CHAPTER 5

2542 Words
Chapter 5: Silver Company Eunece, Binuksan ko ang pinto ng aking apartment nang makarinig ako ng tatlong beses na pagkatok sa aking pinto. Pinaningkitan ko ng mga mata si Oliver nang makita ko siya sa aking harapan ng may seryusong mukha. "May sasabihin ako sa'yo."  Sabi niya bago niya inayos ang kaniyang tayo. Tinitigan ko lamang siya at hinihintay ang kaniyang sasabihin. Tumingin naman ako sa aking likuran ng mapansing nakatingin siya sa aking balikat bago mabilis na ibinalik ang aking paningin sa kaniya? "Gusto mo bang pumasok?" tanong ko sa kaniya, tumango naman siya at kaagad nang ipiansok ang kaniyang sarili sa aking apartment.  Isinara ko na ang pinto at mabilis siyang nilingon. "Anong gusto mong sabihin?" sumandal ako sa pinto at tiningnan siya. Nakahalukipkip ako upang maitago narin ang aking dibdib dahil sa nakasuot ako ngayon ng damit pantulog. Natahimik lamang siya kaya mabilis akong umalis sa pinto at umupo sa kaniyang harapan. Ibinalot ko sa aking katawan ang aking kumot at itinaas ang aking mga paa sa aking gaming chair. Nakakunot lamang ako at siya naman ay para bang napakalalim ng kaniyang iniisip. Nagtitigan kami ng ilang segundo hanggang sa siya na mismo ang lumihis ng paningin. "Hoy!"  Ibinato ko sa kaniyang mukha ang maliit na unan na nasa aking likuran at nang nasalo niya ito ay napangiwi ako.  Maikli siyang tumawa kaya mas lalong umigting ang aking mga panga at nanggaliiti ang aking mga ngipin. Kapag itong mokong na ito sinasayang lang ang aking oras ay talagang makakatikim ito ng kamao! "Wala, sasabihin ko sanang sabay na tayong pumunta bukas doon sa kompanya." Sabi niya at nakadama ako ng gihawa nang nagsalita na siya, muntik ko na siyang masuntok eh! "Ibig mong sabihin ay gusto mo talagang sumipot doon?" tanong ko naman at nakipagtitigan sa kaniya. Kung ako ang masusunod ay ayuko, malay ko ba kung isang sindikato ang nagpadala no'n tapos bibihagin kami at aalisin ang aming mga lamang loob at ibenta. Gusto ko pang mabuhay! "Oo, ikaw ba?" tanong niya naman sa akin at bahagyang isinandal ang kaniyang sarili gamit ang dalawa niyang kamay na nakapwesto sa kaniyang likuran.  Tingnan mo ang loko, napaka presko akala mo naman ay matagal na kaming close at napakakomportableng umupo sa aking kama, I mean meron naman akong couch! "Hindi, baka sindikato ang nagpadala no'n."  Sagot ko naman sa kaniya, ibinaba ko na ang aking mga paa at iginalaw ang aking kinauupuan. Nakita ko naman ang kaniyang pag iling na para bang hindi siya makapaniwal. Maikli siyang tumawa na para bang aksidente lamang na lumabas iyon sa kaniyang bunganga. "Anong nakakatwa?" tiningnan ko siya ng masama at tumingin naman siya sa akin na para bang wala siyang maling ginawa. "Ha?" Napangiwi na lamang ako at umiling na lamang upang hindi na siya magtanong pa. Ako na ang maga-adjust! "Sigurado ka bang hindi ka pupunta? hindi naman sila sindikato." Sabi naman niya at umayos na ng kaniyang pagkakaupo. "Paano mo nasabi?" tanong ko naman sa kaniya at hinigpitan ang hawak sa magkaparehong dulo ng kumot na nakabalot sa akin. "Wala lang." Sagot naman niya kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Baka naman kilala mo sila?" tanong ko sa kaniya at bahagya akong yumuko paaharap na para bang inuusig ko siya. "Ha?!"  Mabilis kong oinadaan sa dulo ng aking ulo ang aking kanang hintuturo at napangiwi. "HAKDOG!" Kanina pa ha ng ha! Iniripan ko siya at sumandal sa aking upuan bago mabilis na iginalawgalaw ito. Tiningnan ko siya ng may pangdidiri at napanatili ko ang ngiwi sa aking mga labi. Napailing na lamang ako at para bang naanghangan sa aking ginawa. "Umalis ka na nga!" hinila ko siya at nabitawan ko ang kumot sa aking katawan. Mabilis akong tumayo at hinawakan ng kaliwa kong mga daliri ang kumot na nagmistolang kapa habang nakaturo ang aking kanang kamay sa pintuan. Awkward ang pagtawa niya habang siya'y naglalakad palabas ng aking apartment at bago ko pa man maisara ang pinto ay pinigilian niya ang aking kamay. "Bukas, sa ayaw at gusto mo sasama ka sa akin, may sasakyang susundo sa atin." Sabi niya at siya na mismo ang nagsara ng pinto. Naiwan ako rito na nakatitig sa kawalan na para bang nagyelo ang aking katawan dahil sa tono ng kanyang boses. Napalunok ako at napahawak sa pader dahil parang nakakatakot siya. Ang kanina'y napaka awkward niyang mukha ay nagbago, naging maseryuso at ang kaniyang mga mata ay parang nagbubuga ng apoy. Nakakakilabot. Parang isang pagbabanta ang kanyang sinabi, sinasabi ko na nga ba, kasali siya sa sindikatong nagpadala ng imbitasyon na iyon! Maliksi ang paggalaw ng aking katawan nang naisipan kong isara at i-lock ang pinto at mga bintana sa aking apartment. Umupo lamang ako sa aking kama at pinakiramdaman ang kapaligiran. "Paano kung napalibutan na nila ako at wala na akong takas?!" bulong ko at kaagad akong napatayo. Gusto kong tumili pero hindi ko ginawa baka mabulabog pa ang ibang mga tenant. Pero, paano kong ang iba sa kanila ay mga miyembro ng sindikato? Napadasal na lamang ako at hindi ko alam kong naprapraning na ba ako o tama lahat ng aking hinala! "Ma, pa, gusto ko kayong makita pero huwag naman sanang ganito kaaga." Sabi ko habang magkahawak ang aking mga kamay at nakaluhod sa sahig. Nakaharap ako sa hilagang kanluran na bahagi ng aking silid at mukhang tutulo na ang aking mga luha. "Yahhhhh!" Sigaw ko, galing lahat iyon sa kaibuturan ng aking baga. Napatayo ako at kaagad na kumuha ng kutsilyo at itinutok ito sa direksyon ng pinto matapos may kumatok ng pagkalakaslakas. Napakabilis ng t***k ng aking puso at para bang hihimatayin na ako. "Sino 'yan?!" sigaw ko at mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa kutsilyo na aking hawak. Walang sumagot kaya mas lalo akong kinabahan, inulit pa niya ang pagkatok kaya napaatras ako mula sa paanan ng pinto. "Kahit anong gawin niyo ay hindi niyo makukuha ang aking mga laman loob!" sigaw ko ulit, alam ko masyado na akong matanda upang magpapaniwala pa sa mga mudos ng puting van pero hindi ko parin maalis ang matakot eh! Paano kong totoo nga sila at ako na ang sunod nilang target?! Nakarinig ako ng pagtawa mula sa labas kaya napataas ang aking mga kilay, mukhang ine-enjoy pa nila ang aking pagdurusa! " MAMA!!" Napatakbo ako sa aking kama nang biglang bumukas ang pintuan matapos kong makarinig ng pagkalikot sa pintuan nito. Napahawak ako sa kisame ng aking apartment habang nakatutok ang aking kutsilyo sa lalaking nasa aking harapan. Nakataas ang kaniyang mga kamay sa ere na kalebel lamang ng kaniyang dibdib. "Ibaba mo na iyan." Sabi niya sa akin pero mas lalo ko lamang sinubukang isaksak iyon sa kaniya. "Sinasabi ko na nga ba, naririto ka para dukutin ako 'no?!" tanong ko sa kaniya. Ngumisi naman siya at nakita ko nanaman ang mukhang nakita ko kanina. "Oliver naman!" sabi ko dahil narin sa aking takot sa kaniya, malay mo biglang magbago ang kaniyang isipan. "Pasensya, change of plans, imbes na bukas ay ngayon na raw." Sabi niya at nagsalubong ang aking mga kilay, iyon ba ang bilin sa kaniyang ng kaniyang bosing?! Mamatay na ba ako ngayong gabi?! "Sige subukan mong lumapit!" banta ko sa kaniya at umakyat ako sa ibabaw ng aking kama at sinubukan siyang saksakin. Bumuntong hininga siya at napataas na lamang ang aking mga kilay nang may kinapa ito sa kaniyang likuran. "Ayukong gamitin ito pero kailangan eh." Sabi niya at nakarinig ako ng para bang pagreload ng isang bagay bago ako nakaramdam ng mahapdi sa aking kamay, nanghina ito at nabitawan ko ang aking hawak.  Nangisay ang aking buong katawan hanggang sa kainin na ako ng kadiliman. Napangiwi na lamang ako dahil sa sakit ng naramdaman ko sa aking ulo, para bang napakabigat nito. Nang imulat ko ang aking mga mata ay parang umiikot ang aking paligid at may mga ilaw na talaga namang sinasaktan ang aking paningin. Napaka puti ng paligid na hinaluan ng asul na mga linya. Kinusot ko ang aking mga mata at nang maalala ko ang huli kong natatandaang pangyayari ay napatayo ako sa aking upuan at imbes na tumakbo ako ay para bang nagyelo ang aking katawan. "Magandang umaga Ms. Alexander." Bati sa akin ng isang napakalaking mukha ng isang matandang lalaki, maayos ang kaniyang buhok at parang hindi pa ito naglalagas at maayos din ang kaniyang pananamit dahil sa parang matutusok na siya sa kwelyo ng kaniyang damit. "Nasaan ako?!"  Iginala ko ang aking paningin at dahil narin sa mas luminaw na ang aking paningin ay nakita ko na ang hitsura ng silid na ito. Para bang nasa loob ako ng isang kahot na pininturahan ng puti at may mga linyang kulay asul. Wala akong makitang bumbilya pero napakaliwanag parin sa silid na ito. Napatingin din ako sa aking kinauupuan at parang napaka high class nito at makikita lamang sa mga mansyon ng mga bilyonaryo. Kulay puti rin ito, para siyang higaan at upuan sa magkaparehong pagkakataon. "Naririto ka ngayon sa aming Headquarters." Sagot ng matandang lalaki kaya lumingon ako sa kaniya. Kung sindikato sila, maaring napaka successful nila dahil sa mga napakagarang kagamitan na aking nakikita. Lalo na itong isang napakalaking TV na parang ginawa gamit ang asul na bagay. Napakunot ang aking noo dahil hindi ko alam kung kaninong headquarters ito!  "Sino ka ba?" tanong ko naman sa kaniya, wala akong pake ko wala akong asal, aba'y kung sila naman ang papatay sa akin ay hindi ko sila dapat igalang! "Sorry for my rudeness, I am William Bones." Pakilala niya sa kaniyang sarili nang may dignidad at tapang. Tila ba tinamaan ng bato ang aking utak at inalala kung saan ko nabasa ang kaniyang pangalan, ilang ulit kong binanggit ang pangalang William Bones sa aking utak hanggang sa may naalala na ako. "Ikaw ang nagpadala ng invitation?!" bulyaw ko sa kaniya at kaagad na bumaba sa aking kinauupuan. Napatakip ako sa aking mga bibig nang tumango siya at binigyan ako ng isang maliit na ngiti, ang akala ko'y gawagawa lang ang pangalan na iyon! "So ibigsabihin, naririto ako sa Silver Company!?" napahawak na lamang ako sa aking upuan kanina at hinintay ang kaniyang magiging sagot. "Ganoon na nga, pasensya na sa paraan ng aming pagdala sa iyo sa aming headquarters pero inasahan na naming tatanggihan mo ang aming imbitasyon kaya't kaagad kong inutusan si Mr. Santos." Sabi niya at napataas ang aking mga kilay nang baggitin niya ang last name na iyon. Pumaharap sa kaniyang tabi si Oliver na nakasuot rin ng kaparehong kasuotan na suot ng matandang lalaki.  Tumango naman siya bago muling umatras at nawala sa tabi ng matandang lalaki. "Bakit niyo ba ako dinala rito? hindi ba kayo sindikato?" tanong ko sa kaniya at bumalik na ako sa pag-upo nang makaramdam ako ng pangangalay sa aking magkaparehong mga paa. Tumawa naman siya at umiling. "Isa kaming pribadong sangay ng gobyerno na umuusig sa mga pangkalawakang kalaban." Sagot naman niya, pinigilan kong tumawa dahil sa hindi ako makapaniwala sa aking narinig. "Naniniwala kayo sa alien?" tanong ko naman at muntik ko nang hindi mapigilan pa ang aking tawa. Alam ko namang malawang ang kalawakan ngunit hindi ako maniniwala hanggat wala akong pruweba na nakikita. Huminga ng malalim ang matandang lalaki na nagpakilala sa pangalang William. "Apparently, yes and they're threatening our peace." Sagot niya at paano niya napanatili ang isang seryusong mukha sa mga ganitong talakayan? Seryuso ba siya o nagbibiro? Hindi ko na napigilan pa ang aking tawa at humalakhak na umalingawngaw sa buong silid. Napansin ko naman ang paglapit ng isang lalaki sa kaniyang tabi at may ibinulong ito. "This is just a coomon reaction from ignorant people." Sabi naman niya sa kaniyang kausap. Masakit iyon ah! Naririto pa ho ako! "Sorry for the word but can you answer my question?" muli siyang tumingin sa akin at seryuso parin ang kaniyang ekspresyon. Huminga ako ng malalim at tumango, pinilit ko naring hindi matawa at makinig na lamang sa kanilang sasabihin. Naalala ko kasing hindi ako ganitong tao, isa akong seryuso, palaban at madignidad na babae! "Do you believe us?" tanong niya, nakipagtitigan ako sa kaniya bago ko sinagot ang kaniyang katanungan. "I won't, unless I'd see proofs." Seryuso kong sagot sa kaniyang katanungan, tila ba may pumigil sa kaniya ngunit may sinabi siya na hindi ko na narinig. "As you wish."  Inilabas niya ang isang device na parang gawa rin sa materyales na katulad ng TV na nasa aking harapan ngayon. May pinindto siya at para bang inihagis niya ito sa ere at kasabay no'n ay ang pagpapakita ng mga larawan sa aking harapan. "Ang nakikita mo ngayon ay mga larawang kuha sa mga labanan mula sa Mirror Dimenssion, ang mga nakikita mong may hawak ng baril ay ang mga Variant at ang mga nilalang na iyan ay ang tinatawag naming Leemur, galing sila sa planetang K01 5715.01." Paliwanag niya habang isa-isang gumagalaw pakaliwa ang mga litrato. Tila ba mabilis akong naniwala dahil sumobra pa sa sapat ang kaniyang ipinakita sa akin. Huminga ako ng malalim at sinigurong tinanggap na ng aking utak ang kapiranggot na impormasyon na aking nakalap ngayon. "Anong inyong gagawin kung sasabihin kong naniniwala ako sa inyo?"  tanong ko sa kaniya at pinaghawak ang aking mga kamay at naglaro ang dalawa kong mga hinlalaki habang nakaharap parin ako kay Mr.Bones. "Dalawa lang, sasali ka sa amin, magiging recruit ka hanggang sa maproklama bilang isang Variant o tatanggi ka at lalabas ka mula sa pasilidad na ito na wala nang alaala sa iyong mga nakita at nalaman."  May bumukas sa kisame sa mismong tapat ng aking kinauupuan at bumaba mula rito ang isang parang laser beam at nakakabit ito sa isang kamay na robot, pininturahan din ito ng puti at may namumuuong asul na kuryente sa dulo nito. Ito yata ang magbubura sa aking mga alaala. Naging sabik ang aking utak sa kaalaman tungkol sa pangkalawakang mga nilalang at para bang gusto kong madagdagan pa ito. Sigurado akong kapag naging recruit ako ay mapag-aaralan ko ang tungkol sa mga ito ngunit kakailanganin ko namang makipaglaban at baka mapahamak pa ang aking buhay. Pero kung makikipaglaban kami ay sigurado naman akong may pagsasanay kami at hindi nila ako basta-bastang gawing Variant nang hindi pa handa. Ano nga ba ang Variant? Masyadong madami ang katanungan ang aking isipan tungkol sa kompanyang ito kaya't mas mataas ang tyansang piliin kong maging Variant. Pero mamimiss ko ang simple kong buhay, 'yong tipong naglalaro lang ako magdamag, kumakain ng kahit na anong pagkain na guto ko at gumuguhit para magkapera. "Siya nga pala, may buwanang sahod kang matatanggap kapag naging recruit ka at may mga kasama pa itong benepisyo." Okay, tatanggapin ko na, masyado akong gipit para tumanggi. Huminga ako ng malalim at nagkuros ang dalawa kong mga daliri sa pareho kong mga kamay, sana ay tama itong naging desisyon ko. "I'll be a recruit." Lumiwanag ang mukha ni Mr. Bones at mabilis na nawala sa aking harapan ang parang laser beam na kanina'y nakahanda nang burahin ang aking alaala. "Welcome to the company, Ms. Alexander."  Namatay na ang TV at nakarinig ako ng mabigat na pagbukas sa aking likuran at pumasok si Oliver. "Welcome." Sabi niya at nakatanggap lamang siya ng isang mahinang sampal sa akin dahil sa pagtazer niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD