Chapter 35

823 Words
Napailing si Tom habang pinagmamasdan ang mga pictures ko kasama sila Leo na nakaakbay at tumatawa. "masyadong pilit ang ngiti mo hindi natural ang dating."komento nito. Naisipan niyang isend ang mga pictures ko kasama sila para mainggit daw si Art kaya lahat ng pwedeng kainggitan ni Art ay ginawa nila kasama na doon ang pag akbay daw kunwari ni Leo at Dan sa akin. Totoo naman na ang ngiti ko dapat ay nagiging ngiwi dahil hindi ako sanay. Una hindi ako malapit sa ibang lalaki, kay Diego lang at bakla pa. Kaya hindi nila ako masisi sa nagiging reaksyon ko tuwing lalapitan nila ako o aakbayan. "okay na siguro 'to."ani nito ng sa wakas ay makapili ng litratong ipapadala kay Art. Two days ang lumipas mula ng isend daw nila ang pictures ko with them sa boyfriend ko. Dalawang araw na pero wala itong naging response kaya naman ng mag Friday ay naisipan nila akong ayain na mag mall bukas pero dahil may gig kami ng mga kaibigan ko pag Sabado ay tumanggi ako. "I didn't know you're a vocalist!"namamanghang bulalas ni Rick ng tumanggi ako sa kanila. Tom patted my head na para bang sinasabi niyang ayos lang ang ginawa kong pagtanggi. "may susunod pa naman."wika nito bago sila umalis. Pinagmamasdan ko ang team na naglalakad palabas ng campus ng may tumawag sa akin. "Tin.." Nagulat ako ng makilala ang lalaking nasa harapan ko. "may kailangan ka?"tanong ko kaagad dito dahil hanggang maari ay ayokong malapit ito sa akin. Renz shrugged his shoulders. "how are you and Arthur?"sa tanong niyang iyon ay kaagad na tumaas ang isang kilay ko. "okay lang kami--" "paano kung hindi na siya bumalik?" Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong nito. Huminga ito ng malalim na para bang pasan nito ang mundo. "he snatched you away from me tapos ay gagawin niya 'to?"natatawang usal nito na nagpasalubong ng kilay ko. "snatched? Kanino? Sa'yo? Okay ka lang? Hindi naman ako sa'yo!"ingos ko dito. Hindi naman pinansin nito ang sinasabi ko. "after so many years, sa lahat ng oras o panahon sa tingin mo bakit ka niya pinansin? You were there since high-school pero bakit ngayon lang?"hindi ako umimik sa mga sinasabi nito. Ayoko ng pakinggan ang mga paninira nito. "get lost!"anas ko bago ito tinalikuran but he hugged me to my shock. "ano ba?!"piglas ko dito at ng makawala ako ay sinampal ko 'to. Hinawakan naman nito ang pisngi na sinampal ko. Ngumiwi ito bago dismayadong umiling sa akin. "he left knowing you'll be alone, he met you because of me lumapit siya sa'yo dahil alam niyang gusto kita!" "shut up!"hindi na ko nakapagpigil at napasigaw na ako. Mabuti nalang at wala ng estudyante dahil nag uwian na at may klase na ang mga panghapon. "stop it Renz, baka hindi lang sampal ang magawa ko kung pagsasalitaan mo ng masama ang boyfriend ko!"asik ko na halos hingalin na sa galit. "boyfriend? Tumatawag ba siya? Kinakamusta ka ba niya? Kung oo good for you ibig sabihin ay mahal ka niya talaga pero kung hindi mag isip ka na, I am bound to marry someone else Tin pero ikaw ang gusto ko, nagkataon lang na ikakasal ako sa babaeng totoong mahal ng boyfriend mo."wika nito sa galit na tono bago ako tinalikuran. Nanlamig ako sa narinig. No! Huwag kang paapekto hindi totoo ang mga sinasabi nito. Hanggang makauwi ako ay iyon ang laman ng isip ko. Kaya halos mapatili ako ng makita ko na tumatawag si Art sa phone ko. Tumalab ang ginawa nila Tom! "h-hello?"kinakabahang sagot ko. Naririnig ko ang paghinga nito na tila ba malalim ang iniisip. "kaya mo parin ba na wala ako?" The insecurities in his voice melted my doubts for him. Nagalit lang siya dahil sa sinabi ko, iyon lang 'yon kaya hindi niya ako kinausap ng ilang linggo. "Art.."bulong ko sa pangalan nito. "say you want me there at ngayon din ay uuwi ako dyan Celestine."he demands but sounded more like he's pleading. He wants me to say it. Lumunok ako bago huminga ng malalim. "come home.."mahinang usal ko. "ano uli? Medyo hindi ko naintindihan.."I rolled my eyes ng marinig ang pang aasar nito. Inulit ko parin kahit na alam kong narinig naman na niya. "come back Art." "say you need me.."bulong pa nito sa kabilang linya. I gulped. "I-I need you here.." Narinig kong bumuntong hininga ito. "damn it! I wanna see you now Celestine."ang frustration sa boses nito ang dahilan kaya ako natawa. "I am serious here."seryoso paring wika nito. "oo na, uwi ka na.."natatawang usal ko. Nag usap pa kami ng ilang minuto bago kami nagpaalam na matutulog na. Kinabukasan ay P.E ko. Wala ang mga friends ko at ako lang ang may pang umagang klase. Maingay sa gym pagpasok ko akala ko ay dahil wala pa kaming prof pero laking gulat ko ng makitang may nag aaway. Nang humarap sa banda ko ang lalaking nanggugulpi ay napatakip ako ng bibig. Arthur?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD