"bruha!"napangiwi kaagad ako ng maramdaman ko ang pasimpleng hila ni Diego sa buhok ko.
Nanlalaki ang mga mata nito at halatang nagulat sa nangyari. Nilipat ko ang tingin ko kila Gela at Jinky na nagpipigil ng tawa dahil sa reaksyon ng kaibigan naming bakla.
"sabi ko na! Kaya ganoon nalang kung makapagsabi ng I'm willing to help ang lalaki na 'yun!"dagdag pa ni Diego.
"tama na Di, baka mamaya ay makita ka ng jowa nyan.."nakangising tinignan ako ni Gela nang sabihin iyon.
Napairap ako dito dahil alam kong nang aasar ito sa tono palang at itsura nito.
"kahit na makita pa ako ng sino mang jowa niyo ako parin ang unang lalaki sa buhay niyo!"asik ni Diego.
"lalaki? Kailan pa? Binabae ka oy!"sabat ni Jinky.
Natawa ako kaya lalong naningkit ang mga mata ni Diego sa akin.
"ako ang pinangsasangkalan ng bruha na 'to pag may nanliligaw sa kanya noon! Ako ang panakot nito tapos ngayon ay dahil gusto mo ang nilalang na' yon ay wala man lang pasabi na jojowain mo?!"angil nito sa akin.
I sighed.
Oo ginagawa ko nga siyang dahilan para hindi na ako lapitan ng mga lalaki noon at effective nga pero hindi iyon sa dahil akala nila ay jowa ko ang isang 'to, natatakot sila na baka gapangin sila ng bading na kaibigan ko kaya umaatras sila.
"Diego hindi nga kami!"ulit na tanggi ko dito habang kumakain kami sa cafeteria.
Ingos lang ang binigay nito sa sinabi ko.
"kung hindi kayo bakit sinabi niya' yon?"si Jinky.
"ewan.."kibit na sagot ko.
Nagdududang tinignan naman ako ni Gela.
"bakit? Anong tingin 'yan?"puna ko dito.
"wala naman, narinig ko lang kanina na crush ka din ng pinsan ni Arthur kaya nagkagulo daw sa court kanina ng basketball dahil nag amok daw na maglaban sila."
"ang haba ng hair!"Jinky commented.
Napakurap naman ako sa narinig. Hindi ko alam na may ganoong pangyayari pala kanina.
Nang malakas na ibinagsak ni Diego ang baso sa mesa ay napatingin kami dito.
"magready ka na Tin.."ani nito habang may tinitignan sa likuran ko.
Sinundan namin ng tingin ang tinitignan nito. Napakagat ako sa labi ng makita kung sino ang paparating.
"hindi ka lang sa captain committed, kung hindi sa buong team. Remember Misty? Marami ang nainggit at nagalit dahil doon kaya mag ingat ka dahil hindi malabong maraming magagalit lalo at hindi lang ang captain ng basketball ang may gusto sa'yo, pati ang captain ng football na pinsan nito."mahabang litanya nito.
"hay! Mahahaggard nanaman ang beauty ko nito sigurdo!"sabi pa nito bago tumayo para umalis.
Nagulat ako ng pati sila Gela ay tumayo at aalis din.
"teka! Bakit kayo aalis?"nagtatakang tanong ko sa kanila.
"hindi kami ang pakay 'non, kaya alis na muna kami.."Gela said bago naglakad palayo.
"Tin.. May tampo kami sa nangyari dahil nagulat kami sa nalaman namin pero kaibigan mo parin kami, kaya lang dahil may karelasyon ka na ay alam din namin na hindi ka na namin laging mahahatak kung saan saan kasi nandyan na siya.."ngumiti sa akin si Jinky ng sabihin iyon bago nagpaalam na aalis.
Pinagmasdan ko silang tatlo na papalayo na at palabas ng cafeteria.
"Tin!"nilingon ko si Leo nang nakangising naupo ito sa kaninang inuupuan ng kaibigan ko.
"bakit?"
"ano daw gusto mo? Oorder daw si Art.."tinuro pa nito ang pilahan sa counter at naroon nga ang team.
I sighed.
Tumayo ako at kinuha na ang mga gamit ko.
"pakisabi kumain na ako, salamat nalang."ani ko at tumakbo palabas ng cafeteria yakap ang mga gamit ko.
Nang makapasok na ako sa room namin ay nagulat pa ang mga kaibigan ko.
"bakit nandito ka?"tanong ni Diego sa akin.
"saan ba ako dapat e nandito ang klase ko at room ko naman 'to?"balik tanong ko dito.
Nagpalitan ng mahihiwagang tingin ang tatlo dahil sa sinabi ko.
Umismid ako at nilapag na ang mga gamit ko sa lamesa ng upuan ko.
Napayuko ako ng may ilapag si Gela sa mesa ko.
"ano' to?"takang tanong ko dito.
"peace offering namin.."nakangiting wika nito.
I rolled my eyes ng marinig 'yun.
Kinuha ko ang pineapple juice ng may tumabig nun sa kamay ko. Napanganga ako sa ginawa ng isa kong kaklase.
"ang kapal naman ng mukha mo para iwasan si Arthur, sino ka sa akala mo? Gandang ganda?"napakurap ako sa mga sinabi nito.
"hoy tilapia! Tantanan mo si Tin kung ayaw mong iprito kita gamit 'yang nagmamantika mong mukha!"nagtawanan ang buong klase sa sinabi ni Diego.
Napahiya naman si Diana ang kaklase ko. Masamang titig ang binigay nito sa amin bago lumabas ng room.
"ito na nga ba ang sinasabi ko, dahil jowa mo ang heartthrob ng basketball ay tiyak na maraming insecure na lalapit."ani pa ni Diego na nagpatahimik sa akin.