CHAPTER 9

867 Words
Sa kalsada malapit sa school ay naglalakad ako, late na kasing sinabi sa akin nila dad na wala ang sasakyan ko at ginamit nila dahil nasira ang kanila. Napasimangot ako nang masilaw sa araw. Ang init pa naman katakot takot na lait nanaman ang aabutin ko sa mga bakla. Nang makarating ako sa room at tumambad sa akin ang mga nanunuksong tingin nila bakla I mean Diego ay nagtaka ako. Pag upo ko ay may nilapag na bouquet at letter si Jinky sa akin at nasa mata din nito ang pang aasar. "ano nanaman ito?"walang ganang tanong ko sa kanila. Ngayong pagod ako sa pagcommute ay huwag nila akong subukan. "bola iyan ineng at ito naman blackboard!"turo ni Diego sa flowers at letter. Natawa sila Gela sa sinabi nito habang ako ay napasimangot lalo. "why are you giving it aber?"asik ko kay bakla. Nanlaki ang mga mata nito. "giving it? To whom? You? Gaga! Kung para sa akin iyan ay hindi mo na makikita iyan malamang ay nakikipaglandian na ako sa secret admirer na iyan! Unfortunately sa iyo 'yan! Ang slow talaga!"mahabang sita sa akin ni Diego habang hawak ang noo nito na para bang nakakasakit ng ulo ang tinanong ko. "pagdating namin ay nasa table mo na' yan.."singit ni Gela. Kinuha ko ang letter, may pabango pa at halatang ginastusan maging ang flowers. "haba ng hair ah!"tukso sa akin nila Jinky at Diego. Napailing nalang ako at ibinulsa ang sulat. "oh di mo babasahin?"si Diego. "mamaya na, kapag wala na kayo.."ani ko. "grabe!" "KJ!" "napaka talaga!" Sabay sabay na turan ng mga ito. Hindi ko sila pinansin at itinabi na ang mga bulaklak. Habang klase ay panay ang kalabit nilang tatlo sa akin para daw basahin ang letter. Ay ewan! Bahala kayo dyan! Nang maglunch na ay mabilis akong tumakas para basahin ang sulat. Nagpunta ako sa likod ng building at doon ko binasa ang sulat. Napasimangot kaagad ako ng makita kung kanino iyon galing. Dapat pala kanina ko pa tinapon ang bulaklak at pati ang sulat. Puro kahanginan lang ang laman ng sulat kaya nagpasya akong itext sila Gela para maglunch. Mga nanunuring mata naman ang sumalubong sa akin pag dating ko ng cafeteria. "so?"si Jinky. "anong so?"kunwari ay wala akong idea sa gusto nitong malaman. "binasa mo na ba? Ano? Sino daw?"excited na tanong nila. "pabasa kami!"pangungulit pa nila. "wala! Tinapon ko na iyong sulat mamaya iyong bulaklak naman."They gasped. "b-bakit?"Diego asked with a sound of dismay. "ayoko sa nagbigay."ani ko. "sino ba?"sasagutin ko na sana ang tanong ni Gela nang maupo sa bakanteng upuan si Axel. "natanggap mo ba? Did you like it?"napairap ako sa tanong nito. "nope! Itinapon ko na nga."balewalang sabi ko. Ang ngisi nito sa akin ay agad na nabura. "tss, pa hard to get ka pa--" Natahimik ang mga kaibigan ko ng buhusan ko ng drinks si Axel. "kung magpapakipot lang din ako hindi sa iyo noh! May taste ako at hindi ako mahilig sa mga bulok na katulad mo!"tumayo na ako doon at umalis. Nakita kong nakatingin sa akin ang ibang students doon. Diretso nalang ang ginawa kong tingin palabas, nang malapit na ako sa pintuan ng cafeteria ay may humila sa akin pabalik. "teka nga! Ikaw ang dami mong kaartehan ah!"si Axel na basa pa ng lemonade ang mukha. "leave me alone! Kung naartehan ka pwes layo!"asik ko at piniksi ang braso kong hawak nito. "akala mo naman mapapaalis mo ako ng ganoon lang? Pagkatapos mo akong ipahiya?"bigla ay nakaramdam ako ng takot sa mga sinabi nito. "listen Celestine, nilapitan kita para malaman kung type ka ng captain namin, dahil pagnagkataon malalaman ko na ang kahinaan niya!"hindi makapaniwalang tinignan ko ito. "ano ba!"sigaw ko habang pumipiglas. Hinila ako nito palayo sa cafeteria nahagip pa ng mga mata ko na tumayo na din sila Diego at mukhang susunod sa amin. "masyado kang mayabang! Sino sa akala mo ang magtatanggol sa iyo? Kung hindi ka type ni captain ay walang tutulong sa iyo at magagawa ko ang gusto ko!"napatili ako ng mahila ako nito hanggang sa likod ng engineering building. Napasubsob ako sa simento nang itulak ako nito. "kahit hubaran kita o babuyin ay walang tutulong!"nakangising wika nito. Napaatras ako sa mga inanas nito. Demonyo ang lalaking ito! Dahil ba sa may share ang pamilya nito sa school kaya nagagawa nito ang gusto? Nagawa na ba niya ito sa iba pang babae at naabswelto dahil mayaman?! "pagtapos ko sa iyo tignan natin kung may ipagyayabang ka pa!" Napatili ako ng hawakan nito ang magkabilang kamay ko at ihiga ako sa simento. Dumagan ito sa akin at akmang hahalikan ang leeg ko pero bigla ay tumalsik ito mula sa ibabaw ko. Napaungol ito at tila nahilo. Tinignan ko ang lalaking sumipa dito palayo sa akin. Nakakuyom ang kamao nito at labas ang ugat. Namumula din ang mukha nito sa galit hindi para sa akin kundi para kay Axel. Nang makilala ni Axel ang sumipa sa kanya ay nanlaki ang mga mata nito at takot na takot na lumuhod sa harapan nito. "A-Arthur!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD