana ang mala-bedroom voice ng babae at kapag nasarapan na ito ay tila kumakanta kapag umuungol,” pagmamayabang ni Mago.
Okay, at least now we know that Mago likes girls that can sing.
“Ay ewan ko sa inyo, makaalis na nga,” tumayo na si Angelo.
“Sige, pare. Mauuna na rin ako, tatawagan ko pa kasi siya,” sabi ni Stuart.
“Siya na naman, pare? Tigilan mo na siya. Sa katagalan mukhang wala ka nang pag-asa sa kanya. Kay Patricia ka na lang,” pahabol ni Kaz.
“I am not giving up on her, pare,” seryosong saad ni Stuart.
“Ikaw din, baka mapunta pa sa iba si Patricia,” saad ni Kaz.
“If that happens,” lumingon si Stuart kay Kaz, “I will be happy for her.”
Naramdaman ko ang lungkot ni Patricia kahit pinipilit niya itong itago.
“Tara na,” saad ni Patricia, “sundan natin si Marco.”
“B-bakit?”
“You want to know more about Marco, right,” kahit ngumiti siya ay nakikita ko pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
“Oo, pero paano si Stuart?” sagot ko.
“Alam ko naman kung saan siya uuwi,” sagot ni Patricia, “ang mahalaga, you know where to find Marco.”