ISANG linggo na simula nang iwan ako ni Andrei sa tribung ito. They treat me well. Ako na mismo ang nahihiya dahil sa sinabi ni Andrei sa kanila. When I get out from this mess, ibabalik ko ang tulong na binigay nila sa akin. "Ate Eunice!" tawag sa akin ng batang may kulay kayummangging balat. Ngumiti ako nang makalapit siya sa akin. Butil-butil ang pawis niya sa noo dahil sa mataas na sikat ng araw. At the very young age, these kids learned to work for their own needs. Hanga ako kay Drei dahil buhay na buhay ang tribung ito dahil sa kaniya. "Bakit lena?" tanong ko. "Tawag po kayo ni inay," aniya at tinuro ang malawak na hapag na nasa labas ng kubo. Punong-puno iyon ng pagkain na siyang pinagtaka ko. Kunot-noo akong tumingin kay Lena. "Bakit daw?" "May malaking pagtitipon dahil m

