Chapter 4: ZachTv
Eunece,
"Ano 'yang ginagawa mo?!" sigaw ko kay Oliver matapos kong pumasok sa kaniyang apartment. Nakahawak lamang ako sa door knob ng pinto habang nakatitig sa kaniya at hindi maitago ang aking gulat.
"Tulungan mo na nga lang ako, total nakita mo na naman na." Suhestyon niya na naging dahilan ng biglang pag-init ng aking mukha. Nilonok ko ang namuong laway sa aking bunganga bago nagdadalawang isip na humakbang palapit sa kaniya.
"Paano ka ba na hantong sa ganyan?" tanong ko sa kaniya habang ako'y palapit sa kaniyang kinaroroonan. Wala akong ibang narinig sa kaniya kundi ang isang tunog na aksidenteng lumabas sa kaniyang bunganga.
Sinuri ko ang kaniyang ginagawa na para bang isang science discovery ang aking natutunghayan ngayon. Isinipit ko sa likuran ng aking teng ang ilan sa buhok kong tumakip sa kaliwa kong mata.
"Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin." Sabi ko sa kaniya at pinanatili ang aming isang metrong pagitan. Tiningnan naman niya ako at nakatanggap lamang ako ng isang buntong hininga.
"Madali lang, just hold it gently so it won't break and less pain and it would be faster." Instruction niya saakin na may kasama pang mga aksyon para mas maging malinaw. Napapikit ako ng ilang saglit kasabay ng aking paghinga ng malalim bago lumuhod sa kaniyang harapan at ginawa ang kaniyang sinabi niya.
Matapos ang higit sa limang minuto ay natapos na ako sa aking ginagawa. Tumayo ako mula sa aking mga tuhod bago ko ito pinampag."Thank you." Bulong niya sa tenga ko na siyang nagpatayo sa aking mga balahibo, no I'm not blushing,. . . I assure you!
Umupo ako sa kanyang kama at nanahimik lang. "Huwag mong ipagsasabi sa iba ha?" pakiusap niya sa akin. "Siyempre naman." Panigurado ko sa kaniya at iniiwas ang aking paningin sa kaniya. Napanatahg naaman ang kaniyang loob dahil siya'y huminga ng malalim.
"Ano ba kasing nangyari at naka sabit ka? Did you made a booby trap and fell for it? How dumb." Tanong ko sa kaniya at sumabay narin ang panghuhusga. Nagtitigan lamang kami hanggang sa magawa kong nang tumawa, kanina kasi ay nagpipigil ako.
"Naglalaro kasi kami ng aking aso at naisipan kong gayahin ang napanood kong paggawa ng trap, ayon, effective naman." Sagot naman niya at tinapik ng ilang besas ang kaniyang mga hita bago biglang lumabas mula sa ilalim ng kaniyang kama ang isang aso.
"Anong pangalan niya?" tanong ko sa kaniya habang hinahaplos ang ulo ng kaniyang aso. Kaagad na nakuha ng asong ito ang aking loob, napaka cute niya at napaka fluffy!
"Mochi, isa siyang golden retriever." Sagot naman niya at hinaplos ang balahibo sa likuran ng kaniyang aso. Tuwang-tuwa naman si Michi dahil sa napakalakas at napakabilis ng paggalaw ng kaniyang buntot.
"Balak mo bang bitayin ang aso mo?" sarcastic kong tanong sa kanya nang hindi inaalis ang aking paningin sa aso. "Hindi naman." Sagot niya at bigla siyang tumayo, sinundan ko siya ng tingin at nakita ko siyang pumunta sa kaniyang kusina.
Pagbalik nga niya rito sa kaniyang munting sala ay lumuhod siya sa harapan ko at inabutan ako ng isang coke mismo. Hindi ko inaasahang gagawin niya iyon pero tinanggap ko na lamang ngunit hindi ko binuksan at itinabi lamang. "Bakit nga ba pumunta ka dito?" tanong niya at kaagad na nilaro ang kaniyang aso nang lumapit ito sa kaniya.
"Kung ano pa man 'yon, maraming salamat dahil kung hindi baka hanggang ngayon naka sabit parin ako." Dagdag pa niya bago tumayo mula sa sahig at pinampag ang kaniyang damit. Inaayos na niya ngayon ang taling ginamit niya sa kaniyang bitag.
Habang abala siya ay napatingin ako sa kaniyang computer nang igala ko ang aking paningin. "Iyon ang pinunta ko." Sabi ko sabay turo ng bagay na nasa screen niya, binitawan niya ang unan na kaniyang hawak at napatingin sa kaniyang monitor.
Napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo bago siya humakbang patungo roon. "Iyan ba? System glitch yata 'yan kaya hindi ko ginagalaw." Sabi naman niya at iginalaw ang kaniyang mouse na nasa kaniyang gawing kanan.
"Buksan mo." Suhestyon ko sa kaniya, tiningnan niya ako ng may pagdududa ngunit kaagad din niya itong pinindot. "Prank ba'to? Baka biglang may tumalon diyan ha." Sabi naman niya at bahagyang inilayo ang kaniyang mukhsa sa monitor, naningkit pa ang kaniyang mga mata.
Umiling ako, "Hindi." Sabi ko sa kaniya at tumayo narin palapit sa kaniya upang magkaroon ng masmalinaw na view. Gumalaw ang coursor sa screen at nag double click siya sa left part ng kaniyang mouse.
May kaunting animation ang envelope at gaya ng inaasahan ko ay bumukas ito at sa parehong paraan ng pagka bukas ng sa akin kanina.
"Hello, Oliver Santos, tenant of Subin Apartment Building, room 20.
Your presence is very much welcomed in Silver Company, Rosewell Street
Come tomorrow at exactly 7:00 pm
William Bones,
ADMIN"
Basa niya sa mga nakasulat.
Natahimik siya at tila nag-iisip bago muling nagsalita. Napaubo siya, "A-ano naman ang kailangan niya?"sabi naman niya, bakit parang nauutal siya?
Nang bigla na lang may pumasok sa aking isipan na isang teorya. "Posible kaya?" bulong ko sa aking sarili at napahawak sa dulo ng aking baba. "Posible ang ano?" tanong namansaakin ni Oliver. Hindi ko pinansin ang tanong niya at hinayaan ko lang na dumaloy ang aking ideya sa aking isipan.
Kaninang naglalaro kami ni ZachTv ay pareho kaming nakaranas o nakatanggap ng invitation. Tinanong ko ang iba naming kasama kanina kung nakaranas din sila ng ganoon at ang sagot nila'y hindi. Ang dahilan kung bakit ako pumunta dito ay inakala ko na ang email or invitation ay tungkol sa nakita naming dalawa noong nakaraang gabi, thinking na may natanggap din siya.
So kung nakaranas si ZachTv ng glitch kanina, siguradng ang mismong invitation ang lumitaw sa kaniyang monitor. Ngayon, alam ko na kung bakit noong unang beses na maayos kaming nagkausap ay pamilyar ang kaniyang boses.
Posible kaya?!
"Hey Eunice are you okay?" tanong niya sa akin at kumaway ang kaniyang kaliwang palad sa aking harapan. Kumurap ako ng ilang beses at tila ba matutumba ako, kaya't panapahawak ako sa mesa bago tumango, tiningnan kong muli ang invitation pero wala na ito.
"Hey Oliver, I have something to ask you." Mahinahon kong tanong sa kaniya at tumayong muli ng tuwid. "Go ahead." Sabi naman niya at umupo sa harapan ng kaniyang computer. Nilunok ko muna ang namuong laway sa aking lalamunan bago ko lakas loob na tinanong siya.
"Ikaw ba si ZachTv?" tanong ko sa kaniya, walang preno at diniretso ko na kaagad. Mabilis siyang napatingala sa akin at may pagbabago sa kaniyang ekspresyon sa mukha at parang hindi niya magawang magsalita. Nagpadagdag pa si hinuha ko ay ang streaming essentials na nasa paanan ng kaniyang pc.
Matapos ang ilang segudno ay tumawa siya at napahawak sa kaniyang noo. "Complement ba 'yan?" tanong naman niya at ang kaniyang tawa ay para bang hinaluan ng pagkamangha. "Hindi, feeling ko ikaw talaga si ZachTv." Sabi ko naman sa kaniya sabay ang aking pag-iling. Putol-putol ang kaniyang tawa at pinunasan ang pawis sa noo niya.
Nakaharap na siya sa kaniyang monitor at nakita kong pinatay na niya ito. Umikot ang kaniyang swivel chair upang humarap sa akin.
"Paano mo naman nasabi?" pinagdikit-dikit niya ang ga dulo ng kaniyang daliri habang siya'y nakadekwatro, para bang kaharap ko ang isang tulisang tao na matagal ng pinaghahanap ng mga awtoridad ngunit parati silang bigo.
Huminga naman ako ng malalim at inisa-isa sa kaniya ang aking ideya. Habang tumatagal ay para bang napagtanto kong walang kabuluhan ang aking pinagsasabi at maaring dipensahan ng salitang "coincidence."
Nakinig naman siya ng mabuti at nanahimik sa buong pagkakataon na nagsasalita ako. Nang magtapos na ang aking ideya ay iginalaw-galaw niya ang kaniyang upuan habang nakangiti, tumayo siya at tinapik ang aking kanang balikat.
"Nako, fangirl ka talaga." Natatawa niyang sabi, tunog desperada man ako pero malakas ang kutob ko na iisa sila! "Baka naman nakita din niya ang nakita natin?" suhestyon niya bago niya ako nilagpasan at hinayaang nakatitig sa bintana. Bakit ko nga ba hindi naisip iyon? maaring tama nga siya pero kakaiba talaga ang kutob ko.
"Usap na lang tayo mamay, mag-aayos lang ako rito."
Napalingon ako sa kaniya at hawak na niya ang pihitan ng pinto niyang nakabukas na at ang kaniyang kaliwang kamay ay tila ba inaalok na ang aking pag-alis.
Nagtaka ako at pinaningkitan siya ng mata kaya napangiwi siya at bumalik sa aking harapan bago siya pumwesto sa aking likuran at inalalayan ako palabas ng kaniyang apartment. Mabilis akong nakalabas at kaharap ko siya ngayon.
"Bye." Paalam niya at binigyan pa ako ng isang ngiti bago mabilis na isinara ang pinto sa aking mukha.
Tinitigan ko lamang ang kaniyang pangalan na nakasabit sa kaniyang pinto bago tuluyang tumalikod mula rito.
Napa buntong hininga na lamang ako at bumalik na sa aking silid, iniisip ko parin na iisa talaga sila ni ZachTv. Hindi iyon mawalawala sa isipan ko kaya naisipan kong mag search tungkol kay ZachTv.
Wala akong gaanong nakita sa internet, talagang itinatago niya ang kaniyang pagkakakilanlan kaya't sumuko na ako.
Binuksan ko na lamang ang Free Shoot 4 at naglaro para narin malibang ang aking isipan at mailayo sa aking kaisipan kanina na hanggang ngayon ay bumubulabog sa aking utak. Nang una'y ako lamang ang naglaro dahil hindi online ang dalawa pero ang tatlong sumunod kong laro ay kasama ko na ang aking Majors.
*******
Oliver's POV
Napasalumpak na lang ako sa sahig nang maisara ko ang pinto, lumapit sa akin ang golden retriever kong aso na si Mochi. Niyakap ko siya at natuwa naman ang aking aso.
"Napaka careless ko talaga." Bulong ko sa aking sarili habang patuloy na yakap si Mochi at hinahalikan niya ang aking pisngi.
Kaagad na bumalik sa aking utak ang larawan ng invitation kanina. Bakit kaya nila ako pinadalhan ng ganoon?
Panahon na ba para bumalik akong muli sa serbisyo?
Umiling ako at tumayo na mula sa sahig at mabilis na naglakad sa malamig na sahig ng aking apartment habang nakasunod si Mochi sa aking tabi.
Pinuntahan ko ang aking aparador at binuksan ito, mula sa loob ay kinapa ko ang maliit na box na tinabunan ko ng aking mga damit. Binuksan ko ito at ito'y naglabas ng asul na liwanag, hindi nakakasilaw.
Huminga ako ng malalim. "Variant." Bulong ko sa aking sarili at umupong muli sa sahig habang hawak parin ang bagay na ito.
Muntikan ko nang mabitawan ang aking hawak dahil sa gulat nang biglang tumonog ang aking cellphone na mabilis ko namang inabot mula sa aking kama. "Hello?" sabi ko nang sagutin ko ang tawag at mailapit na ang cellphone sa aking kanang tenga.
"Kinakailangan mo nang bumalik dito, naka tanggap ka na ng summoning invitation." Ma awtoridad na sabi ng boses mula sa kabilang linya.
Sinasabi ko na nga ba.
"Alam ko, pero bakit pati ang kapit bahay ko?" tanong ko sa kausap ko, nilaro ng aking kaliwang kamay ang hawak kong bagay habang abala ako sa tawag. "Sinong kapitbahay?" tanong din niya na para bang hindi niya alam kung sino ang aking tinutukoy.
"Si Eunece." sambit ko sa pangalan ng aking kapitbahay.
"Ah, the tenant in room 21, iba ang rason kung bakit siya pinatatawag." Sagot naman niya na may bahid ng pagkatuwa. "Ano?" tanong ko ulit dahil sa dinagdagan lamang niya ang kyuryusidad sa aking utak.
"They're planning to recruit her." sagot naman niya. Nalaglag ang aking panga nang marinig ang mga katagang iyon at bahagyang napailing. Huminga ako ng malalim upang maibalik ang kalinawan ng aking diwa bago nagtanong muli.
"So 'yong apoy noon, sa inyo galing?" kailangan kong malaman kaagad kung sa kanila ba iyon. "Sadly, yes." Napabuntong hininga siya nang sagotin ang aking katanungan, napangiwi na lamang ako dahil sa napaka careless nila.
"Come here as soon as possible." Matapos niyang sabihin iyon ay ibinaba na niya ang tawag.
Mabuti na lamang at walang ibang ideya na pumasok sa isip ni Eunece nang makita niya ang flash na iyon.
Mabilis akong tumayo at umupo sa harapan ng aking computer bago ito binuksan at nang makapaglaro na ulit ako.
Mukhang ipapahawak ko na naman itong streaming account ko. Balik serbisyo na naman ako matapos ang isang taon.
"Zach, I will sent Liam to pick you up and the girl." Basa ko sa text ng number na tumawag sa akin. Oo nga pala, gusto rin nilang i-recruit si Eunece, hindi man kami gaanong ka lapit ay sana'y tanggihan niya ito para narin sa kaniyang kaligtasan.
Kaligtasan nga ba niya ang piliing tumanggi sa kanilang alok?
"Maglalaro na sana ako eh." Bulong ko sa aking sarili bago tumayo at lumabas mula sa aking apartment. Tudo tanggi pa ako kanina, aamin din pala ako, napangiwi na lamang ako habang naglalakad palapit sa pintuan ni Eunece.
Kumatok kaagad ako sa kaniyang pinto, nasa tatlong beses ko rin iyong inulit at naghintay sa harapan ng kaniyang pinto. Ilang saglit pa ay pinagbuksan na niya ako kaya't tumayo na ako nang tuwid matapos kong isandal ang aking kanang kamay sa gilid ng kaniyang pintuan.
"I have to tell you something." Sabi ko at nagtitigan lamang kaming dalawa.