CHAPTER 7

2356 Words
Chapter 7: Behind the Scene Oliver, Gustuhin ko mang sunduin sana ngayon si Eunece kaya lang hindi nila ako pinahintulutan kundi ipinadala nila ako rito sa harapan ng time paradox.  Ngayon kasi ang araw na pupunta rito si Eunece at magsisimula na ang kaniyang pagsasanay upang maging Variant. Ewan ko ba sa kaniya kung bakit niya napiling sumali sa amin. Pinindo ko ang buton sa gilid ng aking suot na helmet at kasunod no'n ay ang paglitaw ng isang transparent na shield sa aking mukha. Maayos narin ang aking earpeace at maging ang aking lapel ay maayos narin. "Maghanda na!" anunsyo ng namumuno sa amin kaya't tumindig na ako at hinawakan ng mahigpit ang aking armas. Isa-isa kaming pumasok sa aming sasakyan na kami lamang ang nakakagamit at hindi rin ito alam ng publiko. Umupo ako sa gawing kanan ng sasakyan at may isa namang tumabi sa akin. Mas pinili naming hindi mag-usap at natahimik na lamang. Nasa harapan ko ang aming Zeid na siyang mamumuno sa amin sa misyon na ito. Ang isa naming kasama ay ang siyang nagmaneho sa aming sasakyan. May mga pinindot siyang mga buton na may mga kulay na asul, pula at dilaw. Awtomatikong bumalot sa aking katawan ang aking seatbelt nang umandar na ang makina ng sasakyan. Bumukas lahat ng ilaw nito sa looob bago ako nakarinig ng isang ingay mula sa sasakyan. MAingay ngunit hindi gaanong masakit sa pandinig, kasabay nito ay ang biglang [agbulusok namin papasok sa time paradox. Para bang naghiwalay ang aking balat ang aking buto sa buong proseso ng aming pagpasok sa time paradox ngunit nang naging steady na ang aming sasakyan at tuluyang tumama ang zero gravity ay naramdaman ko na ang paggaan ng aking katawan. Ito ang isa sa purpose ng aming seatbelt, upang hindi kami magpalutanglutang dito sa loob. Mabilis parin ang aming takbo hanngang sa pumasok kami sa isang pader ng bola, hudyat na nasa loob na kami ng mirror dimension. Dito ay altered ang oras, walang tama at walang mali. Kaya nararapat na magkaroon ng edukasyon ang isang recruit bago pumasok dito dahil kung hindi ay sigurado akong hindi kakayanin ng kanilang utak ang mararamdaman nila rito. Nasa isang planeta kami kung saan namamalagi ang mga nilalang na pilit sinisira ang barrier ng mirror dimension para makapunta sa mundo namin. Ewan ko ba kung bakit sabik na sabik silang kumain ng mga taong taga earth. Kumbaga ang mirror dimension na ang naging battle field ng mga tao at mga alien. Matagal nang ganito ang sitwasyon at kahit papaano'y napipigilan naman sila ng mga variant hanggang ngayon. Sininyasan kami ng aming Zeid na pumwesto at maging alerto sa aming kapaligiran. Ang aming kalaban ngayon ay isang nasa kategorang Massive. Kaagad kong kinasa ang aking baril nang biglang umalingawngaw ang alulong ng isang nilalang. Kahit pa may takip na helmet ang aking tenga ay nadirinig ko parin ang sigaw nito. Kaagad akong pumwesto sa harapan at itinutok ang aking baril sa direksyon nito. Bahagya kong itinagilid ang aking ulo at sumilip sa scope na nakasentro sa front sight ng aking baril. May mga numero akong nakita at nakatala doon ang direksyon at layo ng Leemur sa amin. "N 198." Anunsyo ko at siniguro kong narinig nila ang aking sinabi. "Roger." Kaagad kaming umalis mula sa aming sasakyan at nagsimulang tumakbo papunta sa direksyon namin. Wala pa namang nagagawang butas ang Leemur pero pursigido itong sinisira ang barrier ng dimension na ito. Naiwan ako dito sa burol kung saan kami naunang tumigil habang ang dalawa pang sniper na kasama ko ay pumwesto sa ibang mataas na lugar. PInangunahan ng aming Zeid ang pagsalakay sa Leemur at ang una nilang ginawa upang maagaw nila ang atensyon nito ay ang pasabugin ang batok nito. Gaya ng aming inaasahan ay gasgas lamang ang natamo nito at hindi gaanong nagtamo ng ano mang sugat. Umalulong ito at kaagad na inihampas ang kaniyang mga kamay sa aming mga kasama, sinanay kaming gamitin ang mga springed boots na ito para makatalon kami ng mataas at mas mabilis gumalaw. Dalawa ang hawak na baril ng aming Zeid at sunod-sunod silang nagpaulan ng bala sa katawan ng Leemur. Pinipilit nitong pisain, huliin at kagatin ang aming mga kasama ngunit nabibigo lamang ito.  Ipinikit ko ang kaliwa kong mata para mapukos lamang ang aking paningin sa kanan na siyang nakasilip sa scope ng aking baril. Nakita ko kung paano kumurap ang malagkit at puno ng kulubot na mga mata ng Leemur. Nasa lima ang nabilang kong mga mata at ang pinakamalaki sa lahat ay ang nasa parang noo nito. Meron siyang three hundred sixty view kaya nakikita niya lahat ng sumusugod sa kaniya maliban sa aming tatlong sniper. Ginamit ko ang stand ng aking baril at dumapa ako sa lupa. Nararamdaman na ng aking kanang hintotoro ang trigger ng baril at hinihintay na lang ang tamang pagkakataon upang bumaril. Ilang saglit pa ay tuluyan ko nang pinindot ang trigger, sa lakas ng impak ng paglabas ng bala sa baril ay bahagya pa nitong naitulak ang aking balikat. Napangiwi ako ng walang nagawa ang aking unang bala, pinunterya ko ang kaniyang pinakamalking mata ngunit nabigo ako. "Mukhang matibay ang talukap ng kaniyang mga mata." Sabi ko habang hawak ang buton sa aking helmet na nakaposisyon sa tapat ng aking tenga. Nakakita ako ng magkasunod na pagputok mula sa mga kapwa kong sniper. "Mukhang ganoon na nga." Kumento naman ng isa sa kanila. Ang mata sa isa sa pinaka punterya naming tatlo upang mabulag ang aming kalaban.  "Huwag na kayong magpigil pa, gamitin niyo na!" dinig ko mula sa aking eaarpeace. Ngumisi ako dahil doon kaya't muli kong ikinasa ang aking baril. Kami palagi ang nauunang gaumagamit sa special ability ng aming mga sandata. Akting lang namin iyon kanina, palagi namin iyong ginagawa at tumatalab naman kaya kami ang palaging nauunang gumagamit sa totoong kakayahan ng aming mga sandata. "Rudeus." Bulong ko sa pangalan na ibinigay ko sa aking sandata at kaagad na pinindot angbuton sa hawak nito. Biglang naghiwa-hiwalay ito at mabilis na hinila pabalik ng isang asul na ilaw, gawa ito sa isang pangkalawakang materyal na mula sa planetang pinanggalingan ng mga Leemur. Muli itong nagwarak bago hinilang muli ng asul na bagay hanggang sa unti-unting nabuo ang tunay na anyo ng aking baril. "It's showtime."  Lumuhod ako sa aking kanan na tuhod habang hawak ang aking baril, mas dumoble ang bigat nito at may kulay asul na itong disensyo na mga bitak ng aking baril. Narinig kong nagbilang ang dalawa kong kapwa sniper bago tuluyang pinindot ang trigger ng aking baril. Lumabas ang napakahaba at matabang bala sa aking baril, napaupo ako dahil doon at umusok ang nguso ng aking baril. Mabilis na bumulusok ang tatlong mga bala sa direksyon ng Leemur at isa-isang tumama sa mukha nito. Nagkaroon ng malakas na pagsabog na kung saan biglang umulan ang kalahating parte ng kaniyang ulo na nawarak. Kaagad na nilapitan ng iba naming mga kasama ang Leemur na natumba sa lupa at kaagad na pinunterya ang dibdib nito. Naroroon kasi ang napakalaki nitong puso. Kaagad na ginamit ng isa sa kanila ang isang laser beam na kung saan ay napakainit at malakay ay kaya nitong lumusot sa balat ng Leemur. Lumabas ang napakaraming dugo at ang aming Zaeid na mismo ang siyang naglagay ng mga bomba sa tumitibok pang puso nito bago sila mabilis na nagpatalon-talon palayo mula doon. Sa pagkakataon na sumabog na ang puso ng Leemur ay nasa harapan ko na ang aming Zeid. Napakaseryuso ng kaniyang mukha at inialok niya sa akin ang kaniyang kamay. Tinulungan niya akong tumayo at naglakad na kami palayo doon. Sumabay narin ang iba naming mga kasama sa amin at habang naglalakad nga kami'y sunod-sunod na ang pagsabog na aking narinig. That's Hanz's Squad for you! Wala kaming ibang natanggap kundi papuri nang makabalik na kami sa earth. Isang light year ang pagitan ng earth at ang planetang iyon ngunit salamat sa time paradox at mirror dimension ay wala kaming problema pagdating sa oras. Lumabas na kami mula sa malawak na silid na ito, maihahalintulad ito sa isang bakanteng paktorya. Napalingon ako sa aking gawing kaliwa at nakita ko mula roon ang mga siyantipikong abala sa kanilang mga ginagawa at sa patuloy na pagpapaunlad sa aming mga kagamitan. Ang iilan sa mga namamahala dito sa time paradox ay ang siyang nagsipalapakan nang makita kami at sila nari ang nagbukas sa isang malawak at mataas na pinto ng silid na ito. Pinatay narin nila ang time paradox. Hinuha ko'y wala na silang iba pang namataan sa radar kaya't pinatay na nila ito. Minsan kasi'y may mga araw na matagal kami sa isang misyon at hindi lamang iisang squad ang sumusuong sa labanan. Ganoon ang aming sitwasyon kapag sabaysabay na lumitaw ang mga Leemur. Nakangiti lamang ako habang dinadaanan namin ang corridor na ito palayo mula sa silid na aming pinanggalingan. Nadaanan din namin ang silid kung saan naroroon ang lahat ng mga siyentipikong nagtatrabaho sa kompanya. Napataas ang aking isang kilay nang tumigil kami sa paglalakad kaya nagawa kong sumilip sa tagiliran ng aming Zeid. May kausap siyang babaeng Variant hanggang sa tumikhim si Zeid Hanz at lumingon sa amin. Kaagad kong ibinaling sa iba ang aking paningin at muling nagbalik sa kaniya ang aking mga mata nang tawagin niya ang aking apilido. "Ipinapatawag ka ni Zeith Santos." Seryuso niyang sabi at nilingon ko ang babae, kaya pala pamilyar siya. Sumaludo muna ako bago tuluyang sumama sa babaeng kumausap kay Zeid Hanz kanina, nakasunod lamang ako sa kaniyang likod at hinayaan siyang dalhin ako sa silid ni Zeith Santos. Tumigil kami sa isang awtomatikong pintuan at inilagay niya ang passcode at naging asul naman ang kulay ng device na ginamit niya palatandaan na tama ang passcode na inilagay niya. Ilang saglit pa ay tumabi siya at ako na ngayon ang nasa harapan. Pagkabukas ng pinto ay kaagad akong pumasok sa loob at tumayo sa harapan ng isang mesa. Nakatalikod ang upuan mula sa akin at siniguro ko naman na sapat ang layo ko sa kaniya, narinig kong sumara na ang pinto at napansin kong hindi pumasok ang babae. Tumikhim ako upang makuha ko ang kaniyang atensyon. "Teth Santos, reporting sir!" sumaludo ako at hinintay na lumingon siya. Nakarinig naman ako ng pagtawa kaya napangiwi ang aking diwa. Umikot ang high class swivel chair at tumambad sa akin ang mukha niya, nakangiti ito. Sinaluduhan naman niya ako kaya ibinaba ko na ang aking kamay at matapos no'n ay tumayo siya sa kaniyang upuan at lumapit sa akin. Aatras sana ako kaso bigla niya akong niyakap at nagdalawang isip kung yayakapin ko rin ba siya. "Come on, pwede kang mag relax, tayo lang naman ang nandito." Bulong niya sa aking tenga kaya unti-unti ko na siyang niyakap pabalik na mas hinigpitan naman niya ang pagyakap sa akin. Mas mataas kasi ang kaniyang ranggo kaysa sa akin kaya pinanatili ko ang respeto at nagtayo ako ng pader sa aming pagitan. "Kamusta naman ang isang taon mong bakasyon anak?" tanong niya sa akin bago niya ako niyayang umupo sa upuan na nasa kaniyang harapan. Bumalik na siya sa likuran ng mesa at umupong muli sa kaniiyang swivel chair. "Nagkaroon ka ba ng nobya?" natatawa niyang tanong sa akin kaya umiling naman ako. "Para saan pa, para hiwalayan ko rin pagbalik ko sa serbisyo?" sagot ko naman at humalukipkip. Natawa naman siya at itinabi ang mga papel sa kaniyang mesa at ipinatong niya ang kaniyang mga kamay at pumaharap siya. "Pilyo ka parin talaga." Sabi niya at bahagyang umiling. Inalis ko ang aking kamay sa aking dibdib at pinaningkitan siya ng mga mata. "Matanda ka parin." Kumento ko naman at napangiwi siya bago kami nagtawanang dalawa. "Siya nga pala pa, may nakalaban na ba kayong Demon ranked?" tanong ko sa aking ama, doon lamang kasi sila tumutulong kapag ganoon na kalakas ang namataang Leemur. Sumandal naman siya sa kaniyang upuan at tila ba naanghangan ito. "Oo, muntikan pa ngang makapasok dito." Sagot naman niya kaya nagkunot ang aking noo. "Madalas lamang na mangyari iyo, napilitan tuloy akong magpakitang gilas." Sabi pa niya kaya nawala kaagad ang aking pag-aalala. "Anong ibig niyong sabihin?" humalukipkip ulit ako habang hinihintay ang kaniyang isasagot. "Ano pa ba, edi sinolo ko ang Leemur gamit ang aking espesyal na baril." Sagot naman niya at gaya ng dati ay natutuwa talaga siya sa kaniyang sarili. "Ang kaso ay may nakalusot ding apoy mula sa pagsabog, nakalabas ang apoy na iyon mula sa mirror dimension ngunit nailabas dito." Sabi pa niya kaya bigla akong napaisip at mukhang alam ko na kung ano ang aming nakita ni Eunece noong isang gabing umuulan. Na naging dahilan kaya nadawit si Eunece rito. "Kayo pala iyon." "Kayo ang alin?" hindi ko sinasadyang marinig niya iyon kaya napilitan na naman akong magpaliwanag. Napahawak siya sa kaniya baba at mabilis na binalikan ang mga papel na itinabi niya at may hinugot siya mula rito. "Siya ba ang tinutukoy mo?" ipinakita niya sa akin ang data analysis kay Eunece, kasama na roon ang isang two by two na larawan. Tumango naman ako kaya kaagad niyang sinuri ang laman ng analysis. "Isa siyang black belter, kung masasanay siya sa paghawak ng espada ay masisiguro kong magiging mahusay siya rito." Kumento niya at ibinaba na ang mga pahina na kaniyang itinaas. Black belter? hindi ko iyon alam, kaya ba matigas ang katawan niya noong aksidente ko siyang nabangga? "Malay mo, kunin ko siya sa aking squad at iyon kung magiging mahusay siya sa kanyang pagsasanay at mangunguna sa buong batch niya." Sabi pa niya, hindi na ako nagulat na ganito ang kaniyang requirement upang masabing may kakayahan ang isang recruit. After all, he's a Zeth ranked Varian, isa siya sa pinakamalalakas at mahuhusay na mandirigma. Matapos nga ng aming pag-uusap ay lumabas na ako sa kaniyang silid at habang naglalakad ako ay napadaan ako sa pintuan ng elevator papunta sa floor kung saan isinasagawa ang pagsasanay ng mga recruit. Hindi kami maaring pumunta roon at may eksempsyon lamang kapag ipinadala ka talaga roon. Huminga ako ng malalim at nilagpasan na ang elevator. Sana'y makasurvive ka, Eunece Alexander.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD