"Takot na takot si Stella sa iyo, kailangan ba talagang maging sa kanya ay gawin mo iyon?" tanong ng mayordoma kay Jacob na abala itong naglilinis ng kanyang baril habang umiinom ng alak. "Hindi ba ganito naman ako sa lahat manang lalo na kung may nalalaman na sa sekreto ko. Hindi ako magdadalawang isip na kitilin ang buhay ng kahit sino kung ito ang magiging dahilan ng pagbaksak at upang hindi ko na magawa ang gusto, maraming taon ko itong pinaghadaan kaya ayaw ko na isang babae lang ang makakasira nun," saad ni Jacob. "Pero walang alam si Stella, paulit ulit kong sinasabi sa iyo na ibang iba ang pagkatao ni Stella sa mga babaeng naidala at nabahay mo dito Jacob. Ramdam ko at alam ko bilang babae na totoong gusto ka niya at mahal ka nito, alam mo bang nasasaktan mo siya kapag nababa

