Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin sa magkabilang linya. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko na kung may sakit lang sana ako sa puso ay inatake na ako. "A-no ba ang s-sinasabi mo, Apollo?" Ramdam ko ang kaba sa boses ni Arthur. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong kinakabahan siya. And my instinct is not wrong. Alam kong may anak kami ni Rhomien. "Oh, c’mon, Arthur. You know who I am talking about! Where is my child?!" I wanted to strangle him for the pain that I am feeling right now. Kung pwede lang siyang hilahin mula sa kabilang linya ay ginawa ko na dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. "Children," bulong niya na hindi ko masyadong narinig. "What?! Linawin mo ang sinasabi mo, Arthur!" Nanggagalaiti na ako sa sobrang galit ko sa kanya. "You have children. Two boys and

