CHAPTER 19

838 Words
Pagdating ko ng bahay ay naabutan kong nag aayos ng sasakyan si dad. "hi dad.."bati ko dito bago humalik sa pisngi nito. I heard him sigh kaya nagtatakang tinignan ko ito. "may problema po ba?" "wala naman nag aalala lang ako dahil aalis ako at may business trip kami, isasama ko ang mom mo dahil sa Australia ang punta namin, alam mo naman ang tita Lori mo gusto niya puntahan namin siya doon ng mom mo.."napakurap ako sa narinig. "bakit biglaan naman po yata?"nag uumpisa na akong mag alala sa nalaman. "malaki ka na Saira Celestine..college ka na ang iba nga ay nakabukod na sa ganyang edad.."napalingon ako sa likuran ko ng marinig si mom. "pero mom--" "stop acting like a baby at baka lalong mag alala ang daddy mo.."natahimik ako sa sinabi nito. "she's our baby hon.."ani ni dad. "don't treat her like a child dahil baka hindi na 'yan matutong tumayo sa sariling mga paa niya.."suway ni mom kay dad bago ibinigay dito ang kape. Napabuntong hininga nalang ako. Habang nasa dinner ay inulan ako ng bilin ni dad at pagbabanta naman mula kay mom. "I'm warning you, no boys in this house at walang party."marahang tumango ako kay mom. Dad grab my hand and softly squeeze it. He smiled at me to lessen my worries and to give me assurance that everything will be fine. Kahit noon, dad is always my dark horse, my black Knight and my savior, a hero. That is what he is for me. Habang si mom ang reality ko dahil sa mga sinasabi nito na practicality in life dad is my fairytale. He believes that there's good in every person's heart. Na kapag may nagawa ang isang tao na masama o nakasakit ay may pinagdaanan itong nakasakit din dito, or worst trauma. Dad taught me to weigh every person's desire and dreams. Sabi niya he once dreamt about marrying his true love when he met my mom. And true love it is. He married my mom despite knowing that she's having me. I love my dad so much. Kaya sobrang lungkot ko nang kinabukasan ay wala na sila. Nag ayos ako para sa pagpasok sa school, tamad na tamad ako sa lungkot. Nang makarating ako sa school ay napasimangot na kaagad ako. Halos lahat ng nasa gate ay nakatingin na sa akin dahil nasa b****a nito ang captain ng basketball at tila hinihintay akong makalapit. Balak ko sanang umiba ng direksyon ng may umakbay sa akin. Napaangat ang tingin ko para makilala ang lalaking malakas ang loob na akbayan ako. Napanganga ako ng ngumiti ito sa akin at sumilip ang dimples nito sa magkabilang pisngi. "I heard the news.."he said without looking at me. Diretso lang ang tingin nito kaya maging ako ay tinuwid ang tingin pero naabutan ko ang pagkunot ng noo ni Arthur. "hindi ko alam na darating sa point na kaiinggitan ko ang pinsan ko.."napabaling muli ako kay Lawrence nang sabihin nito 'yon. Ngayon ay nilingon na rin ako nito. Tinanggal na nito ang braso na nakaakbay sa akin at namulsa. Tumigil kami sa paglalakad ng makaharap na namin si Arthur. "stop showing off with my girl."ani ni Arthur sa pinsan nito. Napangiwi ako dahil mukhang hindi maganda ang bungad ng umaga ko dito sa school. "gusto ko lang makita nila na okay sa akin ang girlfriend mo kahit na hindi tayo close."nanlaki ang mata ko sa narinig na sinabi ni Lawrence. "back off!"tinulak ni Arthur si Lawrence kaya napaatras ito. I heard Lawrence scoffed. "takot na takot? Bakit Art? Ayaw mong maagawan?"His cousin said bago humarap sa akin. "see you around!"sumaludo pa sa akin si Lawrence bago kami talikuran. I sighed. "umagang umaga Arthur, kailangan bang ito ang ibungad niyo sa akin? And mind you! Hindi kita boyfriend!"tinulak ko na ito para makapasok na ako sa loob ng campus. Tahimik na nakasunod lang ito sa akin. Nagpipigil lang ako ng inis lalo at nakatingin halos lahat ng students sa amin. "Celestine.." "ano?!"angil ko dito. "do you prefer Renz than me?"natigilan ako sa narinig lalo at nasa boses nito ang insekyuridad. Hinarap ko ito na may kunot noo. "maybe.."kibit na sagot ko dito. "maybe?! Anong klaseng sagot 'yan?! You should choose me over him!"natawa ako sa sinabi nito. "I don't need you in my life so why would I choose you? Basagulero at umiikot ang mundo sa basketball at sa fans, no thanks."kaswal na sabi ko dito. "e bakit kay Renz maybe? Maybe yes ganoon?!" "Renz is the boy next door type, may dimples, clean cut at malumanay kausap ibang iba sa'yo but I don't need that kind of guy."sagot ko na nagpatahimik din dito. Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng maramdaman kong inilagay nito sa ulo ko ang kamay nito. "bitaw! Hindi bola ang ulo ko!"asik ko dito. He laughed. "you're not a ball Celestine, I can't even dare play with you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD