"BUTLER Jared! Bilisan mo!" Sigaw ko mula sa labas ng mansyon. Nakapameywang ako habang hinihintay ang lalaking limang oras ata bago matapos sa mga bilin niya sa mga kasambahay. We have to go to tagaytay to check the newest land for my company.
Matapos ang ilang segundo ay lumabas na rin ng bahay si Butler Jared bitbit ang isang maleta, isang knapsack at isang handbag. Hirap na hirap ito sa tatlo niyang bag at halos hilain niya na lang ang mga 'yon. I rolled my eyes and raise my well trimmed eyebrows.
"M-madam, r-ready na p-po ako!" anito at inayos pa ang salamin.
"At last! Tara na at mahaba-haba ang biyahe natin." Nauna akong sumakay sa passenger's seat ng sasakyan. Si Butler Jared naman ay nilagay sa trunk ang mga bags saka sumakay sa driver's seat.
"M-madam, s-seatbelt po."
I sighed. "Fine, fine, fine."
Nang umandar ang sasakyan ay umidlip muna ako dahil naparami ang ininom ko kagabi kasama si Butler. Mabuti na lang talaga at may umalalay sa akin kagabi dahil kung wala ay baka kung saang kangkungan na ako pinulot.
Isang tapik sa balikat ang nag-pagising sa akin at agad kong minulat ang aking mata. I rubbed my eyes gently and yawn, I even stretched my arms upward and fix my bra inside my shirt. Nilingon ko naman si Butler Jared na bahagyang naka-awang ang labi at tulala lamang sa ginawa ko.
"Butler!"
He blinked. "M-madam, n-nandito na po t-tayo."
I sighed and shake my head. Lumabas na ako ng sasakyan at nag-unat ng katawan. Agad akong napayakap sa aking sarili nang umihip ang malamig na hangin. Napaigtad ako nang may jacket na dumantay sa aking balikat. I turned my gaze and I saw butler Jared looking at me intently.
"Salamat," anas ko at naglakad. Pumasok na ako sa bakanteng gusali na iyon at nameywang.
It was wide and I guess my bulalohan will fit here. Tamang-tama iyon sa klima dito sa tagaytay at tiyak na dadagsain iyon dahil sa malapit ito sa mga lugar na pinupuntahan ng mga turista.
"M-madam." Nilingon ko si Butler na nasa likod ko.
"Yes?"
"N-natawagan ko n-na po ang a-architech na ti-ti-tingin di-dito," aniya at inayos ang salamin.
Tumango ako at muling humarap sa bandang bintana kung saan kitang-kita ang isang kilalang bulkan. Humalukipkip ako at ipinikit ang aking mata. I only have a year to ready myself for my upcoming comeback. Ang muli kong pagbabalik sa aking pinanggalingan ay ang magiging dahilan ng pagbagsak ng mga traidor na kumamkam ng aming yaman.
"M-madam? N-nandito na po s-siya."
Nanatili akong nakapikit at tumango. "Sige."
I took a heavy sighed and closed my fist. I will make them pay. Babawiin ko ang yaman namin, babawiin ko ang dapat na sa akin. I opened my eyes and sighed again. Kunting-kunti na lang.
"That was deep."
Napalingon ako sa baritonong boses na iyon. Kumunot ang noo ko nang rumehistro sa aking paningin ang lalaking hindi ko inaasahan. Was he the architect?
"Mr. Stone.." bati ko sa kaniya.
"Ms. Dela Vega," ganting bati niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. "Didn't know, architect ka pala."
He chuckled. "No I'm not. Actually si—"
Hindi natapos ni Andrei ang sinasabi niya nang may isa pang dumating. She was smiling but like what I saw at Nico's party, her hair was messy and the smudges of lipstick on her lips was too visible to ignore.
"Samara?" Paninigurado ko. Ngumiti naman siya at inayos ang buhok. Dahil sa kakatitig ko sa kaniyang labi na may kalat-kalat na lipstick ay bigla na lang niya iyong tinakpan.
"H-hi," bati niya matapos pasimpleng pinunasan ang labi.
"Ikaw ang architect?" I asked her.
She nods. "Yes."
At dahil sa malamig na klima ay hindi maaiiwasang umihip ang malakas na hangin. My forehead creased when Andrei took of his jacket and put it on Samara's shoulder. May tinatagong gentleness pala 'tong batong 'to.
"I think we should go to a coffee shop," anito at inalalayan ang babae.
Nagkibit-balikat ako at sumunod sa kanila ngunit sa hindi sinasadyang pangyayari ay bigla na lang umuga ang pakiramdam ko. Marahas akong napatingin sa paligid at doon ko lang napagtantong hindi lang ako ang umuga kundi ang lahat. An earthquake?
Napaigtad ako nang may mga braso ang humila sa akin. Those strong arms covered me from the small stone from the ceiling. Napa-angat ako ng tingin sa lalaking iyon at sumalubong sa akin ang mga matang kasi lalim ng isang balon. Isang balon na punong-puno ng sekreto, hinanakit at galit.
"Are you alright?" Tanong niya. Tumango ako at nilingon si Samara na yakap-yakap ni Butler Jared.
Teka? SM pala 'tong Jared na 'to. Simpleng Manyak.
Nang tumigil ang ilang segundong pag-uga ng lupa ay napatayo na ako ng maayos. Pinikit ko ng mariin ang aking mata at nilingon si Andre na nakangisi. Who wouldn't? He was palming my breast and I didn't know how it happened.
"P'wede ba?!" Tulak ko sa kaniya.
"Ang lambot.." aniya at binukas-sara ang palad. "..puro foam."
Tinitigan ko siya ng sobrang sama, kasing sama ng ugali niya. Ang kapal ng mukha ng batong 'to para sabihing foam lang ang boobs ko.
"36B!" Sigaw ko sa mukha niya at mabilis siyang nilagpasan.
"36B?" Takang sagot niya na ikinalingon ko.
I crossed my arms over my 36B breast to at least give it more highlights on his eyes. Hindi naman ako nagkamali dahil dumako roon ang paningin niya at ngumisi.
He nods. "36B.."
I rolled my eyes and about to walked out when he spoke.
"Sandali lang 36B!"
My jaw dropped upon hearing him called me 36B. Seriously?
Nilingon ko siya at binato ng jacket. He chuckled and shake his head.
"Why?" Tanong niya
I blow an air. "Why mo mukha mo!"
Tinalikuran ko na siya at tuloy-tuloy na lumabas ng gusaling ito. The moment I stepped out from this building, I stamped my feet annoyingly. That man really know how to ruin my day. He's getting into my nerves!
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. Agad akong tumungo sa sasakyan namin at natigilan sa aking nakita. Samara was sitting in a log while Butler Jared was cleaning Samara's foot. Nakahantad ang hita nito na hindi alintana ng lalaking seryoso sa ginagawa.
"What happened?"
Sabay silang napatingin sa akin. Samara's cheeks turned red while Butler Jared stood up and bow his head. Tinitigan ko ang namumulang paa ni Samara at mahahala roon ang pamamaga.
"Natapilok lang ako," aniya at pinilit tumayo.
Lumapit sa akin si Butler Jared at hinawakan ang aking braso. Napapitlag ako at doon ko lang napansin ang pagdurugo ng maliit na sugat na marahil ay gawa ng maliit na bato.
"M-madam, g-gamutin n-natin," ani Jared at kumuha ng puting panyo. Hinayaan ko na lamang siya hanggang sa mailagay niya ang band-aid.
"Sweet."
Nag-taas ako ng kilay nang marinig ang mapang-asar na boses na iyon. Lumapit siya kay Samara at basta na lamang itong binuhat. Napangiwi naman ako nang dumiin ang hawak ni Jared sa aking sugat kaya nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata.
"S-sorry, M-madam."
"I think we should reschedule our meeting. Dadalhin ko muna si Anwood sa hospital para sa sprain ankle niya," ani Drei.
Umiling naman si Samara. "H'wag na Roux—"
Naputol ang sinasabi ni Samara nang tumunog ang cellphone nito. Dahan-dahan siyang binaba ni Drei at inalalayan itong makatayo ng maayos. Kumunot naman ang noo ko nang marinig si Butler na may binubulong-bulong at halatang iritable.
"Butler Jared," tawag ko sa atensyon. He turned his gaze to me and bow his head.
Muling bumalik ang tingin ko kay Samara na sinagot ang tawag.
"Hello?" She answered the call.
Ang naka-plaster na ngiti sa labi niya ay unti-unting naglaho. Napalitan iyon ng takot at pagkataranta. Natutop niya ang kaniyang bibig at napasinghap. Nilingon niya si Andrei na nakatiim-bagang at kuyom ang kamao.
"What happened, Anwood?" He asked her.
"N-nasusunog ang orphanage..."