Chapter 9: Training
Eunece,
Kaagad akong nagising mula sa malalim kong pagkatulog nang biglang may bumangon sa aking katawan. Muntikan ko na siyang masampal at mabuti na lamang ay nakapagpigil ako. "Ano ba!" reklamo ko sa kaniya at humawak sa parde.
Nakaramdam tuloy ako ng pagkahilo at pandidilim ng paningin.
Napangiwi naman ako nang marinig ko ang kaniyang hindi mapigilang pagtawa. "Pasensya na, malel-ate na tayo eh!" katwiran naman niya matapos niyang tumawa, tiningnan ko lamang siya nang masama at napatingin sa amingorasan.
"Anong oras na ba?" tanong ko sa kaniya dahil hindi ko maaninag ang mga numero nito, kinusot ko pa kasi ang aking mga mata kaya't mas lalong lumala ang panlalabo.
"Alas siyete bainte na!" sagot naman niya at ibinato sa akin ang aking twalya. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at kaagad na tumakbo papasok sa banyo. Maaga kasi ang aming klase ngayon, sampung minuto na lamang ay mahuhuli na kaming dalawa!
Ang hindi ko malaman ay kung bakit naririto pa siya, mukhang handa na naman siyang pumasok sa aming unang klase ngunit hindi parin siya umaalis dito.
Hindi na kasi ako nasanay na gumising na maaga simula nang nagtapos ako ng pag-aaral nunit kailangan ko ulit masanay dahil nagbalik na naman ako sa pag-aaral.
Hopefully hindi magiging boring ang mga normal na klase namin.
Kaagad kong nilinisan ang aking katawan at napasigaw pa ako nang dumampi ang malamig na tubig sa aking katawan, para tuloy akong tumatakbo ngunit hindi umaalis sa aking kinaroroonan. Hindi ako ganito kabilis maligo ngunit kailangan dahil nagmamadali na ako.
Mabuti na lamang at ang damit namin dito ay mabilis lamang isuot, kinailangan ko munang magsuot ng puting damit pang itaas at isang manipis na puti ring shorts bago ko inilagay sa aking dibdib ang isang octagonal shaped na bagay.
"Tara na." Aya sa akin ni Mia at kaagad naman akong tumango, habang palabas kami ay siya ring paglitaw ng uniporme na dapat naming suot kapag lalabas kami sa aming silid. Isang pindot lamang ang kinailangan sa bagay na ito upang tuluyang bumalot ang uniporme sa aking katawan.
Mabilis kaming tumakbo, mabuti na lamang ay hindi na niya nisipang magsalita pa kaya nakapagpukos ako sa pagtakbo. Tumabi naman ang aming mga nasasalubong kung kaya't napadali ang aming pagdating sa silid kung saan isasagawa ang una naming klase.
"Everyone should remember that time is virtue." Binigyan niya ako ng isang side glance pagkabukas ko ng pinto ng silid. "Sorry po ma'am." Sabay naming iniyuko ni Mia ang aming mga sarili nang makatayo kami sa kaniyang harapang gawing kanan.
Habang nakayuko ako ay tumingin ako sa aming mga kaklase at lahat sila'y nasa malayo ang tingin na para bang ayaw nilang madawit sa aming problema.
"Late kayo ng limang minuto at dalawang segundo." Sabi niya kaya mas binabaan ko pa ang aking sarili, mas terror na naman siya sa english teacher ko noon!
"Sige na, pumunta na kayo sa inyong upuan, papalagpasin ko ito at kapag ito'y naulit pa ay ire-report ko na kayo." Sabi pa niya kaya kaagad kong itinayo ang aking sarili at kaagad na nagpasalamat sa kaniya bago pa ako humingi ng tawad sa pangalawang pagkakataon.
Lahat ng ginawa ko ay ginawa rin ni Mia na akala mo'y iisa ang aming isipan o di kaya'y nag se-second the motion lamang siya.
Malawak ang silid na ito at magkakalayo ang aming mga upuan, may kasama narin itong table na maihahalintulad ko sa upuan ko noon kaya hindi na ako nailang nang umupo ako sa upuang napili ko. Gaya kahapon sa orientation, ang mga dumalo lamang ang mga naririto, ewan ko kung paano ang educational system dito pero interesado akong malaman.
"Gaya nga ng sinasabi ko kanina, kayo lamang ang naririto dahil kayo lamang ang bagong dating, isang buwan lamang tayong magkikita at ang mga nalalabi pang buwan niyo dito ay magpopukos na kayo sa pagsasanay sa pakikipag digmaan." Sabi niya kaya't mabilis niyang naagaw ang aking atensyon.
Mukhang ang mas nauna sa amin ay nagsasanay nang makipaglaban at kami'y mga baguhan kaya naririto kami ngayon sa apat na sulok ng silid, makikinig sa mahabang eksplenasyon at nag-aasam na mabilis na maintindihan at hindi malilimutan ang mga pag-aaralan.
"Ako ang inyong magsisilbing guro at magtuturo sa inyo sa lahat ng mga bagay na dapat niyong malaman tungkol sa aking tungkolin at kasama na rito ang History at basic survival tips." Sabi pa niya, tila ba binomba ang aking tenga nang marinig ko ang asignaturang History.
I have a love, hate relationship with that subject.
"Sisimulan natin sa Time Paradox, ang pinaka advance na kagamitang pang siyensya na nabuo sa nakalipas na dekada." Sabi niya ng may pagkatuwa at kapansinpansin sa kaniya na napaka proud niya sa gamit na ito.
Walang nagsalita sa amin kaya't ipinagpatuloy na niya ang pagdidiskurso patungkol sa Time Paradox.
"Nalikha ang device na ito sa pamamagitan ng tagumpay na pagsasagawa ng nuclear fission o ang paghahati sa isang atom sa dalawang parte. Laging tatandaan na ang pagsasagawa ng prosesong ito ay limitado lamang sa mga eksperto sapagkat lumilikha ito ng malawak na pagsabog kapag nagkamali." Pauna niyang sabi, alam ko na ang tungkol sa nuclear fission at ang kaibahan nito sa fussion.
Para bang mas pina level up lamang ang pag-aaralan ko dito. Kasabay ng kaniyang pagsasalita ay ang pagpapakita niya ng mga larawan.
"Sa katunayan ay sumabog ito ngunit ito'y sinadya upang tagumpay na mailagay sa isang lalagyanan na ginawang makayanang ikulong ito." Sabi pa niya kaya't tumango ako habang tinititigan ang larawang ipinakita niya.
"Bale kaagad nilang nailagay ito sa lalagyanan bago pa man itong sumabog, kumbaga nagkaroon palamang ng maliit na spark ay naikulong na kaagad nila ito, tinatawag nila itong pre-expo. Ang enerhiya ngayon mula rito ang nagaaktong baterya para sa Time Paradox." Dagdag pa niya, maikukumpara ko ang hitsura nito sa mismong milky way.
Nabanggit din niya na malakas ang enerhiyang nalilikha ng Time Paradox kaya may espesyal lamang na kasuotan ang ginagamit para dito, masusunog daw ang isang taong papasok dito ng walang suot na poprotekta sa balat nito.
Nabanggit din niya ang tungkol sa Rover ngunit tatalakayin na raaw namin iyon sa susunod na araw. Ang akala ko'y isang oras ang aming klase ngunit tumagal lamang ito nang halos tatlumpong minuto. Sa pagkakaalam ko'y dalawa lamang ang aming klase kada araw.
Isang normal na klase at isang klase na kung saan kami;y sasanaying makipag hand to hand combat.
Lahat kami ay nagtungo na sa susunod naming klase, malapit lamang ang silid na ito mula sa pinanggalingan namin kaya't hindi kami natagalan. Naka pila rin kami na parang pre schooler na nakapila para makuha ang kanilang meryenda.
Napanganga na lamang ako nang dahil sa pagbukas ng pinto ay sumalubong sa akin ang napakalawak na silid, triple ang laki nito sa naggalingan namin, ay hindi parang mas malawak pa!
Malinis at maaliwalas at may isang entablado sa gitna, malawak din ito at siguro'y kalahati ng aking katawan ang taas nito mula sa sagig na gawa sa mwebles.
"Magandang umaga." Bati sa amin ng isang lalaking matikas ang tindig ng katawan at masasabi kong pinapangalagaan niya ng mabuti ang kaniyang kalusugan. May bahid na ng puti ang kaniyang buhok at ang kaniyang balbas ngunit ang kaniyang mga bisig ay namumutok parin sa muscle.
Matapos niya kaming hintaying pumwesto sa kaniyang harapan at hanapin ang aming mga height ay umakyat na siya sa entablado.
"Bago tayo magsimula ay makinig muna kayo sa sasabihin ko." Sabi niya at lahat naman kami'y tumahimik at inilaan ang mga tenga sa kaniya.
"Dalawang linggo ko lamang kayo tuturuan at sa loob ng mga panahong iyon ay siguraduhin ninyong naipakita niyo na ang inyong angking galing, ang inyong performance ay ang siyang basehan sa kung ano ang irerekomenda ko sa inyo na mga posisyon." Sabi niya, umalingawngaw ang kaniyang boses sa buong silis kaya't sigurado akong naintindihan namin lahat iyon.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ng isang lalaki matapos siyang ituro ng aming guro nang itaas niya ang kaniyang kaliwang kamay. Tumikhim naman ang aming guro habang magkahawak ang kaniyang mga kamay sa kaniyang likuran.
"Ang mga Variant ay nahahati sa dalawang oposisyon, ang isa'y nakapukos sa swordmanship at ang isa naman ay nakapukos sa range. Ibigsabihin, maaring hahawak kayo ng espada o kahit na ano pang maging ekstensyon ng inyong kamay o dikaya'y hahawak kayo ng bail." Maayos niyang paliwanag.
Mukhang kaagad na nakuha ng subject na ito ang aking atensyon, siguradong mage-enjoy ako!
"Binasa ko na ang inyong mga bio data at natuklasan kong may isa sa inyo ang may kasanayan sa taekwondo." Oagkasabi niya no'n ay bigla akong nakaramdam ng kaba ngunit nilalabanan ng pagkatuwa.
"Ms. Alexander, tama ba?" bumaling ang kaniyang mga mata sa akin kaya't kaagad kong itinaas ang aking kamay. "Yes sir!" mabilis na lumabas ang mga salitang iyon sa aking mga bibig dahil narin siguro sa kaba na kanina ko pa nilalabanan.
Napatingin din ako sa aking mga katabi na nasa akin narin ang mga mata. Tumango naman ang aming guro bago niya ako pinapunta sa itaas. Noong una;y nagtataka ako kung bakit pero nakabuo ako ng hinuha na baka gusto niyang subukan ang aking galing.
First things first, nangalawang na ako.
Nagulat na lamang ako nang paglingon ko sa kaniya ay kaagad niya akong sinugod. Kung hindi pa ako nakailag kaagad ay sigurado akong bawas ang aking ngipin!
BInigyan niya ako ng side glace at napataas na lamang ang aking mga kilay nang mapansin ko ang unti-unti kong pagbagsak. Napangiwi na lamang ako at kaagad na iginalaw ang aking sarili sa ere at nag back flip.
Itinuro ito noon ng aking advicer eh, mabuti na lang kaya ko pa.
Although hindi required noon ang talagang saktan ang kalaban ay nasanay parin akong gumlaw ng mabilis at hindi maawa sa aking katunggali. Nasa kinse anyos ako noong nakatanggap ako ng black belt o poom rank, noong nasa eighteen na ako ay napunta na ako sa dan rank.
Mabilis akong nakalayo sa kaniya at mintis na naman ang kaniyang bantang pagsuntok sa akin. Inulit pa niya iyon at hanggang sa inilihis ko lamang ng bahagya ang aking katawan at mabilis na hinawakan ang sumuntok niyang kamay.
Napansin ko ang pagkagulat niya kaya ngumisi ako bago ko siya itinumba. Nagpuoumiglas pa siya ngunit kaagad ding sumuko matapos kong i-lock ang kaniyang kanang kamay at kaliwang paa sa kaniyang likuran.
"Mukhang mali ang pagkakabasa ko sa 'yo, Ms. Alxander." Sabi niya sa akin habang inaayos niya ang kaniyang suot na damit, ngumiti naman ako bago bumaba mula sa entablado. Siguro'y hindi siya naniniwalang kaya ng isang babaeng tulad ko ang makaabot sa ganoong ranggo.
Masyado ba akong girly?
Pagdating ko sa tabi ni Mia ay nakahanda na ang kaniyang kanang kamay sa ere, hindi ko na ito isinawalang bahala kaya't nag apir na lamang kaming dalawa, ayuko namang iwan siya sa ere. Nginitian ko rin ang isang lalaki nang purihin niya ako samantalang ang iba;y parang walang nakita.
Hindi sa ine-expect ko silang mag react pero parang ganoon na nga.
Matapos nga ng ginawa naming iyon ng aming guro ay kaagad niyang sinabi na hindi muna raw siya natuturo ng basics ngayon at ang ginawa lamang namin ay isaulo ang ilan sa mga bagay na dapat naming malaman tungkol sa pakikipaglaban.
Lalo na ang kaibahan ng pakikipaglaban sa kapwa tao at sa kakaibang nilalang, Nabanggit din niya na ang mga balat ng mga nilalang na aming makakalaban sa paparating na hinaharap ay matitibay at makakapal ang mga balat.
Kailangan daw iyon ng sapat na pursigi at lakas upang tagumpay na mapuruhan ito.
"Dito papasok ang tinatawag nating Familiar." Sabi niya at ipinakita ang isang baril. Imbes na larawan ang gamit niya ay isang tunay na sandata ang kaniyang hawak. May binanggit siyang salita o pangalan at nagulat ako nang biglang sumabog ang kaniyang baril.
Napanganga ako nang mas lumaki ito at nagmistulang kakaibang baril mula sa kaniyang ipinakita, kapansinpansin din ang parang likidong kulay asul na dumadaloy sa mga bitak nito.
"Ang sandatang gagamitin natin ay isang espesyal na sandata na ginawa mula sa matiryales na nakukuha mula sa planetang pinagmulan ng ating mga kalaban. Hindi ko na maipapaliwanag ito ng maigi sa inyo ito dahil hindi ko na ito sakop." Sabi niya at kasabay no'n ay ang pagtatapos ng aming klase.
Hangga't hindi raw naituturo sa amin ang tungkol sa Planet K01 5715 01 ay hindi niya pwedeng ituro sa amin ang tungkol sa kapabilidad ng sandata.
Kaagad niya kaming pinalabas at isinara sa aming mga mukha ang pinto, Napabuntong hininga na lamang kami at para bang walang kabuluhan ang aming araw ngayon.
Napaisip na lamang ako na kapag magpapatuloy na ganito ang kanilang pagtuturo ay mas lalo akong mabagot!
"Pumunta tayo sa liblary!" aya ng isa sa amin, mukhang magandang ideya iyon!
Iilan lamang kaming pumunta sa liblary at kasama ko parin si Mia ngayon, ang iba naman ay mas piniling bumalik na sa kanilang mga silid.
Mukhang naiintindihan ko na ang kanilang sistema kaya mas mabuting sumama ako sa mga study freaks na mga ito upang mauna kami sa klase at magkaroon ng advance knowledge. Malay ko ba kung bigla kaming ipatawag at ihahalo na nila kami sa mga nauna sa amin.