Habang nasa klase ay pasimple akong napapahawak sa ulo ko. Ganoon ba kalaki ang kamay ng lalaki na 'yun at sakop ng palad niya ang ulo ko?
At anong ibig niyang sabihin sa he can't even dare play with me?
"Miss Gitana answer me.."napakurap ako sa prof ko nang tumayo na ito sa mismong harapan ko.
"po?"
"seems like lumilipad sa ibang section ang isip mo or maybe sa court?"nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinabi ng prof namin.
Napayuko naman ako sa hiya. Kanina pa ba niya ako tinatawag? Tumayo ako at sinagutan ang problem na nasa white board mabuti at tama ang sagot ko kung hindi ay baka mas lalo akong ipahiya nito.
"next time pay attention."sabi ng prof namin bago ako hinayaang umupo.
Nang matapos ang klase ay agad na lumapit sa akin sila Gela.
"totoo ba na iniisip mo siya?"Gela asked.
Nakita kong hinampas ni Jinky si Gela habang natatawa naman si Diego.
"walang duda.. Namumula e.."komento ni Diego.
Ganoon ba ako ka obvious?!
"Tin!"napatingin ako sa nakabukas na pinto ng room namin ng sumungaw doon si Rick isa sa team ng basketball at kaibigan ni Arthur.
"sabay daw kayo ni Art kumain sa cafeteria!"malakas na bulalas nito kaya naghiyawan ang mga kaklase ko at kung todo kurot naman sa akin ang mga kaibigan ko.
"haba talaga ng hair!"sabi pa ni Jinky.
Hindi na ako hinintay ni Rick na sumagot dahil umalis na rin ito kaagad.
Wow. Very appealing ang alok.
"hindi ka na binigyan ng chance tumanggi.."nakangising wika ni Gela sa akin.
Napailing nalang ako sa kanila. Alam ko na habang kasabay ko si Arthur sa pagkain mamaya ay ako ang topic ng tatlong 'to.
Nang mag lunch break nga ay nagulat pa ako ng pag labas ko ng room ay naroon na si Arthur at nakaabang na sa akin habang nakasandal sa pader.
Kumunot ang noo nito sa nakitang reaksyon ko.
"I told you sabay tayo diba? Bakit nagulat ka pa?"tanong nito.
"akala ko kasi sa cafeteria na tayo magkikita.."naiilang na nilingon ko ang mga kaklase ko na nakatingin na sa amin.
Sila Diego naman ay nakangisi sa akin at halatang inaasar ako sa pamamagitan ng tingin.
"let's go.."ani nito bago walang paalam na kinuha ang mga gamit ko at binitbit papuntang cafeteria.
"hi Tin!"wala na akong nagawa kung hindi ang batiin din ang mga kaibigan ni Arthur.
"anong order mo?"tanong sa akin ni Leo.
Ngayon na nakakausap ko na sila ay gusto ko sanang sabihin na layuan nila ang pinsan kong si Gio pero baka maoffend sila at masama pa ang isipin.
"ahm.. Lasagna niya at pineapple--"
"umorder ka ng kanin at burger steak dalawa tsaka mo idagdag ang lasagna niya at pineapple, bumili ka din ng desserts."naputol ang sinasabi ko dahil kay Arthur.
"roger!"ani ni Rick at Leo bago tumayo.
Napatingin tuloy ako kay Arthur na busy naman sa pagkalikot sa phone nito. Nilingon ko si Tom at hawak parin nito ang binabasang libro.
I sighed.
Napaangat ang tingin ni Tom papunta sa akin ng marinig ang pagbuntong hininga ko.
Nang tumaas ang sulok ng labi nito ay nagsalubong kaagad ang kilay ko.
"bored?"tanong nito.
"ahh.. Hindi naman--"
"bored ang girlfriend mo Art pansinin mo kasi.."
Hindi ko alam kung anong mali sa sinabi nito pero talagang nagalit ako. Bakit parang feeling ko ay kulang ako sa atensyon kung magsalita ito.
"hayaan mo siya sa phone niya hindi naman ako ganoon ka demanding.."inis na ani ko dito.
Mas lalong ngumisi ito at kinalabit na si Arthur kaya nag angat na ito ng tingin.
"nagtatampo na 'to, kausapin mo kasi hindi' yang puro ka cellphone."
Nang tignan ako ni Arthur ay halos umusok ang tainga ko sa hiya. Inis na tinignan ko si Tom na ngayon ay nagbabasa uli pero nakangisi parin.
"I'm sorry I'm just checking this thing.."pinakita nito sa akin ang phone nito at nanlaki kaagad ang mga mata ko ng makita ko ang stolen shots ko.
"b-bakit nandyan ako?!"sa gulat ko ay naibulalas ko.
He smirked at me.
"well I need to guard my property."ani nito sa tiwalang boses.
"that's against my will at stolen pa pwede kitang kasuhan for invading my personal life!"
Binaba nito ang phone at hinarap ako.
"I'm not invading, you are mine, you are my person and my life."napakurap ako dito.
"w-what?! Baliw ka ba?!"asik ko dito at hindi makapaniwalang tinignan ito.
Umismid lang ito sa tinuran ko at muling tinignan ang mga stolen shots ko.
Nababaliw na nga ang isang 'to!