CHAPTER 13

2139 Words
Chapter 13: Red Alert Eunece, "Hayaan mo na." Bulong ko kay Mia habang ako'y nasa kaniyang likuran. Hawak ko ang kaniyang kamay at ramdam ko kung paano niya ito hilaan paalis sa akin. Nakakuyom lamang ang kaniyang mga kamao habang ako naman ay tinitingnan ang babaeng nasa aming harapan. "Ano, lalaban ka?!" sabi ng babae na para bang iniintimida pa niya palalo si Mia. "You're not worth it." Sabi naman ng aking kasama bago lumingon sa akin at sabay na kaming naglakad palayo. Inaalis rin niya ang pagkain na dumikit sa kaniyang uniporme. Nang walang ano-ano'y bigla na lamang nawala sa aking tabi si Mia at paglingon ko ay napaupo na siya sa sahig at sinusunggaban na ng babae. Pilit kong itinutulak palayo ang babae pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga buhok ni Mia kaya bigo ako. Tiningnan ko naman ng masama ang dalawang babae pa na kasama ng babaeng sumasabunot kay Mia, tumatawa pa ang mga animal. Nasa dalawang taon ang agwat ng aming mga edad kaya ang hinuha ko'y nasa labin siyan palang ang kanilang mga edad. Matanda na para malaman na ang ganitong eskandalo ay hindi maganda. Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng isang malakas na pito mula sa labas ng cafeteria kay ako'y napalingon doon. Mukhang hindi nila ito narinig at ipinagpatuloy nila ang kanilang pagsasabunutan at maging ang aming kapwa recruit ay nanonood lamang atwalang nagtangkang umawat sa kanila. Kaagad naman silang nagtakbuhan nang makapasok na dito sa cafeteria ang dalawang Variant na lalaki at babai. Sila na rin mismoang umawat sa dalawang nagsasabunutan. Matapos nga no'n ay tiningnan kami ng masama ng dalawang Variant. "Sumama kayo sa amin." Sabi ng isa sa mga Variant at tiningnan niya kaming lima bago sila naunang maglakad paalis ng cafeteria ng kaniyang kasama. Nagkatinginan kami at tila ba isang aso ang babaeng nakasabunutan ni Mia kanina. Nauna silang naglakad samantalang kaming dalawa ay nahuli, habang naglalakad kami ay tinutulungan ko siyang tanggalin ang mga buhol sa kaniyang buhok. Palaban din ito babaeng ito eh, ni hindi man lang naiyak at talagang hindi nagpatalo! Habang naglalakad nga kami ay nakaramdam ako ng kaba, mukhang hindi na talaga maalis sa akin ang palaging pagkadawit sa mga gulo. Simula noong nasa elementary ako ay suki na ako ng guidance dahil sa mga kalukuhan. Minsan ay nadadawit lang ako pero kadalasan ay talagang ako mismo ang gumagawa. Ewan ko ba pero pakiramdam ko napakaboring ng buhay ko noon kapag wala akong kalukuhang ginagawa.Noong college naman ako'y nagbagong buhay na ako at isang bese lamang ako bumisita sa guidance. Ang lalaking Variant ang siyang nagbukas sa pinto at dirediretso lamang kaming naglakad papasok sa silid. Sinalubong ng aking mga mata ang silid na napakaraming teknolohiya at nakakaduling na mga screens. Mukhang mula ang mga video sa mga cctv kaya sigurado akong nakita nila ang sabunutan ng dalawa kanina. Mabuti naman at may cctv at hindi nila kami magagawang baliktarin. Nagtabi-tabi kami sa likuran ng babaeng Variant at sinundan ko naman ng tingin ang paglakad ng lalaki sa tabi ng kaniyang kasama.  "Naririto na po sila Zeid Bones."  Tumaas ang kanan kong kilay nang marinig ko ang last name ng lalaking nakatalikod mula sa amin at nanonood lamang sa mga screen. Kaagad niya kaming nilingon at nagtama pa ang aming mga mata bago niya kinausap ang dalawang Variant sa kaniyang harapan. Sumaludo sila at kaagad na umalis sa aming harapan at narinig ko ang muling pagbubukas at pagsara ng pintuan sa aking likuran. Humakbang naman ng dalawang beses si Zeid Bones palapit sa amin habang ang kaniyang mga kamay ay magkahawak sa kaniyang likuran. Bumuntong hininga siya at tiningnan niya kami isa-isa at napansin ko ang pagkadismaya sa kaniyang ekspresyon. "Mukhang nakalimutan ninyo ang isa sa mga rules sa ating organisasyon." Panimula niya at nagulat ako nang biglang nagsalita ang babaeng sumabunot kay Mia. "Zeid Bones, wala kaming kasalanan, sila ang nauna!" katwiran niya at itinuro kaming dalawa ni Mia. Walang pagbabago sa ekspresyon ng Zeid na nasa aming harapan pero alam ko na mali ang ginawang pagsabat ng babae. Muli siyang bumuntong hininga. "I don't want any excuses, nakita ko ang lahat." Sabi naman ni Zeid Bones at kaagad na napatikom ang mga labi ng babae. "Hindi ko na papatagalin pa ito, ipinatawag ko kayo rito para balaan kayo sa inyong pagkakamali at patawan kayo ng first warning." Sabi niya at tila ba nawindang ang aking tenga nang marinig kong nag yes ang babae. "Eunece at Mia." Sabi niya at tiningnan niya kami. Tumango naman kami ni Mia at napansin ko ang biglang pagbagsak ng katawan ng babae mula sa pagkadismaya. "Kayong tatlo, nasa pangalawang warning na kayo, kailangan ninyong baguhin ang inyong pag-uugali kung gusto niyo pang manatili dito." Sabi pa niya. Matapos no'n ay pinalabas na niya kami at bago kami maghiwa-hiwalay nang landas ay narinig ko ang pangalan ng babae. Sussy pala ha, hindi ko iyan kakalimutan! "Pasensya ha, nadamay ka pa." Sabi sa akin ni Mia habang naglalakad kami palapit sa mga comfort room habang nakasuot ng gloves panglinis. Umiling naman ako at binigyan ko siya ng isang ngiti, napansin ko naman ang pagtataka sa kaniyang mga mata. "Sanay na ako sa ganito." Sabi ko naman at pagkapasok namin sa comfort room ng mga babae ay dumiretso kami sa isang cabinet. "Nakikipagsabunutan karin noon?" tanong niya at pinipigilan niya ang kaniyang tawa. Kinindatan ko naman siya at inilabas na ang mga cleaning detergents. "Tapusin na natin 'to." Sabi naman niya at pinagtama namin ang pang scrub ng kubeta na hawak namin bago pumasok sa mga cubicle. Nag-inat muna ako bago maayos na isinuot ang mask na suot ko at nagbuhos na ng detergent at nagsimula nang kuskusin ito. Napaka nostalgic. Lumipas ang isang oras. "Ang sakit ng katawan ko." Reklamo ni MIa habang palabas kami mula sa klase ni Zeid Armando. Maging ako ay napahawak sa aking baywang dahil sa pagod. "Ako rin." Pag sang-ayon ko sa kaniya, hindi lang naman kami ang nananakit ang katawan. Sa katunayan ay lahat kami, bingla kasi kami ni Zeid Armando ng isang pagsusulit na kung saan ay kailangan naming gumamit ng lakas. "Uy, Mia, totoo bang nakasagupa mo 'yong Sussy?" tanong ni Alea sa aking kasama.  Bumuntong hininga naman siya at tumango. Tila ba nasiyahan si Alea at sumuntok-suntok pa sa ere. "Sana sinapak mo na nang magtanto!" sabi niya at ramdam ko ang panggigigil sa kaniyang boses. Napailing naman ako at bahagyang napatawa. Kilala kasi ang babaeng iyon at ang dalawa niyang kasama sa pambu-bully sa kapwa nila mga recruit kaya hindi na ako magtataka kung maraming galit sa kaniya. Hindi naman namin sinasadyang makasagupa ang babaeng iyon at sadyang nagkataon lamang na nagkabangga sila. Sino ba naman kasi ang tangang hindi tumitingin sa kaniyang harapan habang may dalang pagkain? Nasa gilid na nga kami kanina ni Mia dahil sa pinag-uusapan pa namin ang pagkain na bibilhin namin tapos bila nalamang sila sumulpot. Ayon natapon ang pagkain ni tanga sa damit ni Mia at siya pa ang may lakas ng loob na magalit! Buti na lamang at nakapagpigil ako, hindi naman kasi ako ang naagrabyado. Kung ako lang'yon ay sigurado akong lilipad siya pabalik sa sinapupunan ng nanay niya! Pero baka mapalipad din ako pabalik sa aking apartment. "Bye!" kumaway muna si Alea bago siya pumasok sa kaniyang silid, kumaway din kami pabalik bago lumingon sa aming harapan at nagpatuloy sa paglalakad. Medyo malayo pa ang aming silid at madadaanan pa namin ang silid na pinuntahan namin kaninang umaga. "Ano 'yon?!" gulat na tanong sa akin ni Mia, mabilis kasing lumabas ang lahat ng Variant mula sa silid na nilagpasan namin. Nagkunot din ang aking noo habang nakalingon kami sa aming likuran, nagawa kong magkibit balikat sa gitna ng aking pagtataka. PInanood namin silang magmadali papasok sa isang elevator, nasa lima sila at pagsara nang pinto ng elevator ay nanumblik na ang katahimikan. "May emergency sa itaas."  Muntikan pa akong mapatalon palayo kay Zeid Bones nang bigla siyang sumulpot mula sa aming likuran.  "Ano po?" tanong ko naman nang mawala na ang pagkagulat sa aking katawan. seryuso niya akong tiningnan at huminga ng malalim. "Hindi ko dapat ito sasabihin sa inyo pero mapagkakatiwalaan ko naman kayong hindi niyo ipagkakalat hindi ba?" tanong niya sa amin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Mia bago sabay na tumango.  "Sumunod kayo sa akin." Sabi niya at nauna siyang naglakad papunta sa silid kung saan lumabas ang mga Variant kanina. Sumunod naman kami ni Mia at pagpasok namin ay tumayo lamang kami sa likuran ni Zeid Bones habang siya'y umupo sa isang swivel chair. May mga pinindot siya sa keyboard at nawala ang lahat ng maliliit na screen at lumitaw ang isa ngunit mas malaking screen. "Kanina lamang ay nakatanggap ang organisasyon ng isang tawag mula sa puno ng Yggdrasil." Panimula niya at lumitaw nga ang larawan ng isang puno na malago ang dahon. Saktong naklase namin ito kanina kaya alam ko kaagad ang tinutukoy niya. "Galing ito sa isang squad na ipinadala upang magsagawa ng ekspedisyon sa planetang pinanggalingan ng mga Leemur." Sabi pa niya, tahimik lamang kami ni Mia habang pinapanood kung paano mag vibrate ang katawan ng punod. Isang indikasyon na nakakatanggap ito ng wave length at masasabi kong malakas ito. "Sa kasalukuyan ay nasa red alert ang ating organisasyon, ayon sa mga siyentipiko ay inatake raw sila ng mga Leemur ngunit muli nilang namataan ang isang thermal heat na mikukumpara ng sa atin." Pagpapatuloy niya. Nakadama ako ng awa para sa mga Variant na iyon at sana naman ay nakaligtas sila at pabalik na rito sa aming mundo. May ibang sinabi pa si Zeid Bones bago kami umalis sa silid na iyon. Binalaan niya kami bago kami umalis na ang aming nalaman ay para sa amin lamang at hindi na dapat pang kumlat dito. Pilit nilang inilalayo sa masasamang balita ang kapwa naming recruit. Ayon sa kaniya ay baka raw hindi pa handa ang kanilang mentalidad. Tinanong ko rin kung bakit sa amin ay ginusto niyang sabihin. Nagkibit balikat lamang siya at sinabing nakikita raw niyang kaya naming dalhin at itago ang ganitong klase ng impormasyon. Habang naglalakad nga kami ni Mia ay para bang may mga matang naka titig sa amin kaya napalingon ako sa aking likuran. "Ano 'yon?"  nagtatakang tanong sa akin ni Mia kaya muli akong napalingon sa kaniya. Umiling naman ako at bumalik na kami sa paglalakad, iginala ko kasi ang paningin ko kanina ngunit wala naman akong nakitang recruit na malapit sa amin. Baka guni-guni ko lamang iyon. Pagkabalik nga namin sa aming silid ay ibinagsak ko ang aking katawan sa aking kama. Grabe, para akong hindi humigi nang ilang araw at ganito na lamang ang comfort na aking nadarama. Para bang unti-unting hinihigop ng malambot na kama ang sakit ng aking katawan. Huminga ako ng malalim at muling iminulat ang aking mga mata na kaagad na sinalubong ng napakaputing kisame na ni isang agiw ay wala akong makita. "Mauuna na akong maligo."  Npataas ang aking ulo at nakita si Mia na papasok na sa banyo. "Sige." Sagot ko naman ay muling ibinalik sa malambot na kama ang aking ulo. Bigla na lamang sumagi sa aking isipan si Oliver, ewan ko kung bakit pero parang gusto ko siyang makita. Hanggang sa bigla nang mapuno ng mga alaala ang aking isipan at muli kong buhayin ang pilit kong kinakalimutang buhay. Nakakamiss din ang paglalaro ng online games, lalo na ang Free Shoot 4 na pinaka paborito ko sa lahat! Nakakamiss din ang pagpunta ko sa 8/12 upang bumili ng avocado icecraem. Pati narin ang paggro-grocery ko sa ATC! Napabuntong hininga na lamang akong muli dahil sinapak ako ng reyalidad na baka matagalan pa bago ko muling masubukang gawin ang mga baay na nakagawian kong gawin bago pa ako sumali sa organisasyong ito. Hanggang sa may tanong na pumasok sa aking isipan. Kaagad kong tumayo at dumiretso sa pintuan ng banyo. Pumasok ako doon at kinatok ang pinto ng banyo. "Ano 'yon?" tanong naman ni Mia at narinig ko ang pagpatay niya sa tubig. "Itatanong ko lang kung paano ka nagig recruit, kasi ako ay may na witness kasi akong bagay na konektado sa organisasyon." Sabi ko naman at hinihintay ang kaniyang magiging sagot. "Dating Variant ang mga papa ko." Sagot naman niya at bahagya akong nakaramdam ng pagkagulat. "Sa katunayan nga ay halos lahat ng mga recruit ay ganoon, may mga espesyal lamang na pagkakataon na nare-recruit ang isang tao kagaya ng nangyari sa iyo." Sabi pa niya. Napataas na lamang ang aking mga kilay sa gulat. Nagpaalam na ako at lumabas na ako mula doon, napahawak ako sa aking mga labi at muli akong sinampal ng katotohanan na maaring namatay na ako ay hindi ko pa malalaman ang tungkol dito! Maraming salamat sa aksidenteng iyon at nabigyan ako ng pagkakataong madiskobre ang kaalamang ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD