CHAPTER 14

1711 Words
Chapter 14: Recap Eunece, "Nakapag sulat ka na?" tanong sa akin ni Mia matapos niyang pumasok muli dito sa aming silid, galing siya sa cafeteria. Umiling naman ako at inilabas ko ang aking notebook at ballpen. "Magsusulat palang." Sagot ko naman bago ipinatong ang mga hawak ko sa aking mesa. Hinarap ko na ito at hinati ng aking kanang saliri ang notebook at napunta ako sa bakanteng pahina nito. Ito palang ang unang pagkakataon na susulat ako sa notebook na ito. Required sa aming mga recruit ang pagsusulat ng journal na magsisilbing weekly report namin. Sa katunayan ay kahapon lang ibinigay ni Zeid Lolita ang aming mga notebook. Inangat ko mula sa mesa ang aking ballpen at malumanay na ipinatong ang aking kamay sa pahina ng notebook. Napansin ko ang pag-upo ni Mia sa kaniyang upuan ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at nagsimula nang magsulat sa pamamagitan ng pagsusulat ko ng kung anong araw ngayon.  Isang linggo na ako rito simula noong Marso disisyete ng taong dalawanglibu't limanpo. Napakarami ko naring naging kasanayan dito sa organisasyon ngunit hindi ko parin maalis sa aking sarili ang ma-miss ang mga bagay na aking nakasanayan. Bigla ko na lamang naalala ang unang pagpunta ko rito, kung paano ako nailang na may kasama ako sa isang silid. Tapos napaka daldal pa ni Mia, hindi pa ako sanay sa kaniya noon pero ngayon ay naging mas malapit na kami. Mas bata siya ng isang taon kaysa sa akin pero sinabi ko sa kaniya na huwag na huwag niya akong tatawaging ate. Noong una'y naiilang talaga siya pero kaagad din naman niyang nakasanayan, parang magkasingedad lang naman kami kung titingnan. Pagkatapos noon ng orientation ay nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa dami ng impormasyon na dapat kong isaulo. Lalo na ang mga palapag dito sa gusali ng organisasyon at kung ano ang mga nakapaloob doon. Hindi naman gaanong importante ang mga palapag na nasa aming itaas sa ngayon pero mas maiging maging pamilyar na kaagad ako para mas maganda. Mabilis ko namang naisaulo ang mga ranggo ng mga Variants at sa kasalukuyan ay kabilang ako sa Beths. May tatlo pang mga ranngo at ito ay ang Teths, Zeids at Zeiths na kung saan ang Zeiths ang pinakamataas. Ayon din kay Zeid Bones ay kapag naging Variant na raw kami ay kailangan naming pumili ng squad na sasalihan. May dalawa kang pagpipilian, magpapasa ka ng application form o ang mga squad mismo ang lalapit sa iyo. Ang sabi ni Zeid Bones ay mas maganda kong ang ikalawang pagpipilian ang mangyayari kaya pinayuhan niya kaming pagbutihin ang aming pageensayo. Kaya narin siguro may ilang nambubully ng kapwa recruit nila dito dahil sa ilusyon na mas magaling sila kumpara sa iba. May napansin din ako kay Zeid Armando, hindi sa assumera ako pero pakiramdam ko'y ako ang pinapaburan niya sa aming batch. Kaya pakiramdam ko tuloy ay sigurado akong ang squad niya ang mismong kukuha sa akin. Wala naman akong problema doon pero ang target ko ngayon ay makuha ang pabor ng Zeith sa akin. Bukod tangi ang kanilang squad lalo na't pinangungunahan sila ng isang Zeith, kaya doble ang pagpoporsigi ko sa tuwing nasa klase kami ni Zeid Armando. Isang buong taon ang aming pagsasanay at sa huling araw ng taon na ito ay magaganap ang munting ascession. Kung saan kami ay sasali na sa isang squad at sa mga susunod na dalawang taon ay magsasanay na kami sa pangangalaga ng Zeid ng squad na iyon. Ang pinaka punto ng pagsasanay na iyon ay upang mas lalong mahasa ang kasanayan ng isang bagong Variant at upang masanay itong makipag koordina sa mga kasama niya. Iyon ang isa sa pinaka importanteng bagay sa isang squad, ang magtugma ang bawat galaw at isipan ng bawat miyembro. Dapat pinagkakatiwalaan mo ang iyong mga miyembro dahil sa bingit ng kapahamakan ay sila ang tutulong sa iyo. Iyon ang payo sa amin ni Zeid Armando. Minsan nga lang ay hindi ko maseryuso ang Zeid na iyon. Kakaiba minsan ang kanyang ikinikilos na para bang palaging nasa ilalim ng impluwensya ng alcohol kahit na hindi naman. Ang kagandahan lang sa kaniya ay hindi ako nakadarama ng pagkabagot kapag nagdi-discuss kami. Ayon sa kaniya ay hindi naman daw araw-araw na kailangan naming makipag sagupaan sa mga manikang gawa sa kahoy. Sa loob ng isang linggo na tinuturuan niya kami ng mga galaw na makakatulong sa amin kapag nasa mismong harapan na kami ng Leemur ay masasabi kong isa siyang mahusay na tagapagturo. Nakaya niyang ituro ang lahat ng alam niya tungkol sa mga baril at maging sa paghawak ng katana na talagang napabilib sa akin. Kahit na mukhang may edad na siya ay mabilis parin ang kaniyang paggalaw at talagang kayang-kaya parin niyang makipagsabayan sa mga recruit na nasa aking edad. "Uy, Eynece, kain ka muna." Tawag sa akin ni Mia at ipinatong niya ang kaniyang kaliwang kamay sa aking kanang balikat. Kaagad ko naman siyang nilingon at ibinaba ko na muna ang aking ballpen, hawak na pala niya ang aking hapunan. "Salamat." Kinuha ko na mula sa kaniyang kanang kamay ang isang bento box. Palaging nakalagay sa ganito ang aming hapunan at kompleto na rito ang lahat ng pagkain na naglalaman ng mga bitamina at protina na kinakailangan ng aming katawan upang maging mas malakas para sa susunod na araw. "Sabay na tayo." Sabi ko naman sa kaniya at itinabi ko na muna ang aking sinusulat. Tumango naman siya at mukhang nasiyahan siya sa aking sinabi. Pinagdikit namin ang aming study table at magkaharap na kumain. Pagkabukas ko ng aking bento box ay sinalubong nga aking ilong ang mahalimuyak na amoy ng beef sirloin. Meron ding broccoli at patatas, isang itlog at isang piraso ng pritong isda. Masaya kaming kumain dahil muli na namang napawi ang enerhiyang inubos ng aming katawan sa buong araw na pag-aaral. Nakaka refresh din ang isang bananamilk na inumin ko, ang kay Mia ay isang strawberrymilk ang sa kaniya. Matapos naming kumain ay iniligpit na namin ang aming pinagkainan bago muling bumalik sa aming sinusulat. Napagdesisyonan namin na hindi na ihiwalay ang mga mesa at magkaharap na lamang kaming sumulat. Para mas madami kaming maisulat, maari kasing may mga bagay na hindi maalala ng isa sa amin na naalala naman ng isa. Mabuti na lamang at pareho kaming si Zeid Lolita na ang bibigyan ng evaluation kaya naging mas madali ang aming pagsusulat. Ang pinakanatatandaan ko aky Zeid Lolita ay ang mamaldita niyang ekspresyon sa mukha ngunit  sa katunayan naman ay hindi. Nagawa ko naring kumalma sa tuwing nasa klase niya ako, sa unang dalawang araw kasi ay medyo nanlalamig ang aking mga palad. Wala naman kasi akong dapat na ikakaba dahil wala naman akong masamang gagawin. Hangga't nakakasabay kami at marami kaming katanungan ay maganda ang agos ng kaniyang pagtuturo. "Diba mas gusto ni Zeid Lolita kapag madami tayong tanong?" tanong sa akin ni Mia, mukhang pareho kami ng obserbasyon sa Zeid na nagtuturo sa amin tungkol sa mga bagay na dapat naming matutunan upang maka survive bilang Variant. Sa dalawang Zeid na nagtuturo sa amin ay wala naman akong problema. Pareho silang magaling sa laraangan na kanilang itinuturo at may natututunan naman ako. Talagang wala kang ibang magagawa kundi ang isaulo ang lahat ng kanilang itinuro. Dahil gaya nga ng sinabi ni Zeid Lolita, ang aming kaalaman ang magliligtas sa amin mula sa kapahamakan. Nakaramdam na ako ng antok at napahikab narin ako. Tiningnan ko ang relo sa aming dingding at napagtanto ngang nasa alas diyes na pala ng gabi. "Mauuna na akong matulog." Paalam ko kay Mia, nagsusulat parin kasi siya habang ako'y tapos na. Tiningnan naman niya ako bago siya tumango, tumayo na ako mula sa aking upuan at humiga na sa aking kama. Siya na raw ang bahalang magaayos sa aming mga mesa kaya kaagad na akong dumiretso sa paghiga. Pinilit kong matulog ngunit hindi ko nagawa dahil sa nakabukas na ilaw kaya umupo ulit ako. "Pwede ko bang patayin ang ilaw?" tanong ko sa kaniya, napatawa naman siya at tumango. "Hinihintay ko lang na sabihin mo." Sabi naman niya habang ako'y naglalakad palapit sa switch ng ilaw. Kaagad na kinapa ng dalawa kong daliri ang switch atsaka ito pinindot. Nakarinig ako ng isang tunog mula rito at kasabay no'n ay ang pagkapatay ng mga ilaw. Tanging ang desk lam na lamang ni Mia ang naka bukas at nagbibigay liwanag sa kaniyang sinusulat. "Hindi ka pa ba tapos?" tanong ko sa kaniya pagka-upo ko sa aking kama. Umiling naman siya, "Kunti na lang." Sagot naman niya tumango narin ako at ginulo ko ang aking buhok bago ko inalis mula sa aking mga paa ang tsinelas na suot ko. "Goodnight." Sabi ko at muling kinumutan ang kalahati ng aking katawan at ipinikit ang aking mga mata. Habang hinihintay ko ang pagkahulog ko sa mahimbing na pagtulog ay bumalik ang mga alaala ko na kung saan ay kasama ko pa ang aking mga magulang. Kaunti lamang ang alaala ko sa kanila dahil sabay silang nawala noong bata pa ako kaya kina tita na ako lumaki. Paring naging tunay ko na nga silang mga magulang at kaya narin siguro hindi ako naging mahinhin na dalaga dahil sa dalawa kong lalaking pinsan. Sira rin ang mga kasama ko sa pagsali sa taekwondo noon at ang nag impluwensya sa akin upang maadik din sa mga online games. Naalala ko pa nga noong nasa highschool palang kami ay imbes na dumiretso sa bahay ay dumidiretso kami sa mga computer shop. Napaka saya nga namang maging batang muli, ang tanging problema mo lamang ay kung saan ka hihingi nang sampung piso upang pang computer mo ng ilang minuto. Habang inaalala ko nga ang aking naging kabataana y naramdaman kong may isang butil nang luha ang umagos mula sa aking mga mata. Mabuti na lamang at madilim na kaya hindi na ito napansin pa ni Mia nang humiga narin siya sa kaniyang higaan. Unti-unti na akong nahulog sa mahimbing na pagkatulog at bukas ay muli akong babangon upang labanan na naman ang isang buong araw ng pagsasanay at salubungin ng magaan at walang problema ang bagong linggo na paparating. Ramdam ko na umikot ang aking diwa na paraa bang nahulog sa isang butos at sa huling pagkakaalam ko, ako'y nakatulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD