Hindi na mabilang ni Jacob kung nakailang stick na siya ng sigarilyo habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kalangitan.
"Kumusta? Mahigit dalawang linggo kang nawala ayos lang ba ang trabaho na nagawa mo?" tanong ng mayordoma ni Jacob at umupo pa ito sa upuang malapit sa kanya.
"Kayo pala manang. Wala pa rin nangyayari manang, ganoon pa rin malabo at mukhang ayaw pa rin kaming pagtagpuin ng tadhana." Napabuntong-hininga si Jacob.
"Kailan ka titigil sa paghahanap sa taong alam naman natin na hindi natin alam kung saan matatagpuan? 31 year old ka na siguro sapat na iyan para lumagay ka na sa tahimik na pamumuhay." Kumuha ng isang stick ng sigarilyo ang matanda.
"Alam n'yo naman manang kung bakit hindi ako tumitigil sa paghahanap diba? At kahit humantong ako sa edad na hindi ko na kayang kumilos maghahanap pa rin ako at iyon ang pangako sa mga mahal ko sa buhay na nawala na. Saka manang ilang beses ko na bang sasabihin sa inyo na hangga't hindi ko nakikita ang taong hinahanap ko hinding hindi ako titigil kaya tigilan n'yo na iyang salitang 31 na ako at lumagay na sa tahimik," seryusong saad ni Jacob at bahagya pang napatingin sa matanda.
"Matanda na ako Jacob, at hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili sa mundong ito. Ikaw ang inaalala ko, paano ka na kapag nawala na ako? Sinong mag aalaga sa iyo?" Hinawakan ng mayordoma ang balikat ni Jacob.
"Manang relax.. Aabot ka pa ng isang daan taon kaya please lang huwag mong sabihin iyan. Saka hindi ko kailangan ng mag aalaga sa akin, kayang-kaya ko naman ang sarili ko." Ngumisi si Jacob.
"Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Gusto ko sana bago ako mawala makahanap ka ng babaeng magmamahal sa iyo, babaeng sasamahan ka sa lahat at higit sa lahat aalagaan ka sa tuwing may hindi magandang mangyayari sa iyo. Nakuha mo naman ang punto ko diba?" seryusong saad muli ng mayordoma.
"Alam n'yo naman na hindi ko kailangan ng babae sa buhay ko diba? At alam n'yo kung bakit gusto ko pang mabuhay dahil may dapat pa akong makita at gawin." Muling kumuha ng isang stick ng sigarilyo si Jacob.
"Kung hindi mo kailangan ng babae sa buhay mo bakit nanatili pa si Stella dito? Sa lahat ng babae na binayaran mo itong si Stella ang mukhang pinatagal mo dito, may special ba?" Ngumiti ng makahulugan ang mayordoma.
"Wala manang, wala lang sa akin si Stella. Isa pa rin siyang bayaring babae na pagkatapos kong pagsawaan paaalisin ko na," tugon ni Jacob.
"Pero hindi iyan ang nakikita ko Jacob."
Hindi tumugon si Jacob at napatingin lang ito sa mayordoma ng seryoso.
"Kilala kita Jacob, mula pagkabata ako na ang nag alaga sa iyo, kaya hindi mo maalis sa akin na may napapasin at nakikita akong pagbabago sa iyo. Hindi ko alam kong ipagpapasalamat ko ba, o ikakatakot ko ang nakikita ko sa iyo. Hindi ka dating ganyan, hindi ka tumutulong sa babae at nagbibitaw ng malaking halaga para sa babae at hindi ka rin ang tipo ng lalaki ng pinapatagal babae sa loob ng mansyon na ito at hindi makatagal sa trabaho para umuwi lang dito. Hindi rin naman kita masisi kung mahuhulog ang loob mo kay Stella, eh kahit nga ako napapamahal sa batang iyon kahit ubod ng kulit." Napangiti muli ang mayordoma habang nagsasalita.
"Walang special kay Stella manang, sadyang nagkataon lang na maganda ang mood ko kaya ko siya natulungan. Huwag n'yo ng bigyan ng malisya ang pinapakita kong kabutihan dahil minsan ganito lang ako at nagkataon lang na kay Stella. Iyong pagiging inosente ni Stella ang nagpahanga sa akin, pero hindi iyon sapat para mahulog ako sa kanya. Kaya ko pinapatagal ang mga araw niya dito, para makalimutan niya ang mga nakita niya tandaan n'yo manang na nakita ni Stella kung paano ko wakasan ang isa kong tauhan na trinaydor ko at kumukuha ako ng tiempo para alisin iyon sa isip ni Stella. Sige po manang alis na ako, maagap pa po ako bukas good night po." Hinagkan ni Jacob ang noo ng matanda saka ito tuluyan ng umalis at tumungo sa kaniyang kwarto.
Napabuntong-hininga na lang ang mayordoma habang pinagmamasdan nito ang papalayong alaga na si Jacob.
Napamahal na sa mayordoma si Jacob ganoon din ang mayordoma dahil mula pagkabata ito na ang nag aalaga sa kanya. Natandaan pa ng mayordoma kung paano niya natagpuan si Jacob na gutom na gutom habang madungis ang buong katawan sa gitna ng kagubatan, pitong taon pa lamang noon si Jacob at hindi pa kaya ng sarili ng mabuhay ng mag isa kaya hindi siya nagdalawang isip na tulungan ito hanggang sa nagka edad ng 15 years old umalis at pinangakong sa kanyang pagbabalik ay mayroon na itong magandang buhay at kukunin siya nito. Kaya nagulat na lang siya sa pagbabalik nito sa edad na 21 years old marami na itong pag aari at masasabing may marangyang pamumuhay, noong una hindi niya matanggap ng malaman niyang sa illegal na pamamaraan kung bakit nagkaroon ng ganoong pamumuhay si Jacob, pero habang tumatagal ay naiitindihan na niya si Hapon kung bakit ganoong klaseng hanapbuhay ang pinasok nito.
******
"Aalis ka?" tanong ni Stella kay Jacob ng makita niya ito sa parking lot na naghahanda sa kanilang pag alis.
"Oo, bakit?" seryosong saad ni Jacob.
"Ahmm.... Diba kakarating mo lang kahapon bakit aalis ka na agad? Saan ka pupunta? Magtatagal ka ba doon?" sunod sunod na tanong ni Stella kay Jacob.
"Bakit ang dami mong tanong? Ano ba kita? At anong papel mo sa buhay ko? Wala naman diba? Kaya manahimik ka na lang at huwag ng magtanong pa. Kung gusto mong lumabas at dumalaw sa tatay mo bibigyan kita ng tatlong oras at pagkatapos noon babalik ka na agad ng mansyon, si manang Josie na ang bahala sa iyo," seryusong saad ni Jacob at agad itong sumakay sa sasakyan at umalis.
Naiwang nakatulala si Stella sa parking lot at hindi maiwasang masaktan sa sinabi ni Jacob na dapat alam na niya dahil totoo naman na sino ba siya? At ano ang papel niya kay Jacob para sabihin kung ano ang dapat gawin nito araw-araw.
Pero kahit may masasakit na salitang narinig si Stella buhat kay Jacob nagpapasalamat pa rin siya dito dahil pinayagan siyang lumabas ng mansyon kahit ilang oras lamang.
Masayang masaya si Stella dahil nadalaw niya ang kanyang ama amahan at okey na okey na ito at makakauwi na probinsya nila. Gusto man niyang sumama sa ama pero hindi pwede dahil may dapat pa siyang pagbayaran kay Jacob at iyon ang kaniyang sarili na pagsilbihan ito. Pinasingalingan din ni Stella ang kanyang trabaho sa ama amahan, sinabi nito na nangangatulungan siya sa mayamang angkan at mababait ang mga ito kaya siya pinahiram ng malaking halaga at iyon din ang dinahilan niya kung bakit hindi siya makakasama sa pag uwi ng probinsya dahil sa dapat niya itong bayaran at mabuti naman at naniwala ang kanyang ama amahan at hindi na nagtanong pa. Dahil kung sakaling pagbibigay ng aliw ang napasok niyang trabaho baka ipagtabuyan na siya nito.
"Naiisip mo na naman si Jacob kaya napapatulala ka diyan at nagmumuni-muni?" Tinapik ng mayordoma si Stella sa loob ng sasakyan.
"Hindi po manang ha. Naiisip ko lang po si tatay, mabuti na lang po at naniwala siya sa akin." Ngumiti si Stella sa matanda.
"Ahh.. Okey."
Ngunit sa kabilang banda naiisip niya rin si Jacob, iniisip niyang kung pagbibigay ng aliw ang trabaho niya kay Jacob eh bakit hanggang ngayon wala pang nangyayari sa kanila buhat ng napunta siya sa mansyon. Kaya hindi alam ni Stella kung hanggang kailan siya sa mansyon o anong plano ba talaga ni Jacob sa kaniyang buhay.
Lumipas ang isang linggo buhat ng umalis si Jacob, kaya nasanay na si Stella na wala ito na minsan pinagpapasalamat niya ngunit meron sa puso niya na hinahanap hanap niya ito.
"Ang lamig!!" Napapasigaw si Stella habang binababad niya ang kanyang katawan sa tubig na tumutulo buhat sa shower.
May heater naman ang kanyang shower pero mas gusto ni Stella na malamig na tubig ang kanyang pinangliligo dahil masarap iyon sa kanyang pakiramdam at madali siyang makatulog.
"Ay anak ng palaka! Jacob!?" nagulat si Stella sa imahe ni Jacob na biglang pumasok sa shower room.
Walang kahit anong saplot si Stella kaya napatakip siya sa kaniyang masisilan bahagi lalo na ng napatitig sa kanya si Jacob.
"A.. Anong ginagawa mo dito? Nakauwi ka na pala? Na.. Naliligo pa ako." Hindi alam ni Stella kung anong sasabihin niya pakiramdam ni Stella para siyang naliligo sa mainit na tubig sa tindi ng kaba na nararamdaman niya.
Walang tugon si Jacob sa halip ngumisi lang ito at tuluyan ng pumasok sa loob ng shower room. Maliit lang ang shower room at kasya lang sa isang tao, kaya kahit anong iwas niya kay Jacob ay mahuhuli siya nito.
Napapapikit na lang si Stella lalo na ng pinahinaan ni Jacob ang tulo ng shower at dumikit ito sa kanya at ang lalong nagpakaba kay Stella ng hubarin nito ang lahat ng saplot ni Jacob at humarap sa kanya.
Napapadasal na lang si Stella na sana panaginip na lang ang lahat, dahil para siyang sisukluban ng bilog na apoy. Noong nakaraan araw iniisip pa lang niya kung paano siya matatawag na mag aaliw kay Jacob kung wala pa man nangyayari sa kanila ngunit noong naroroon na Jacob at mukhang may gagawin sa kanya ay parang nanghina ang kanyang tuhod at inisip na sana panaginip na lang ang lahat.