"Hindi ka pa matutulog?" Bahagya pang nagulat si Stella sa mayordoma na nasa kanyang likuran. "Manang kayo po pala. Hindi pa po kasi ako inaantok kaya andito ako nagpapahangin," tugon ni Stella. Tumabi naman sa upuan ni Stella ang mayordoma kaya umisod ng bahagya si Stella. Nakaupong mag isa si Stella sa may upuan na nasa harden at pinagmamasdan ang maaliwalas na kalangitan. "Hindi ka makatulog? O may hinihintay ka pa?" muling tanong ng mayordoma. Hindi naman tumugon si Stella at napangiti lang ito ng bahagya sa mayordoma. "Nakita ko at naramdaman ko kung paano ka nasaktan sa sinabi at ginawa ni Jacob kanina ok ka lang ba?" Hinawakan ng mayordoma si Stella sa balikat nito. "Okey lang po ako. Hindi ko nga alam kung bakit ako nasasaktan kung wala naman kaming relasyon ni Jacob,

