Chapter 4

1565 Words
"Ano pong nangyari?" tanong ni Stella sa mga tauhan ni Jacob ng makita niya itong may mga sugat sa iba't ibang parte ng katawan ng pumasok sa mansyon. Wala namang ni isang sumagot sa kanya kaya kaya nanatili siyang nakatayo at hinihintay si Jacob na pumasok kaya ng makita niyang may sugat din ito sa braso agad niya itong inalalayan upang asikasuhin. "Manang Josie ako na po, sir ok lang po kayo? Medyo malalim sugat ninyo sa braso." Inagaw ni Stella ang mga first aid kit sa mayordoma at hindi naman iyon hinadlangan ni Jacob at hinayaan lang siya ni manang Josie sa kung anong gagawin niya. Nakatingin lang si Jacob sa kung paano siya asikasuhin ni Stella at napahanga siya dito dahil nukhang alam na alam nito ang tama at dapat gawin. "Paano mo natutunan iyan?" seryosong tanong ni Jacob. "Nakikita ko lang po sir. Yong lola ko po kasi noong nabubuhay pa ay nagtatrabaho siya sa clinic at sa tuwing may mga nagpapagamot sa kanya pinapanood ko, kaya ito natutunan ko, eh lagi ko po kasing akong sumasama doon kaya na memorya ko na ang dapat gawin. Medyo mahapdi ito sir ha, tiis lang." Hinihipan naman ni Stella ang parteng sugat na hinugasan niya ng alcohol kaya lalong napapatigtig si Jacob kay Stella. "Ano po pa lang nangyari dito? At saan po kayo galing kasi halos karamihan sa mga kasama mo may mga sugat napaaway po ba kayo?" muling pagtatanong ni Stella habang nilalagyan niya ito ng malinis na puting tela ang sugat upang hindi pasukan ng mikrobyo. "Diba nagpag usapan natin kung anong nakita mo, nakita mo lang at huwag mo ng alamin pa,"seryusong tugon ni Jacob at hindi man lang bumakas sa mukha nito ang sakit na dulot ng malalim na sugat. Pagkatapos namang gamutin at lapatan ni Stella ng pangunahing lunas ay agad umalis si Jacob at tumungo ito sa kanyang kwarto na hindi man lang nagawang magpasalamat kay Stella. "Hindi man lang nag thank you, ito talagang si sir oh. By the way manang Josie, bakit nga ba sila nagkaganyan napa trouble po ba sila may nakaaway iyong katulad sa mga pelikula?" tanong ni Stella sa mayordoma. "Isang tanong mo pa matatamaan ka na sa akin sabing bawal magtanong para wala kang alam at paulit ulit kong pinaalala sa iyo na kung gusto mong manatiling buhay ay wala kang nakita ok?" saad ng mayordoma. "Okey po." Ngunit napapaisip pa rin si Stella dahil sa kaniyang mga nakikita at naririnig dahil mula ng pumasok siya sa mansyon ay malakas ang kanyang kutob na isang sindikato si Jacob katulad ng kanyang napapanood sa television kaya mas pinili na lang niyang makisama ng maayos lalo na kay Jacob dahil gustong gusto pa niyang mabuhay at makalabas ng mansyon dahil gusto pa niyang makasama ang kanyang ama amahan. "Manang para kay sir Jacob po ba 'yan? Pwede po bang ako na ang magdadala sa kanya?" paghingi ng pabor ni Stella ng makita niya ang mayordoma na may dalang isang tray na may pagkain at inumin may kasama ring mga tabletas ng gamot. "Pumapapel ka ha, sige ikaw na magdala sana huwag ibuhos sa iyo ang pagkaing ito." Ngumisi ang mayordoma. "Manang ha. Tinatakot mo naman ako eh." "Joke lang. Pero pwede rin kaya mag ingat ka," saad ng mayordoma at tinapik tapik pa nito ang balikat ni Stella. Napangiti naman si Stella at nagkaroon ng kunting kaba lalo na ni minsan sa loob ng dalawang araw na pananatili niya sa loob ng mansyon hindi pa niya nakitang ngumiti si Jacob. Nakaawang ang pinto ng silid ni Jacob kaya hindi na siya kumatok medyo nagulat pa si Stella ng nakatingin sa kaniyang pagpasok si Jacob na nakasalubong ang dalawang kilay. "Hi sir, kumain na po kayo." Agad inayos ni Stella ang pagkain sa maliit na mesa. "Bakit ikaw ang nagdala niyan dito?" seryosong tanong ni Jacob habang nagyoyosi. "Ahmm.. Gusto ko lang po, wala po kasi akong magawa. Sige po kain na po kayo habang mainit pa ang sabaw na pangpalakas at para gumaling agad ang inyong sugat." Nanatiling nakatayo si Stella sa harap ni Jacob. Hindi naman nagsalita si Jacob at nag umpisa ng kumain at dahil nasa kanang braso ang may sugat nahihirapan siyang sumubo ng pagkain. "Ay ako na po sir subuan ko na po kayo," saad ni Stella at agad namang kumuha si Stella ng upuan at humurap kay Jacob. Hindi naman umangal si Jacob ng kunin ni Stella ang kutsara sa kamay niya at nag umpisa siyang subuan ng pagkain. Noong una nakaramdam ng hiya si Jacob dahil ito ang unang pagkakataon na may gumawa sa kanya noon lalo na't babae pero dahil nakaramdam na siya ng gutom ay hindi na niya pinansin ang kanyang nararamdan. "Ayan, diba naubos n'yo agad ang pagkain." Nagsalin naman ng inumin si Stella ng tubig sa baso at inabot pinainom kay Jacob. Inabot na rin niya dito ang ilang tabletas ng gamot para sa inpeksyon at iwas kirot. "May ipag uutos po ba kayo sir?" tanong ni Stella kay Jacob habang nililigpit niya ang plato sa mesa. "Wala na pwede kanang umalis," seryosong tugon ni Jacob. "Sigurado kayo sir? Paano kayo magpapalit ng damit?" Ngumisi si Stella kay Jacob lalo na napansin nitong hirap na hirap ito sa pagtatanggal ng botones ng kanyang polo at alam ni Stella na mag sho-shower ito bago matulog. "Ako na sir, huwag na kayong mahiya." Agad namang lumapit si Stella kay Jacob at siya na ang nagtangal ng botones ng polo ni Jacob. Nang natanggal na ni Stella ang polo ni Jacob ay sisimulan na sana niya tanggalan ito ng pantalon ngunit hindi na niya nagawa dahil pinigilan na siya ni Jacob. "Ako na! Kaya ko na 'to." Ngunit hindi naman tinangal ni Jacob sa harap ni Stella bagkos pumasok na ito sa loob ng shower room. "Kaya n'yong magpaligo sir gusto n'yo ako na magpaligo sa inyo!?" sigaw ni Stella buhat sa pinto. "Hindi na.. Kulit mo rin ano? Umalis ka na kayang kaya ko na ito," tugon ni Jacob. "Naku.. Hintayin ko na po kayong matapos diyan tiyak mahihirapan na naman kayong magbihis ng damit," bulong ni Stella sa kanyang sarili. Napalaki ng bahagya ang mata ni Stella ng makita niyang lumabas ng shower room si Jacob na naka boxer lang ito at nakasampay ang towel sa balikat. "Ahm... A ano po ang inyong susuotin? A aako na po ang kukuha para makapagdamit na kayo." Halos mag utal utal si Stella sa pagsasalita at hindi na rin ito makatingin kay Jacob. "Hindi ako nagdadamit pag natutulog at ok na ito naka boxer lang." Sinadyang humarap si Jacob kay Stella dahil napansin niya ang pagkailang nito. "Ahh. Ganoon po ba? Sige alis na po ako, wala na rin po akong maitutulong sa inyo." Hindi pa rin makatingin ng diritso si Stella kay Jacob lalo na sa matipunong katawan nito nakaharang sa dadaanan niya. "Basang basa pa ang buhok ko pwede mo bang e-blower para matuyo?" saad ni Jacob. Natutuwa si Jacob sa reaksyon ni Stella dahil mukha talagang inosente at takot sa lalaki gayong may nangyari na sa kanila ng isang beses. "Ok po." Agad kinuha ni Stella ang blower at ginamit sa buhok ni Jacob. Hindi makatingin ng diritso si Stella at hindi niya alam saan siya titingin dahil kapag tumingin siya sa mukha ni Jacob nakatitig naman ito sa kanya, kapag titingin naman siya sa katawan parang natataranta siya sa matipunong pangangatawan nito at lalong hindi siya makatingin sa parteng baba ni Jacob dahil kitang kita at bakat na bakat doon ang isang malaking hulma na parang pakiradam niya ay kinakatakutan niya dahil mukhang buhay na buhay ito. "Bakit ka umiiwas? Hindi ba nakita mo na ang lahat sa akin kaya wala kanang dapat ikahiya pa. Huwag mong sabihin na hindi mo pa rin ako naalala?" bulong ni Jacob kay Stella. Iba ang dating ng bulong na iyon kay Stella dahil tila ba sa mga mahihinang sambit na iyon ni Jacob may kakaibang init ang dating sa kanya. "Naaalala ko na po kayo sir. Me-medyo madilim lang po kasi noong gabi kaya hindi ko kayo agad natandan." Hindi pa rin makadiritso ng tingin si Stella. Mabilis na hinagkan ni Jacob ang labi ni Stella na siya naman nitong kinagulat kaya napaatras ito ng bahagya. "Hahaha... Sige pwede ka ng umalis, saka na kita sisingilin kapag magaling na itong braso ko. Ang pangit naman kung gagawa tayo ngayon na hindi ko man lang magalaw ang isa kong kamay." Ngumisi ng makahulugan si Jacob. "Sige po sir." Mabilis namang lumabas ng kwarto si Stella at napahawak pa ito sa kanyang dibdib. "Ohh ano? Nabuhusan ka ba ng sabaw at mukhang namulta ka diyan at natakot," saad ng mayordoma na hindi napansin ni Stella na nasa kaniyang harapan na pala ito. "Ah hindi po manang. Sige po matutulog na rin po ako goodnight," paalam ni Stella at napatakbo pa itong tumungo sa kaniyang kwatro. Hindi makatulog ng gabing iyon si Stella dahil sa ginawa at sinabi sa kanya ni Jacob lalo na naaalala pa niya ang unang gabi niyang nakasama si Jacob. Napapasampal pa siya sa kaniyang pisngi dahil pakiramdam niya ay nagustuhan niya ang paghalik ni Jacob sa kaniyang labi at tila ba namimis niya rin ang mga bagay na ginawa ni Jacob sa kanya noong unang gabi at unang beses na inaangkin siya ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD