Nasa open field kami at nagjajamming ang mga kaklase ko habang si Diego ay nagpapacute sa mga ito. Naggigitara sila at tinatawanan si Diego.
Alam ng lahat na bading ang isang 'to pero hindi ng mga magulang nito. Kakaiba din ang baklang ito.
"hay! Salamat at walang klase."pumikit pa si Jinky habang dinadama ang kanta ng mga kaklase ko.
Naisipan naming tumambay dito tutal ay hindi naman mainit at walang practice ang football team.
"kaya wala tayong klase ay dahil sa event bukas."dumilat si Jinky nang sabihin iyon ni Gela.
"ay oo nga pala! May nakuha na daw si Didi na magsusuot ng costume."bumaling sa akin si Jinky.
Ngumiti ako at tumango dito. Expected ko na iyon, si Diego pa ba?
"sino nanaman kaya ang nauto ng baklang 'yan?"si Gela.
"baka binayaran, alam mo na mayaman si bakla at gwapo, malay mo jowa niya hahaha!"pati ako ay natawa sa sinabi ni Jinky.
"watch out!"napatili sila Jinky ng may tumamang bola kila Diego.
Tinignan namin ang humahabol sa bola. Si Axel.
"pre naman, walang practice kasi tatambay ang ibang students dito."daing ng kaklase namin.
"para sa amin ito, kung gusto namin mag practice kayo ang umalis kasi itong tinatambayan niyo ay game field namin!"binangga ni Axel ang kaklase kong lalaki kaya napaupo ito.
"tama na oy!"singit ng iba.
"pag sabihan niyo 'yang kasamahan niyo! Masyadong mapapel wala namang ipagmamayabang!"nagpanting ang tainga ko sa narinig.
"aba! Bakit ikaw ba mayroon?"bago pa ako makapagsalita ay tumayo na si Jinky at hinarap ito.
Hindi ko nagustuhan ang pagtingin ni Axel sa katawan ng kaibigan ko bago ito sumipol.
"babe baka gusto mong malaman kung gaano ko pwede maipagyabang ito."nakangising saad nito.
"talaga ba?"nagulat kami ng biglang hawakan ni Diego ang p*********i ni Axel, maging ito ay nagulat at sinuntok ang kawawa naming kaibigan.
"Diego!"nilapitan namin kaagad ang bakla.
Dumudugo ang ilong nito, ngumiwi ito at tumingin kay Axel na taas noo parin.
"kadiring bakla."wika nito.
Lumapit ako dito at malakas na sinampal ko ito. Sa gulat ng mga naroon.
Ngumisi si Axel at tumingin sa akin. Hinawakan ang nasaktang pisngi nito bago ako hinila palapit dito.
"aray!"daing ko nang hawakan nito ng mahigpit ang braso ko.
"Sino ka ba sa akala mo? Wala kang karapatan para sampalin--"
Slap!
Sinampal ko nga uli.
"may dahilan na ako, dahil masakit na ang hawak mo."ingos ko.
"masasaktan ka talagang babae ka!"napapikit ako ng umamba itong sasampalin ako.
1,2,3,4,5 bakit walang dumapong kamay sa pisngi ko?
Nang dumilat ako ay napatingin ako kay Axel at sa kamay nito na dapat ay sasampal sa akin. Pigil ito ng isang lalaki, nakatalikod ito sa akin at hindi ko makita ang mukha.
"mapapahamak ang team sa ginagawa mo."wika nito sa seryosong tono.
"hayaan mo akong bigyan ng leksyon ang babae--"
"gusto mo bang mapatawag sa guidance?! O gusto mong matanggal sa varsity?"halatang iritado na ito sa boses nito.
"hindi naman nila malalaman, at tsaka wala namang makakapansin."gusto kong masuka sa ugali ni Axel.
"kung napansin kita, mas napansin ka niya Axel."ang tinig nito ay nagbabanta.
Napansin nino?
"gaganti lang ako sa sampal--"
"Umayos ka Reyes, kung ayaw mong magsisi, huwag ang babaeng iyan."
"bakit captain type mo?"naroon na ang mapaglarong tingin nito sa akin bago sa kausap nito.
Captain?
"hindi ko gustong madamay ang team ko Axel, kung itutuloy mo ang balak mo ay mapapatalsik ka sigurado."binitiwan nito ang kamay ni Axel at naglakad na palayo.
Hinarap ako ni Axel. Nasa mga mata nito ang galit.
"ikaw ang magsisisi."banta nito sa akin at tinulak ako kaya napasalampak ako sa damuhan.
"Tin!"agad akong nilapitan nila Gela.
"malakas ang loob niyo, at kung sino man ang kapit mo hindi ako natatakot, ako si Reyes at isa ako sa may ari ng school na ito, isa sa shareholders ang papa ko, kaya humanda ka."tinuro pa ako nito bago tumalikod.
"Tin.."natatakot na nilapitan din ako ng mga kaklase ko.
"may kapit ka ba dito?"tanong nila sa akin.
Umiling ako dahil wala akong natatandaan na kapit ko o kakilala na mataas ang posisyon sa school na ito.
Kaya napaisip din ako sa sinabi ng captain ng football.
Sino ang tinutukoy nito kanina?