CHAPTER 17

1896 Words
Chapter 17: Talk of the Crowd Eunece, "Ano ba iyan, napaka late naman nilang mag cancell ng klase!" reklamo ng aking kasama matapos niyang basahin ang notice sa kaniyang cellphone. Inihiga niya ang kaniyang sarili sa kaniyang kama at itinakip ang unan sa kaniyang mukha. Napangisi naman ako habang tinutuyot ang aking buhok. "Hindi na bale, at least hindi ba tayo nakakarating sa classroom." Sabi ko naman at tumalikod ako sa kaniya, nakaupo kasi ako sa harapan ng aking mesa at nakatingin sa aking salamin. Sinusuklay ko ang aking buhok habang nagbubuga ng mainit na hangin ang hari dryer na gamit ko. Narinig ko ang pagmamaktol ni Mia kaya napaingon ako sa kaniya, nagkatitigan kami at napatawa na lamang ako nang makita ko ang magulo niyang buhok. "Kung sinabi nila ng maaga edi sana tulog pa ako ngayon!" reklamo niya ulit at hinawi niya ang nakaharang na buhok sa kaniyang mukha. Napailing naman ako at pinatay na ang hair dryer na hawak ko at ipinatong ito sa mesa. Ipinatong ko ang aking kanang kamay sa sandalan ng aking upuan upang maging mas komportable ako sa paglingon sa kaniya. "Biglaang meeting nga raw." Ipinaalaala ko sa kaniya ang naka indicate na rason sa notice kung bakit wala kaming klase ngayon. Hindi na nakasagot pa si Mia at inihiga niya ulit ang kaniyang sarili. "Matulog ka na lang kaya ulit." Suhestyon ko sa kaniya habang inaabot ko ang aking cellphone. "Paano, ginising na ng malamig na tubig ang diwa ko kanina." Sabi naman niya kaya napakibit balikat na lamang ako. Talagang naiinis siya dahil sa mga tunog na kaniyang nililikha. Hindi ko na lamang siya pinansin at nag basa na lamang ng mga articles na under sa kompanya.  Meron din kasing parang f*******: na dinevelop ang kompanya para kahit papaano ay may ginagawa naman kaming iba bukod sa pagsasanay.  Tila ba nataranta ako nang mabasa ko ang lahat ng mensahe ng aking mga ka batch. Magkakapareho ang kanilang pinupunto kaya mabilis akong pumunta sa search box at inilagay ang pangalan ni Sussy kasama na ng kaniyang apilido. Nagulat naman ako nang biglang magmura si Mia kaya napalingon ako sa kaniya, eksaktong nasa profile na ako ni Sussy at nakita ko na ang kaniyang post. Nag send na ang mga ka batch ko ng mga screen shots ngunit minabuti kong makita mismo ang post. "Hayop na Sussy 'yan!" sigaw ni Mia at lumapit sa aking tabi. "Sabihin ba namang nilalandi natin si Zeid Bones!" Sigaw pa niya at mabilis na umupo sa akin. Habang binabasa ko naman ang mga comments sa post ay wala akong ibang nagawa kundi mapamura at mapakuyom ang mga kamao. "Saan naman niya napulot ang salitang p****k?!" Ipinalo ko ang aking kamao sa aking mesa dahil sa sa galit. Nagkatinginan kaming dalawa ni Mia at napag kasunduang sapakin ang pagmumukha ng babaeng iyon. Mabilis kaming lumabas mula sa ming silid at pagkalabas nga namin ay pinagtitinginan kami kaagad ng aming kapwa recruit. May ilan pangang nagbubulungan ngunit hindi namin sila pinansin at dumiretso lamang kami sa cafeteria. Marami din ang mga recruit doon dahil nga doon ang nagsilbing tambayan ng lahat, lalo na ngayong wala kaming mga klase. Mas malala ang dinatnan namin dito dahil grupo-grupo sila at kung makatingin ay para bang sinusunog na nila ang aming mga kaluluwa. "Prostitute." Bulong ng isang babae sa aking gawing kanan at kasabay no'n ay kaniyang mahinang pagtawa. Tila ba pinasabog ang aking tenga kaya't tumigil ako sa kaniyang harapan atsaka ko siya binigyan ng isang side glance at dahan-dahang nilingon. "Anong sabi mo?" tanong ko sa kaniya, pinaningkitan ko siya ng mata at itinuro ko ang aking tenga. "Wa-wala." Sagot niya at hinila na siya ng kaniyang kasama paalis sa amin. Nang lumingon akong muli sa aming dinadaanan ay tinitigan ko ang mga nasa amiung tabi at bigla na lamang silang nag si alisan sa aming lalakaran. "Oh, there they are."  Kumulo ang aking dugo nang marinig ko ang boses ng animal na babaeng 'yon!  Napansin ko rin ang panggagalaiti ni Mia kaya't matalim naming tiningnan ang trio sa aming harapan, power puffgirls na madudungis! May pa palakpak pa ang hayop! Tumayo sila mula sa kanilang kinauupuan at humalukipkip sa aming harapan. "Ano 'yong pinapakalat mo ha?!" tanong ni Mia sa babaeng mukhang dragon. Ngumisi naman ang kausap niya, grabe never akong nakakita ng ganitong mukhang napakagandang sampalin! "Bakit, hindi mo ba nabasa, gusto mo bang ulitin ko pa?!" mataray niyang sabi, may pa irap-irap pa siya, eh kung kalbuhin ko kasa ang kilay at pilik mata niya?! Hindi nakapagsalita ang aking kasama kaya nagtawanan silang tatlo, pinalibutan naman kami ng mga tsismoso at mga tsismosa na walang ibang ginawa kundi ang makisawsaw. Well, gaya nga ng sabi nila, mas magandang inumin ang tsaa kapag mainit pa. Binigyan niya ako ng isang mataray na tingin ng pinaatras ko ng panandalian si Mia, parang iiyak na kasi siya. Siyempre hindi naman ako papatalo sa kaniya, aba'y sana'y akong makipag bardagulan! "Mukhang sinadya mong siraan kami ngayong walang mga Variant dito ah." Sabi ko at siniguro kong dama niya ang angas, tumaas ng panandalian ang aking mga kilay. "Ay oh, akala ko mapurol ang utak ng p****k na ito!" nagtawanan ang lahat ng nasa loob ng cafeteria kaya muling umiral ang aking galit. Nakitawa ako ng panandalian bago ko siya mabilis na hinawakan sa kaniyang kwelyo. "Anong sabi mo?" tanong ko sa kaniya, kalmado ang aking boses ngunit siniguro kong maiintemida siya. Ngumis lamang ako nang hindi niya magawang ulitin ang tnawag niya sa akin. Nagulat na lamang ako nang bigla na lamang may mag hila sa akin palayo sa babaeng bruhang iyon! May isang babae ang nakahawak kay Mia at ang mga kasama naman ni Sussy ang may hawak sa aking magkabilang mga kamay. Tiningnan ko sila ng matalim ngunit hindi sila naintimida at mas lalo pa nilang hinigpitan ang hawak sa aking mga kamay. Napansin ko naman ang pagsasaayos ni Sussy sa kwelyo ng kaniyang uniporme bago siya tumingin sa akin at napapikit na lamang ako nang bigla niya ako duraan sa aking pisngi.  Tama na, sumusobra na siya! Binali ko ang aking leeg at kasabay no'n ay ang unti-unting pangmulat ng aking mga mata at inihipan ang buhok na tumakip sa aking mukha. Natigil sila sa pagtatawanan nila at maging ang pagsisigawan nila ng salitang p****k at p********e. "What you gonna do, slap me?" tanong niya at tumawa siya sa aking harapan. Ngumisi naman ako at tinitigan lamang ang pangit niyang mukha habang pinipilit niyang tumawa. "You bet." Mabilis kong inagaw ang aking mga kamay mula sa dalawa at mabilis ko silang pinag untog. "Ahhh!" sigaw ni Sussy ngunit kaagad ko siyang nalingon at nahawakan ang upuan na ipapalo sana niya sa akin. "First thing first, huwag kang sisigaw kapag balak mong mag sneek attack." Sabi ko at kaagad na inagaw ang upuan sa kaniyang mga kamay at itinulak siya sa sahig. Ibinaba ko ng maayos ang upuan at umatras ang mga recruit na nasa tabi ko, binigyan ko muna sila ng isang side glance bago ko ibinalik ang aking atensyon kay Sussy. Habang papalapit ako sa kaniya ay umaatras siya palikod. Kapansinpansin ang takot sa kaniyang mukha habang siya'y lumalayo sa akin. "Sorry na, na inaamin ko nang iniba ko 'yong nakita ko." Sabi niya at nag peace sign pa siya, hindi ko iyon inintindi at patuloy lang ako sa pagsunod sa kaniya. "Mga kasama, hindi totoo ang pinost ko, puro kasinungalingan lamang iyon para siraan silang dalawa!" sigaw niya sa lahat, muling nagkaroon ng bulungan dito sa loob at napakabilis nilang mag switch. "Sige na sapakin mo na 'yang sinungaling na 'yan!" sigaw ng isang lalaki hanggang sa masundan ito ng iba pa. Mas tumindi pa ang takot sa kaniyang mukha at dinig ko mula sa aking likuran kong paano nila hulihin ang dalawang mga kasama ni Sussy. Dinig ko din ang paghingi nila ng tawad kay Mia at ang pagpapatahan nila sa kaniya. Hindi ko namalayang umiyak pala siya. "Sorry na, diba mabait ka?" Sabi niya at nag peace sign siya ulit, as if mapapatawad ko siya kapag ilang ulit niya iyong gawin. Ngumisi lamang ako at mabilis na hinawakan ang dalawa niyang mga kamay matapos kong upuan ang kaniyang sikmura. Napapikit siya at ginamit ko ang kaniyang kamay upang alisin ang kaniyang dua sa aking pisngi.  "I ain't no saint."  Ilang beses ko siyang pinagsasampal at ipinakain ko sa kaniya ang sarili niyang dura, ibinabalik ko lang ang kaniyang basura. Matapos no'n ay inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang kanang tenga upang ibulong ang gusto kong sabihin. "Subukan mong magsumbong, ilalaglag din kita." Bulong ko at matapos no'n ay muli ko siyang pinagsasampal at dahil naalala ko kung gaano ako kairitable sa mga pagtaas ng kaniyang kilay ay hinila ko ng mabilis ang dulong bahagi ng kaniyang kilay. Napasigaw siya at umiyak. "Don't try me." Tumayo na ako mula sa kaniyang sikmura at tiningnan ang lahat ng aking nasa harapan. "Kapag hindi niyo pa kami tigilan sa pagtawag sa amin ng mga salitang pawang kasinungalingan ay makakatikim kayo sa akin." Banta ko sa kanilang lahat. "Hindi na mauulit master." Sabi ng ilang kalalakihan at ang mga babae naman ay umalis na palabas dito sa cafeteria. "Tara na." Sabi ko kay Mia at tumango naman siya, nanuyot na ang kaniyang mga mata sa kakaiyak kaya ngayon ay napaka pula ng mga ito. Tinapik ko ang kaniyang likuran habang kami'y naglalakad palabas sa cafeteria at iniwan na ang grupo ni Sussy. "Paano kung isumbong ka nila?" tanong niya sa akin matapos kong ilagay ang passcode ng aming silid. "Hindi." Nakaksiguro kong sabi sa kaniya at nauna na akong pumasok sa aming silid. Dumiretso ako sa banyo upang maghilamos at maalis ang baktiryang inilabas ng bruhang iyon. "Paano ka nakakasiguro?" Sumandal siya sa may pintuan ng banyo habang pinapanood niya akong ikalat ang sabon sa aking mukha. Nilingon ko naman siya at itinaas ko ang aking kanang hintuturo bago sinabi ang aking rason kung bakit hindi magsusumbong si Sussy. "Madali lang, hindi niya ilalaglag ang kaniyang sarili, nagpakalat siya ng maling impormasyon patungkol sa isang Variant at hindi lamang basta-basta, isa pang Zeid." Sagot ko naman sa kaniya at ipinagpatuloy na ang pagsasabon sa aking mukha. "Hmm, may point ka." Sabi naman niya habang ako'y sinimulan nang banlawan ang sabon. Matapos no'n ay pinunasan ko na ang aking mukha upang matuyot na at kaagad na lumabas mula sa banyo.  "Salamat nga pala." Sabi ni MIa habang siya'y nakaupo sa kaniyang kama, tiningnan ko naman siya ng may pagtataka. "Para saan?" tanong ko dahil hindi ko alam kung ano ang kaniyang ipinagpapasalamat sa akin. "Wala, gusto lang kitang pasalmatan." Umiling siya at inihiga na niya ang kaniyang sarili. Nagkibit balikat na lamang ako at pumunta ako sa aking cabinet upang kumuha ng alcohol. Hindi ko masasabing kaibigan na ang turing ko kay Mia pero sa nakalipas na linggo ay mas naging malapit pa kami sa isa't-isa at tuluyan narin akong nasanay sa kaniyang kadaldalan, para nga ring nahahawa na ako. Dahil sa tuwing nagkukwentuhan kami ay marami narin akong nasasabi. Umupo ako sa aking upuan at muling bumalik sa social media, deleted na ang post kaya't kumalma na ang aking diwa. Napangisi din ako sa mga chat ng aking mga ka batch. Ang bilis talagang kumalat ng tsismis, mas mabilis pa sa mga wildfire!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD