CHAPTER 15

1754 Words
Chapter 15: Prisoner Oliver, Habang naka upo ako dito sa matigas na lupa ay hawak ko sa aking kaliwang kamay ang aking paniluat at ipinatong ko naman sa aking kanang hita ang aking journaling notebook. Nagsusulat ako rito habang pinipigilan ng kanan kong kamay na madulas ang libro, kailangan ko itong gawin hangga't kaya ko. Madami na akong naisulat dito at sa katunayan ay ilang notebook narin ang aking nagamit. Bago lamang ang notebook na ito at ang nakasulat lamang ay ang unang pagbaba namin dito sa palnetang ito. Mabigat man sa aking kalooban ay isinulat ko ang nangyari sa aming squad matapos kong isulat ang petsa. Habang abala ako sa pagsusulat ay napapatingin ako sa labas ng aking kulungan habang dumadaan ang mga naglalakihang Leemur. Hindi ko na lamang sila pinapansin dahil hindi rin naman nila ako pinapansin.  Maituturing ng wasteland ang buong planeta ngunit hindi ko lubos akalain na may magkakainterest din dito bukod sa amin. Ang nakakapanggulat pa doon ay napasunod nila ang mga Leemur na kilala sa amin bilang mabagsik na nilalang. "Wenla."  Kaagad kong ibinulsa ang hawak kong notebook at panulat nang marinig ko ang isang boses. Kaagad akong lumingon sa aking ibaba at nakita ang nilalang na dumakip sa akin palabas sa isang tent. Ito ang pinagpapahingaan ng mga nilalang na kagaya niya. Nagkataon na ang tent na nasa aking ibaba ay ang pinakamalaki at pinakamalawak sa sampo kaya malakas ang kutob kong ang leader nila ang mismong naririto. Sumipol ang nilalang at mabilis na rumisponde ang isang Leemur na nasa normal lamang ang laki at nasa uregular lamang ang threat nito. Mas napaatras pa ako sa aking kulungan nang mapansing tumaas ang nilalang sa tulong ng Leemur. Tinitigan lamang niya ako at humawak sa mga bakal na matiryales ng aking kulungan. "Urayen nak, subliyanan kanto metlang." Sabi niya, ewan ko kung nagsasalita ba siya pero wala akong naintindihan ni isang salita mula sa kaniya. Tiningnan ko sya ng may pandidiri bago niya ako muling iniwan pero bago iyon ay pilit niya akong inaabot pero bigo lamang siya.  Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata at nagsimulang inalaala ang lahat ng aking mga librong binasa tungkol sa mga extraterrestrial beings pero kahit na anong piga ko sa aking isipan ay wala akong maalalang indikasyon sa mga nilalang na nakikita ko ngayon. Mabilis kong iminulat ang aking mga mata dahil sa isang mahina ngunit nakakaalarmang beep na tunog. Tiningnan ko ang aking braso at may pinindot ako sa aking suot na gear at nagpakita na ang percentage ng aking oxygen. Below fifty na ito at nasa warning point na.  Mukhang susunod din ako sa aking squad matapos ang ilang oras. Isinandal ko na lamang ang aking ulo sa bakal ng aking kulungan hanggang sa malala kong ituloy ang aking sinusulat. Mamatay narin lang naman ako ay kailangan ko nang gamitin ang natitira kong oras upang ilahad ang lahat ng aking nakikita rito. Kung sa kaling mang may magre-rescue sa akin ay makakatulong ito sa kanila sa pagkalap at pagkilala sa maaring panibagong makakalaban ng mga tao. Masugid kong inilahad sa aking sinusulat ang lahat ng ditalyeng aking nakikita at napapansin dito sa planetang ito. Wala pa akong masyadong maisulat tungkol sa mga bagong nilalang dahil iisa palang naman ang aking nakita. Kailangan ko pa ng mas matagal na obserbasyon sa kanila bago ako makapagsulat ng mas detalyadong impormasyon bukod sa pisikal nilang anyo at ang lenggwaheng hindi ko lubos maintindihan. Ngunit mukhang hindi ko na magagawa pa ito dahil nasa bainte pursyento na lamang ang natitira sa aking oxygen. Habang abala ako sa pagtatalata ay napansin ko ang pagbalik ng nilalang na lumapit sa akin kanina, nakasakay siya sa isang Leemur at tila ba may bitbit ito. Mas naging mabilis ang pagkaubos ng aking oxygen dahil sa mas bumilis ang t***k ng aking puso, kahit pa sabihin kong kumalma ang aking sarili pero ang totoo ay hindi ko naman kayang ibalik sa normal na bilis ng pagtibok ang aking puso. Muli kog ibinalik sa aking bulsa ang aking panulat at notebook nang biglang kumapit sa aking kulungan ang nilalang na kanina'y nasa malayo lamang. Nagtitigan kami at hanggang ngayon ay hindi parin maproseso ng aking utak ang aking nakita sa likod ng kaniyang maskara. Binuksan niya ang aking kulungan at upang masiguro nilang hindi ako tatakas ay may ilang regular na Leemur ang pumalibot sa paanan ng aking selda. As if kapag tumakas ako dito ay makakabalik kaagad ako sa Earth.  Winasak nila ang aming sasakyan at wala narin ang aking mga kasama, naiwan ang mga blue stones sa loob ng rover at hindi ko alam kung naroroon pa iyon malapit sa puno ng Yggdrasil na sa pagkakatanda ko ay hinati ng nilalang na ito sa dalawa. Muntikan pang madaganan ang aking kaliwang paa nang ihagis niya papasok ang isa sa mga tangke ng oxygen na bitbit niya. Hindi ko ito pinansin at mas lalong hindi ko pinansin ang nilalang, ramdam ko sa aking buto ang kaniyang pagtitig kaya't mas inilihis ko pa sa aking gawing kanan ang aking mukha. Mukhang tama nga ang aking nakita bago niya ako dalhin at ikulong dito. Nakumpirma ko ito nang magsalita siya matapos niyang isara ang kulungan at umalis mula sa aking harapan. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong muli siyang pumasok sa loob ng tent habang dalda ang ilan pang tangke ng oxygen. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago mabilis na hinila ang tangke at itinayo ito. Inalis ko ang kadugtong na bag ng aking uniporme dahil naroroon ang aking gamit na tangke ngayon at ang hose nito. Inihanda ko na muna ang lahat bago ako huming ng malalim at nagpigil ng hininga. Mabilis kong inalis ang hose mula sa lumang tangke papunta sa bagong tangke. Mabuti na lamang at nasanay na ako sa mabilis na pagpapalit ng tangke at hindi na muling naulit pa ang nangyari sa akin noong unang sabak ko sa Mirror Dimension. Sa sobrang taranta ko kasi noon ay nabitawan ko ang hose at muntikan na akong mahimatay mula sa tagal ng pagpipigil ko ng hininga, mabuti na lamang at kaagad akong tinulungan ng aking namayapang Zeid. Muli kong itinuloy ang aking paginga nang matagumpay kong maisaayos ang bagong tangke. Inilagay ko na ito sa loob ng bag at muling isinabit sa aking mga balikat. Isinandal ko ang aking ulo sa malamig na bakal ng aking kulungan at tumitig lamang sa kawalan. Mapula-pula ang kalangitan dito at hindi ko rin matukoy ang oras. Humalukipkip ako at habang nakatingala ako ay naningkit ang aking mga mata nang mapansin ko ang paglitaw ng dalawang buwan mula sa kalangitan. Muli nang kumalma ang t***k ng aking puso dahil narin siguro sa hindi ko aalalahanin ang aking hininga sa susunod na isang araw. Unti-unti akong nakaramdam ng antok hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang aking mga mata at mahulog sa isang mahimbing na tulog. Napabaringkwas ako at tinitigan lamang ang aking kanang kamay na para bang may inaabot na bagay sa aking harapan. Prinoseso muna ng aking utak ang nagyari bago ko ibinaba ang aking kamay pabalik sa aking hita. "Panaginip lang pala." Bulong ko sa aking sarili at nabaling ang aking tingin sa aking paligid at napansin ang kadiliman sa buong kalupaan. Nakakarinig parin ako ng mabibigat na paghakbang ngunit mas tahimik na kumpara kaninang maliwanag pa. May dalawang malalaking sulo na nakatuhog paitaas mula sa lupa. Ito ang nagbibigay liwanag sa harapan ng tent at maging sa aking kulungan. Maliwanag din ang loob ng mismong tent kaya nakikita ko ang mga anino ng nasa loob. Nasa anim ang anino ng persona na aking nakita at wala ng iba. Tila ba nag-uusap sila gamit ang lenggwaheng hindi ko maintindihan.  Nang wala akong makitang pupukaw sa aking interes ay inilabas ko na lamang ang aking panulat at notebook. Salamat sa dalawang maliliit na ilaw mula sa suot kong helmet ay naliwanagan ang pahina ng notebook na aking susulutan. Mukhang ang notebook na ito ang aking makakakwentuhan sa susunod na mga labi ng aking buhay.  Nagkibit balikat na lamang ako at pinisil ko na ang buton sa kabilang dulo ng aking ballpen at lumabas na ang panulat. Idinikit ko ito sa pahina ng notebook at nagsimula nang magsulat ng mga salitang tumutukoy sa aking nararanasan sa kasalukuyan. Muli nanamang naudlot ang aking pagsusulat ko nang bigla akong magulat mula sa isang alulong ng Leemur. Muntikan ko pang mabitawan ang aking panulat at mabuti na lamang ay kaagad ring nakabawi ng lakas ang aking kamay na may hawak nito. Nagkunot ang aking noo at nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa pagtataka sa kung ano at saan nagmula ang alulong na iyon. Dinig ko rin ang malakas na pagtama ng mabigat na tela mula sa isa pa at nang lumingon ako sa aking paanan ay lumabas ang isa sa mga nilalang. May hawak siyang bagay na para bang ginagamit niya ito ng parang isang binoculars. Makalipas ang ilang sandali ay nakatanaw ako ng panibagong liwanag at mas tumaas ang aking mga kilay.  Maari kaya?! Gumapang ako sa aking kulungan at mabilis na inilabas ang isang device sa aking bulsa at kaagad na pinindot ang trigger na ito. Naglabas ito ng kulay pulang asok na talaga namang nagliwanag sa kalangitan at tumunog rin ito na parang sa isang pagsabog. Nagulantang na lamang ako nang biglang sumulpot sa aking harapan ang nilalang at mabilis na hinablot ang flare gun mula sa aking kamay. Ngumis ako, kahit pa sirain niya iyon ay nakapag padala na naman na ako ng sinyales kung nasaan ako. Marahas akong hinila palabas ng nilalang na ito at ibinaba sa lupa. Ipinasok niya ako sa loob ng tent at iniharap sa iba pang mga nilalang na katulad niya. Iisa lamang ang kanilang kulay na kulay asul ngunit ang kanilang tangkad ay magkakaiba. "Aridta dan, kasapulan tayo to umalisen!"  Hindi ko naintindihan ang pinagsasabi niya pero sa tingin ko ay binalaan niya ang kaniyang mga kasma. Nagmadali silang nag empake at kaagad na dumaan sa likurang bahagi ng tent. Kaagad silang sumakay sa mga Leemur at maging ako, hawak parin ako ng nilalang na ito. Nakarinig ako ng sunod-sunod pang alulong at diretsong putok ng baril, may mga malalakas ding pag sabog na para bang nagsimula na ang digmaan sa kabila. Napangisi na lamang ako at sa aking isipan ay ini-imagine ko na ang kaganapan ngayon ay isang prison break. Malay ko kung naririyan si papa, baka matunghayan ko nanaman ang kaniyang pambihirang kakayahan sa digmaan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD