Mr. Jones, naririto na po ang ilang mahahalagang bagay na pagkakalinlang sa babaeng nakasama mo noong isang gabi. Mukhang sa unang pagkakataon, may babaeng pumukaw sa atensyon mo ah," saad ng isang tauhan ni Jacob ng pumasok ito sa kanyang isang opisina at agad nag abot ng isang envelop.
Ito ang unang pagkakataon na nagpalaan siya ng oras upang alamin ang pagkatao ng babaeng binayaran niya para sa panandaliang aliw.
"Stella Martin, 22 years old. Sabi ko na nga batang bata pa itong babae na ito, kaya nagustuhan ko kasi fresh na fresh gusto kong makuha itong babaeng ito kaya tawagan mo muli si Ms. Villaverde at alam mo na kung anong gagawin," utos ni Jacob sa kaniyang tauhan.
"Sige po Mr. Jones, by the way paano si Ms. Aryana? Paalisin ko na ba sa mansyon?" tanong ng tauhan ni Jacob.
"Oo, at siguraduhin mong mananahimik ito pag labas ng mansyon dahil may nalaman itong isang bagay tungkol sa pagkatao ko." Kumuha ng isang stick ng yosi si Jacob bago ito umupo sa kaniyang upuan.
Agad naman naintindihan ng tauhan ni Jacob kung ano ang dapat gawin sa naging babae niya.
Paulit ulit ang ganoong sitwasyon sa buhay ni Jacob, kapag may bagong natitipuhang babae agad itong kukunin at dadalhin sa kaniyang bahay sa madaling salita gagawing babae.
Hindi lang isa, dalawa, tatlo ang naibahay ni Jacob sa kaniyang mansyon dahil madali itong magsawa at bilang na bilang ang araw na nailalagi ng mga babae sa kanya ang pinakamatagal na siguro ang dalawang linggo pagkatapos nito agad maghahanap ng babaeng matitipuhan. Mayaman si Jacob at tanyag na tanyag ang kanyang pangalan ang pagiging heartless man nito dahil sa pagiging walang puso pagdating sa iba't ibang sitwasyon lalo na sa trabaho nito at hindi ito nagdadalawang isip na magpapatay ng tao kung nagiging sagabal ito sa kanyang negosyo.
"Ms. Villaverde, mukhang sa unang pagkakataon tumanggi ka sa alok ko. May problema ba, o gusto mo ng problema?" matalim ang tingin ni Jacob sa babaeng nagmamay-ari ng isang private bar na nagulat pa ito sa bigla niyang pagdating.
"Si.. Sir Jacob, hindi naman sa tumanggi ako ang akin lang po hindi ko pwedeng ibigay sa inyo ang anak anakan ng pinsan ko dahil hindi ito ang klase ng babaeng iniisip n'yo. Sa katunayan po, matapos ang gabing nagkasama kayo hindi na po muli siya bumalik dito at nagtrabaho dahil humanap siya ng matinong trabaho naroroon na po siya sa isang factory worker," tugon ni Alisa Villaverde.
Agad namang bumunot ng baril sa kaniyang bewang si Jacob at nagpaputok ng dalawang beses sa sahig ng bar.
"Ms. Villaverde, alam n'yo at kilala n'yo ako. Alam n'yo naman na ayaw ko sa lahat ay tinatanggihan ako at dinidisapoint, kaya bibigyan kita ng dalawang araw at sa loob ng dalawang araw na iyon gusto ko buong buo mong ibibigay sa akin si Stella dahil kung hindi alam mo na ang mangyayari." Hinawakan ni Jacob ang pisngi ni Alisa habang itinutok nito ang kanyang baril.
"Opo.. Opo, sige po pupuntahan ko po ngayon si Stella at da.. Dadalhin ko agad agad sa inyo," takot na takot na tugon ni Alisa.
Agad namang umalis ang grupo ni Jacob kaya napa inom si Alisa ng isang bote ng alak at napahawak sa kaniyang ulo.
"Anong problema mamang? Bakit galit na galit si Mr. Jones sa inyo?" tanong ni Marie kay Alisa ng makaalis ang grupo ni Jacob.
"Dahil kay Stella, natipuhan ni Jacob si Stella at gusto nitong kunin ito at ibahay alam mo naman na hindi pwede diba? Wala ngang kaalam alam ang pinsan ko na pinayagan kong maging babaeng bayaran ng isang gabi si Stella tapus ito gusto pang kunin ng lalaking iyon na alam ng lahat kung gaano ito kasamang tao," saad ni Alisa.
"Eh ano pong gagawin n'yo ngayon mamang? Alam n'yo naman na kapag may gusto si Mr. Jones hindi pwedeng hindi niya ito makukuha at gagawin talaga nun ang lahat makuha lang ang gusto, kahit may mapahamak pa. Eh, kung ako na lang kasi wala pa siyang kahirap hirap sa akin." Ngumisi si Marie habang nakaharap kay Alisa.
"Nakukuha mo pang magbiro. Alam mo naman na ilang babae na rin ang nakuha nun sa akin at hanggang ngayon palaisipan pa kung saan napunta ang iilan dahil parang naglaho na lang ng parang bula at kung meron man makakabalik sa kaniyang pamilya, nawawala na ito sa katinuan kaya noong sinabi ng tauhan ni Mr. Jones, na gusto nitong ibahay si Stella agad akong gumawa ng paraan mailayo lang si Stella. Mahal na mahal ng pinsan ko si Stella, at kahit hindi nito kadugo ang dalaga itinuring talaga nitong tunay na pamilya kaya ayaw kong malagay sa alanganin ang buhay ni Stella," saad ni Alisa.
Hindi halos makatulog si Alisa pagkagabi dahil sa banta sa kanya ni Jacob kilala niya ito at alam na alam na niya ang pagkatao nito kaya napagdisisyonan niyang muling kunin si Stella at ibigay kay Jacob kahit ikagalit pa ng kaniyang pinsan mas nanaig sa kanya ang sariling kaligtasan kumpara sa kay Stella kaya gagamitin ni Alisa ang kawalan at pangangailangan nito para makumbinsi na dalhin ito kay Jacob.
********
"Tita, ano pong ginagawa n'yo dito? Maupo po kayo mabuti po napasyal kayo dito," saad ni Stella kay Alisa ng pagbuksan niya ito ng pinto.
"Ahm... May sadya kasi ako sa iyo kaya naririto ako. Stella, diba malaking halaga pa ang kailangan ni tatay mo para sa operasyon at nakahanap ako ng makakatulong sa iyo upang makakuha ka ng ganoong kalaking halaga. Don't worry, ang trabaho na gagawin mo lang ay maglilinis ng bahay bukod doon wala na." Pagsisinungaling ni Alisa.
"Eh paano po itong trabahong binigay n'yo sa akin? Sayang naman naka isang araw na po ako dito sa factory," tugon ni Stella.
"Huwag kang mag alala, nakausap ko na ang may ari at pinagpaalam na kita. Mas magandang trabaho itong pagdadalhan ko sa iyo, at tiyak ibibigay at ipapautang sa iyo ang halagang kailangan mo. Kaya huwag ka ng mag isip pa, mag impake ka na at agad kitang dadalhin sa mansyon," muling saad ni Alisa.
"Sige po." Agad tumungo si Stella sa kaniyang silid at nag impake ng kanyang mga gamit.
Walang kaaalam alam si Stella na hindi gawaing bahay ang kanyang papasukin kundi gagawin siyang babae ni Jacob Jones.
Nakakaramdam man ng kunsensya si Alisa pero iniisip niya ang kanyang sarili dahil alam niyang kapag hindi nakuha ni Jacob si Stella hindi ito magdadalawang isip ito na ipatumba siya.
*******
"Wow.... Ang laking bahay naman po pala nito tita at sigurado ako, marami akong makakasama ditong katulong tulad ko at sana makakasundo ko silang lahat," saad ni Stella na nakangiti habang ginagala ang kanyang mata sa buong paligid.
Manghang mangha si Stella sa paligid, lalo na ng pumasok sila sa loob ng mansyon at umupo sa mahabang sofa.
"Stella, iwan muna kita dito ha. Kakausapin ko muna ang iyong magiging amo," saad ni Alisa.
Ngumiti lang si Stella at tumango tiningnan din niya si Alisa habang palayo kasama ang dalawang lalaki.
"Grabi.... Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kalaking bahay at maraming lalaking nagbabantay sa paligid napakayaman siguro ng magiging amo ko dito," bulong ni Stella sa kanyang sarili habang patuloy na umiikot ang kanyang mata na tuwang tuwa sa kanyang nakikita.
"Mr. Jones, naririto na po si Stella kasama ko na po siya," saad ni Alisa kay Jacob habang nakatalikod at nakatingin ito sa isang flat screen na tv kung saan nakikita nito si Stella na nakaupo sa sofa.
"Mabuti naman at hindi mo ako binigo Ms. Villaverde, pwede ka ng umalis at tulad ng inaasan mo may malaking amount akong pinadala sa account mo," seryosong tugon ni Jacob.
"Mr. Jones, kahit ibalik ko po ang perang ibinigay n'yo sa akin ang gusto ko lang po eh huwag n'yong pahirapan si Stella na maituturing kong pamangkin. Mabuting babae si Stella, at hindi siya tulad ng mga babaeng nakukuha mo sa akin sa katunayan nga hindi niya alam na ang magiging papel niya dito ay pagsilbihan ka kundi ang maging katulong n'yo. Kaya nakikiusap ako Mr. Jones, huwag n'yo pong pahirapan si Stella at kung sakaling sawang sawa na kayo sa kaniya buo po sana siyang babalik sa akin," saad ni Alisa na halos mangiyak ngiyak itong nakikiusap kay Jacob.
"Pinapangunahan mo ba ako sa mga desisyon ko Ms. Villaverde? Pwede bang umalis ka na at kakausapin na lang kita kung sakaling may magustuhan ulit ako sa mga alaga mo." Tumalim ang tingin ni Jacob kay Alisa.
Magsasalita pa sana si Alisa, pero agad siyang hinawakan ng dalawang lalaki at inilabas ng kanyang opisina.
Pinagmasdan ng husto ni Jacob mula sa tv sa kaniyang opisina si Stella, at halatang halata sa galaw nito ang pagiging inosente dahil manghang mangha ito sa kanyang malaking mansyon.
Hindi kagandahan si Stella, kayumanggi ang balat nito ngunit makinis tamang tama lang ang katawan hindi mataba hindi rin payat pero kakaiba ang nararamdaman ni Jacob sa tuwing bumabalik sa kanyang isip ang unang gabi na nakasama niya ito kaya gumawa siya ng paraan para makuha ito at dalhin niya sa kaniyang tahanan.