Chapters 5

1560 Words
Nakaupo sa may sofa ng terace si Stella habang nakatanaw sa labas ng mansyon at hindi mapalagay dahil ilang araw na niyang hindi nakikita si Jacob mula ng gabing nagkaroon ito ng sugat sa braso. "Saan na kaya ang lalaking iyon? Isang linggo na siyang hindi umuuwi ng mansyon may nangyari na naman ba?" tanong ni Stella sa kaniyang isipan habang napapatulala. "Bakit hindi ka pa natutulog? Kung hinihintay mo na naman si Jacob tiyak hindi na naman uuwi iyon dito dahil gabing-gabi na. Matulog ka na," saad ng mayordoma ng mansyon. "Hindi ko naman po hinihintay si sir Jacob, andito lang po ako nagpapalipas ng oras dahil hindi ako makatulog." Ngumiti si Stella sa mayordoma. "Hindi hinihintay, eh halos humaba na nga ang liig mo diyan kakatanaw sa bawat kotseng dumadaan sa labas. Believe ako sa iyo ha, ikaw lang ang bukod tanging babaeng dinadala dito sa mansyon na may matinding pagka interest kay Jacob na para bang may malalim na dahilan para manatili sa mansyon na ito," seryusong saad ng mayordoma. "Grabi ka manang hindi ah. Eh gustong gusto ko na ngang umalis at ito na nga aaminin ko na kaya lagi kong hinihintay si Jacob i mean sir Jacob dahil gusto kong magpaalam gusto ko kasing makita si itay pagkatapos niyang napagtagumpayan ang operasyon," tugon ni Stella. "Huwag kang magdisisyon ng basta basta kung gusto mo pang mabuhay dahil sa mansyon na ito si Jacob lang ang makakaalam kung kailan at kung sino ang pwedeng lumabas. Kaya goodluck Stella, diyan ka na at matutulog na ako matulog ka na rin ha." Paalam ng mayordoma at agad itong umalis. Tanging tango-tango lang ang naging tugon ni Stella at napabuntong-hininga na tumingin sa labas ng mansyon. Totoong isa sa mga dahilan niya kaya gusto niyang umuwi na si Jacob upang makausap dahil halos dalawang linggo na siya sa mansyon hindi pa niya nakakausap ang kanyang ama amahan ang huling balita na pinaabot sa kanya na naging successful daw ang operasyon nito kaya tuwang-tuwa siya. At isa sa mga dahilan kung bakit parang naiinip na siyang makita si Jacob dahil may nararamdaman siyang magka miss dito at para bang gustong gusto niya itong makita kahit napaka cold nito sa kanya pero lumipas pa ng isang linggo ngunit wala pa ring Jacob na nagpakita sa kanya. Nagising si Stella dahil sa taong may bumukas sa kaniyang kwarto gusto niyang imulat ang kanyang mata ngunit nagkaroon siya ng takot kaya nagkunwari siyang tulog kahit gising na gising siya basi sa hula niya ay pasado una na iyon ng gabi. Mas tumindi ang kaba ni Stella dahil naririnig niya ang yabag ng sapatos nitong patungo sa kaniyang kama. "Anong gagawin ko? Sisigaw na ba ako?" saad ni Stella sa kaniyang isipan at nanatiling walang kibo dahil ramdam niyang nasa gilid na niya at pinagmamasdan siya nito. Halos hindi makahinga si Stella dahil ramdam niyang tumabi sa kaniyang pagkakahiga ito at dahan dahang hinili ang kanyang kumot upang mayakap siya. Gustong tingnan ni Stella kung sino itong lalaking pumasok sa kanyang kwarto at yumakap pero inuunahan siya ng kaba, alam niyang lalaki ito base sa bigat ng brasong nakayakap sa kanya at sa perfume nitong naaamoy niya. Inisip na lang niya na si Jacob ito, kaya ayaw niyang kumilos man lang. Hinihintay ni Stella ang susunod nitong hakbang ngunit nanatili lang itong nakaakap sa kanya hanggang sa naramdaman niyang may mahinang hilik ito na nangangahulugang masarap na ang tulog nito. Gusto ni Stella tingnan ito, at alamin kung sino pero hindi niya magawang kumilos at natatakot na baka magising ito kaya ang ginawa niya natulog na lang siya at sigurado kinabukasan paggising makikita niya rin kung sino itong lalaking tumabi sa kanya sa pagkakatulog. ******* Nagising si Stella sa malakas na katok sa pinto ng kanyang kwarto at hindi niya sukat akalain na pasado alas otso na pala ng umaga at tinanghali na siya kaya dali dali siyang tumayo at pinagbuksan ang taong kumakatok. "Miss Stella pwede na raw po kayong bumababa at nakaready na po ang almusal," saad ng isang katulong. "Ikaw pala Nina, akala ko kung sino. Bakit ngayon mo lang ako ginising di sana nakatulong ako sa pagluluto diba?" saad ni Stella. "Pinagbabawalan na po kami ni sir Jacob na gisingin kayo ng maagap at hayaan lang po kayo na matulog at gigisingin na lang kung ready na ang pagkain. Pasensya na Stella, sumusunod lang kami sa boss natin." Ngumiti ang katulong. "Ha?! Andiyan na si sir Jacob!?" exciting na tanong ni Stella, at hindi na pinansin pa ang ilang sinabi ng katulong. "Opo. Hinihintay ka na po niya sa hapag kainan," tugon ng katulong. Kaya dali daling tumungo si Stella sa shower room upang dali dali ring maligo at magpalit ng damit dahil gusto niyang fresh at mabango siyang haharap kay Jacob. "Ang tagal mo naman ano pa ba ang ginawa mo? At halos 30 minutes pa bago ka bumababa dito," saad ng mayordoma kay Stella. "Ahmm.. Naligo pa po kasi ako, para naman fresh akong kakain ng almusal," tugon ni Stella. "Hi sir good morning po at welcome home." Pagbati ni Stella kay Jacob. Ngunit wala namang response o sagot na narinig si Stella buhat kay Jacob at seryoso lang itong kumakain at tumingin sa kanya ng bahagya. Kaya ang ginawa ni Stella kumain na lang siya dahil baka ma-badtrip pa si Jacob sa kanya at paalisin siya eh namiss nga niya ito at mahigit dalawang linggong hindi nakita. Panaka-nakang sulyap ang ginagawa ni Stella habang kumakain kay Jacob dahil tila ba may nagbago sa awra nito na hindi niya maintindihan kung bakit parang mas lalong nagiging gwapo ito sa kanyang paningin. Pagkatapos namang kumain ni Jacob agad itong tumayo at umalis, sinundan pa ng tingin ni Stella dahil feeling niya aalis na naman ito at ayaw niyang magbilang na naman siya ng ilang araw bago makita muli ito kaya ng mapansin niyang tumungo sa taas napangiti na lang si Stella. "Masayahin ka yata ngayon? Kasi andito na ang matagal mo ng hinihintay? Oh ito dalhin mo raw sa kaniyang kwarto nalimutan niyang inumin kanina." Inabot ng mayordoma kay Stella ang isang botle ng vitamins at ang isang baso ng tubig. "Umaawit lang masayahin na dahil andito si sir Jacob? Hindi ba pwedeng umaawit ako kasi maganda gising ko? Kaya ito habang nagliligpit ng mga ponagkainan ay nakangiti na may pagpapasalamat." Ngumiti si Stella saka kinuha nag bote ng vitamins at tubig sa mayordoma. Dali dali namang tumungo si Stella sa kwarto ni Jacob. Muling nakaawang ang pinto ng silid ni Jacob kaya hindi na ito kumatok at dumiritso ng pumasok. "Ano ba!? Hindi ka ba marunong kumatok!?" Napasingal si Jacob dahil nagulat ito sa kanyang pagpasok. "So.. Sorry sir. Bu-bukas po kasi ang pinto kaya pumasok na ako, pwede po bang pakibaba na iyang baril na nakatutok sa akin baka makalabit n'yo iyan eh." Halos matapon ang lamang tubig na nasa baso dahil sa kaba na naramdaman ni Stella na baril ang bumungad sa kanya. "Next time kasi bago ka pumasok sa silid ko kumatok ka muna. Iwan mo na iyan dito at lumabas ka na, uulitin ko Stella private room ko ito kaya please lang kumatok ka muna bago pumasok ng kwarto," seryusong saad ni Jacob. Nang makita ni Stella na isinuksok na ni Jacob ang kanyang baril sa tagiliran nito lumapit na siya dito at inilagay ang bote ng vitamins at isang basong tubig. Napakunot ang noo ni Stella ng maamoy niya ang perfume ni Jacob dahil ito ang perfume na naamoy niya noong gabi na may lalaking tumabi sa kaniyang higaan at yumakap pa sa kanya. "Ahh... Sabi na nga ba kayo 'yun sir eh." Napangiti si Stella at biglang nawala sa kanya ang kaba dahil sa pangyayari kumakailan lang. "What?" Kumunot ang noo ni Jacob. "Kayo iyong lalaking tumabi sa akin kagabi at yumakap. Kagabi pa pala kayo umuwi? Sweet naman at imbes na sa kwarto n'yo kayo dumiritso eh sa kwarto ko." Muling ngumiti si Stella habang si Jacob nanatiling nakakunot ang noo. "I don't know what you are talking about. Get out of here." Kumuha ng isang pirasong tabletas ng vitamins si Jacob at agad itong ininom na hindi man lang tumitingin kay Stella. "Naku si sir tumatanggi pa. Ok lang naman sa akin sir kung na miss mo ako diba? Kasi I'm here nga diba para aliwin ka. Ahmmm sir, thank you so much po pala sa tulong n'yo ha dahil sa inyo success po operasyon ni tatay at ilang araw na lang po makakalabas na siya ng hospital." Biglang naalala ni Stella ang kanyang ama kaya napayakap siya kay Jacob. "Leave," tanging saad ni Jacob at bahagya pang itinulak nito si Stella. "Thank you so much po talaga sir. By the way, kanina pa kita pinagmamasdan at iniisip kung anong pinagbago mo at ngayon ko lang napagtanto wala na po kayong bigote. Alam n'yo sir mas maaliwalas ang mukha n'yong tingnan kaya mas naging gwapo kayo sa paningin ko." Hinawakan pa ni Stella ang pisngi ni Jacob. Nanatili namang seryuso ang mukha ni Jacob at walang sagot sa mga sinasabi ni Stella. "Sige na po sir alis na po ako. At siyangala pala sir, uso rin ngumiti para lalong pomogi." May pagkindat pa si Stella bago lumabas ng kwarto. Kaya naman si Jacob napaharap sa salamin at napangiti ng bahagya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD