"kami!"singit nila Gela kaya napatango nalang ang team maging si Arthur.
"sige, ingat kayo.."paalam din ni Leo.
Kumaway din sa amin sila Ricky, Dan at Tom bilang paalam.
"salamat sa pag invite.."nakangiting yumuko ako sa kanila bago ako tumalikod at humarap sa mga kaibigan ko.
"Celestine."natigilan ako ng tawagin ako ni Arthur.
"b-bakit?"naiilang na nilingon ko ito na seryosong nakatingin sa akin.
"thank you for coming."
Habang nasa taxi kami nila Diego ay panay ang kurot nito sa akin dahil kinikilig daw ito sa mga titig sa akin ni Arthur.
Hindi ko masabing naiilang ako sa titig nito lalo na kapag ganitong seryoso ang mukha nito.
Mabuti nalang at nagkaroon ako ng dahilan para makaiwas sa pagkailang na iyon, ang project ko.
Kaya naman kinabukasan ay agad kong hinanap si Rica pagdating ko sa room. Laking pasalamat ko ng makita ko itong nakasubsob ang ulo sa arm desk.
"Rica.."napangiwi ako ng makita ang itsura nito.
Halatang puyat ito, namamaga din ang mata at sigurado akong dahil iyon sa kakaiyak. Napailing ako dito.
"naisip ko na kumuha nalang tayo ng mascot for marketing, tapos may free taste."kunwari ay hindi ko napansin ang itsura nitong sawing sawi, para din hindi ito mailang.
Nakakailang kung papansinin ko pa iyon gayong alam ko naman kung bakit ganyan ang itsura niya.
"ang bilis mong makaisip, bakit hindi ko naisip 'yan.."wika nito.
Paano niya maiisip e mukhang si Fred at Paula lang ang nasa isip niya buong gabi.
"kailangan nating bumili ng costume, tapos ay magpapatulong nalang ako sa mga kaibigan ko kung sino willing sa kanila ang mag mascot."natatawang wika ko.
Ngumiti ito bago tumango.
"Magtitingin na ako mamaya, para bukas ay mag aambagan nalang tayo kung magkano."sabi nito.
"ang ibebenta natin ay products ng baboy kaya dapat ay baboy ang costume."dagdag ko.
Tumango ito sa akin at muling umub-ob sa lamesa nito.
Kaya ako ayokong mainlove, kasi masasaktan lang ako, tapos hindi pa makakapag isip ng matino, hindi pa makakapag aral ng maayos.
Tulad nalang ni Rica.
Hindi ko pa nararanasang magmahal ng lalaki pero naranasan ko ng masaktan ng isang lalaking akala ko ay aalagaan ako.
My father.
Ang kauna unahang lalaki sa buhay ko, ang dapat ay mag aalaga at proprotekta sa akin ang siyang unang nanakit sa akin. Matagal nang panahon pero hindi ko magawang kalimutan iyon.
How he left me and mom. Nakatago iyon sa kaloob looban ko, hindi ko makakalimutang mas pinili niya ang babae niya at doon sumama at gumawa ng bagong pamilya. Hanggang sa makilala ko si dad, ang stepfather ko.
Mas nasasaktan ako tuwing nakikita ko ang stepdad ko, he's nice at mahal niya ako bilang anak, kaya mas mahirap sa akin tanggapin ang ginawa ng tunay kong ama.
How can someone who's not related to me love me as his own when my own blood left me and didn't even bother to check on me.
That's why, I don't believe in love, hindi totoo iyon, walang feelings na panghabang buhay. I know it.
Because my mom and real father did love each other but when that feeling fades, all that's in between will be forgotten, the promise, the memories and me, the only proof of their love for each other.
Tumalikod na ako kay Rica dahil sa kanya ay naalala ko tuloy ang masakit na nakaraan ko.
Ganoon din ba ang itsura ko noon nung iwan kami ni papa? No, I am much worst.
Kaya alam ko sa sarili ko na hindi ako pwedeng masaktan, coz there's a possibility na ikamatay ko iyon.
"Tin nakagawa na kayo ng strats?"tanong sa akin ni Gela nang nakita niya ako pagpasok niya.
"oo, mascot, pero kailangan ko ng magsusuot ng costume, tulungan niyo ako please.."pakiusap ko sa kanya.
"lalaki ang kausapin mo noh!"sabi nito kaya napanguso ako.
"si Diego maraming kilalang boys iyon, malamang matutulungan ka ng baklang 'yon."ngumisi sa akin si Gela at tinapik tapik pa ang balikat ko.
Napasimangot naman ako.
Nang dumating sila Jinky at Diego ay kaagad sinabi ni Gela dito ang kailangan ko.
Nag isip kaagad ito at hindi ko nagustuhan ang binigay na ngisi nito sa akin.
"sige try ko kung may maconvince ako sa kanila."sabi nito.
Hinayaan ko na ito sa mga kalokohan nito, kailangan ko lang talaga ng magsusuot ng mascot costume for 2 hours.
Nasa cafeteria kami at kumakain ng sikuhin ako ni Gela.
"ang cute."bulong nito kaya sinundan ko ng tingin ang nginunguso nito.
Napailing ako ng makitang si Axel ang tinutukoy nito.
Isa sa football team si Axel, isa siya sa varsity doon, kilala ito dahil maraming nagkakagusto dito at halos babae pa ang manligaw makuha lang ang isang Axel Reyes pero hindi ko gusto ang ugali nito, pati ang captain nila ay kilala din.
Pero ni minsan ay hindi ko pa nakikita ang tinatawag nilang captain.