Chapter 8: Orientation
Eunece,
Hindi ko inaasahang may susundo pala sa akin, inalala ko pa naman ang pagpunta ko roon. Matapos ko kasing i-turn over ang susi ng aking aprtment ay umalis na ako, iniwan ko narin ang mga gamit ko sa lounge area dahil may kukuha na sa mga iyon.
Hindi ko narin inasahan pang susunduin ako ni Oliver kaya hindi na ako nagdalawang isip pang sumakay sa sasakyan na sumundo sa akin.
Nagulat pa ako dahil nang pumasok ako kanina sa sasakyang naghatid sa akin dito sa kompanya ay may mga kasama pala ako. Ang nakakailang nga lang ay ang babaeng nakatabi ko kanina, napakadaldal niya at nagpakilala siya sa pangalang Mia.
"Uy tara na." Aya niya sa akin habang ako'y makaupo sa aking higaan at inaayos ang mga dinala kong damit. "Saan?" tanong ko naman sa kaniya, hindi ko naman siya maaring hindi pansinin baka sabihin pang may attitude problem ako.
"Sa orientation, diba ang instruction sa atin ay iwan na muna antin ang mga gamit natin sa silid natin at dumiretso kaagad doon sa silid na sinabi nila?" paalaala naman niya pero kahit na anong piga ko sa aking utak ay wala akong maalala.
"Ngayon na ba?" tanong ko ulit sa kaniya, tinutupi ko pa kasi ang aking mga damit eh, hindi ba pwedeng mahuli na lamang ako?
Mabilis siyang tumango at nang hindi na niya ako mahintay ay siya na mismo ang humila sa akin palabas sa silid naming dalawa. Ewan ko ba't itinapat pa ng kapalaran na maging roommate ko siya. Akala ko'y matatapos na ang paghihirap ko sa kadaldalan niya sa sasakyan ngunit hindi pa pala.
Awtomatikong nawala sa aming harapan ang pinto nang pindutin niya ang isnag huton sa gilid ng pintuan. Kaagad na kaming lumabas at naglakad sa maaliwalas at puno ng mga naglalakihang screen na hallway.
Aakalain mong mag bestie kaming dalawa sa sobrang kapit niya sa aking kaliwang braso, napapatingin nga rin ang kapwa naming mga recruit ngunit tila hindi niya ito pinoproblema at patuloy lamang siya sa pag ngiti at pagkaladkad sa akin.
Madaming pagliko ang aming ginawa na para bang alam na alam na niya ang pasikotsikot sa pasilidad na ito na mukhang bawat sulok ay may lbumbilya. Napakaputi at may ilang mga parte ang gawa sa salamin at may pinturaang asul na dalawang linya lang naman.
Tumigil kami sa harapan ng isang pintuan na mas madilim ang kulay kumpara sa pintura nang pader. "Paano mo nalaman na ito nga ang orientation room?" tanong ko sa kaniya habang tinititigan siya at binigyan ng isang naguguluhang tingin.
"Wala ka ba nito?" tanong niya sa akin at ipinakita niya sa akin ang isang device na mukhang gawa sa salamin at lahat ng mga imahe na naririto ay gawa sa linyang kulay asul. Umiling naman ako dahil sa pagkakatanda ko'y wala silang ibinigay sa akin na ganiyan.
Ako na mismo ang pumindot sa buton sa pintuan, mabuti na lamang at hindi kailangan ang passcode. Nabasa ko kasi ang signage sa itaas ng pinto kaya nakakasiguro akong nasa tamang pintuan nga kami. Awtomatiko itong nawala sa aming harapan at kaagad na sumalubong saamin ang mga matatalim na mga mata.
Tahimik kaming pumasok, bumitaw narin siya sa aking braso at sabay kaming pumunta sa ikatlong linya ng upuan at doon ay magkatabi kaming dalawa. Hindi gaanong matalas ang aking memorya ngunit natatandaan ko ang mga mukhang ng mga naririto.
Mukhang kami lamang na lulan ng sasakyan kanina ang baguhan dito sa kompanya kung kaya't nasa labing lima lamang kami rito. May iba pang mas matanda sa akin pero wala na akong nakita pang mas bata sa akin.
Mukhang pinipili lamang nila ang kanilang nire-recruit at hindi basta-bastang pumupulot na lamang ng mga bata sa lansangan. Nanaig ang katahimikan sa aming lahat dahil sigurado akong walang balak na makipag-usap sa iba ang lahat ng naririto.
Maliban na lamang sa babaeng katabi ko na binubulungan na naman ako. Naningkit na lamang ang aking mga mata habang nakikinig sa kaniyang kwento na pumapasok sa kanan kong tenga at kaagad ding iniluluwa ng aking kaliwang tenga.
Siguro nang umulan nang kadaldalan ay ininom niya lahat ng tubig baha at ganoon na lamang siya kadaldal at napakabilis pa niyang magsalita!
Nakahinga pa ako ng maluwang nang biglang namatay ang lahat nang ilaw maliban sa nasa aming harapan at natahimik na ang aking katabi. Umangat ang isang napakalaking TV sa aming harapan na mabilis na bumukas.
Inaasahan kong makakakita ako ng tunay na Variant ngayon ngunit nabigo ako, mukhang ide-deliver niya ang kaniyang sasabihin sa pamamagitan ng paggamit ng video presentation. Kaagad ko naman siyang nakilala ngunit itinikom ko na lamang ang aking bibig nang magsimula na siyang magsalita.
"Magandang umaga sa inyo, ako si William Bones ang namamahala sa recuritment nang organisasyong ito. Sisimulan ko ang aking sasabihin sa pagpapaliwanag sa inyo sa mga parte ng building na pinasukan ninyo." Panimula niya, dirediretso ang kaniyang salita kaya't sigurado akong inaasahan na nilang walng magsasalita.
Baka naa-apply din dito ang rule na saka ka lang pwedeng magtanong kapag tapos na ang nagsasalita sa harapan.
"Ang pagalan ng kompanyang ito ay Lion's Heart Silver Company, ito ang kilalang tawag para sa mga kumunistang mga tao ngunit para sa lahat ng unit ng mga Variant at para sa inyo ay mainam na kilalanin ninyo ang gusali sa tawag na Silver Organization sapagkat isa tayong branch nang pangkalawakang organisasyon." Sabi pa niya at idinagdag din niya na marami pang ibang organisasyon ang nagkalat sa buong mundo.
Isa para sa isang bansa.
Naoalingon naman ako sa aking gawing kaliwa nang makarinig ako g isang pinto na bumukas. Iniluwa nito ang isang lalaki na nakasuot ng unipormeng katulad sa suot ni Mr. Bones. Mukhang isa siyang Variant, hindi ako nabigo sa aking ambisyon na makakita ng isa sa personal!
Habang nagsasalita si Mr. Bones tungkol sa kung paano nabuo ang organisasyon ay isa-isa kaming nilalapitan ng lalaking Variant at binibigyan ng isang device na kapareho nang kay Mia. Kaya't nang nasa harapan na namin ang lalaki ay ipinakita niya ang sa kaniya.
Tumango naman ang Variant at iniabot na sa akin ang hawak niyang isang device at matapos niya kaming mabigyan lahat ay umalis na siya mula sa silid na ito.
Sinimulan na niya ang pagpapaliwanag pa sa mga natitirang bahagi ng building na ito. Napakadami niyang sinabi at mabuti na lamang ay mayroon kaming device na hawak na siyang nagpapakita ng mga silid na kaniyang binabanggit.
Tinatawag niya itong cellphone kaya cellphone narin ang itinawag ko, malayo ito sa normal na cellphone na kinasanayan ko ngunit masasabi kong mas astig ito dahil kaya nitong magpakita ng mga three dimensional images.
Ayon nga kay Mr. Bones, hindi gaanong mataas ngunit malawak naman ang aming gusali. Ang limang palapag na nakikita ng mga tao sa labas ay ginawa upang magmukhang normal na kompanya lamang ang gusaling ito.
Ngunit makikita ang tunay na halaga nito sa ilalim ng lupa. Mron pang limang palapag na naririto at dito lahat nangyayari ang mga pangkalawakang trabaho. Nabanggit niya ring kami ang naririto sa pinakamababang parte ng gusali.
Matapos niyang talakayin ang tungkol sa gusali ay napunta naman kami sa aming magiging pagsasanya. Ipinaalala niya sa amin na hindi lamang kami magpupukos sa pagpapalakas sa aming katawan kundi pati narin ng aming isipan.
Sapagkat delikado raw ang aming tatahaking daanan at hindi sapat ang malakas na katawan upang suungin ito, mas matimbang parin daw ang may malawak na kaisipan at kaalaman patungkol sa kakaharaping kalaban.
Tumango lamang ako at seryusong nakinig sa lahat nang binanggit ni Mr. Bones.
"Hindi ko na iisahin pa ang tungkol sa mga alie dahil ang mga guro niyo na ang bahal doon." Sabi pa niya at tumngo lamang ako, mukhang ganoon din ang ginawa ng iba at ang iba naman ay mukhang nabagot na, ganoon din itong katabi ko.
Gusto na niyang ihiga ang kaniyang sarili sa aking balikat na ilang beses ko nang tinanggihan, hindi ako human pillow no!
Ang akala ko'y magtatagal ng isang oras ang aming orientation ngunit nagkamali ako nang tapusin na niya ito makalipas ang eksaktong tatlompong minuto. Mabilis na bumalik ang liwanag sa buong silid kaya napapikit ako.
Nakakasilaw naman kasi!
Nagdaan ang ilang minuto ay tumayo na kaming lahat at sabay-sabay nang umalis mula sa sulid na iyon. Tahimik parin kami maliban talaga kay Mia, tila ba namanhid na ang aking tenga at nasanay na sa kadaldalan ng babaeng ito.
Isang kilong ari ba ng babaeng baboy ang ipinakain sa kaniya?!
"Saan na tayo pupunta?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami palayo mula sa pinanggalingan naming silid. "Sa kwarto, hindi pa ako tapos mag-ayos." Sagot ko naman sa kaniya at bigla na lamang siyang sumimangot at kunware'y nagtampo.
Kung pwede lang siyang batokan eh!
"Kain na muna tayo, nagugutom na ako." Sabi niya at hinila niya ako patungo sa cafeterian, pilit ko namang hinihila ang aking kamay at pinipilit na tumigil sa paglalakad pero maadulas ang sahig kaya nagagawa niya akong hilain.
"Wala akong pera." Sabi ko sa kaniya, nagbabakasakaling tigilan niya ako. Ang pananatili kasi namin dito ay hindi libre, ang libre lamang ay ang among pagkain sa buong araw at hindi kasama roon ang meryenda. Ang aming silid ay libre din, maikukumpara ko ang pananatili ko rito sa isang paaralan at ang kaibahan lamang ay pumapasok ako at binabayaran.
"Libre na kita!" masaya niyang sabi kaya napangisi naman ako, mukhang wala na akong takas pa sa babaeng ito.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata bago tuluyang sumunod sa kaniya. Akala ko pa naman magiging seryuso na ulit ang buhay ko ngunit nakakilala na naman ako ng isang payaso!
Desisyon mo ito Eunece kaya tiisin mo!