Chapter 12: Fallen
Oliver,
Tumama sa lupang may katigasan ang hawak kong palakol na nilagyan ko ng malakas na pwersa upang makagawa ng butas dito.
Kanina pa kami rito sa bahaging ito ng planeta at patuloy na naghuhukay sa mga blue stones. Iilan na lamang kasi ang mga blue stones na nasa ibabaw ng lupa kaya't kailangan na naming maghukay nang maghukay upang may mahanap kami.
Tila ba tumama sa isang metal ang panhukay na aking gamit, iniiwas ko ito kung saang parte ako nakatama ng matigas na bagay at sinimulang hukayin ang palibot nito hanggang sa makakita ako ng kulay asul na bato.
Mukhang malaki-laki ito dahil nang subukan kong hilain ay nahirapan pa ako. Ipinagpatuloy ko lamang ang paghuhukay sa palibot nito hanggang sa pataba na ng pataba ang bato. Lumalalim narin ang hukay kaya't itinigil ko na at kaagad na tinawag ang mga kasama ko.
"Sasapat na ito." Kumento ni Zeid Hanz matapos niyang suriin ang nahukay kong bato na hanggang ngayon ay hindi pa namin naaalis. Bawat expedition kasi ay may binibigyan nila kami kung gaano dapat kabigat ang mga batong ibabalik namin sa Earth.
Kung tutuusin nga'y hindi na kailangan ng mga susunod na magsasagawa ng expedition ang kumuha pa ng blue stone sa susunod na dalawang buwan.
"Tulungan niyo na si Teth Santos." Utos niya sa aking mga kasama kaya't sabay-sabay na kaming bumaba sa lupa at nagsimula nang maghukay. Lumalim pa nang lumalim ang hukay hanggang sa napagdesisyonan na ni Zeid Hanz na putulin na ang bato.
Mas madali na namin iyong nagawa dahil meron kaming hawak na espesyal na equipment para sa pagpuputol sa mga blue stones. Matapos naming maputol ito mula sa base ay siimulan na naming hatiin ito sa mas maliliit pang piraso upang magkasya sa aming lalagyanan na nasa aming likuran.
Hindi naman ito mabigat at maikukumpara ko ito sa mga coral sa Earth ngunit habang dumarami ay bumibigat dahil nagkakasama na ang mga bigat ng mga ito.
Saktong nahigop na ng isa kong kasama ang iilang pirasong natira ay nakaramdam kami ng pagyanig kaya kusa kaming tumakbo palabas sa hukay at bumalik sa loob ng aming rover. Naghintay kami ng ilang mga minuto habang kapansinpansin parin mula sa lupa ang malakas na pagyanig.
"What the-" isinadyang hindi ituloy ng aking kasama ang kaniyang sasabihin. Ako naman ay napanganga sa aking nakikita ngayon, napakarami nila at tila nakapila ang mga ito.
"Zeid." Tawag ng isa ko pang kasama sa aming Zeid kaya maging ako ay napatingin sa kaniya at napansin kong hindi siya nakatingin sa aming direksyon kundi nakamasid lamang siya sa labas na para bang nagyelo na ang kaniyang katawan.
Kaagad namang lumapit sa kaniya ang aming Zeid at tiningnan ang kung ano man ang nasa labas. Ibinalik ko ang aking paningin sa mga Leemurs na naglalakad sa di kalayuan na tila ba lahat sila'y nagmamartsa na parang mga sundalo.
Nakakatakot, sana'y na ako sa mga hitsura ng mga ito ngunit sa ganitong karami ay sigurado akong matutunaw ako sa aking mga paa. Iba-iba ang kanilang laki, may mas maliit at may ilang napakataas at ang kanilang mga mata ay napakalaki.
Mabuti na lamang ay may kakayahang mag comoflouge ang aming rover at hindi nila kami nakikita. Kahit pa sabihin nating magagaling kami ay hindi parin namin makakaya ang gaitong karami. Parang nasa isang daan o higit pa ang kanilang bilang.
Napahawak na lamang ako sa upuan sa aking harap nang biglang umandar ang makina ng rover. Pagtingin ko sa harap ay minamaneho ni Zeid Hanz ang rover at kaagad na pinalutang ito. Nagtaka naman ako ngunit lumingon lamang ako sa bintana.
Ang kayang taas nang rover ay ganoon ang taas ng pinakamatangkad sa mga Leemur. Mas lumayo pa kami at sinundan ang malailog na agos ng mga Leemur hanggang sa tumigil kami sa himpapawid at seryusong lumingon sa amin si Zeid Hanz.
"Tumingin kayo dito." Sabi kayo dito sabi niya at biglang bumaba mula sa kisame ng sasakyan ang isang screen at may ipinapakitang larawan. Naningkit ang aking mga mata habang tinititigan ang larawan, isang larawan ng tao ngunit parang hindi.
"Ano sa tingin ninyo iyan?" tanong niya sa amin, umiling ako dahil maging ako ay hindi ko alam. Nagulat na lamang ako nang makakita ako ng dalawang pares ng mata na tumingin sa aming direksyon.
"Ano iyon, Teth Santos?" tanong niya sa akin, marahil ay napansin niya ang pagkaubos ng dugo sa aking mukha. "Parang tumingin siya sa ating direksyon." Sagot ko sa kaniya na halos lumabas na ang laway sa aking bibig.
Kaagad namang lumingon si Zeid Hanz sa screen at biglang tumaas ang aking mga balahibo nang nakatingin muli ang dalawang mga mata sa amin. Sigurado akong nakita na nila iyon at kaagad na niya kaming inilayo doon.
"Attack detected, impact in three..."
Anunsyo ng auto generated A.I sa aming lahat kaya't mas lalo akong nakaradam ng kaba. Narinig kong napamura si Zeid Hanz at mas hinigpitan pa niya ang kaniyang hawak sa manubela ng sasakyan. Nagpagewang-gewang kami hanggang sa may bigla na lamang sumabog sa aming sasakyan.
Patay.
Tumunog ang alarm ng aming rover at ang dating maaliwalas na loob nito ay napalitan ng kulay pula. Puro warning ang salitang naririnig ko na siyang dumagdag pa sa aking pagkakaba. Sigurado akong nasira na ang comoflouge capability ng aming rover kaya't napalingon ang malalaking mata ng mga Leemur.
Ngunit nagtaka ako nang pinalampas lang nila kami at hindi sila gumawa ng kahit na anong pagsugod. Mabuti naman.
"Sa puno ng Yggdrasil!" sigaw ko nang makita ko ang nag-iisang katawan ng puno na nakatayo dito, ito na lamang ang punong natitira kaya't sigurado akong ito ang puno ng Yggdrasil. Kaagad na inilihis ni Zeid Hanz ang aming sinasakyang rover at kaagad na dumiretso sa puno.
Kaagad kaming bumaba at ginamit ang ilan sa blue stone na nakuha namin at mabilis na ipinalibot sa paanan ng puno. Lumikha ito ng panandaliang malakas na ilaw bago muling namatay.
"Hello, this pis Zeid Hanz." Sabi ng aming Zeid nang may sumagot na sa aming tawag. "I repeat this is Zeid Hanz, I request back up!" sigaw ng aming Zeid na desperadong makaalis sa impyernong ito. "We found something and it's trapping us here!" sigaw pa niya ngunit walang sumasagot sa kabilang puno.
Kaagad kong ikinasa ang aking baril nang biglang sumulpot sa aming harapan ang isang nilalang, may takip ang kalahati ng kaniyang mukha at may dalawang butas na para sa kaniyang mga mata. Mahahaba ang kaniyang buhok na para bang galamay ito ng isang octopus.
Ngumisi ito at nagpakita ang kaniyang matatalim na mga ngipin. May sinabi siya ngunit hindi ko naintindihan at nang magsimulang magpaputok ang aking mga kasama ay nagpaputok narin ako. Tuloy-tuloy ang aming pagpapaputok hanggang sa sumama na sa hangin ang alikabok.
Napanganga na lamang ako annag lumabas siya mula sa mga alikabok ng hindi man lang tinatamaan. Kaagad akong dumapa nang marinig ko ang isang tunog ng isang pag reload. Tumama ito sa puno ng Yggdrasil na siyang pinanood kong bumagsak.
Nakarinig ako ng pagtawa at napanganga na lamang.
"Zeid Hanz!" sigaw ng isa sa mga kasama ko at nakaramdam ako ng panlalamig ng makita kong puno na ng dugo ang katawan ng aming Zeid at wala na itong buhay. Napailing na lamang ako at napaatras at sumandal sa natitira pang bahagi ng puno.
Nakita kong kumislap pa ang mga bato.
"S. O. S"
Sabi ko bago ito namatay at bigla na lamang may bagay na matigas ang pumasok sa aking bunganga. Itinaas niya ang kaniyang maskara at nakita ko ang kaniyang mga mata at kumindat ito. Napataas na lamang ang aking mga kilay.
Hindi ako makapagsalita at parang gusto kong sumuka, mas idinidiin pa niya ang parang baril sa aking bunganga kaya hindi ko narin magawang kumurap.
Pinipilit kong itulak ito pabalik ngunit nasa kaniya ang posisyon na makakapagbigay ng mas malakas na pwersa kaya bigo lamang ako at walang nagawa ang aking effort.
Sininyasan niya ako ng tumahimik at ibinaba na niya ang kaniyang maskaram at bigla na lamang may pumalibot sa aking katawan at pumataas. Nabitawan ko ang aking baril at pinanood ko nang may takot ang pagkapaslang ng aking buong squad.
Nagsisigaw sila ngunit wala silang ibang nagawa kundi ang mapatingin sa akin at ipikit ang kanilang mga mata habang sila'y papasok sa bunganga ng mga Leemur. Tumulo ang aking mga luha at para bang nanlamig ang buo kong katawan.
Umiling ako ng umiling hanggang sa nagsisigaw na ako.
Nagsimulang maglakad ang Leemur at nagulat ako nang tumayo mula sa dila ng Leemur ang nilalang. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang dadalhin nila ako sa kung saan. Tinakpan niya ang aking biig gamit ang kaniyang kaliwang kamay na may mahahabang at matutulis na kukos.
Tinitigan ko lamang siya hanggang sa hindi ko na magawang sumigaw. May bigla siyang inilagay sa aking ilong at habang tumatagal ay nakakaramdam na ako ng panghihina.
Hanggang sa hindi ko na ito nalabanan pa at bumagsak na lamang aking aking mukha sa dila na pumalibot sa aking buong katawan.
Heinz's Squad has fallen.