Four days.
Apat na araw na ang lumipas mula ng magkaroon kami ng argument ni Art at hanggang ngayon ay hindi ko parin ito nakikita.
Kaya hindi na ako nakatiis ng makita ko si Leo. Tumakbo ako palapit dito.
"Leo!"
"ay kamote!"nagulat pa ito ng tawagin ko.
"Tin ikaw pala!"anas nito ng makilala ako.
"oo, tatanong ko lang sana kung nasaan si Art?"kumunot naman ang noo nito sa tanong ko.
May mali ba sa tanong ko?
"hindi mo ba alam?"tanong nito.
"itatanong ko ba sa'yo kung alam ko?"sarkastiko kong sagot.
"kalma galit ka na kaagad.."natatawang sabi nito bago tinuro ang langit kaya pati ako ay napatingala doon.
"lumipad papuntang London."
"London? Kailan pa? At tsaka bakit siya nandoon?"nagsalubong na ng tuluyan ang kilay nito sa tanong ko.
"hindi niya ba sinabi sa'yo? Exchange student siya, akala ko nga ayaw niya e dahil maiiwan ka daw niya, kaso nagulat ako nung isang araw pumayag siya."napaatras ako sa narinig.
E-Exchange Student?
"sa totoo lang tita wants him to stay there when she heard about you, Art does not want to go he even threatened his mom ng malaman nito na nag away sila ni Lawrence dahil sa'yo."
"sabi ko nga ipakilala ka e kaso si tita mismo nagsabi na kilala ka niya and your mom kaya mas maganda kung huwag ikaw ang patulan ni Art, but Art insisted. Kilala mo naman iyon, matigas ang ulo and he likes you a lot."
Nanlamig ako, hindi ko alam kung saan sa mga sinabi nito nag umpisang manlamig ang kamay ko at kumalat sa buong katawan ko na dumaan maging sa dibdib ko. Bigla nalang bumilis ang t***k doon at uminit ang mata ko.
"aah.. S-Salamat.."pilit ang ngiting naibigay ko dito bago ako nagmamadaling umalis doon dahil nararamdaman ko na mahuhulog na ang luha ko.
Disappointed ako. Alam ko 'yon dahil akala ko ay simpleng away lang namin iyon at misunderstanding pero umalis siya kaagad.
Natawa ako ng mapakla sa iniisip kong' yon.
Lumipas ang isang Linggo na puro aral lang ako at nag overnight nga kami sa isang hotel para icelebrate ang birthday ni bakla.
Masayang masaya sila, ako? Pinipilit maging masaya.
Ang akala nila ay alam ko ang pag alis ni Art dahil ng tanungin nila ako ay kaagad ko iyong nasagot. Mabuti nalang pala naitanong ko na kaagad kay Leo.
Dalawang Linggo pa ang lumipas na puro libro lang ang hawak ko. Tambay sa library at kapag weekends ay kumakanta sa banda na ginawa namin.
Hangga't maari ay hindi ako pumupunta sa gym maliban nalang kung P.E.
Ayokong maalala siya lalo na at pinipilit kong iwaksi siya sa isipan ko dahil aminin ko man o hindi, nalulungkot ako.
Nasaktan ako sa naging decision nito. Alam ko na wala akong karapatang magreklamo dahil para naman iyon sa future niya pero sana sinabi niya sa akin.
He considered not going but still, he went there.
Bakit? Dahil ba sa nagtalo kami? Nasaktan ko nga siguro siya sa mga sinabi ko.
I imagined myself being on his shoes at doon, nagsisi ako kung bakit hindi kaagad ako nagsorry sa sinabi ko.
Sana pala ng talikuran niya ako, pinigilan ko na siya. Sana pala ng humakbang siya para umalis niyakap ko na siya.
Ngayon kasi, miss na miss ko na siya. Hindi ko na naririnig ang boses niya. Pati ang perfume nito hinahanap na ng ilong ko.
I am lost.
Ang hirap pala maiwan.
Nasa corridor palang ako ay sinalubong na ako kaagad ni Jinky.
"oh bakit ka nagmamadali?"puna ko dito ng hatakin ako pababa ng building at papuntang field.
"look!"hinihingal na tinuro nito sa akin ang isang malaking banner.
CONGRATULATIONS TO OUR EXCELLENT STUDENT ARTHUR SEIDEN YEE FOR PASSING THE LONDON CURRICULUM.
Napanganga ako sa nabasa. Nakita kong nandoon din ang mga kaibigan nito at napapailing nalang sa nakalagay sa building.
"sa tingin mo ba babalik pa siya?"tanong sa akin ni Jinky na hindi ko alam kung paano sagutin dahil aminin ko man o hindi ay hindi ko din alam kung makikita ko pa siya.
Hindi ako sigurado kung mararanasan ko uli na nasa tabi ko siya.
Siguro ay napansin ako nila Tom dahil lumapit sila sa akin.
"Tin.."bati nila sa akin na sinuklian ko naman ng ngiti.
Rick watched my every reaction sa duration ng pag uusap nila at nandoon ako.
"babalik pa ba siya?"ang gusto kong itanong sa kanila ay isinaboses ni Jinky.
Nilingon nila ang kaibigan ko na ngayon ay naghihintay ng sagot, then they all looked at me.
Tom sigh.
"hindi namin mapababalik ang ayaw umuwi pero may idea ako kung paano siya uuwi.."nagtaas ang tingin ko at tinignan si Tom sa sinabi nito.
"in ako dyan!"masayang saad ni Rick habang tahimik naman kami na naghihintay sa plano nito.
Nang ngumisi sa akin si Tom ay napalunok na kaagad ako. Parang may pinaplano ito at kailangan ang cooperation ko.
Hindi nga ako nagkamali ng sabihin nito ang naiisip.
"make the jerk jealous."