Chapter 3

2053 Words
"Miss Stella Martin, dalhin ko na po kayo sa silid n'yo upang makapagpahinga," saad ng isang katulong at tumungo pa ito sa harap ni Stella. "Si tita Alisa nakaalis na ba? Sabi niya kasi hintayin ko siya dito?" tanong ni Stella sa katulong. Ngunit hindi tumugon ang katulong at kinuha lang nito ang gamit ni Stella kaya walang nagawa si Stella at sumunod na lang sa katulong. Nagtataka naman si Stella, bakit inayos ng katulong ang kaniyang mga gamit sa isang maliit na silid na may malaking kabinet. "Ate, dito po ba ang magiging silid natin?" tanong muli ni Stella. "Pwede na po kayong magpahinga at kakatok na lang po ako dito kung nakahanda na ang inyong pagkain sa baba," tanging tugon ng katulong saka ito umalis. Muli naman nagtaka si Stella, at hindi pa rin alam ang gagawin kaya ang ginawa niya nagpalit siya ng kanyang damit at humiga sa malaking kama. Pero kahit pinipilit niya ang kanyang sarili na matulog, hindi siya madalaw dalaw ng antok at palaging iniisip kung anong oras siya mag uumpisa sa kanyang trabaho at nagtataka rin siya sa pakikitungo ng katulong sa kanya pakiramdam niya bisita siya sa mansyon na iyon. "Miss Stella, pinatawag na po kayo ni sir sa baba nakahanda na po ang inyong hapunan," saad ng katulong ng pagbuksan ni Stella ng pinto ito ng dalawang beses kumatok. Habang patungo si Stella sa malaking mesa na punong puno ng pagkain pinag masdan niya ang lalaking nag iisang nakaupo dito habang kumakain, pamilyar sa kanya ang lalaking ito at tila ba nakita na niya o nakasama hindi lang niya matandaan kung saan. Sigurado si Stella na ito ang kanyang magiging amo dahil halatang halata naman sa hitsura nito ang pagiging mayaman na tao kaya inisip niyang magpapakilala siya agad pagkaharap niya dito. "Hi sir, good evening po ako po si Stella ang bago-" "Maupo ka at kumain." Hindi pa man natapos si Stella sa pagsasalita agad siyang pinaupo kaya dali dali siyang umupo at naglagay ng pagkain sa kaniyang plato. "May dumi ba ako sa mukha Stella at ganyan ka kung makatingin?" seryosong tanong ni Jacob kay Stella habang patuloy siyang kumakain. "Wala wala naman po sir, iniisip ko po kasi kung saan ko kayo nakita dahil pamilyar po kasi kayo sa akin," saad ni Stella na hindi na nakatiis at agad sinabi kay Jacob ang kanyang nasa isip. Hindi naman tumugon si Jacob at seryusong tumingin lang ito kay Stella. "Ahmm.. Alam ko na kung saan ko kayo nakita, artista po ba kayo sir? Siguro sa telebisyon ko kayo nakita." Tinitigan pa ng husto ni Stella ang mukha ni Jacob. "Hindi ka rin madaldal ano? Alam mo ba na sa lahat ng ayaw ko ay kinakausap ako habang kumakain at lalong lalo na ang pagmasdan ang buong mukha ko," muling seryusong saad ni Jacob. Kaya napatahimik na lang si Stella at nagpatuloy sa kaniyang pagkain. Nang naramdaman ni Stella na tapos na ang amo at tumayo na ito, agad na rin tinapos ni Stella ang kaniyang pagkain at tumayo upang ligpitin ang kanilang pinagkainan ngunit pinigilan siya ng mga katulong at inagaw ang trabaho at sinabihan na pwede na siyang bumalik sa kanyang silid. Agad namang sumunod si Stella, nagtataka man pero inisip na lang niya na baka kinabukasan pa mag uumpisa ang unang araw niya sa trabaho. "Sandali po.." Dali daling pinagbuksan ni Stella ang kumakatok sa kaniyang silid. "Sir kayo po pala." ngumiti si Stella kay Jacob. Nanatili namang seryuso ang mukha ni Jacob ng pumasok ito sa silid ni Stella. "Tulad ng naipangako ko kay Ms. Villaverde, naririto ang tatlong milyon kapalit ng pananatili mo dito." Inabot ni Jacob ang maliit na sobre kay Stella. "Salamat po sir, siguro mahabang panahon ang mailalagi ko dito sa pagtatrabaho bilang katulong n'yo hayaan n'yo po sir pagsisipagan ko po," saad ni Stella na napatungo pa ito sa harap ni Jacob. "Talagang inisip mo na katulong ang pinasok mong trabaho dito sa pamamahay ko?" Kumunot ang noo ni Jacob na humarap kay Stella. "Po? Eh ano po palang magiging trabaho ko dito? Labandera?" pagtatakang tanong ni Stella. Lalong kumunot ang noo ni Jacob at napahawak pa ito sa kanyang noo. "Tatlong milyon tapus labandera? Ganyan ka ba talaga ka inosente Stella at kahit itong mukhang ito hindi mo matandaan?" Lumapit si Jacob kay Stella. Nang hahawakan na ni Jacob ang pisngi ni Stella doon naman may biglang pumasok sa kanilang silid ng mga lalaki. "Sorry sa storbo Mr. Jones may kailangan lang po kayong makita ngayon na po," saad ng isang lalaki at hingal na hingal pa ito at halatang nagmamadali. Kaya agad umalis si Jacob at ang mga lalaking pumasok at naiwan si Stella sa loob ng kwarto na napatulala. "Mr. Jones..." Biglang naalala ni Stella ang sinabi ni Marie tungkol sa lalaking nakaniig niya at doon din naalala niya ang hitsura ni Jacob kaya pala pamilyar ito sa kanya. Napatakbo si Stella, at hinanap si Jacob dahil hindi niya matatanggap ang perang binigay nito sa kanya dahil sapat na ang isang gabi na nabayaran siya nito at ayaw niya na may kasunod pa. Halos hindi makahakbang si Stella ng kitang kita ng dalawa niyang mata kung paano patamaan ng mga bala ng baril ni Jacob ang katawan ng lalaking naka tali sa harap nito. Tumingin si Jacob kay Stella," Alam n'yo ang gagawin d'yan." At agad sinuksok ni Jacob ang kanyang baril sa tagiliran nito. "Sumunod ka sa akin mag uusap tayo," seryosong saad ni Jacob kay Stella. Hindi alam ni Stella kung ano ang kaniyang mararamdaman ng mga oras na iyon dahil pakiramdam niya para siyang lumulutang sa alapaap dahil sa tindi ng kaba at takot dahil sa kaniyang nasaksihan na pagpatay ni Jacob sa walang kalaban laban na lalaki. "Kung anong nakita mo, nakita mo lang at hindi na dapat makakalabas pa naiintindihan mo ba Stella?" seryosong saad ni Jacob. Tanging tango tango lang ang naging tugon ni Stella lalo na nakikita pa niya ang baril ni Jacob na nakasuksok sa gilid nito. "Alam kong may katanungan diyan sa isip ko, ngayon pa lang sasagutin ko na. Iyong lalaking nakita mo kanina, malaki ang naging kasalanan nun sa akin matapos ko kasing tulungan nilayasan na nga ako nagawa pa akong nakawan, alam mo bang iyon ang pinakaayaw ko sa lahat ang lukuhin ako, at isa pa sa pinaka ayaw ko ay kapag may gusto akong isang bagay tapus ayaw ibigay sa akin hindi ako nagdadalawang isip na burahin ito sa mundo. Ngayon Stella, may sasabihin ka? O, katanungan man lang?" muling seryusong saad ni Jacob. Umiling-iling lang si Stella sa pagsagot sa sinasabi ni Jacob dahil pakiramdam niya ay nagbabanta na ito sa kaniyang buhay. Walang nagawa si Stella kundi tanggapin ang trabaho na ang akala niya ay pagiging katulong hindi pala kundi mananatili siya sa mansyon na iyon upang magbigay ng aliw kay Jacob. Inisip na lang ni Stella, malaking tulong sa kaniyang ama amahan ang pananatili doon, dahil agad siyang nakalikom ng pera para sa operasyon nito. Hindi makatulog si Stella ng gabing iyon matapos siyang may masaksihan na pangyayari sa loob ng tahanan ni Jacob. Sumilip si Stella sa bintana ng kanyang silid at nakita niya doon ang mga lalaking nag iinuman sa garden at isa na roon si Jacob, ng nakita niyang tumayo si Jacob at mukhang patungo sa kaniya dali dali siyang humiga sa kama at nagtalukbong. Pinapakiramdaman ni Stella kung papasok sa loob ng silid niya si Jacob, at napapikit na lang siya at napadasal lalo na ng may nagbukas ng pinto. Nakahiga ng maluwag si Stella, ng maramdam niyang sumilip lang ito at inalam kung natulog na siya. Kinabukasan maagap nagising si Stella at tumungo ito sa kusina dahil naisip niyang tumulong sa pagluluto sa mga katulong na naroroon. "Hi po, good morning sa inyong lahat ahm.. Pwede po ba akong tumulong sa pagluluto?" tanong ni Stella sa mga katulong. Hindi naman tumugon ang mga ito bagkos tumingin lang sa kanya at bumalik na sa kanilang mga ginagawa. "Sorry ha makulit ako eh, pwede ko bang malaman ang inyong mga pangalan ako po pala si Stella, wala po kasi akong magawa kaya gusto kong tumulong sa kung anong ginagawa n'yo," saad muli ni Stella at isa isa niyang pinaglalapitan ang mga taong naroroon. "Pasensya na iha, kabilin bilinan kasi ni sir Jacob na mahigpit niyang pinagbabawal ang pakikipag usap namin lalo na sa mga bisitang dumarating sa kaniyang tahanan," saad ng may katandaan na babae na naroroon. Inisip ni Stella na ito ang mayordoma ng mansyon kaya ito ang nilapitan niya at nginitian. "Hindi naman po ako bisita dito eh. Kaya pagbigyan n'yo na po ako na kausapin kayo at tumulong ako sa kung anong ginagawa n'yo," masiglang saad ni Stella. "Mapilit ka rin ano? Bahala ka basta sinabihan ka na namin. Sabagay hindi ka rin aman magtatagal dito, sa tingin ko sa iyo 3 days lang." Tiningnan ng may katandaan na babae si Stella mula ulo hanggang paa. "Talaga? Mabuti po kung ganoon. Sana nga 3 days lang." Napapalakpak pa si Stella sa kaniyang narinig. Kaya nagbulungan ang mga katulong sa kaniyang sinabi na tila ba may mali. "Sa lahat ng babae i mean bisita ni sir Jacob ikaw lang itong pinangarap na ilang araw lang ang gustong ilagi dito. At saka ikaw rin lang ang babaeng pumunta dito sa kitchen upang tumulong sa pagluluto by the way ako si manang Josie ako ang mayordoma sa mansyon na ito," saad ng katulong at inabot pa nito ang palad at ngumiti kay Stella. "Kayo talaga manang ha, akala ko mataray talaga kayo hindi pala. Akala ko, katulad kayo ng amo natin suplado," saad ni Stella. "Hinaan mo nga iyang bibig mo baka marinig ka. At dahil gusto mong tumulong, dalhin mo na ito sa mesa at ilang minuto na lang baba na si sir Jacob para mag almusal," saad ni aling Josie. Agad namang sinunod ni Stella ito at inayos niya sa mesa ang lahat ng pagkain nasa ganoong sitwasyon siya naabutan ni Jacob kaya napakunot ang noo nito na tumingin sa kanya. "Sinong may sabi sa iyo na gawin mo iyan?" seryuso at may tunong pagkainis na saad ni Jacob. "So... Sorry, ahm ako nag pilit kila manang na tumulong.. Ahm.. Papalitan ko na lang po kay manang kung hindi n'yo po gusto." Hindi alam ni Stella kung anong gagawin niya dahil sa striktong pagsasalita ni Jacob. "No thanks.." Agad namang umupo si Jacob at naglagay ng pagkain sa kaniyang plato. Nang makita ni Stella na walang reaksyon si Jacob, agad itong tumalikod at tutungo muli sa dirty kitchen. "Saan ka pupunta? Maupo ka at sabayan mo akong kumain dito," muling seryusong saad ni Jacob. "A..Ako po?" Tinuro pa ng kaniyang darili ang sarili ni Stella. "Sino pa ba sa inaakala mo? May iba pa bang tao dito?" Kumunot ang noo ni Jacob. Kaya napangiti si Stella at umupo sa tapat ni Jacob. Hindi alam ni Stella kung sa anong paraan siya magiging normal pagkaharap si Jacob lalo na natatakot siya sa pagiging seryoso nito. Nang matapos sa pagkain si Jacob at tumayo ito at umalis doon lamang nakahinga ng matiwasay si Stella at doon nakakain ng maayos. ***** "Natatakot ka kay Jacob?" tanong ni manang Josie ng pumasok ito sa kanyang silid at may dala dalang mga gamit at damit. "Medyo po." Ngumiti si Stella. "Ganoon lang talaga si Jacob, pero kapag nakilala mo ito sa totoo niyang pagkatao nauunawan mo ito at masasabi mong mabuti pala itong tao. Ito mga bagong gamit at damit pinamili ni Jacob, para sa iyo raw lahat ng ito." Inayos ni manang Josie ang mga ito sa kanyang closet. "Pero nakita ko pong may binaril siyang lalaki manang," saad ni Stella. Nang marinig naman iyon ng matanda agad itong lumapit sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay," Ito ang tandaan mo Stella, kung gusto mong makalabas dito ng buhay at nasa tamang pag iisip isipin mong wala kang nakita at narinig." Tumango tango na lang si Stella, at alam niya kung anong ibig sabihin ng matanda. Pakiramdam ni Stella, nahulog siya sa kumunoy at hindi alam kung makakaahon pa ba siya sa trap na iyon o tuluyan na siyang mawawalan ng pag asa at mawawala na lang na walang nakakaalam o nakakapansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD