CHAPTER 21

787 Words
ARTHUR'S POV Ako baliw? Siguro nga. Dahil gagawin ko ang lahat para sa babaeng mahal ko. Pagtapos kumain ay hinatid ko na sa room si Celestine, sinadya ko talagang dumaan sa room ni Renz para makita niya kami. Kitang kita ko kung paanong natigilan ito nang makita si Celestine. Sorry bro nauna ako. Close kami noon ng pinsan ko, siya ang dahilan kung bakit nahilig ako sa bola. Dahil magkaedad ay halos pareho kami ng hilig at siguro kaya hanggang sa pagbibinata. We knew each other's secrets. Ganoon kami kaclose. Hanggang sa masira kami, because we end up liking the same girl. Tinignan ko si Celestine na busy sa pagsipsip sa pineapple juice nito habang naglalakad at nauuna sa akin. Gusto kong matawa dahil wala itong pakialam kahit pa sabihan siya ng team kanina na maarte. Mahina ito kumain at concern daw masyado sa katawan, iyon ang sabi nila Leo dito kanina, gusto ko sanang sabihin na ganoon si Anjenette. Ang nag iisang babae sa tropa. Matakaw 'yon at walang arte sa katawan ibang iba kay Celestine na conscious. Siguro ay doon nakakuha ng maikukumpara ang team. Kay Anjenette. She ruined Leo's relationship at kahit na hindi ko alam ang buong story ay alam ko na may something ang dalawang' yon. I don't wanna intrude lalo at pareho ko silang kaibigan, isa pa ay ano nalang ang sasabihin ni Jace kung kakampihan ko ang isa at aabandonahin ang isa pa. It's not fair. "Art tara na.."yakag sa akin ni Rick nang makapasok na sa room si Celestine. Ngumisi ako dito ng lumingon ito sa gawi ko pero nang irapan ako nito ay gusto kong matawa. Maarte nga. But that's their nature. Lahat naman tayo ay may arte sa katawan, maybe that's her personality to protect herself. Confidence nga naman ang mawawala kung hindi ka na kagandahan katabaan ka pa. Though she's very pretty hindi siya aware doon. May takot ito na baka hindi ito maging enough sa isang tao na importante dito kaya siguro ganoon siya kung maconscious. Lahat tayo ay may mentality shield. I know that hers is just like mine. We're both afraid that we aren't good enough. "dude!"nakipag apir sa akin si Leo nang makaupo na sa classroom. "natignan mo ba?"tanong ko dito. Ngumisi ito sa akin. "ako pa ba?!"mayabang na anas nito sa akin. Napangisi na rin ako at kinuha ang binigay nitong folder. Ang information mula kay Gio. Alam namin na pinsan ni Celestine ang mayabang na 'yon. Pero wala kaming choice dahil ito lang ang makakatulong sa amin para mahanap si Ange. "Oy late ka Dan!"nag angat ako ng tingin ng sumulpot si Dan na magulo ang buhok at nakasimangot dahil sa pagpuna ni Rick dito. Nagbago din ang isang' to dahil kay Misty. I sighed. Babae nga naman. _________________________________ SAIRA CELESTINE'S POV Nakasimangot ako ng maupo. Wala pa ang tatlo at mukhang nag eenjoy na pag usapan ako. Nang nagbell na para sa next subject ay doon palang humahangos na dumating ang tatlo. Napanganga ako ng makita ang itsura nila. Si Gela ay may sugat sa pisngi at magulo ang buhok, si Jinky naman ay namumula ang pisngi at sira ang butones ng blouse. Nang nilingon ko si Diego ay napatayo na ako. Lumapit kaagad ako sa kanila. "Diego!"may pasa ito at putok ang labi. Yumuko silang tatlo nang makalapit ako. "anong nangyari?! Bakit ganyan ang itsura niyo?"takang tanong ko sa kanila. Walang sumagot sa kanila ni isa. Sa inis ko ay tinulak ko silang tatlo palabas ng room. "pakisabi nasa clinic kami!"sigaw ko sa mga kaklase namin bago sila hinatak papuntang clinic. Tahimik lang sila at hindi makatingin sa akin. "anong nangyari sa inyo?" Kahit ng matapos na sila gamutin sa clinic ay hindi parin sila kumikibo. "sige ako nalang ang magtatanong kung may nakakita ba.."ani ko at akmang lalabas na ng hatakin ako ni Gela pabalik. Nagulat ako ng yakapin ako nito at bumulaslas ito ng iyak. "shh.. Tahan na.. Tell me what happened?"nag aalangan pa siyang sabihin sa akin dahil napansin ko ang paghingi nito ng pahintulot kila Diego. "kung hindi niyo sasabihin ay gagawa ako ng paraan para malaman.."nananakot na wika ko. "Tin.."umpisa ni Gela. "tumigil ka Gela.."pigil dito ni Jinky kaya binigyan ko ito ng matalim na tingin. Nang marinig kong huminga ng malalim si Diego ay nilingon ko ito. "nangyari 'to samin dahil pinanindigan namin na kaibigan ka namin bruha ka!"umiirap na sabi nito. "galit sila Tin.."patuloy na umiiyak si Gela ng sabihin din iyon. "galit? Bakit naman sila magagalit dahil ba kay Arthur?"umiling sila sa tanong ko. "then dahil ano?"naguguluhang tanong ko sa kanila. "dahil kay Lawrence.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD