CHAPTER 16

1835 Words
Chapter 16: The Chase Oliver, Hindi ko magawang sumigaw dahil sa may takip ang aking bibig. Lulan parin ako ng isang Leemur kasama ng nilalang na ito. Madaming kaisipan ang tumatakbo sa aking utak kaya't hinid ko na inintindi pa ang pagtaas baba ng aking katawan. Ilang saglit pa ay nahugot ako pabalik sa kasalukuyan nang biglang may maliwanag at mainit na bagay ang dumaan sa aking tabi. Nakailag naman ang sinasakyan naming Leemur kaya't sa lupa tumama ang isang malaking bala. Patuloy sa paghabol sa amin ang aking mga kapwa Variant, naririto sila upang i-rescue ako at iligtas mula sa mga kamay ng mga nilalang na mga ito. Patuloy ang pagpapalitan ng bala at kanina ko lamang napagtanto na hindi lamang sila basta-bastang sumakay sa mga Leemur. Napansin ko kasi ang mga bagay na nakakabit sa katawan ng Leemur na ito, kagaya na lamang ng saddle na inuupuan niya na tila ba ipinasadya para maging komportable siya. May lalagyanan din ng baril na kaniyang hawak sa ngayon at ginagamit upang mag paputok sa mga Variant na humahabol sa amin. Likas na mabibilis ang mga Leemur at talagang madali lamang ang kanilang pag mamanubre, mas lalo pang dumoble ang kanilang instict dahil sa mga nilalang na ito na kumokontrol sa kanila. Panay ang pagpupumiglas ko ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali niya sa akin dito sa kaniyang likuran. Muntikan pa kaming sumubsob nang maapakan ng Leemur na sinasakyan namin ang isang malalim na butas, kaagad naman itong nakabawi gamit ang kaniyang dila na ginamit niya bilang pangkuha ng lakas upang makaalis sa butas. Walang Variant na kaagad na nakalapit sa amin dahil sa tila ba pagprotekta ng ibang mga nilalang sa kanilang kasama. Muling nakabalik sa mabilis na pagtakbo ang Leemur at muli kaming nakalayo sa mga papalapit nang mga Variant. Mabibilis din ang aming mga rover ngunit hindi maikakaila na kailangan pa ng mas masusing pagsusuri sa aming ginagamit na mga sasakyan, marami pang dapat maayos upang maging mas matulin at mapaganda ang serbisyong maiaalok ng sasakyang ito. Tila ba naiinis na ang nilalang na kasama ko na kahit hindi ko naiintindihan ang kaniyang sinasabi ay ramdam ko ang pagiging mabigat ng mga ito na maikukumpara ko sa pagmumura ng isang normal na tao sa Earth. Wala akong ibang ginawa kundi ang panatilihing nakabukas ang aking mga mata, nakatali ang aking mga kamay sa akin likuran at maging ang aking bunganga ay may takip din. Pinapanood ko na lamang kung gaano sila magpalitan ng mga bala. Napanatili ng Leemur ang dati nitong bilis ngunit sa tingin ko'y kami ang nahuhuli, hindi ko kasi matanaw ang iba [ang mga nilalang mula sa aking peripheral view. Napailag na lamang ako ng mapansin ko ang mabilis na pagbulusok ng bala sa aming direksyon. Tanaw ko mula sa malinaw na salamin ng aking suot na helmet ang pagdaan ng bala sa aking tabi. Ilang saglit pa ay bumagsak kami sa lupa at muntikan pa akong sumubsob sa lupa mabuti na lamang ay kaagad kong naitulak ang aming katawan gamit ang aking mga paa. Mabilis namang tumayo ang nilalang na kasama ko at inalis niya ako sa kaniyang likuran, buhat-buhat niya kasi ako na para akong isang bag.  Nakahiga ako sa lupa at medyo nahihirapan akong itayo ang aking sarili. Tumigil din ang mga kasama ng nilalang na ito habang siya'y lumuhod sa kaniyang kanang tuhod at nag-inat siya bago itinaas ang kaniyang mga kamay at sinimulang nagpaulan ng bala. Tanging ang ilaw ng mga rover at ng mga apoy na lumalabas sa bawat pagputok ng mga baril ang siyang nagbibigay liwanag dito sa madilim na planetang ito.  Dahil sa abala sa pagpapaputok ang nagbabantay sa aking nilalang ay iginulong ko ang aking sarili at mabilis na itinaas ang aking mga paa sa ere. Huminga ako ng malalim at mabilis na ibinangon ang aking sarili, kinuha ko ang aking lakas mula sa aking abdomen at kahit papaano ay tagumpay ko namang naitayo ang sarili. Nakaramdam ako ng saya ngunit hindi ako magdidiwang hangga't hindi ako muling nakakasakay sa isang rover at pabalik na sa Earth. Umatras ako mula sa nilalang na nasa aking harapan at nang tangka ko nang tumakbo ay nanigas ang aking buong katawan ng makadama ng matigas na bagay sa aking likuran. "Papanam?" Hindi ko naintindihan ang kaniyang sinabi ngunit awkward akong tumawa ng maikli bago bumalik sa kung saan ako nakahiga kanina. Umupo ako doon at nanigas na parang bato, ramdam ko parin kasi ang baril na nakatutok sa likuran ng aking ulo kaya minabuti ko na lang na hindi gumalaw. Akala ko pa naman ay makakatakas na ako! Panandaliang natigil ang putukan at lumitaw ang lahat ng rover sa aming harapan, napakaliwanag ng kulay asul na ilaw nito. Ang mga nilalang naman ay magkakatabing tumayo habang hawak ako sa leeg ng nilalang na nagtutok ng baril sa aking ulo. Nakatutok ngayon sa aking kaliwang sentido ang kaniyang baril kaya wala akong ibang nagawa kundi ang makaramdam ng takot ang panginginig sa aking katawan. Napansin ko ang pagsulong paharap ng isa sa mga rover na nasa gitna at mula sa loob ko ay natanaw ko ang seryusong mukha ng aking ama. Nagpadala na sila ng Zeith. Napansin ko naman ang pagngitngit ng mga ngipin ng nialalang na nasa gitna na kung ibabase ko sa hitsura ang pagtukoy ko sa lider ng isang grupo ay masasabi kong siya ang lider. Mahahaba ang kaniyang mga biyas, maayos ang kaniyang buhok o kung ano man iyan. Maliban sa kanilang lahat, siya lamang ang nakikita ko ang pagmumukha at maikukumpara ko ito sa isang ahas na pininturahan ng kulay asul at may mga kulay pilak na mga kaliskis sa paligid ng kaniyang mukha. Tila ba nagbabato siya ng matatalim na tingin sa aking ama habang siya naman ay nakatayo lamang ng may dangal at tapang. Napansin ko ang paglihis ng kaniyang paningin sa akin at nagawa niyang kumindat ng ako lamang ang nakapansin. Nag-inat ang nilalang na nasa gitna bago niya mahigpit na hinawakan ang kaniyang napakahabang kulay puting baril. Napataas naman ang aking kilay nang hindi man lang gumalaw ang rover na sinasakyan ng aking ama. Balak ba niyang magpakamatay?! Napapikit na lamang ako nang pindutin ng nilalang ang trigger ng kaniyang baril at nakarinig ako ng isang pag atake na para bang isang laser beam. Nagawa kong sumilip at tama nga ako, isang kulay lilang linya na dumiretso sa kanina'y kinaroroonan ng mga rover. Naningkit na lamang ang aking mga mata at tumayo sa lupa. Inalis ko ang kamay na nakahawak sa aking leeg at mabilis na lumingon sa aking likuran. Pagkabitaw ko sa kamay na nakahawak sa aking leeg kanina ay sumalampak sa lupa ang buong katawan nito. Napatingin ako sa aking kanan at napabuntong hininga na lamang ako nang makita ang aking ama habang hawak niya sa leeg ang lider ng mga nilalang na mga ito. Sa kaniyang kaliwang kamay ay ang walang malay ng nilalang na dumukot sa akin kanina. Tiningnan ako ni Zeith Santos bago inihagis ang walang malay na nilalang papunta sa akin. Kaagad kong nilapitan ito at inilapit ang aking dalawang daliri sa kaniyang pulso sa leeg. May pagtibok pa kaya buhay pa ang isang ito. Kaagad akong lumapit sa namatay na Leemur na sinasakyan namin kanina, lumapit ako sa isa sa mga bag nito. Mabuti na lamang at ang bag na hinahanap ko ay hindi nito nadaganan. Kaagad kong inilabas doon ang isang tangke