Chapter 11: Mysteries Beyond
Eunece,
"Mia, bilisan mo!" kinailangan ko pang tumigil sa paglalakad at lumingon sa akng likuran para lang makita. Napakabagal kasi niyang maglakad, ewan ko ba kung bakit. "Oo na eto na." Sabi naman niya at kahit papaano'y mas bumilis ang kaniyang paglalakad.
"Bakit ba ang bagal mong maglakad ngayon?" tanong ko sa kaniya matapos niyang tumabi sa akin. Hinila naman niya ang aking balikat upang maabot niya ang aking tenga at may binulong siya sa akin. May kaliitan kasi siya.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi?" tanong ko sa kaniya at kaagad akong nakaramdam ng pangamba para sa kaniya. "Kaninang umaga ko lang nagsimula." Sagot naman niya at nagsimula na kaming maglakad muli. Papasok kasi kami ngayon sa aming klase.
"Sabihin mo lang kapag may kailangan ka." Sabi ko naman sa kaniya bago kami tuluyang makapasok sa aming silid. Ito ang ikalawang araw na hindi kami na late sa klaseng ito.
Tumango naman siya at sabay na kaming umupo sa aming mga upuan at hinintay ang pagdating ni Zeid Lolita upang ipagpatuloy ang kaniyang pagle-lecture sa amin tungkol sa mga bagay na dapat naming matutunan.
Ilang sandali pa nga'y muling bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nito ang aming tagapagturo. Kaagad siyang tumungo sa gitna at sa harapan na kung saan ay tanaw ko siya hanggang dito sa likod. May katangkaran siya, payat ang katawan at tila ba likas na mataray ang kaniyang mukha.
Matapos niya kaming bilangin at masiguradong kumpleto na kami ay sinimulan na niya ang kaniyang pagleleksyon sa amin.
"Narinig niyo naman na ang tawag sa sasakyan na ginagamit papasok sa Time Paradox hindi ba?" tanong niya sa amin na tila ba naninigurado. Lahat naman kami'y tumango bilang tugon sa kaniyang kasagutan at kasunod no'n ay ang pagpapatuloy niya.
"Pag-aaralan natin ngayon ang makina ng naturang sasakyang ito, lalo na ang tinatawag na hatch at core." Sabi niya at ipinakita niya ang mga larawan ng kaniyang nabanggit na mga bagay. "Ang core ang pinaka importanteng parte ng rover dahil ito ang siyang nagbibigay ng enerhiya sa sasakyan upang gumana ito, ang hatch naman ang siyang pinaglalagyan ng core o ang socket nito." Paliwanag niya at nagpalakadlakad siya sa aming harapan.
"Ang bagay na nasa loob ng core ay maihahalintulad sa teksturang malagkit at may temperaturang mas mababa pa sa freezing point at ang bagay na ito ay nagmula sa planeta kung saan nakatira ang ating mga kalaban." Dagdag pa niya.
Ipinagpatuloy pa niya ang kaniyang pagleleksyon hanggang sa tuluyan na naming natapos pag-usapan ang rover. Masasabi kong napakagaling ng mga siyentipiko at mga inhinyero na gumawa ng sasakyan na ito.
Bukod kasi sa mabilis na takbo ng engine ay nakagawa rin sira ng isang protective varrier na siyang bumabalot sa sasakyan upang maprotektahan ito at ang mga lulan nito mula sa pagkasunog at sa uv rays na ibinubuga ng araw.
Ang planetang K01 5715.01 ay matatagpuan sa gitna ng kawalan, hindi ito kasali sa solar system kundi lumulutang lamang ito, mag-isa at napapalibutan lamang ng mga steroids at iba pang uri ng pangkalawakang materyales.
"Sasagotin ko ang iyong katanungan mamaya." Sabi niya sa akin nang may biglang katanungang pumasok sa aking isipan. Tumango na lamang ako at matapos no'n ay tumayo kaming lahat at sumaludo kasabay nang pag labas niya.
"Ano, kaya mo pa?" tanong ko kay Mia na hawak ang kaniyang puson. Umasim ang kaniyang mukha ngunit tumango parin siya. Hindi ko naman siya pipiliting bumalik na muna sa aming silid dahil mukhang wala naman siyang balak.
"Gusto mong kumain?" tanong ko ulit, malay mo naman ay gusto niya, ganoon kasi ako kapag may dalaw. "Libre mo ako?' tanong naman niya at may kasama pang isang ngiti, napangiwi na lamang ako bago tumango.
Ilang beses narin naman niya akong nilibre kaya hindi naman siguro sasakit ang aking bulsa sa isang beses na panlilibre ko sa kaniya.
At nagkamali na nga ako ng desisyon.
Naningkit na lamang ang aking mga mata habang pinapanood siya kung paano niya nguyain ang napakaraming pagkain sa kaniyang harapan. Ni ayaw ko nang kainin ang isang slice nang cake na aking binili.
Tumaas ang aking mga kilay at inabot ko sa kaniya ang isang baso ng tubig matapos niyang umubo, nabulunan na ang tarantado. Kaagad naman niya itong kinuha sa aking kanang kamay at mabilis na uminom.
"Salamat." Tumango na lamang ako upang hindi na siya mahirapan dahil hinahabol na niya ang kaniyang pag hinga!
Makalipas nga ang kalahating oras ay bumalik na kami sa aming silid.
"Ano, okay ka na?" tinitigan ko lamang siya habang naka upo kami at nakahanda nang makinig sa susunod na pag-aaralan namin ngayong araw na ito. Nag thumbs up naman siya habang hawak ang kaniyang sikmura, napangiwi na lamang ako bago tumingin sa aking harapan.
Nagbalik na si Zeid Lolita at ipinagpatuloy na niya ang kaniyang pagdidiskurso. Gaya ng kaniyang sinabi kanina ay sinagot niya ang aking katanungan kanina bago kaming nag break time.
"Ms. Alexander, ikaw ang nagtanong kanina kung paano nakukuha ang blue stone hindi ba?" tanong niya sa akin habang siya'y nakatayo sa harapan ng buong klase. "Opo, Zeid." Sagot ko naman sa pinaka magalang kong pananalita.
Tumango naman siya at umupo siya sa gilid ng kaniyang mesa na naka posisyon sa gitna.
"Gaya ng sinabi ko kanina ay galing ito sa kaparehong planeta kung saan naninirahan ang mga Leemur. Buwan-buwan na may isang squad na ipinapadala ang isang organisasyon upang magsagawa ng isang ekspedisyon sa planetang iyon." Panimula niya at lahat naman kami'y nakalaan ang mga tenga sa sinasabi ng Zeid na nasa aming harapan.
"Nakukuha ito sa kaparehong proseso ng pagmimina, matatagpuan ang mga ito sa ilalim ng mismong lupa ng planetang iyon. Ang ilan ay tumutubo na palabas sa lupa at ang karamihan ay nakatago sa ilalim." Sabi pa niya at nasagot na nga ang aking katanungan.
"May iba po bang naninirahan doon bukod sa mga Leemur?" tanong ng isang lalaki mula sa aming klase. Nabaling ang atensyon ni Zeid Lolita sa kaniya kaya't tumayo na siya sa kaniyang pagkakaupo at naglakadlakad sa harapan.
"Maganda ang iyong tanong." Sabi niya at ilang beses na tumango. "Oo, ang tawag sa kanila ay Filual." Sagot naman niya at napataas ang kaliwa kong kilay na para bang nagising ulit ang aking diwa. "Filual?" tanong naman ni Mia.
Tumango ang aming Zeid.
"Oo, sila ang sinaunang nakipag digmaan sa mga Leemur na pilit inuubos ang kanilang lahi na sa nakalipas na taon ay tagumpay nilang nagawaa." Sagot naman niya at nakatingin lamang siya kay Mia. "Tagumpay? may kumukontrol po ba sa mga Leemur?" tanong ko naman.
Tiningnan ako ng aming Zeid na para bang hindi niya inaasahang tanongin ko ang bagay na iyon. Napansin ko rin ang kaniyang pag iling.
"Walang nakakaalam." Iyan lamang ang kaniyang isinagot bago muling tumalikod sa amin at umupo sa likuran ng kaniyang mesa. "Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ng isa sa aking mga kapwa recruit at bigla akong nakaramdam ng biglang pagbigat ng atmospera dito sa loob.
"Iyan din ang matagal nang hinala ng ating mga Zeith ngunit hindi nakikinig ang ETHER." Sagot niya at kapansinpansin ang pagbuntong hininga niya. "Ano po ang ETHER?" panibagong katanungan na naman ang aming nalikha.
"Ito ang namumuno sa lahat ng organisasyon, ang Extraterrestrial Human Epeditor Regiment."
Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko ang ETHER, ang akala ko'y wala nang mas tataas pa sa mga Zeith ngunit maging sila pala ay may sinusunod din.
"Ipagpatuloy na natin bukas ang ating aralin, pumunta na kayo kay Zeid Armando." Dagdag pa niya kaya't pagtayo niya ay tumayo narin kami upang sumaludo, sa pagkakataong ito ay kami ang naunang lumabas mula sa silid na iyon.
Sigurado akong hindi lamang ako ang marami pang gustong itanong kay Zeid Lolita pero sabi nga ng ilan, may bukas pa.
Pumasok na kami sa silid ni Zeid Armado at pansin ko sa aking mga kasama na tila ba ubos na ang kanilang enerhiya. Maging si Mia na napakaraming kinain kanina ay matamlay narin, maging ako'y nakararamdam narin ng pagbigat ng ulo at katawan.
Kahit na ganon ay pinilit parin naming pumasok sa aming susunod at huling klase para sa araw na ito.
"Gaya ng ipinangako ko kahapon, maari na kayong pumili ng inyong mga sandata!" anunsyo niya, naalala ko ngang iyon ang huli niyang sinabi bago kami lumabas sa kaniyang silid. Kahit papaano'y nakaramdam ako ng kasiyahan mula sa aking narinig.
"Puntahan na ninyo ang napupusuan ninyong mga sandata!" sigaw pa niya atmay pinindot siya sa hawak niyang cellphone at kasunod no'n ay ang pagangat ng isa pang silid na may mga divider na siyang naghihiwalay sa bawat sandata.
Huminga ako ng malalim, nakapag-isip narin ako kung ano ang sandatang pipiliin ko, inanalisa ko rin ang rekomendasyon sa akin ni Zeid Armando na piliin ang naturang sandata na ito.
Walang problema ko namang namataan ang munting silid kung saan nakalagay ang sandatang ito. Kapansinpansin nga lang na ako lamang ang nag lakas loob na kumuha ng ganitong sandata. Hindi ko naman masisisi dahil sa ganitong labanan ay mas gusto nilang maging range unit.
Mahigpit kong hawak ang scabbard habang pabalik ako sa aking linya. Ang lahat ng aking mga kasama ay may hawak na iba't ibang klase ng baril at maging si Mia ay baril din ang kaniyang hawak. Tiningnan niya ako mula sa ulo hanggang sa aking paa at binigyan ng nagtatakang ekspresyon.
"Paalala lamang sainyo na ang inyong mga napiling sandata ay maari pang magbago base sa inyong magiging performance." Sabi ng aming Zeid ngunit abala ang iba na namamangha sa mga uri ng baril na kanilang hawak.
Masasabi kong lahat naman kami rito ay nasa ta,ang edad na kaya wala nang issue pa doon. Hindi naman ako gaanong namangha sa mga ito dahil nakikita ko naman ang ganoong mga baril sa aking paboritong laro na Free Shoot 4
"Mabuti naman at nakinig ka sa aking suhestyon." Sabi niya nang lumapit siya sa aking harapan. Nakahawak na ako noon ng katana, meron nga ako nito noon ngunit hindi ko na nadala pa sa aking apartment at naiwan na lamang sa bahay ng aking tita.
Bukod kasi sa tekwondo ay sinubukan ko ring magsanay ng kendo ngunit parang ginawa ko na lamang itong libangan at hindi gaanong sineryuso.
Tumango naman ako at ngumiti sa kaniyang sinabi.
Ilang saglit pa ay inutusan niya kaming subukan ang aming mga sandata, nagkaroon ng matataas na pader sa aming harapan at kaya nitong pagsasabayin ang nasa sampung recruit. Ako ang isa sa unang batch na napiling subukan ang napiling sandata.
Nag alangan pa ako nang una lalo na nang magsimulang magpaputok ang aking mga kasabayan, mukhang nage-enjoy nga sila dahil walang tigil ang kanilang pagpapaputok.
Kaharap ko ngayon ang ilang mga doll na gawa sa kahoy, tatlo sila at ang kanilang posisyon ay window by window.
Nasa kaliwang tagiliran ko ang aking katana at hawak ng aking kaliwang kamay sa scabbard ng katana at ang kanan kong kamay ay nakahawak sa mismong handle ng katana. Hinigpitan ko ang aking grip at ipinosisyon ang aking katawan.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga kamay.
Agresibo kong iminulat ang aking mga mata at mabilis na gumalaw hindi ko nagawang magulat nanag biglang nagpaikot-ikot ang mga doll. Nakapukos lamang ako sa pag ilag sa mga matitigas na mga kamay ng mga ito at sa tagumpay na paghiwa sa kanila.
Nakaramdam ako ng tensyon sa joint sa aking paa dahil sa bilis ng aking pagmamanubre, mabilis din kasi ang aking takbo kaya nabibigla ang joint ng aking paa.
Halos kailangan ko nang lumuhod para lang maiwasan ang mga kamay ng doll, paano naman kasi ay tumataas baba ang mga ito.
Kaagad kong inihawak ang aking kaliwang kamay sa isang kamay ng doll at sumabas ang aking katawan sa muling pagtaas ng doll.
Mabilis kong iniangat ang aking sarili at tumayo sa kamay ng doll na ito. Matagal ko ring hindi nagawa ang mga stunt na ito kaya't sigurado akong hindi pulido ang bawat galaw ko.
Tumalon pa ako sa isa at sa huling pagtalon ko papunta sa pangatlo ay inihanda ko ang aking katana, parang isang masamang hangin ang aking pagdaan sa doll at muntikan akong matumba nang bumaba ako sa sahig mabuti na lamang ay mabilis kong naitusok ang aking katana at ginamit na pang balanse.
Nakarinig ako ng pagbagsak kaya lumingon ako sa aking likuran. Natanggal ang kamay ng doll at tuluyan nang namatay ang power nito, inaasahan kong ang ulo nito ang pinunterya ko pero nagmintis pala ako.
Nagkibit balikat na lamang ako at nilagutok ang aking mga daliri at ang akng leeg bago hinawakang muli ang hawakan ng aking katana at mabilis na gumalaw.
Muntikan nang masabit ang buhok ko sa kamay ng isa ngunit kaagad kong nailihis ang aking ulo. Mabilis kong itinayo ang aking sarili at hiniwang muli ang mga doll, bakita ba hindi ko matamaan ang mga ulo ng mga bagay na ito?
Mabilis kong iniunat ang kamay kong nakahawak sa aking katana upang maalis ang alikabok na dumikit sa patalim nito bago mabilis na ibinalik sa scabbard nito.
Lahat ng mga doll ay namatay na ang power kaya umalis na ako mula sa aking pwesto. Napaka ingay parin dahil sa sunod-sunod na pagpapaputok ng aking mga kasama.
"Ang galing mo naman!" bati sa akin ni Mia pagdating ko sa kaniyang tabi, kasama kasi siya sa second batch. Ngumisi naman ako at kinindatan siya nang may kasama pang paghawak ng aking hinlalaki sa dulo ng aking ilong.
Binati narin niya ako kaya itutudo ko na ang kakapalan ng aking mukha.
"I expect alot on you, Ms. Alexander." Dinig kong sabi ni Zeid Armando at seryuso ang kaniyang mukha kaya nakaramdam tuloy ako ng kaba.
Pasikat ba ako?