BOOK 1 - Kabanata 1 (Sad Prince)
(MARCO'S POV)
"It's sleeping time!" magiliw kong pahayag sabay bukas ng pinto sa kuwarto ni Lovie.
Naabutan ko siyang naglalaro sa ibabaw ng kama. Agad niyang isinilid ang lahat ng laruan sa kahon at itinulak iyon sa ilalim ng kama.
"Done, Daddy!" masigla niyang tugon.
Sinalubong niya ako ng yakap at halik.
"Very good!" I complimented.
Lovie was a sweet and lovable kid. Kahit lumaki siyang walang mommy, mabait at masunurin pa rin siyang bata.
Hindi pa muna namin sinasabi sa kanya ang lahat—lalo na ang tungkol sa tunay na relasyon niya sa kanyang totoong ina—masyado pa siyang bata at komplikado ang sitwasyon. Besides, if we really think about it, she was Mutya’s daughter—or supposed to be Maria when we got married. Ang mahalaga, ayos na kami ngayon. We are all happy and contented. Masaya na rin sina Rhem at ang bagong Maria; in fact, they’re now waiting for their own baby boy to come.
Para sa akin, wala na ang asawa ko. Masaya na ako kasama ang pinakamamahal kong anak.
Ako, I already have Lovanah. She’s enough for me.
"Daddy!" nakangisi niyang iniabot sa akin ang isang storybook.
I knew it!
Magbabasa na naman kami ng fairytale story na paborito niyang ipabasa sa akin nang paulit-ulit. Tila ba hindi siya nauubusan ng tuwa sa pakikinig, kahit kabisado na niya ang ending ng malungkot na prinsipe at ng babaeng nasa kuwento.
My daughter is so sweet, so innocent. Kaya nga nasasaktan ako tuwing nagtatanong siya tungkol sa mommy niya.
"Alright. Go, hop into your bed."
Agad siyang sumunod at nahiga sa kama. Tinakpan ko ng kumot hanggang dibdib at umupo sa tabi niya.
"And now, let’s pray first..."
Pinagdikit niya ang dalawang palad at pumikit. Marahan kong hinaplos ang kanyang tuwid at makintab na buhok habang pinakikinggan ang kanyang panalangin.
"Papa Jesus, thank you for this wonderful night. Thank you for Daddy, Tita-Mommy, Tito-Dada, and Nanay Esther," she recited.
She unfailingly said this prayer every night. Sa palagay ko, baka nga nabibingi na ang Diyos sa paulit-ulit na dasal ng anak ko. Pero nakatutuwa lang na wala siyang ibang hinihingi kundi magpasalamat.
Napangiti ako. Pero mukhang hindi pa siya tapos dahil hindi pa siya nag-a-amen. Baka may bago na naman siyang hiling.
Toys, maybe.
Bihira lang siyang humingi ng laruan sa akin—madalas nga ako na ang bumibili. Kaya tuwang-tuwa siya kapag may bigay ako. She appreciates small things, and I’m so lucky God gave me such a wonderful and sweet daughter.
"And also, thank you po for my future and new mommy. Amen!"
New Mommy? Where did she get that?
Napatitig ako sa kanya. Parang tinusok ang puso ko sa narinig. Alam kong sabik na sabik si Lovie sa pagmamahal ng isang ina. But how? Hindi naman ako basta kukuha ng kung sino para lang maging nanay niya.
Mahal naman siya ni Maria, pero iba pa rin kapag sariling ina ang kasama mo.
The Maria I met before was the ideal woman for me—perfect in all her imperfections. And if I will get married again, I want to choose the best, and let’s say, the perfect woman—a perfect mother and perfect housewife.
Hindi iyon para sa akin. Para iyon sa anak ko. Gusto ko siyang maging masaya.
Pasimple kong pinahid ang luhang pumatak. I was really emotional pagdating kay Lovie. Mahal na mahal ko ang anak ko, at siya na ang kahinaan ko—lalo na ng puso ko.
"Okay, let’s read," pilit kong pinasigla ang boses. She must not see me crying. No one must see me crying. I am fine. Am I?
I shook my head at the thought. Okay ako. Okay na okay ako...
"The Sad Prince..." iyon ang titulo ng libro.
"There was a girl who had been wandering along the dusty road for many years... Her dress was as yellow as the sun and was embroidered around the hem with cuffs in cherry-red flowers. Long and burnished was her brown hair, twined and tangled through a small red dress..."
Lovie suddenly sat up and looked at me. Napatigil ako sa pagbabasa para tingnan siya.
"Daddy, the girl is beautiful, isn’t she?"
Nginitian ko lang siya at pinahiga ulit. I eyed back to the book and continued reading.
"Despite her traveling, the girl was not worried. One morning, she turned a corner and came across a ruined town. The ruins were inhabited with an abundance of life. But there were no people..."
Pasimple kong sinilip ang bata at nakita kong humihikab na. She slowly closed her eyes and I thought she was already asleep, so I gently closed the book—until I heard her mumble.
"C-Continue, Daddy," she whispered in a sleepy voice.
Gising pa pala!
I smiled, opened the book again, flipped the page, and continued.
"The girl went inside the castle of that ruined town. She saw a man sitting in a chair beside a deep-set window. A slim golden crown straddled his head. The man with a sad face and sad eyes is a Prince..."
I stopped when I heard her sweet snore.
Papakiramdaman ko muna siya bago ako dahan-dahang tumayo. Madaling makatulog si Lovie pero mabilis din siyang magising kapag may gumalaw.
Pero wala pa akong nagagawa nang bigla niya akong yakapin sa bewang. Wala na akong nagawa kundi bumalik sa pagkakasandal sa kama at hinayaan siya.
My sweet little princess.
Hinaplos ko ang buhok niya at pinagmasdan ang napakagandang mukha ng aking prinsesang anak. She’s growing up so fast. At sa mga darating na taon, dalaga na siya.
She really looks like you, hon... sabi ko sa sarili.
Nawala man ang pinakamamahal kong asawa, may isang tao naman ang pumalit at nagbigay liwanag sa akin.
I leaned my head on the headboard of the bed and took the book I just read.
The Sad Prince...
Ako ba ang tinutukoy sa istorya? Am I really that sad?
Binuklat ko ang pahina kung saan ako nahinto at nagpatuloy sa pagbabasa.
Mabuti pa nga ang mga bida sa kuwento ay may maganda at masayang ending. Sa totoong buhay, may masasabi rin akong happy moments, pero hindi ganoon ang magiging ending ko. Masaya ako sa piling ni Lovie, at sapat na iyon para sa akin.
You will never know what will happen. You will never know who will come. And definitely, Lovie was the best person who came into my life.
Napahikab ako, ramdam ang antok.
Not just a couple of minutes, I instantly fell asleep...
Sleep, sad prince...