ng oxygen na may kasamang hose. Bumalik ako sa nilalang na walang malay at mabilis na inilagay sa kaniyang ilong at bibig ang nasal cannula. Hindi ko alam kung paano siya napunta rito at humantong sitwasyon ngunit isa lamang ang aking nasisiguro, isa siya sa amin. Nabalik ang aking paningin sa aking ama nang makawala sa kaniyang mga kamay ang lider ng mga nilalang. Kaagad akong lumayo sa kanila at binuhat ang katawan ng babaeng ito matapos nilang magsimulang magsagupaan. Matagal ko ring hindi nakitang makipaglaban ang aking ama, hindi ko rin inaasahan na meron ding dalang ibang armas ang nilalang. Nakahawak siya ngayon ng isang espada na mas mahaba pa sa hawak ng aking ama. Ang pagtatama ng kanilang mga sandata ay lumilikha ng napakalakas na pagyanig hanggang sa mapansin ko ang mabibigat na yapak sa lupa. Umalulong ng sabay-sabay ang mga Leemur at nagulat na lamang ako nang may humila sa amin paitaas. Ipinasok na nila ako sa isa sa mga rover at kaagad nilang tiningnan ang aking katawan kung wala ba akong natamong sugat, mabuti na lang ay wala. Kaagad nilang nilapatan ng paunang lunas ang babaeng walang malay at ipinagpatuloy lamang nila ang pagbibigay ng oxygen sa kaniya. Pinindot ko ang isang buton sa aking tenga at kaagad naman itong nag respond at nawala ang salamin na nakatakip sa aking mukha. Sumilip ako sa labas at patuloy parin sa paglalaban ang dalawa. Para bang meron silang inirerepresentang uri ng elemento, sa aking ama ay isang kalmadong hangin ngunit mabilis at malakas samantalang ang nilalang naman na kaniyang katunggali ay pinagyelong tubig na siyang napakadelikado. Hindi nila ininda ang paglapit ng mga Leemur sa kanila, marahil sila'y nagising mula sa ingay at lakas ng pagyanig sa lupa na nililikha ng da;awang naglalaban sa  taas. Kinailangan namang itaas ng nagmamaneho sa rover ang buong sasakyan upang maiwasan ang mga naglalakihang mga Leemur. Lumutang paitaas ang nilalang at naglabas ng liwanag ang kaniyang buong balat bago mabilis na bumulusok papunta sa aking ama. Napnsin ko naman ang paghinga niya ng malalim at hinawakan ng kaniyang dalawang kamay ang kaniyang espada. Muli kong natunghayan ang paggamit ng aking ama sa kaniyang famillira. Nagmistula siyang isang buhawi at mabilis na lumipat ng pwesto. Tumama sa lupa ang nilalang at wala na itong nagawa nang ang aking ama na ang maging sa itaas. Nagpaikot-ikot ito bago mabilis na tumama sa nilalang, nang masilayan ko silang muli ay nagulat ako nang may yelong pumalibot sa katawan ng nilalang. Hindi ito naging mabilis dahil sa nakatusok ang espada ng aking ama sa kamay ng nilalang. Kaagad naman na hiniugot ni papa ang kaniyang espada nang may isang dilang pumulupot sa tila ba nagyelong nilalang. Nagpatalon-tallon sa ere si Zeith Santos at inaapakan niya ang mga Leemur na nasa kaniyang palibot hanggang sa matagumpay siyang nakapasok dito sa rover na aking sinasakyan at siya narin mismo ang nagsara sa pinto. "Bumalik na tayo." Sabi niya at tiningnan ako bago siya tumango. Nakahing ako ng malalim ng makita ko nang muli ang time paradox. Hindi ko lubos akalain na nabigyan ako ng bagong pagkakataon upang mabuhay.  Iniupo ko ang aking sarili sa isang bakanteng upuan at nasa harapan ko naman ang aking ama. "Nauna na naming nakuha ang mga labi ng iyong mga kasama at nakasakay sila sa isa sa mga rover." Sabi niya sa akin ng hindi man lang niya ako nililingon. Hindi ako umimik at tumitig lamang sa labas. Bumuntong hininga ako at isinulat sa salamin na nasa aking harapan ang pangalan ng aming squad. Hanggang sa muli mga kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD