CHAPTER 6

2196 Words
Chapter 6: Preparation Eunece, "Madami kang kailangang ipaliwanag sa akin." Sabi ko kay Oliver pagkarating namin sa labas ng aming apartment building. Nasa likuran niya ang isang kulay asul na kotse na may matt finish, napakagara at hindi ko akalaing sa kaniya ang kotseng ito. "Sa susunod na lang, kailangan ko nang bumalik sa headquarters eh, naririrto lang ako para ihatid ka." Sagot naman niya at napahawak sa kaniyang batok, naka suot siya ng damit na casual niyang sinusuot tuwing nakikita ko siya. Ang kaibahan lamang ay may bagay na nakakabit sa kaniyang dibdib at kapag pinipindot niya ito ay nagbabago ang kaniyang kasuotan, para bang skin lang sa laro. "Ganoon ba, susunduin mo ba ulit ako?" tanong ko sa kaniya, alam ko na naman na kung saan naka tayo ang kopanya ngunit mas gusto ko paring siya ang kasama ko kapag papasok na ulit ako sa gusaling iyon, mas tipid din sa pamasahe. Napaisip siya bago sumagot. "Hindi ako sigurado pero susubukan ko."  Tumango na lamang ako at bago ito bumalik sa loob ng kaniyang kotse ay nagpaalam muna siya sa akin. Kumaway naman ako hanggang sa makalayo na siya, naiwan ako rito sa labas kaya't tumingala na muna ako bago huminga ng malalim. Panibagong buhay o panibagong yugto ng aking buhay? Nilingon ko na ang pinto ng gusali at humakbang na palapit dito, awtomatiko naman itong bumukas kaya't dumiretso na ako papasok. Maraming tenant dito kaya minsan maingay ang lounge at waiting area pero may batas naman dito na dalawang tao lamang ang pwedeng dalhin ng isang tenant sa loob ng kanilang apartment. Bawal din ang hayop dito kaya nagulat ako ng nakita ko ang aso ni Oliver, hindi ko alam kung paano niya naipuslit ang kaniyang alaga pero hindi ko na iyon inalala pa dahil sa sobrang cute naman ni Mochi at napaka bango pa! Pinindot ko na ang buton na may numerong kwatro at sumara narin ang elevator, mabuti na lamang at ako lamang ang naririto at sulo ko ang apat na sulok ng elevator. Sa aking utak ay kinakanta ko ang isa sa paborito kong kanta. Hindi ko alam ang title no'n pero naalala ko ang tono nito na talaga namang napakagandang pakinggan, palagi kasi iyong pinapatugtog ni papa noong bata pa ako. Siguro nasa anim na taong gulang palang ako noon. Tumunog na ang parang bell ng elevator bago ito bumukas, nakarating narin ako sa wakas sa aking floor. Mabilis akong lumabas dahil may mga naghihintay nang sumakay, iniwasan ko sila at sinigurong wala akong masasagi sa kanial. Dumiretso na ako sa aking apartment ngunit napatigil ako sa tapat ng pinto ng silid ni Oliver, wala na ang kaniyang pangalan doon at napalitan na ng vacant sign. Mukhang doon na siya sa kompanya mamamalagi. Nasaan kaya si Mochi? Kaagad na hinawakan ng aking kanang palad ang malamig na pihitan ng aking pinto bago ko ito inikot at itinulak paurong. Bago ako pumasok ay tinitigan ko lamang ang apat na sulok ng aking apartment at wala akong napansin na pagbabago. Pumasok na ako at nakita ko mula sa aking kama ang kutsilyong ginamit ko kagabi, kaagad ko itong kinuha at inihagis sa maliit kong lababo. Hindi na ako nag-aksaya ng oanahon at kaagad na humarap sa aking pc. Kaagad kong in-on ang cpu upang tuluyan na itong bumukas. Matapos ng isang minuto ay nasa loading page na ako ng Free Shoot 4. Isinuot ko ang aking pinakakomportableng headphone habang hinihintay na matapos ang paglo-loading ng aking paboritong laro. Saktong online ang aking dalawang Majors kaya kaagad kaming naglaro, panay ang aming tawa at sigawan habang kami'y naglalaro dahil sa intense ng bawat game namin. Gaya ng dati ay ilang ulit kaming nanalo. Minsan nga'y nagagaya ko na ang mga galaw ng aking character na kung saan may hawak itong isang sniper. Napalingon ako sa aking aparador na malapit sa bintana ng biglang gumalaw ang mga nakasabit rito at lumikha ng tunog ang mga keychain ko. Nakita ko rin ang aking black belt mula sa pagte-takewandoo ko noon. "Bakit parang kakaiba ka ngayon Commancder?" tanong ni Elly sa akin kaya nabalik ang aking tingin sa aking monitor. "Oo nga Commancder, parang ang saya-ya mo ngayon?" tanong naman ni Dylan kaya nagtaka naman ako. "HIndi ba palagi akong masaya?" tanong ko naman sa kanila at napataas ang aking mga kilay nang sabay silang sumagot ng hindi. Nanliit ang aking mga mata at lumaki ang butas ng aking ilong nang isa-isahin nilang sabihin ang aking ugali kapag naglalaro kami. "Huwag mong sabihin na may sasabihin ka saamin na ikakagulat namin?" sabi naman ni Elly kaya napangiwi ako. Napunto nga niya kaya pinilit kong maging mas maluwang sa kanilang dalawa at hayaan lamang na sila ang manguna sa aming laro. "Mukhang wala na akong takas ah." Sagot ko ng may lamig sa aking tono. "Totoo nga!" sabi naman ni Dylan kaya maikli akong napangiti. Huminga ako ng malalim upang magkaroon ng lakas na magpaalam sa kanilang dalawa. "Mukhang ito na ang huling laro natin." Maikli kong sabi sa kanila, natahimik sila dahil sa wala ni isang salita ang aking narinig. "Pero bakit?" tanong ni Elly, "Saan ka pupunta?" tanong naman ni Dylan. Naging malapit na itong dalawa sa akin kaya medyo mahirap ang magpaalam sa kanila. "May trabaho na kasi ako at sa trabaho ko ay mandatory ang pag pull out sa mga social media, hindi kami papayagang gumamit nito o wala kaming oras para dito." Sagot ko sa kanilang dalawa, napalunok ako nang marinig ko ang paghikbi ni Elly. "HawkElly and Dynasour, I am now letting you go, buburahin ko na itong team natin." Sabi ko at mas lalong umiyak si Elly, maging si Dylan ay tumutol sa aking sinabi. "Huwag naman Commander, paano na lang kung bumalik ka? baka hindi mo na kami mahanap kung ganoon." Sabi naman niya kaya napasinghay ako, kahit kailan talaga itong batang ito ay pinapangiti ako. "Ganoon din naman ang kahihinatnan kapag matagal magiging inactive ang creator." Paalala ko sa kanila, ganoon ang rule dito sa larong ito kaya hindi ko pwedeng iwan sa kanila ang team dahil ako naman ang gumawa. Matapos naming malalim na mag-usap ay napagdesisyonan naming maglaro sa huling pagkakataon. Napatingin ako sa aking orasan, may sapat pa naman akong oras para maghanda kaya pumayag na ako. Sa pagkakataong ito ay natalo kami. Puro sila reklamo at itinuturo ang isa't-isa na gumawa ng mali. "Tingnan mo Commander, mas maganda kapag kasama ka parin namin." Sabi ni Dylan na napalakas kaya napapikit ako ng panandalian. Umiling ako na para bang nakikita nila ako. "Mabubuo rin kayo bilang isang indibidwal na manlalaro, malay niyo ay makahanap kayo ng bagong Commander o maging kayo na mismo ang Commander." Sabi ko naman sa kanila at muling nanaig ang katahimikan sa aming tatlo. "So, its really is goodbye now huh?" Sabi ni Dylan ng may kalungkutan sa kaniyang boses, muli ay tumango ako na para bang nasa harap ko lamang sila. "Goodbye Majors." Paalam ko at nag exit na ako sa preparatory room at pumunta sa teamate page. Ipinindot ko ang members at nagpakita ang kanilang usernames at nakasulat sa gilid ng mga ito ang salitang remove. "Paalam Commander Eunimazing!" paalam ni Dylan at napangiti ako bago ko tuluyang pinindot ang remove button, nag pop-up ang isang confirmation window at kaagad kong pinindot ang confirm button. "Salamat sa lahat ate Eunece." Sa unang pagkakataon ay tinawag niya ako sa totoo kong pangalan. Bumuntong hininga ako bago pinindot ang remove button. "Hanggang sa muli Major Ellizabeth." Pinindot ko na ang confirm button at ako na lamang ang natitira. Pumunta ako sa settings ng teammate page at nag sroll pababa hanggang sa makita ko ang dispurse button. Tinitigan ko muna ang maganda naming stats na nasa taas at ngumiti, mabigat sa pakiramdam ngunit kailangan kong gawin. Malayo rin ang aming narating bilang isang grupo at ngayon ay sigurado akong handa na silang sumabak bilang indibidwal na manlalaro. "Good luck." Bulong ko bago tuluyang pinindot ang confirmation button at ilang saglit pa ay nawala na ang teammate page at nasa harapan ko na lamang ngayon ang aking rank.  "Matagaltagal din tayong hindi magkikita Eunimazing." Ini-log out ko na ito at nabalik na ako sa loading page. Nag quit na ako at hinarap ang aking likuran, hinaplos ko ng mabagal ang aking mukha gamit ang dalawa kong mga palad at kasunod no'n ay isang malalim na paghinga. Tumayo na ako upang ayusin lahat ng aking gamit, ido-donate ko ang ilan sa aking gamit at iiwan ko na rito ang iba para gamitin ng susunod na titira dito. SInimulan ko na ngang mag impake ng aking mga damit at gamit. Na contact ko na rin ang aking pinsan, ibibigay ko ang aking pc set up sa kaniya dahil mahilg din siyang maglaro. Nakausap ko narin ang aking tenant bago pa ako bumalik rito, nagkasundo na kaming tatapusin na niya ang aking kontrata. Ibabayad ko na ang huli kong rent mamaya. Habang nagkalat ang mga kahon dito at mga gamit ay may kumatok sa aking pintuan, kaagad ko itong binuksan at bumungad sa akin sina tita, tito at ang aking dalawang pinsan. "Aalis kana  ba talaga anak?" tanong ni tita sa akin habang nagtutupi siya ng mga damit habang ako naman ay naglalagay ng mga damit sa kahon. Ang mas matanda kong pinsan ang siyang nag ayos sa aking pc at si tito naman ang nagbaba ng mga mabibigat na gamit. Inabot kami hanggang gabi at nakaayos na lahat sa mga kahon, naibaba narin ang mga mabibigat na bagay at ang natititra na lamang ay ang aking kama. Ito na ang huling gabing matutulog ako rito sa aking apartment na itinuring kong bahay ng halos tatlong taon. "Mag-iingat ka ha?" sabi ni tita at niyakap ako bago siya sumakay sa kanilang kotse. "Opo." Binigyan ko sila ng isang ngiti at ginulo naman ni tito ang aking buhok. Pareho na silang sumakay sa kanilang kotse at pinaandar na ang makina nito. "Babye ate Eunece!" paalam ng bunso nilang anak kaya kumaway narin ako. "Mag-iingat ka ha!" sabi naman ng kaniyang kuya kaya awkward na lamang akong tumango, parang binantaan pa kasi niya ako eh! Tuluyan na silang umalis bumalik na ako sa loob nang makaramdam ako ng lamig dulot ng mahinang ihip ng hangin. Pagbalik ko sa aking silid ay itinabi ko muna ang dalawang kahon na kukunin ng isang orphanage home bago ako humiga sa aking kama na kumot at isang unan na lamang ang nasa ibabaw. Nilingon ko ang dating pwesto ng aking mesa at ang aking pc set up. Grabe namiss ko kaagad ang mga ito. Napakabago sa pakiramdam at para bang bumigat ang aking puso, 'yong pakiramdam na gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Halos tatlong taon din ako rito, collage palang ako noon ay dito na ako nakatira, siguradong mamimiss ko ang apartment kong ito! Napabangon naman ako sa aking higaan nang may muling kumatok sa aking pinto. Pagkabukas ko ay sinalubong ko ang mukha ng aking tenant nang may maaliwalas na ngiti sa kaniyang mga labi. "Maari ba akong pumasok?" sabi niya kaya kaagad akong tumabi upang makapasok siya. Inilapag niya ang isang kaserola sa ibabaw ng mesa at umupo rito. Kumuha naman ako ng mga plato at kubyertos at inilapag din ito sa mesa. "Nako para sa iyo talaga iyan." Sabi naman niiya at tinanggihan ang plato. Binuksan niya ito at sumingaw ang mainit na usok ng mainit na sabaw ng tinolang manok na kaniyang niloto. "Para saan po ito?" tanong ko naman sa kaniya habang pinapanood ang paglalagay niya ng tinola sa isang mangkok. "Aalis kana bukas, gusto ko lang na ipaghanda ang isa sa pinaka mabait kong tenant." Sagot naman niya at imbes na ngumiti siya ay tumulo ang kaniyang luha. "Hala." Sabi ko at kaagad akong tumayo upang alalayan siya pa upo. May edad narin kasi siya, business ito ng kaniyang anak pero siya ang namamahala at palaging naririto. "Ilang taon karing nakatira dito at ngayon aalis ka na." Sabi niya habang pinupunasan ang luha sa kaniyang mga mata. Para kasi siyang nanay sa akin, sa kaniya ako humihiram ng karayom, sinulid at kung ano pang bagay na wala ako rito sa aking apartment at wala na akong oras upang bumili pa. Ngumiti lamang ako at niyakap ko siya at marahan na tinapik ang kaniyang likuran. Matapos no'n ay sabay na kaming kumain at nagkwentuhan, grabe naalala pa niya noong unang araw akong pumunta rito. Wala pa akong masyadong pera noon kaya inalokan niya ako ng discount sa unang taon ko rito! Naging sikreto namin 'yon hanggang ngayon! Binigyan din niya ako ng mga paalaala tungkol sa labas, mga katagang talaga namang nakapag bigay sa akin ng mas malawak na pagkakaintindi sa mga tao. Papaniwalaan ko siya dahil isa na siyang eksperto kung tutuusin. Mas matagal siyang naglakad dito sa lupa kaysa sa akin! Inihatid ko na siya sa kaniyang silid bago nagpaalam at niyakap niya ako sa huling beses. "Good night po!" masaya kong sabi bago niya isinara ang kaniyang pintuan, bumalik narin ako sa aking silid at nang makapag pahinga na ako. Maaga akong aalis bukas. "I will sure miss this apartment building."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD