MALAKAS ang kabog ng puso ko habang nakatitig sa natutupok na gusali. Nang nagpasyang tumungo sina Drei at Samara dito ay hindi ako nagdalawang isip na sumama. Kitang-kita ko ang takot ng mga bata at iyakan nila sa tuwing may maliliit na pagsabog ang nangyayari.
"Papasok ako," ani Drei na nakasout ng hoodie at nagbuhos ng isang timbang tubig sa katawan.
Samara stopped him. "No! The fire is too big—"
He smirked. "Don't worry Anwood, I'll be fine."
Bago pa man makasagot si Samara ay tumakbo na si Andrei sa loob ng nasusunog na orphanage. Samara looked tensed, so I tried to talked to her but she is too occupied with her thoughts. Nilingon ko si Jared na matamang nakatitig sa umaapoy na gusali. Kinalabit ko siya at pinalapit sa akin.
"Y-yes, M-madam?"
"Magpadala ka ng relief goods, clothes and anything that could the children," utos ko na agad sinunod ni Jared.
I was about to walk towards my car to get my phone when a rushing kid pulled my bag. Napayuko ako at tinitigan ang batang babae na punong-puno ng luha ang mga mata. My heart suddenly melt. Lumuhod ako at dinukot ang aking panyo saka siya pinunasan.
"Hey, bakit ka umiiyak?" Masuyong tanong ko at hinawi ang magulo niyang buhok.
She sobbed. "Si..si Dandan po kasi nasa loob ng basement." Turo niya sa umaapoy na gusali.
"Basement?" Takang tanong ko.
Tumango siya at suminghot. "Naglalaro po kasi kami ng tagu-taguan tapos..tapos naiwan siya doon sa loob."
Kumunot ang noo ko at agad napatayo. "Dito ka lang—"
"Ililigtas niyo po ba si Dandan?"Inosenteng tanong niya sa akin. Her eyes was hopeful and I'm not that bad to disappoint this little girl.
I nods. "Oo. Just stay here."
Matapos ko iyon sabihin ay nilapitan ko ang isang madre na nagdadasal at may hawak-hawak na rosaryo.
"Sister? Nasaan po ang basement ng orphanage?" Tanong ko.
"Pagkapasok mo sa loob, kumanan ka at makikita mo roon ang hagdan pababa. Sa dulo niyon ay may pintuan. Iyon ang basement, Hija. Maaari ko bang matanong kung bakit?" Sagot ng madre.
Ngumiti ako at imbes na sagutin siya ay walang pagdadalawang isip kong tinakbo ang nasusunog na gusali. Malinaw ko pang narinig ang tawag ng mga tao sa aking pangalan. Ngunit sa halip na huminto ay nagpatuloy ako hanggang sa mapasok ko ang loob ng bahay-ampunan na ito.
The heat pricks my skin and it was painful. Katulad ng sinabi ng madre ay tumungo ako sa lugar na sinabi niya at hindi naman ako nabigo dahil agad kong natagpuan ang pintuan na sinasabi niya. I was about to stepped further when the walls beside me began to fire extremely. Tinakip ko ang aking braso sa aking mukha upang hindi ako tamaan ng piraso ng pader na sumabog.
I coughed badly because of the smoke. Putting my hand on my nose, I walked again until I reached the door. Pinihit ko ang seradura ngunit naka-lock iyon. Malakas kong kinatok ang pinto, nagbabakasaling marinig ang boses ng batang nasa loob.
"Dandan!" Tawag ko sa pangalan.
Napasinghap ako nang marinig ang sagot ng bata mula sa kabilang pinto.
"Tulong! Tulungan niyo po ako!"
Lumingon-lingon ako para mag-hanap ng maaring gamitin pang bukas nang may braso ang pumulupot sa aking bewang at inilayo ako sa pinto. Napalingon ako sa may gawa niyon at tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Andrei na seryosong nakatitig sa pinto. I don't why the sudden fast heartbeat came from while looking intently to his serious face.
Nanlaki ang mata ko nang lingunin niya ako at tinaasan ng kilay. Agad akong nag-iwas ng tingin at itinuon ang pansin sa nakasaradong pinto.
"What are you doing here, Dela Vega?" Tanong nito sa pagalit na boses.
I gulped. "I..I want to save the kid who got trapped inside this basement."
He looked at me sharply. "You're such a daredevil."
Matapos iyon sabihin ay hinubad nito ang sout na basang hoodie at basta na lang ipinatong sa aking ulo. Pinagmamasdan ko lang siya nang bahagya siyang yumuko kapantang ng seradura at muling lumingon sa akin.
"Do you have a hairpin?" He asked.
"Why don't you kick the door instead of asking a hairpin? Para mas madali?" Saad ko na ikinataas ng kilay niya.
"Nakadikit sa mismong pinto si Dandan at sa sobrang kapal ng usok at ingay ay hindi niya tayo maririnig. If I kick that f*****g door, what do you think will happen?" Sagot nito na salubong na ang kilay at iritable na rin ang hilatsa ng mukha.
Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya. He's right. Dahil oras na sinipa niya ang pinto at nandoon si Dandan ay maaring masaktan ang bata. I bit my lowerlip and about to say sorry when he touch my hair.
Napatanga ako sa ginawa niya ngunit agad nawala ang malakas na kabog ng puso ko nang makita kong hawak na niya ang hairpin. He unlocked the doorknob like a pro using a hairpin? What a man!
Nang mabuksan namin ang pinto ay hindi nga siya nagkamali. Because the kid is staying in front of the door, crying and asking for help. Nanlaki ang mata ng bata nang makita kami at agad itong tumalon ng yakap kay Andrei.
"K-kuya D-drei!" Iyak ng bata. Andrei tapped the boy's head.
"Hush now, Dandan. You're safe."
Buhat ni Andrei ang bata at hinawakan niya naman ako sa kamay. He walked us to the exit and I was like an idiot who is staring at Drei's back. Hindi ko akalain na ganito ang bastos, arogante at ubod ng yabang na lalaki. He's fonds of kids and it was so cute.
Palabas na kami ng gusali nang may matapakan ako dahilan para mabitawan ako ni Drei at agad akong lumubog sa isang butas. I don't know what to feel right now except nervousness. Nawala sa paningin ko si Drei at Dandan dahil sa mga kahoy na bumagsak mula sa kisame.
My legs are hurting and my arms was pricked by the painful fire. Nanlalabo rin ang paningin ko dahil sa makapal na usok na bumabalot sa boung gusali. I tried to pull myself up and closed my eyes as I gave all my strength. Pero sa isang iglap ay bigla na lang akong umangat mula sa nakalubog na bahaging iyon. My eyes pierced at the man who is carrying me.
"Are you okay?" He asked. Punong-puno ng pawis at maliliit na sugat ang mukha at leeg nito ngunit hindi ata nakabawas iyon sa angkin niyang kakisigan.
I nods. "O-oo.."
He smirked. "Good. Let me take you out of here."
Matapos niya iyon sabihin ay naglakad siya palabas hanggang sa tuluyan kaming makaalis sa nangangalit na apoy sa loob. When the sun rays kissed my bare skin I felt relieved. Thank God, I'm alive and still complete..
Dahan-dahan naglakad si Drei sa mga nagkukumpulan at agad kong nakita si Dandan na nakayakap kay Samara. Si Butler Jared naman ay humahangos na lumapit sa amin at akmang kukunin ako mula kay Drei ng magsalita ang isa.
"I can bring her to the nearest hospital. Ikaw na ang bahala dito," anito at nilagpasan si Butler Jared na nakaigting panga at kuyom ang kamao.
My legs feels hurt maybe because of the wound I got. Napangiwi ako nang muling maramdaman ang kirot.
"Does it hurt?" He asked.
I rolled my eyes. "Malamang, sugat eh."
He chuckles and shake his head. "Sino ba kasing nagsabi na mag-ala wonder woman ka at iligtas si Dandan?"
Ngumuso ako pinaningkitan siya. "Because the kid needs help! You jerk!"
He looked at me. Napatigil ako at ito na naman ang puso ko sa malakas na kabog. Marahan niya akong iniupo sa kaniyang Audi saka siya umikot saglit.
"I can save the kid, Dela Vega. Next time don't do reckless stunt. Because instead of helping us out, you might be the reason of another problem." Walang emosyon na anas niya at nagsimulang magmaneho.
Inirapan ko siya at nanahimik na lamang. Bakit ba laging tama ang batong 'to? Gusto ko lang naman tumulong pero mukhang mali pa ata ako.
"Mr. Stone.." Tawag ko sa pangalan niya.
"Hmm?" he hummed.
"I'm willing to help the kids. I will give them their needs."
Bahagya siyang lumingon at muling itinutok ang paningin sa daan. The side of his lips curved upward.
"Hindi ko tatangihan iyan, Miss Dela Vega."