ARTHUR'S POV
"seryoso?"tanong ni Leo kay Dan habang naglalaro kami ng baraha.
"oo nakita ko silang nag uusap e."sagot ni Dan dito.
Tinignan ako ni Leo ng marinig ang sinagot ni Dan.
"Art mukhang trip ng pinsan mo.."napangisi ako sa narinig.
"the actor huh.."ani ko bago umiling.
"pinsan pala niya si Gio.."nabura ang ngisi ko ng marinig ang sinabi ni Tom.
Nagbabasa ito ng libro pero nagagawa parin nitong makinig sa usapan.
"mas mainam.."seryoso sabi ko.
Wala kaming prof sa first subject namin kaya naglalaro lang kami.
"guys!"napatingin kami kay Rick na humahangos palapit sa amin.
"kumalat na kinausap mo si Tin kahapon at may dagdag pa na sweet daw kayo.."humihingal na wika nito.
Napaayos ako ng upo ng marinig ang sinabi nito.
"where is she?"tumayo kaagad ako.
"nasabunutan na siya ni Jenny.. Hindi ko alam na siya ang susugod sa room akala ko ay si--"hindi ko na pinatapos ang sinsabi nito at agad na akong tumayo.
Igting ang panga na lumabas ako ng room.
Nang makarating ako sa tapat ng room ni Celestine ay nakita ko siyang gulo ang buhok at nakangiwi.
"ayos ka lang ba? Naku Tin! Dapat lumaban ka! Napakatimid mo talaga!"narinig kong sabi ng kaibigan nito.
I sighed.
Lumapit ako at pumasok sa room nila. Napansin kong tumahimik ang lahat ng makita ako.
Celestine eyes went wide ng makita ako.
"Celestine I'm sorry about this.."ani ko.
"okay lang hindi mo naman kasalanan.."sagot nito.
Napaisip ako sa sinabi nito.
"then I have no choice.."wika ko bago ko ito hinila sa gulat nito.
______________________________
CELESTINE'S POV
Napanganga ako ng hatakin ako nito papunta sa admin office. Pumasok kami sa isang kwarto kung saan naroon ang recording groups.
Lumapit ito sa mic sa pagtataka ko.
"good morning this is Arthur Yee, I want to announce something and I need you all to put your brain to understand what I'm about to say.."he looked at me.
Napalunok ako sa naiisip kong gagawin nito.
Hindi naman siguro noh? Mas madaming magagalit sa akin kung pagbabantaan niya ang mga admirers niya at isa pa ay pangit ang magiging balik 'nun sa kanya.
So no, hindi niya iyon sasabihin.
Kinalma ko ang sarili ko bago ko pinakinggan muli ang sasabihin nito.
"Celestine is mine.."
Napaatras ako sa sinabi nito. Anong kalokohan ang pinagsasabi nito?
"teka Arthur mali ka yata ng-"
"don't you dare lay a hand on her or I will do everything to make your life miserable so whoever jerk you are back off!"kitang kita ko ang pagtatagis ng panga nito.
Bakit nagagalit ito? Anong nakakagalit sa nangyari?
Hinatak na ako nito uli palabas ng admin office. Nakatingin ang lahat sa amin paglabas.
"Arthur sandali.."pigil ko sa paglalakad nito at paghila sa akin.
Nilingon ako nito.
"salamat pero hindi mo na sana sinabi pa 'yon.. Alam ko na nagiguilty ka dahil fans mo ang nanakit sa akin pero hindi mo kailangang magsinungaling para lang hindi nila ako awayin.."mahabang paliwanag ko.
He smirked at me na nagpasalubong sa kilay ko.
"I'm not lying Ces.."nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
"ha? E sandali lang naman ano kasi ahm.."
"I know I'm way too fast but this is the only way I know to protect you.."napakurap ako sa sinabi nito.
"bakit ako?"nagtatakang tanong ko dito.
"bakit hindi ikaw?"
Mas lalo akong namula sa sagot nito.
"listen Ces, I have known you for years, hanggang tingin lang ako noon because I'm too afraid na ma snob mo but now I want to voice it out.."napahawak ito batok sa nito na para bang kinakabahan pa.
Totoo ba ang mga narinig ko o baka naman gawa gawa lang ng isip ko?
Pero hindi ko naman siya gusto, oo gwapo siya pero wala pa sa isip ko na mag ka boyfriend kaya imposibleng nagdedaydreaming ako diba.
He looked cute though habang namumula ang pisngi at hindi makatingin sa akin ng diretso.
Napangiti ako sa naisip.
Nahihiya si Arthur Yee sa akin.