Lumapit sa akin sila Diego at inalalayan akong tumayo. Nakatingin parin ako kay Arthur at sa demonitong si Axel.
Nakaluhod ang demonyo na para bang sinasamba si Arthur. Halata ang takot dito taliwas naman ang makikita kay Arthur.
"kami na dito, ilayo niyo na siya."utos ni Arthur bago ako hinila ng mga kaibigan ko palayo doon.
Nilingon ko ang basketball team pero tinakpan ni Gela ang tinitignan ko kaya napatingin na ako dito.
"nag alala kami sa iyo.."she said.
Ngumiti ako dito at nang lingunin ko ang dalawa pang sila Diego at Jinky ay bakas sa mukha nila ang pag aalala para sa akin.
"salamat.."usal ko sa kanila.
Dinala nila ako sa infirmary para daw doon muna ako magpahinga at para din kumalma ako at icheck at gamutin ang mga galos na nakuha ko.
Ginamot ng nurse ang mga sugat ko at pinainom ako ng pampakalma. Hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng antok kaya ipinikit ko ang mga mata ko pansamantala.
Nang magising ako ay naroon na sila Arthur kasama ang mga kaibigan nito.
Nilingon ko sila Jinky na nag uusap at nagkukwento kung paanong may naabutan silang bulaklak sa table ko na itinapon ko na sa tingin nila ay dahilan kung bakit nagawa iyon ni Axel.
Napabaling ako sa kabilang direksyon ng maramdaman kong may nakatingin sa akin. Ang tsokolateng mga mata nito ang tumambad sa akin.
Arthur.
Lumapit ito na nakapamulsa at diretso lang ang tingin sa akin.
"kamusta ang pakiramdam mo?"sa pagtatanong nito ay napansin na rin ng iba pang mga naroon na gising na ako.
"ayos lang ako,salamat nga pala.."nahihiyang sambit ko.
Tumango lang sa akin si Arthur kaya medyo naintimidate ako. Para kasing napakapowerful at dominant ng dating niya sa akin.
"next time learn to read the situation para hindi na maulit."dahil iniisip ko na nasabi nito iyon dahil naabala ko sila ay lalo akong nanliit.
"s-sorry.."hinging paumanhin ko.
"no worries Saira.."nag angat ako ng tingin para makita ang tumawag sa first name ko.
Ang captain ng football.
Ang alam ko ay pinsan ito ni Arthur siguro ay narito siya dahil team mate niya ang may nagawang mali.
"Renz make sure na mawawala dito ang lalaking 'yun."umakbay si Ricky sa captain ng football na tinawag nitong Renz.
Of course. How can I not know? Lawrence Yee ang pinsan ni Arthur.
"kahit hindi mo sabihin pre."sagot nito kay Ricky bago bumaling uli sa akin.
"sorry sa gulo na dulot ng team mate ko Saira.."ulit nito.
"w-wala iyon, salamat din."Tumango ito sa akin bago nagpaalam na aalis na.
Isa isa na silang nag uwian kaya pati ako ay inalalayan na din nila Gela para makauwi.
"sabay na kita sa amin, sabihin mo sa susundo sa iyo na kasabay mo na ako."tumango ako kay Gela.
Habang nasa sasakyan ay hinarap ako ni Gela.
"paano ka sa gig natin kung may trauma ka pa?"ngumiti ako dito to assure her that I am fine.
"I can still sing Gela don't worry too much."pang aalo ko dito.
"you sure?"nag aalangang tanong parin nito.
"yep."
Hindi na muna ako pumasok kinabukasan, hindi pa kasi ako ready na makita uli kung sakali si Axel.
Nasa likod ako ng bahay kung nasaan ang pool nang marinig ko ang boses ni Diego.
"Saira Celestine! Yoohoo!"
"I'm here!"sigaw ko.
Mga yabag ang narinig ko bago ko nakita ang paglitaw ng tatlo.
"bakit hindi ka pumasok? Hinintay ka ni Rica may gagawin daw kayo para bukas."nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Gela.
"ay oo nga!"napakamot ako sa noo ko.
"iyong mascot Didi?"baling ko kay bakla.
Umirap ito sa akin bago sumagot.
"tinatawag lang akong ganyan kapag may kailangan."bulong nito na dinig naman namin.
"huwag ka na umarte dyan at sagutin mo nalang si Tin."siko ni Jinky dito kaya lalong tumaas ang kilay ni bakla.
"naayos ko na! Bukas may mascot ka don't worry hmp!"padabog na naupo ito sa gilid ng pool.
"mahulog ka bakla hindi ka pa naman marunong lumangoy!"paalala ni Gela dito.
Ngumisi si Diego sa amin.
"pero girl marunong ako sumisid!"napangiwi kami sa green joke nito.
Kinabukasan ay nanlalamig ang kamay ko dahil magsstart na ang presentation at wala pa ang mascot!
"ano na Tin?"pangungulit sa akin ni Rica.
"teka tatanungin ko kay Diego."akmang lalapit ako kila Gela nang may pumasok sa room namin ng nakamascot.
A pig?
Agad akong lumapit dito.
"pasensya na ah.."wika nito na medyo nahihirapan pa.
"ayos lang ang mahalaga ay narito ka na.."ngumiti ako dito at dinala na ito sa harap.
Buong oras na nagpepresent kami ay hindi ko maiwasang maawa sa mascot. Naku mainit pa naman ang suot nito tapos ay lumagpas pa sa dalawang oras ang presentation ang sabi ko pa naman ay two hours lang.
Kaya ng matapos ay inabutan ko kaagad ito ng tubig. Nagulat ito pero tinanggap din naman agad.
Kaya lang ako naman ang nagulat ng tanggalin nito ang suot at uminom.
Napatingin ako kay Diego na ngayon ay nakangisi sa akin.
Bakit hindi niya sinabi na si Arthur ang mascot namin?!