Chapter 10: Expedition
Oliver,
My father pulled some strings kaya mag-isa lamang ako dito sa aking silid, ipinasadya talaga ang mga silid dito na para sa dalawang tao pero medyo pilyo ako at ayukong may kahati sa aking silid. Hindi naman nila kaagad pinagbigyan ang aking hiling, kinailangan pa nilang humanap ng mas maliit na silid para sa akin.
Inalis ko na ang aking suot na damit at inilagay ko ito sa sandalan ng aking upuan bago hubo't hubad na pumasok sa aking paliguan. Una kong binasa ang aking buhok bago tuluyang binasa ang aking katawan, bagong umaga na naman ng pakikipagsapalaran sa ibang mundo.
Maigi kong pinunasan ang aking buong katawan at pinatuyot ang aking buhok habang ako'y nakatayo sa harapan ng aking salamin na skto lamang ang laki upang makita ko ang kalahati ng aking katawan. Inahit ko narin ang manipis kong balbas, nakakairita na kasi.
Matapos ko ngang magpalit at magsuot ng magaan na damit ay meron na lamang akong natitirang bente minutos bago ako mahuli sa aking trabaho.
Minadali ko na ang pagsasaayos sa aking buhok bago ko ikinabit sa aking dibdib ang aking Vector, ito ay octagonal shaped na device na kung saan isang pindot ko lamang ay bumabalot na sa aking katawan ang napili kong uniporme.
Lumabas ako ng aking silid ng presko at handa na para sa trabaho ngayong araw. Tinahak ko ang napakaaliwalas na hallway at kumakaway sa mga nasasalubong kong mga kapwa ko Variant. May ilang kaibigan lang ako pero maraming nakakakilala sa akin.
Ako 'yong tipo ng taong gustong palaging mag-isa ngunit namamansin parin.
Kaagad kong inilagay ang passcode ng silid na aking pupuntahan ngayon at nang tama ang inilagay ko ay umilaw ito ng berde. Kaagad na nawala ang pinto sa aking harapan at bumungad sa akin ang aming work station.
Naka tuka ako ngayon sa pag-ayos sa mga rover. Hindi lang naman kasi puro nalang pagsalakay ang aming ginagawa, kailangan din naming linisin at panatilihin ang magandang estilo ng aming mga ginagamit na sandata at mga equipment.
Hindi naman araw-araw na may Leemur na sumusubok pumunta dito sa Earth.
"Magandang umaga." Bati sa akin ng isa sa aking mga kasama dito. Tumango lamang ako at binigyan ko siya ng isang ngiti. Dumiretso na ako sa Zeid na naririto at tinanong kong ano ang maari kong gawin sa araw na ito.
"Tiningnan mo nga ang makina ng number zero two." Sabi naman niya at itinuro ang isa sa mga rover. Sumaludo naman ako bago ko nilapitan ang isang mesa at kinuha ang isang tool box na nakapatong sa ibabaw nito.
Tahimik kaming lahat dito at tanging tunog lang ng mga metal ang umaalingawngaw. Maliwanag naman ang buong silid at sa ilalim ng bawat rover ay may mas maliwanag pang ilaw upang mas mabilis na makita ang makina nito.
Nilapitan ko nga ang nasabing rover at lumuhod ako sa aking kanang tuhod upang maabot ang isang nakatagong switch sa paanan ng harapang gulong sa gawing kaliwa ng rover. Idiniin ko ang dalawa kong daliri sa takip nito at nakarinig ako ng isang click.
Matapos no'n ay inalis ko na kaagad ang aking mga daliri at sumabay na umangat ang takip ng switch na iniluwa ang isang buton na kulay asul.Hindi na ako nagdalawang isip pang pindutin ito nakarinig akong ng isang singaw sa palibot ng rover.
Unti-unti itong pumataas hanggang mas mataas na ito kaysa sa akin. Nasa ilalim ang makina ng rover kaya ipinasadya talaga ang ganito sa bawat garahe. May isa pang patungan na pumataas at ito'y abot hanggang sa aking baywang, doon ko ipinatong ang tool box na hawak-hawak ko.
Sinimulan ko nang kalikutin ang ilalim na parte ng rover at tiningnan kong ano ang posibleng dipekto nito.
Inisa-isa kong tiningnan ang bawat parte nito hanggang sa matukoy ko na kung ano ang sira ng rover na ito. Dahan-dahan kong inalis ang core ng sasakyan mula sa hatch nito. Mukhang napuruhan ang container ng core at nagsimulang tumagas ang laman nito.
Nagliliwanag ng asul ang likido na tumaagas mula sa core, hindi gaanong malakas ang tagas ngunit sapat na ang nailalabas upang maalarma ang isang Variant na sumusuri nito. Ito ang pinagmumulan ng enerhiya ng rover.
Kumbaga ito ang kaniyang baterya at ang laman ng core ay kaparehong substance ng laman ng aming mga sandata.
"Dir, kailangan ko po ng bagong core para sa zero two." Sabi ko sa Zeid na namamahala sa amin ngayon at kaagad na ipinakita sa kaniya ang kasalukuyang sitwasyon ng core na kinuha ko mula sa rover, hawak ko ito gamit ang isang tela na nasa saktong laki lamang.
Sinuri naman niya ito bago siya tumango.
"Sige, ilagay mo 'yan doon." Sabi naman niya at itinuro ang mesa kung saan ko kinuha ang tool box kanina. Pagbalik ko nga sa kaniyang harapan ay isinasara na niya ang isang napakalaking refrigerator. Ito ang isang imbentaryo ng core.
Tanging ang Zaid lamang na namamahala dito sa garahe ng mga rover ang may alam ng passcod nito.
Ibinigay niya sa akin ang isang bagong core na nakalagay sa isang manipis na kahoy na may nakapalibot na mga styro foam. Sumaludo ako at muling bumalik sa rover na aking tinatrabaho. Maingat kong ikinabit sa hatch ang bagong core.
Dahan-dahan ko ring ibinalik ang lahat ng inalis kong parte ng rover nang maisaayos ko na ang panibagong core.
Pinunasan ko ang pawis na namuo sa aking noo gamit ang likurang bahagi ng aking palad. Kakaligo ko lang ay pinagpawisan na naman ako. Hindi ko na rin namalayan ang oras dahil nang matapos kong siguraduhing umaandar ang rover ng walang problema ay nasa alas onse na ng tanghali.
Para bang isang mabilis na hangin lamang na lumipas ang mahigit dalawang oras.
Dahil nga rin sa wala na akong gagawin ay lumabas na ako mula dito sa garahe, kahit na dalawang oras lamang ako doon ay ramdam ko na ang p*******t ng aking mga daliri.
Sinisisguro ko kasing masikip at hindi maluwang ang bawat turnilyong ibinabalik ko, mahirap na't baka ako pa ang maging dahilan ng pagkamatay ng aking mga kapwa Variant na gagamit ng rover.
Mainit kasi sa loob ng Time Paradox at kapag walang roer ay imposibleng marating at makapasok sa Mirror Dimension.
Habang naglalakad nga ako dito sa hallway ay bigla akong nakatanggap ng summoning message sa aking cellphone. Kakaiba ang hitsura nito mula sa normal na cellphone na kinilala ng mga tao at mas malawak din ang kaya nitong gawin.
Habang ibinubulsa ko sa ang aking cellphone ay mabilis ang aking pagtakbo papunta sa silid kung saan nakapaloob ang Time Paradox.
Mabuti na lamang at hindi pa ako nakakalayo mula sa garahe, magkatabi lang kasi ang sila ng silid na aking pupuntahan. Mabilis akong nakarating sa harapan ng puting pinto at mablis ko ring inilagay ang passcode.
Pagkabukas na pagkabukas palang ng pinto ay pumasok na ako sa maluwag na pasilidad.
Kaagad akong sumaludo sa aking Zeid at umupo na sa isa sa mga bakanteng upuan, isa-isa naring nagdatingan ang aking mga kasama at lahat sila'y tumabi sa akin at inukupara ang mga bakanteng upuan.
Nakapalibot kami sa isang mahabang mesa at nasa aming harapan ang aming Zeid na si Zeid Hanz. Seryuso ang kaniyang mukha at inayos niya ang isang folder sa kaniyang harapan. Mula naman sa kaniyang likuran ay tanaw ko kung paano nila paganahin ang Time Paradox.
"Alam niyo naman na kada buwan ay nagpapadala ang organisasyon ng isang squad na tutungo sa Planet K01 5715.01 upang magsagawa ng ekspedisyon at nagkataon na ngayong buwan ay tayo ang napili." Sabi niya sa amin at iniikot niya ang laman ng folder matapos niya itong buksan.
Nakalagay doon ang isang permission to operate at nakasulat din doon kung ano ang magiging sentro ng aming paglalakbay sa planetang iyon.
Lubos itong mas delikado kaysa sa Mirror Dimension dahil doon ay walang barrier mula sa dimension ang poprotekta sa amin. Ibig sabihin ay maaring higit sa tatlo ang makakatunggali naming mga Leemur doon sapagkat iyon nga ang kanilang pinagmulan.
Ipinaliwanag sa amin ni Zeid Hanz ang ibig sabihin ng "Project R.E.D."
Nangangahulugan itong Recover, Examine and Develop.
"Bakit po muling ie-examine ang puno ng Yggdrasil?" tanong ko sa aming zZeid dahil ito ang labis na umagaw sa aking atensyon. Tumango rin ang aking kasama, mukhang maging sila ay nagtaka kung bakit matapos ang higit sa sampung taon ay muling nasali sa ekspedisyon ang punong iyon.
"Iyon ang hindi ko alam ngunit ayon sa ibang mga Zeid ay may kakaiba raw na ikinikilos ang mga nilalang nasa paligid nito." Sagot naman niya at itinikom na ang folder na nasa ibabaw ng mesa. "Nilalang? hindi ba't mga Leemur na lamang ang natira doon?" naguguluhang tanong naman ng aking kasama.
Tumango naman ang aming Zeid.
"May nakitang kakaibang thermal heat ang mga siyentipiko sa paligid nito at maikukumpara nila ito sa isang tao dito sa ating planeta." Sagot niya ngunit kinailangan niyang ibulong iyon sa amin. Aminado naman kaming walang kahit na nanonood sa amin pero mas mabuti na ang mag-ingat.
Ang ekspedisyon ay nalalaman ng lahat ngunit ang layunin ng ekspedisyon ay hanggang sa pagitan lamang ng mga Zeith, siyentipiko at ang squad na magsasagawa nito.
Matapos nang pag-uusap naming iyon ay tumayo na kami mula sa aming upuan at saktong paglabas namin ay gumagana na ang Time Paradox.
"Maghanda na kayo." Sabi ni Zeid Hanze habang siya;y nakatalikod sa amin. Kaagad ko namang pinindot nang dalawang beses ang aking vector upang mapili ang isa ko pang uniporme at kaagad nang balotin ang aking katawan.
Kasabay narin nito ang pagbuo ng isang helmet sa aking ulo at ang pagbaba ng isang salamin. Naramdaman ko rin ang paglitaw ng earpeace sa aking kanang tenga at ang paghaba ng mikroponong lapel sa aking kanang pisngi.
Nag-inat ako ng aking mga kamay habang palapit kami sa isang rover na nakahanda nang umalis. Kinuha na muna namin mula sa mga kamay ng mga Variant na naka tuka ngayon dito ang aming mga sandata. Iniiwan kasi namin ang mga ito sa isang imbentaryo na ginawa para sa aming squad.
Pagkatapos no'n ay kaagad na kaming sumakay sa aming rover. Gaya ng nakasanayan ay awtomatikong bumalot sa aking baywang ang seatbelt ng rover. Lahat kami'y nakapwesto na at hinihintay na lang namin ang pag andar ng makina.
Ilang saglit pa ay bahagya na kaming lumutang at tumapat na sa Time Paradox. Sa aking gilid ay napansin ko ang paglayo ng tatlong Variant at ang kanilang pagkaway. Huminga ako ng malalim at kasabay no'n ay ang pagbulusok namin papasok sa Time Paradox.
Siguradong matatagalan kami sa planetang iyon kaya't matagaltagal ko ring makikita ang normal na atmospera. May kadiliman kasi doon at marami ring mga nakalutang na malalaking tipak ng lupa at mga bato.
Wala ding gravity doon kaya matagaltagal din akong patalontalon. Sana nga lang ay magtagumpay kami sa ekspedisyon naming ito at makapagbigay na naman kami ng karangalan sa aming organisasyon. Palagi mang sinasabi ng namumuno sa amin na walang kompitisyon ay napakalinaw na gusto ng bawat organisasyon ang ungosan ang isa.
Ang ilan ay nagpapabango ng pangalan upang mapansin ng ETHER o ang Extraterrestrial Human Expeditor Regiment.
Sila ang nagtatag ng mga orgnisasyon at namamahala sa aming lahat, sila ang mga boss ng mga Zeth. Sila rin ang nagbibigay ng allowance sa bawat organisasyon na siyang nakadipende sa mga accomplishments nila.
Umiling na lamang ako at ibinalik ang atensyon ko sa aking nasa harapan. Mga liwanag ng mga bituwin ang aking nakikita ngunit nagmimistulang isang pahigang linya ang mga ito dahil sa bilis ng takbo ng aming rover.
Kung sa Mirror Dimension sana ang pupuntahan namin ay lalapag na sana kami ngayon ang kaso ay lalapag kami sa totoong lupa ng planetang aming pupuntahan. Rineprogram din nila ang Time Paradox upang mabago ang lokasyon na pagbabagsakan namin.
Isang light year ang layo ng planeta ngunit salamat sa Time Paradox at sa rover ay napaikli lamang ito sa dalawang araw sa planetang pinagmulan namin.
Pagdating nga namin sa Planet K01 5715.01 ay siguradong bumalik kami ng dalawang araw. Kumbaga ang date sa Earth ay twenty two habang sa planetang pupuntahan namin ay nasa twenty palang kapag susundin ko ang kalendaryo sa Earth.
Muli akong huminga ng malalim at panandaliang ipinikit ang aking mga mata. Humihiling na sana;y makabalik kami ng buo at dala ang lahat ng mga kailangan naming dalhin pabalik sa Earth.